Agad kong kinapa ang gilid ng aking labi para tingnan kung ano iyong likido na iyon. Nang makita ko ang pulang likido, kumunot ang aking noo. Kaya pala medyo namanhid ang aking pisngi at labi. Napangisi ako at kaagad na kinuha ang aking purse saka tumalikod sa kanilang dalawa upang pumunta sa aking kuwarto. “Xianel!” sigaw ni daddy nang makarating ako sa hagdan. “Hindi pa tayo tapos mag-usap!” “Hayaan mo siya, Justin!” pigil naman ni mommy. Dali-dali akong umakyat sa hagdan at patakbong nagtungo sa aking kuwarto. Pabalang kong binuksan ang aking kuwarto at kaagad na isinara ito para hindi sila makapasok. Doble ang lock ng aking pinto kaya kahit gamitin man nila ang susi nila, hindi nila kaagad mabubuksan. “Xianel?” sambit ni Lance nang masagot niya ang aking cellphone. “Nakauwi na ako

