LXII

1214 Words

MAY KAKAYAHAN SILANG lumaban. Gumamit ng dahas kung nanaisin ngunit iyon ang pinakainiiwasan ni Hillion. Hindi niya hahayaang mangyari iyon lalo pa’t ang pakay naman nila roon ay iligtas si Aurora. Kailangan nila ito dahil sa sangkap na para sa kanyang kapatid. Iyon talaga ang dahilan. Hindi lang dahil nais nilang tumulong. Dapat din nila itong maibalik kay Merlin dahil mag-isa lamang ito at ang alaga na kasama sana ay may kumuha pa.  Hindi niya alam kung ano’ng dahilan kung bakit hindi maaaring makalabas si Merlin ngunit sa nakikita niya, inilagay ito ng kung sino roon upang magkaroon ng balanse ang islang iyon. Sa pamamagitan ng pag-obserba ni Merlin sa mga nangyayari sa isla at pagdedisisyon ng mga dapat gawin ay walang nagiging problema roon. Maaaring nagkasala rin ito at ang parusa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD