DAHAN-DAHAN ANG NAGING paglalakad nila patungo sa nasabing bahay. Naroon ang matinding pagdadalawang-isip kay Rocco kung tutuloy sa nasabing bahay o iiwasan na lamang ito upang gawin ang totoo nilang pakay sa lugar. Nang pumasok sa isipan niya ang sumagip sa kanila, saka lamang nabuo ang desisyon niyang magpatuloy sa paglalakad patungo sa misteryosong bahay na iyon. Habang naglalakad sa hardin nito, napansin ng mga mata niya ang iba’t ibang pananim na makikita lamang sa kanilang mundo ngunit narito sa mahiwagang bundok. Ang iba roon ay namumunga. Mayroon din namang namumulaklak. Pwede ring ipanggulay ang iba kaya naroon sa kanya ang labis na pagtataka. Bakit sa dinami-rami ng maaaring itanim sa hardin nito ay ang makikita pa sa mundo ng mortal ang naisip? “Kase iyan ang isa sa mga pab

