NAROON ANG MATINDING kaba na nararamdaman ni Rocco. Nakalimutan niya pang huminga sa loob ng ilang segundo habang nanood sa asawa niyang nakikipaglaban. Ngayon niya lamang ito nakitang gumalaw at kumilos nang ganoon katalino. Alam na alam nito ang ginagawa at parang sanay na sanay sa pakikipaglaban. Taekwondo lamang ang alam niya na martial arts ng asawa niya. Siya pa ang nag-enroll sa asawa niya dati upang matuto ito ng bagong kaalaman. Red belter na si Clairen sa larangang iyon. Hindi niya naman akalain na magagamit nito iyon sa mga kagapitang sitwasyon katulad na lang ngayon. Naroon ang pinaghalong kirot at kasiyahan sa puso ni Rocco. Kirot dahil hindi niya natulungan ang asawa dahil wala siya sa tabi nito. Saya dahil napagtanto niyang malaki pala ang naitulong ng pag-aaral na iyon sa a

