Chapter 5

2234 Words
Kinabukasan ay umuwi ang kaniyang tiya. Kita niya ang pagod sa mga mata nito. “Tiya,” aniya rito. “Kukuha lang ako ng bagong damit namin ni, Junior. Si Nicah na muna ang nagbantay sa kaniya sa ospital,” wika nito. Napatango naman si Loli. “Ako na po ang bahalang maglaba ng mga dala niyo,” aniya at kinuha ang hawak nitong paper bag. Napaupo naman ang tiya niya sa upuan at ilang saglit pa ay napahagulgol. Kaagad na napakunot-noo siya’t nilapitan ito. “Ano po ang nangyari?” tanong niya rito. Nag-aalala rin siya. “Gulong-gulo na ako kung saan pa lalapit, Loli. Alam kong hirap na hirap na rin kayo ni, Nicah. Ganoon din ang tatay mo. Naaawa ako sa sitwasiyon niyo, pero mas naaawa ako sa sitwasiyon ni, Junior. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa nating pagdaanan ‘to. Nagdurusa ang batang sana ngayon ay nag-aaral at nakikipaglaro sa mga kaibigan niya.” Hinaplos naman ni Loli ang likod ng tiya niya. “Walang magrereklamo, Tiya. Gagawin namin lahat para kay, Junior,” aniya rito. Tiningnan naman niya ang dalaga at hinawakan ang kamay nito. “Pagkatapos ng operasiyon ni, Junior. Panibagong babayaran na naman, Loli. Wala na akong malapitan pa. Baon na baon na kami ng utang ng tatay mo. Down-payment lang iyong pera na naibigay niyo ni, Nicah. Kapag hindi pa nakalabas si Junior lalong lalaki ang bill na babayaran sa hospital. Hindi ko alam kung ano ang gagawin at kung sino ang lalapitan. Halos lahat nalapitan ko na. Sobra na isang milyon ang kailangan nating bayaran,” wika nito. Napalunok naman si Loli. Hindi siya makagalaw. “Mababaliw na yata ako,” wika nito habang hawak-hawak ang kaniyang ulo. “G-Gagawan ko ng paraan,” aniya rito. “Anong paraan pa? Mayroon pa ba?” tanong nito. Halatang nawawalan na ng pag-asa. “Bakit kasi eh? Kung bakit kasi hindi na lang ako. Nakakapagod,” reklamo nito at sinasabunutan pa ang sarili. Kaagad na pinigilan naman ito ni Loli. “Tama na po, gagawan ko ng paraan. Hahanap ako, huwag kayong mag-alala. Malalampasan natin ‘to.” Tiningnan siya ng tiya niya at napahagulgol na lamang. “Hindi puwedeng makita tayo ni, Junior na ganito. May Diyos tayo. Magdasal lang tayo at manalig na pagagalingin niya si Junior. Huwag po kayong malugmok,” aniya rito. “May Diyos pa ba, Loli? Kung may Diyos bakit hinahayaan niya tayong magtiis nang ganito? Bakit hinahayaan niya tayong maghirap nang ganito? Bakit kailangan pa ang kapatid mo? Marami naman diyan na may mga pera ah. Bakit sa atin pa na isang kahig isang tuka?” asik nito. “Marahil hindi klaro ang rason, pero naniniwala akong may rason lahat ng ‘to tiya. Huwag kang mawalan ng pag-asa. Huwag kang mawalan ng tiwala sa Panginoon. Hindi naman niya tayo bibigyan ng problema na hindi natin kakayanin. Kaya natin ‘to. Sa ngayon, hayaan niyo muna akong gumawa ng paraan para makatulong. Hindi puwedeng panghinaan ka ng loob. Higit na kailangan ka ngayon ni, Junior,” saad niya. Napasinghot lamang ang tiya niya at tiningnan siya saka tinanguhan. “Tama ka, Lolita,” sagot nito. “Magpahinga na muna kayo. Ako na muna hahanap ng paraan,” aniya. Tumango ito ulit at tumayo. Inalalayan niya pa ito dahil mukhang mawawalan ng lakas. Nang makahiga ang ina-ina niya sa kuwarto nito ay huminga na lamang siya nang malalim at pumasok sa loob ng kaniyang kuwarto. Binuksan niya ang kaniyang durabox at napatingin sa card. Kinuha niya iyon at tinitigan. Ilang segundo rin siyang nakatitig doon bago kinuha ang kaniyang cellphone at tinawagan ang numero. Ilang ring pa bago iyon nasagot. “H-Hello?” aniya at halata ang kaba sa dibdib. “Yes?” ‘’Pumailanlang ang baritonong boses sa kabilang linya. Napalunok siya at inayos ang sarili. “Ahm...n-naalala mo pa ba ako?” tanong niya rito. “Wala naman akong binigyan ng personal number ko maliban sa ‘yo,” sagot nito. Natahimik naman si Lolita at napalunok. “T-Tungkol sa o-offer mo?” “Name your price,” wika nito. Hindi naman siya makasagot. “Still there?” tanong nito. “A-Ahm, i-isang milyon,” wika niya rito. Nakagat niya ang kaniyang labi. Katawan niya ang kapalit. Siguro naman ay hindi iyon kawalan sa binata. “Two million,” saad nito. “H-Huh?” gulat niyang wika. Hindi niya napigilan ang sariling mautal dahil sa gulat. “I’ll send someone to fetch you tomorrow. Hihintayin kita,” sambit nito. Napatango naman siya kahit hindi siya nakikita nito. “O-Okay,” aniya at pinatay na ang tawag. Napahigpit ang hawak niya sa kaniyang cellphone at napahinga nang malalim. Ilang beses niyang sinubukang pakalmahin ang sarili subalit lalong lumalakas ang kabog ng kaniyang dibdib. Pinukpok niya iyon at makailang ulit na huminga. Isu-surrender niya ang puri niya sa taong hindi niya kilala kapalit ng malaking halaga. Para sa kapatid niya gagawin niya iyon. Wala naman siyang ibang malapitan. Wala ring magpapautang sa kaniya panigurado dahil wala siyang maayos na trabaho. Napahiga siya sa kama niya at napapikit. “Para kay, Junior,” aniya. Kinahapunan ay nag-asikaso na rin siya. Umalis na rin ang ina-ina niya. Pagkatapos nga niyang maglaba ay nagluto na siya. Sakto namang paghain niya ay dumating na rin si Nicah. Mukhang pagod na pagod ito. “Kain na,” aya niya rito. Tumango naman ito at umupo na. Nagsimula na silang kumain nang mapansin niyang tila may pasa ang bandang leeg ni Nicah at ang braso nito. “Ano’ng nangyari sa ‘yo? Okay ka lang ba? May nanakit ba sa ‘yo?” tanong niya rito. Tiningnan naman siya nito at tila hindi nito nagustuhan ang tanong niya. “Pasensiya ka na kung nanghihimasok ako,” dagdag niya pa. Tiningnan lamang siya ni Nicah. “Hindi naman ako sinaktan o nasaktan,” sagot nito. “Ano ang nangyari diyan?” usisa niya. Uminom ng tubig si Nicah bago siya sinagot. “Nakipag-s*x ako, masiyadong wild sa kama kaya iyan ang inabot ko. Huwag kang mag-alala hindi ako sinaktan. Love bite lang ‘yan,” wika nito. Natameme naman ang dalaga at napainom ng tubig. Natawa naman si Nicah sa reaksiyon niya. “Bakit? Masiyado bang prangka ang sagot ko?” tanong nito. Natawa na rin siya at napatango. “Huwag kang gagaya sa ‘kin,” wika nito. May himig iyon ng pagsisisi. “Bakit?” tanong niya. “Ganito, tingnan mo ang nangyayari sa ‘kin. Okay naman ako kahit papaano kasi isa lang naman ang kumakantot sa ‘kin kapalit ng pera pero alam mo ‘yon? Iba pa rin kapag alam mong mahal ka ng taong gumagalaw sa ‘yo. In short, bayaran pa rin ako. Hindi ko alam kung ano ang ipaliliwanag sa magiging asawa ko kung sakali kapag nalaman niyang hindi na ako birhen. Pero Malabo rin yata na makapag-asawa ako at tratuhin nang maayos ng lalaki lalo pa sa klase ng trabaho meron ako,” sambit nito. “Mukhang bata pa ang kalampungan mo sa dami ng pasa mo,” sambit ni Lolita. “Oo, may lahi eh. Masiyadong mainit,” sagot ni Nicah. “Kaya ikaw, kahit ano ang mangyari huwag na huwag kang pakantot kung ayaw mong gumulo ang buhay mo,” sambit nito at sumubo na naman ng kanin. Napalunok na lamang si Lolita at tiningnan siya. “May tinatago ka ba sa ‘min? Kumusta naman iyong lalaking nagbigay sa ‘yo ng one hundred K? Hindi ka ba ginugulo?” tanong nito sa kaniya. Mabilis na umiling naman siya. “H-Hindi,” mabilis niyang sagot. Mukhang hindi kumbinsido si Nicah sa sagot niya. “Alam mo Loli, tayong mga babae masiyadong malambot. Nasa nature talaga natin na nagiging tanga kapag na-in love. Kaya sana, huwag kang magkikiyemeng sabihan ako kung sakaling may problema ka o ano lalo na sa lalaki. Kilala kita kahit pa sabihing hindi kita totoong kapatid. Mas matanda ako sa ‘yo kaya kargo rin kita kung sakaling may hindi magandang nangyari sa ‘yo. Kumusta na pala kayo nu’ng boyprend mong mahangin?” usisa pa ni Nicah sa kaniya. “Hiwalay na kami. Pumunta na naman siya rito pero pinaalis ko rin kaagad,” sagot niya. “Buti naman, ayaw ko lang makialam sa relasiyon niyo kaya tahimik ako. Pero masiyadong makapal na ang mukha niyan at niloloko ka nang harap-harapan. Dapat lang na hiniwalayan mo,” wika nito. Tumango naman siya at hindi na umimik pa. “Pasensiya ka na kung matabil ang dila ko,” dagdag nito. Tiningnan naman ito ni Lolita at nginitian saka umiling. “Hindi, mas naramdaman ko pa nga na may ate ako. Masaya ako at nakakapag-usap na tayo kahit papaano,” saad niya rito. “Pasensiya ka na rin kung hindi tayo naging close. Sa dami ng problema ng pamilya natin lalo na si Junior wala na akong oras para makipag-usap sa inyo. Marami kasi akong tinatrabaho,” sambit nito. Tumango naman si Lolita. “Naiintindihan ko,” sagot niya rito at nginitian si Nicah. Sabay na napatingin sila sa cellphone niya nang umilaw iyon at na-receive ang mensahe galing sa unknown number. May address doon at iba pang detalye. Mabilis na kinuha niya naman iyon at itinago. Kinunutan naman siya ng noo ni Nicah. “Loli,” saad nito. “W-Wala ‘yon, wrong send lang panigurado,” sagot niya rito at iniwas ang tingin dito. Tiningnan lamang siya ni Nicah. “Nasa tamang edad ka na, alam mo na kung ano ang tama at mali. Hindi ko panghihimasukan ang mga desisyon mo sa buhay pero gusto ko lang ipaalala sa ‘yo na may mga bagay rin akong pinagsisihan na ayaw kong balikan. Ayaw kong maranasan mo ang naranasan ko. Hindi ko gugustuhing makita kang nasasaktan dahil dumaan na ako riyan,” wika nito. Tumango naman siya. Naiintindihan naman niyang nag-aalala lang ito sa kaniya. “Bago mo gawin ang isang bagay, tanungin mo muna ang sarili mo kung tama ba? Kung worth it ba na isugal ang buong pagkatao mo,” wika nito. “Salamat sa paalala pero huwag kang mag-alala sa ‘kin,” sagot naman niya. Tumango lamang si Nicah. Pumasok na siya sa kuwarto niya pagkatapos at mabilis na tiningnan ang text sa kaniyang cellphone. Bukas ng hapon ay may suusndo sa kaniya. Maghihintay lamang siya sa labas. Huminga siya nang malalim at hinawakan ang kaniyang puso. Kinapa niya kung may pagtutol ba kaso wala. Siguro nga ay talagang kumbinsido na siya na gawin ang lahat ara sa kapatid niya. ----------------------------------------------------------------------------------------------------- Kinabukasan ay maaga siyang umalis at pumuntang tindahan sa unahan sa kanila para bumili ng maayos-ayos na damit. Hindi naman puwedeng pupunta na naman siya roon na butas-butas. Habang namimili nga ay narinig niya ang tawanan ng mga babae sa gilid. Mukhang tinitingnan pa siya. “Iyan ba ‘yong jowa ni, Derek? Ano ba ang kinakain niyan at mukhang lapitin ng mayaman?” “Siyempre tuyo,” sagot ng kasama ng babae at nagtawanan sila. Hindi na lamang pinansin ni Loli ang narinig at nang makapili ay kaagad na binayaran ang damit. “Ano ba ang nakita niya sa babaeng ‘to? Halatang hampas-lupa naman. Tingnan mo nga ang postura niya parang tindera sa palengke na dalawang araw walang ligo,” wika naman nu’ng isa. Naikuyom ni Loli ang kamay niya. Kita niya pa ang pagngiti ng tindera at mukhang aliw na aliw rin sa narinig. “Iyan lang bibilhin mo? Ilang taon ba ang expiration ng damit na ‘yan?” natatawang tanong ng babae sa kaniya. “May expiration ba? Paniguradong hangga’t hindi nakikita ang kaluluwa niya sa damit na ‘yan gamit na gamit ‘yan,” sagot naman ng kasama nito. Huminga na lamang nang mallaim si Lolita at piniling huwag na lamang itong pagpansinin. “Paniguradong jinowa lang naman ‘yan ni, Derek para tikman. Maliban sa mukha niya’t p**e, ano pa ba ang pakay ni, Derek sa kaniya? Masiyadong mataas lang mangarap. Hoy, bababe! Kung inaakala mong seseryosohin ka ni, Derek huwag kang feeling. Hindi kayo bagay.” Gusto niyang umalis na lang pero hindi niya napigilan ang sarili niya at hinarap ang mga ito. Pumara muna siya ng traysikel para sigurado. Natawa siya nang pagak at tiningnan ang mga ito. Sinisgurado niyang nakakainsulto ang tingin niya para manliit ang mga ito. “Anong klaseng tingin ‘yan?” wika ng babae. “Hindi baleng hampas-lupa ako at pabalik-balik ang suot ng damit kaysa naman magkaroon ng ganiyang mukha. Hindi na nga kagandahan ang pangit pa ng lumalabas sa bibig niyo. Bawiin niyo na lang sana sa ganda ng ugali para kahit papaano may sense ang pinagpuputok ng butsi niyo. Kaso pati ugali wala kayo. Pati cosmetic surgeon mahihirapang pagnadahin kayo sa sama ng mukha niyo. Parang kinurot ng pitong demonyo ang pagmumukha niyo sa totoo lang. Inyong-inyo na si Derek. kung puwede, lunukin niyo nang buo. Hindi ako magkukumahog sa taong cheater. Hindi ko rin problema na hindi niya napapansin ang kagaya niyo. Kahit naman sinong mga binata mag-aatubiling lapitan kayo dahil ang papangit niyo,” aniya at mabilis na sumakay. “Tara na po, manong,” nagmamadaling aniya habang nakangiti. Umalis naman sila kaagad. Rinig niya ang late reaction ng mga babaeng nagsisigaw. Natawa na lamang siya at kahit papaano ay gumaan naman ang kaniyang pakiramdam sa nangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD