Kagat-kagat ni Loli ang kaniyang hinlalaki habang nakaupo sa couch ng living room at hinihintay na umuwi si Callum. Baka nga ay mamaya pa iyon at anong oras pa. Masiyado pang maaga. Alas-sais pa lang kaya sigurado siyang mamaya pa iyon at busy ito. “Uyy, hinihintay niya,” tukso sa kaniya ni Geng-Geng. Napangiti lamang siya rito. Kababakasan sa kaniyang mukha ang hiya. “Sus! Nahiya pa talaga,” dagdag pa ni Geng-Geng. Akmang bubuksan pa sana niya ang TV nang may humintong sasakyan. Kaagad na parang nagsikarerahan naman ang kaniyang puso. “Nandito na si Callum,” aniya. Umayos siya sa kaniyang pagkakaupo. Nang makapasok ito ay kaagad siyang napatayo. Nakukurot niya ang sariling daliri dahil sa kaba. Nakatingin lang siya rito at ganoon din naman ang binata sa kaniya. Tila alanganin pa ito

