TUMAGAL din ang pag-uusap namin nang mahigit isang oras. Maraming bagay na naman akong nalamang lihim tungkol sa buhay ni Nikki na noon lang niya isiniwalat sa harap ng aking ama. Ang ama ko na akala namin noon ay kaaway. Habang isinasalaysay ni Nikki ang lahat ay magkatapat sila ng aking ama sa sofa habang kami naman ay magkatabi at magkahawak kamay sa mahabang upuan. “My mother Dolores died from heart attack when she learned about my father’s illigitimate child. Nagkaanak si Papa sa katiwala namin noon sa Rancho. Sabi ni Papa it was his only affair at isang beses lang nangyari iyon. Magkasing-edad kami ni Nicolai. Hindi kinaya ni Mama ang sakit. Nagalit si Papa kay Nicolai dahil nagpakilala pa ito sa amin at hindi na lang nanatili sa Benguet, sa kinalakihan niyang pamilya. A

