GUSTO ko nang maniwala na wala talagang alam sina Carla at Draco sa plano ng aking ama. Ang tanging sinabi lang nila ay ang alam na namin ni Z. They lured Nikki into trusting them then double crossed her to gain more money from my father. Kahit ang truth serum na ginamit namin ay wala ring epekto. May ibang taong kumuha kay Pasquale at hindi nila alam kung sino. Ang isang bagay lang na hindi namin maintindihan ay ang sinabi ni Draco na sinadya ni Don Pietrong ipaalam kay Nikki na balak siyang patayin nito. Bakit? “Z, napanood mo ang footage?” Napabuntonghininga ako habang nakatingin sa natutulog kong asawa at saka tumungo sa sala upang hindi siya magising sa pag-uusap namin ni Z sa telepono. Bumalik kami kaagad ng Rancho Saragoza dahil sa sumama ang pakiramdam ni Nikki. Dala mara

