ALA-SAIS na ng gabi nang magising kami ni Nikki. May kaunting liwanag pa mula sa labas. Nakabukas na rin ang dim lights ng silid. Nakatulog pala ako sa tabi niya. She woke me up with a main purpose in mind. Yumakap siya sa beywang ko at bumulong. Kahit sino ay magigising sa mga sunod niyang ginawa. “Pierre...” “Mmmm...Baby?” “I’m hungry. Gusto ko ng baloooot.” Ginaya pa niya kung paano isinisigaw ang balot ng mamang naglalako. I smiled and turned to face her. “Ha?” Dahil sa lapit ng mukha namin ay kinailangan kong ibaling palayo ang mukha ko para makita ko siya ng maayos, “balot? ‘Yong itlog?” “Oo. Duh!, anong balot ba iniisip mo?” umirap pa siya at hindi ko napigilang mapangiti, bago nag-register ang mga sunod na sinabi niya, “Gusto ko ng balot tapos lalag

