Chapter 19
JIHYOUNG'S POV
Nakapangalumbaba kong pinanuod sila Chanyoung habang nagpa-practice sila ng sayaw. Member ako ng music club pero hindi ng theatre kaya naman hindi ako kasali sa sayaw sayaw nila.
Nandito lang naman ako to show support, saka ang sabi kasi ni Asher Oppa, may meeting din daw kami after ng practice nila.
But since hindi pa sila tapos, tamang nuod lang muna ako sa kanila. Kinuha ko na lang ang notebook ko at binuklat ang listahan na ginawa ko.
*Be with my family✅
*Sleepover with friends✅
*Camping sa beach
*Pumasyal sa Amusement Park
*Watch a firework display
*Write a song
‘Two down!’
Magkahalong tuwa at lungkot ang naramdaman ko sa ideya na unti-unti nang natatantusan ang listahan ko.
“What's this?” tanong ni Stephen at inagaw pa sa akin ang notebook ko. Akma kong babawiin pero huli na. Nabasa na niya. Kunot-noo siyang humarap sa akin bago taas-kilay na nagtanong, “Bucket List?”
“Ah… O-oo,” Naalangan pa akong ngumiti sa kanya bago siya lapitan. Ayokong ipahalata na nagpapanic na ako deep inside. As much as possible, I want to keep everything a secret.
“Para saan?”
“W-wala lang. Dapat ba may reason kapag gumawa ng bucket list?” I even faked a smile. “I just want to have a list of things that I want to do. You know, I just got here and I've missed so much, that's why I need a lot of things to catch up.”
“Sabagay,” bulong niya bago ibalik sa akin ang notebook ko. “Makagawa nga rin ng bucket list,” aniya bago maupo sa tabi ko. "Okay 'yang idea mo, a? Patingin nga ulit nung list mo.” Kinuha niya ulit yung notebook ko at pinasadahan iyon ng basa. “Uy, tamang-tama pala, e.”
“Bakit?”
“May free tickets ako sa isang local amusement park. Lagyan na natin ng check 'tong list mo,” aniya kaya napangiti akong bigla.
“Jinja?” Excited pa akong humarap sa kanya. "Pwera biro?"
“Oo nga. Ride-all-you-can pa. Ano? Sama ka sa akin?” Nakangiti niyang tanong kaya tumango ako.
“Kailan tayo aalis?” tanong ko.
“Gusto mo, ngayon na e.”
“Luh, may practice kaya kayo ngayon. Tatakas ka?” Natatawa kong tanong. Tumango siya bilang sagot kaya hinampas ko siya ng notebook ko. “Siraulo!”
“Aray! Half day lang naman kasi yung practice ngayon, e.” sagot niya habang hinihimas ang braso niyang tinamaan ng notebook ko.
“Sure ka ba?” Paninigurado ko.
“Oo nga. Bubulungan ko na lang si Grayson at Henry. Dalawa lang kasi yung tickets ko,” bulong niya sa akin.
Tumingin ako kila kuya. Seryoso silang nag-uusap na tila ba may pinagtatalunan sila.
‘Ano kayang issue ng mga kuya ko?’
“Ang tanong, papayagan ba ako nila kuya nang hindi sila kasama?” tanong ko kay Stephen bago ibalik sa kanya ang aking tingin. Nagulat ako nang makitang nakatingin pala siya sa akin at matamis pang nakangiti. “W-wae?” Bahagya pa akong umatras. “S-Stephenshi? Gwaenchanayo?”
“Dae…” Nakangiti pa rin niyang sagot habang nakatingin lang sa akin.
“Yah! Niloloko mo yata ako, e!” reklamo ko at piningot pa ang kanyang tainga.
“A-araaaaay!” sigaw niya kaya tinakpan ko ang maingay niyang bibig.
“Mianhe! Mianhe!” Nagbow pa ako sa mga kasamahan namin na pawang mga nakatingin na sa amin.
‘Ang ingay kasi, e.’
“Sakit, a?” reklamo niya habang nakahawak sa tainga niya. “Hindi naman kita niloloko, e.”
“Hindi daw,” nakanguso kong bulong. “Tinatanong kita, e. Ayaw mong sagutin. Ngiti ka nang ngiti.”
“Nakangiti lang, nangloloko na agad? Hindi ba pwedeng natutuwa lang ako? Masaya lang?” Katwiran niya. “Ano nga ulit yung tanong mo?”
“I was asking if papayagan kaya ako nila kuya kapag hindi sila kasama?”
“Sus! Huwag kang mag-alala. Papayagan ka nila. Akong bahala,” sagot niya bago tumayo. “Balik na ako sa practice namin. Mamaya, ha?”
“Dae!”
Kumaway pa ako sa kanya bago balikan ang bucket list ko.
‘Sana magawa ko lahat. Kakayanin ko pa kaya? Aabot pa ba ako?’
Nagpakawala ako nang malalim na buntong hininga.
Three months ago, I was diagnosed to have cancer. Bone marrow cancer. I don't think I need to give further explanation because to cut the long story short, I'm sick. Mali pala, I'm not sick because I'm dying.
Hindi sa pagiging OA, pero iyon ang totoo.
One of the doctors from China said that If I'm lucky enough, I still have a year to live. So, I still have twelve months to do everything. Mali na naman pala ako, nine months na nga lang pala dahil ginugol ko ang unang tatlong buwan sa pag-iisip kung paano ko sasabihin sa pamilya ko na malapit na akong mawala.
It was too painful. I was fighting a battle alone. A war that will surely kills me in the end.
But after wasting of three months of denying the truth, I decided to went home. Pero sa loob ng ilang linggo, naduduwag pa rin akong malaman nila ang totoo.
Natatakot akong masaktan sila.
I can bare the pain myself. Pero ang makitang masaktan sila mama, hindi ko kaya. I can't bare to see their eyes filled with tears. Hindi na ulit.
“Hyongie? May problema ba?” tanong ni Kuya Grayson. Hindi ko napansin na katabi ko na pala siya. “Are you crying?”
“Hindi, a!” Pagtanggi ko. “Inaantok lang ako,” pagsisinungaling ko pa.
“Gusto mo bang umidlip muna?” tanong niya at pumwesto pa ng upo sa tabi ko.
“Nope. I'm fine.” Nakangiti kong sagot bago sumandal sa balikat niya.
“Kuya…”
“Bakit, bunso?”
“Malulungkot ka ba kung aalis ako?”
“Anong klaseng tanong 'yan?” Bakas sa boses niya ang pagkairita pero hindi ko iyon pinansin. “Plano mo bang umuwi na sa Mainland? Iiwanan mo na ba kami? Ayaw mo na ba dito?”
Umayos ako ng upo at humarap pa sa kanya. Halos magdugtong ang dalawa niyang kilay kaya ngumuso ako.
“Mainland agad? Hindi ba pwedeng may lakad lang ako nang hindi ka kasama?”
“Napaka-random naman kasi ng tanong mo." Full of relief niyang sagot. "Saan ba lakad mo? Saka sino kasama mo? Sila Chanyoung ba?”
“Hmmn… Nag-invite kasi si Stephenshi, e.”
“Si hyung?”
“Dae.”
“Saan daw punta niyo?” tanong niya.
“May two free tickets daw siya, e. Sayang naman if hindi namin gagamitin. Diba?”
“Ah…” Tumango pa siya. “Ayos lang naman. May tiwala naman ako kay Stephen Hyung, e.”
“Jinja?”
“Oo naman.” Tumango pa siya. “Ako nang bahala kila mom at dad. Pati kay Henry.” Ngumiti pa siya at ginulo ang buhok ko.
“The best ka talaga, kuya!” sigaw ko at humalik pa sa pisngi niya.
“Syempre naman. Anything for my princess.” Umakbay pa siya sa akin. “Tingnan mo, kanina pa ako napapa-english sayo, e.”
Tumawa ako at yumakap sa kanya.
This is not the right time to tell him. I'm not ready yet.
CHOI STEPHEN
“Akala ko ba ayaw mo nito?” Nakasimangot na tanong ni Baekho Hyung. Inismiran pa niya ako at itinago sa likuran niya ang ticket na hinihingi ko. “Doon ka na nga sa club mo. Porket may bago ka nang club, nakalimutan mo nang maki-hangouts sa amin.”
“Hyung naman, e. Hindi naman sa ganoon,” sagot ko at napapakamot pa sa ulo na kinalabit siya. “Sige na. Bigay mo na yung tickets. Sabi mo kanina, sa akin na yan, e.”
“Oh diba? Sinabi mo din kanina na ayaw mo dito? Hindi ka interesado at wala kang time? Doon ka na sa clubmates mo. Nakakaistorbo ka sa practice namin ng basketball.” Inismiran pa niya ako.
‘I need to get those tickets. Nasabi ko na kay Jihyoung ang tungkol 'don kaya kailangan kong makuha ang mga 'yon.’
Hindi ko naman kasi alam na magagamit ko yung tickets e. Nakita ko lang naman kasi yung bucket list ni Jihyoung e. Sayang naman yung oppurtunity.
“Hyung? Jebal? Kahit bilhin ko na 'yan sayo.” Lahat ng pagpapa-cute, ginawa ko na.
“A.yo.ko.” Matigas niyang sagot. “Gagastos ka pa para lang makasama mo si Asher o Chase? No way! Nababakla ka na naman yata sa dalawang 'yon, e.”
“Una sa lahat sa hindi ako bakla. Pangalawa, hindi naman sila kasama ko, e.” Bulong ko. Malaki kasi ang selos na nararamdaman nitong mga kuya ko sa mga kaibigan ko lalo na kila Asher at Chase.
Sa Varsity kasi talaga ako originally nagte-training noon, then I met Asher. Sakto naman na pareho din naming hilig ang pagsasayaw kaya, ayon, nabuo na nga ang Dance Troupe.
“Hindi sila? At sino namang kasama mo, aber?” Taas kilay niyang tanong kaya napakamot ako sa batok ko. “Sagot!”
“Si Jihyoung,” bulong ko.
“Sino?” tanong niya.
“Si Jihyoung nga. Yung bunsong kapatid nila Henry at Grayson.”
“May kapatid pa ba sila?” tanong ulit niya kaya tumango ako bago ipakita sa kanya ang picture ni Jihyoung sa cellphone ko. “Jinja?! BAKIT HINDI MO KAAGAD SINABI NA BABAE NAMAN PALA YUNG KASAMA MO?!” sigaw niya at ikunulong pa ang leeg ko sa kilikili niya. “Guys! Binata na si Stephen!”
“Ayieeeh~ lover boy na ba si baby boy?” tanong nila JR hyung kaya sumimangot ako.
“Luh! Ako kaya ang baby boy,” singit ni Ren sa usapan pero tinawanan lang siya ng iba.
“Ano Stephen? Kailan mo ipapakilala sa amin yung chicks mo?” tanong niya at mas inipit pa ako.
“Hyung! Masakit!” protesta ko.
“At dahil ipangde-date mo sa babae ang tickets na 'to,” aniya at hindi man lang inintindi yung pagrereklamo ko. Inilabas na niya yung ticket. “Dadagdagan ko pa 'yan ng pocket money!” Nakangiti siyang naglabas ng cash mula sa wallet niya. “Shooo! Lumayas ka na dito at nakakaistorbo ka. Annyeong!”
“Komawong, Hyung! Saranghae! (Thank you, Bro. I love you!)," Nag-finger's heart at flying kiss pa ako sa kanya. Game na game naman niyang sinalo iyon at inilagay sa kanyang pisngi.
Natatawa akong tumakbo pabalik sa auditorium habang nakahawak sa nananakit kong leeg. Ganoon lang talaga ka-sweet sa akin ang mga bati kong kasama sa try-out ng basketball.
Naipagpaalam ko na si Jihyoung kina Gray at Henry kaya naman nauna nang umalis yung iba dahil may kanya-kanya din pala silang mga lakad at naghihintay naman sa akin si Jihyoung sa auditorium. Nagtext sya sa akin na katatapos lang daw ng meeting niya kasama ang mga co-members niya sa music club.
“Jihyoung!” tawag ko sa pangalan niya. Nakaupo siya sa harap ng malaking organ at abala sa pagtipa. “Alis na tayo,”
“Dae!” Masigla niyang sagot magkaraan ay nag-imis na ng mga gamit niya habang nagpapatay naman ako ng mga ilaw. Mahirap na at baka mapagalitan pa ako ni Chairman. Mabuti nga at pumayag sya na gamitin namin ang auditorium ngayon araw kahit pa wala namang pasok.
Siya naman kasi, e. Ang ganda na ng line up at story concept na nasa proposal ng Theatre Club, pinapalitan pa nya.
Matapos na masigurong naka-lock na ang pinto ay magkasabay na kaming naglakad papunta sa kotse ko.
“Komawo,” aniya matapos ko siyang tulungan sa pagsusuot ng seatbelt. “I'm excited!”
“Me too,” pagsang-ayon ko.
"Malayo ba yung theme park dito?" tanong niya habang nakasilip sa labas bintana.
"Ani. Mga thirty minutes drive lang kapag walang traffic," sagot ko at inilagay na sa waze yung destination namin para hindi kami maligaw. "Gusto mo, mag-lunch na muna tayo?"
"Hindi na. Doon na lang tayo kumain." Suhestiyon niya kaya tumango ako. "Pero iidlip muna ako. Inaantok ako, e." Ngumiti pa siya sa akin kaya napangiti na rin ako.
"Here, use this." Inabot ko sa kanya ang neck pillow ko. "Baka mangalay ka."
"Sweet naman ng Stephenshi ko," bulong niya kaya bahagya akong nasamid. Nag-iwas ako ng tingin dahil pakiramdam ko'y namumula na naman ako. "Komawong (thanks)," pasalamat pa niya kaya umayos na ulit ako ng pwesto. "Stephenshi, hinaan natin yung aircon. Malamig, e."
"Dae," Tila nanigas ako nang magtama ang mga kamay namin nang sabay naming abutin yung aircon. "M-mianhe,"
"Para saan?" Kunot-noo niyang tanong habang ina-adjust yung temperature kaya umiling ako.
"M-matulog ka na," mahina kong utos na tinanguan lang niya bago sumandal at pumikit.
'What are you doing to me, Jihyoung?'
Hindi ako pamilyar sa ganitong pakiramdam, e. This is very unusual. Hindi ako sanay nang ganito. Si Jihyoung ang unang babae na nagpakabog nang malakas sa dibdib ko.
At first akala ko, normal lang ang nararamdaman ko dahil sa totoo lang, parang kapatid pa nga ang turing ko sa kanya. Hindi rin naman na bago sa akin ang magkaroon ng babaeng kaibigan dahil malapit din naman ako kila Jihan since magkakasama kami sa Club. Pero pagdating kay Jihyoung... she's always someone special, someone I always want to see. I always wanted to make her smile. I want to protect her no matter what.
'Normal pa ba 'to?'
'Pagtingin pa ba sa isang kaibigan o kapatid ang nararamdaman ko? Or is it something else?'
NAKANGITI kong ginising si Jihyoung nang makarating kami sa aming destinasyon. "May tulo laway ka pa,"
"Jinja?!" sigaw niya at tumingin pa sa salamin. "Yah!" sigaw ulit niya at hinampas ako sa braso. "Niloloko mo na naman ako, e!" singhal niya kaya tinawanan ko siya bilang sagot. "Natatawa ka pa, ha! Bwisit ka talaga, e."
"Joke lang naman, e." Depensa ko habang inaalis ang aking seatbelt. Nauna na akong bumaba kaya naman nagmamadali akong umikot para ipagbukas siya ng pinto. "Ready?" tanong ko at nag-alok pa ng kamay.
"Hmp!" ismid niya pero tinanggap pa din ang kamay ko. "Wag kang magpa-cute," aniya kaya natawa ako.
"Bakit? Effective ba?" Pumikit-pikit pa ako sa kanya.
"Ugh! Dae! Stop doing that!" sigaw niya ulit bago ako ngusuan. "Kyeoptaaaa~" aniya at pinisil pa ang magkabila kong pisngi. "Hmp! Putulin ko 'yang pilikmata mo, e." Dagdag pa niya kaya ako naman ang napanguso.
"Kasalanan ko bang cute ako?" mahina kong reklamo bago siya akbayan papunta sa ticket boot para makuha na namin yung stamp namin na ride-all-you-can. "Anong uunahin natin?" tanong ko nang matatakan na kami.
"Space shuttle!" Excited niyang sagot pero kaagad akong tinakasan ng tapang. Ilang beses pa akong napalunok ng imaginary laway ko dahil hindi ko naman expected na extreme rides pala ang tipo niya. "Wae? Don't tell me, naduduwag ka?"
"A-ako? Tss! Tara na. Pumila na tayo!" Mayabang ko pang sagot dahil ayoko namang mapahiya sa kanya.
"Assa!" sigaw niya at mabilis pang tumakbo kaya't naiwanan na ako.
"Yah! Baka madapa ka!" sigaw ko at hinabol na siya.
"Ppali, Stephenshi!" Parang bata pa siyang umikot-ikot habang abot-tainga ang pagkakangiti. Pumwesto na siya sa pila at kahit pa mahaba pa ang pila. Ramdam ko na ang kaba.
'Pwede pa kaya akong mag-backout?'
"Stephenshi, pagnakasakay na tayo. Hawakan mo ang kamay ko, ha? Natatakot ako, e." aniya.
'Natatakot din naman pala siya, e. Huwag na kaya naming ituloy?'
"Tapos, wag kang mabibingi kapag sumigaw na ako, ha? Gusto ko kasi talagang sumakay, e."
"Don't worry. Ako nang bahala sayo," nakangiti kong sagot at ginulo pa ang kanyang buhok.
'Bahala na nga!'
Kinuha niya ang kamay ko at pinag-intertwine iyon sa kamay niya. "Kinakabahan ako, e." Nakangiti niyang bulong. Bahagya pa siyang namula kaya napangiti ako.
'So cute!'
"May parade!" aniya at kinuha pa niya ang aking kamay at nagmamadaling humanap ng pwesto kung saan makikita namin nang mas maayos yung parada ng mga mascots. "Waaah~ annyeong!" Kumaway-kaway pa siya sa mga ito.
Nahihilo pa ako sa huli naming sinakyan pero mukhang ako lang ang nakakaramdam 'non.
Jihoung was too busy watching the parade while I keep my eyes on her. "Yepeunda," bulong ko.
"I know, right?" Nakangiti niyang sagot nang hindi inaalis ang tingin sa mga pumaparada.
She has no idea. Wala ang interest ko sa pinapanuod niya.
Yumuko ako at lihim na napangiti. Para na siguro akong siraulo.
"Stephenshi..."
"Wae?" Nag-angat ako ng tingin.
"Last na talaga, to. Sakay tayo doon," aniya at itinuro pa ang higanteng ferris wheel. "Jebal?"
"Hindi mo kailangang magpa-cute sa akin." Inilahad ko ang aking kamay sa kanya at ako na mismo ang naunang naglakad papaunta sa pila ng ferris wheel.
"Cart number 17 na po kayo." Itinuro pa sa amin ng crew ng theme park ang papalapit sa amin na cart kaya inalalayan ko si Jihyoung na makasakay sa loob. "Enjoy the ride po," magiliw pa itong yumuko sa amin kaya gumanti na lang kami ng ngiti.
"Here we go~" ani Jihyoung habang nakatingin sa labas. Nakalubog na ang araw kaya naman habang tumataas kami, mas nakikita namin ang pinaghalong dilim at liwanag mula sa mga sasakyang dumadaan sa paligid ng theme park. "Selfie tayo!" aniya at inilabas na naman ang cellphone niya. "hana... dul... set! Isa pa... hana... dul... Woah! Fireworks!"
Sabay na napukaw ng makukulay na liwanag ang aming atensyon.
Akmang itataas ni Jihyoung ang cellhone niya kaya inawat. "There are things in life that doesn't need to be captured," nakangiti kong bulong. "Just enjoy the moment," dagdag ko ba bago siya ikulong sa aking mga bisig. "Jihyoungssi, otteoke?"
"Wae?" tanong niya na hindi manlang nagprotesta sa pagkakayakap ko sa kanya.
"Neoleul joh-ahae.," mahina kong bulong at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sa kanya.
"B-bo? What did you just say?" tanong niya at akmang aalis sa pagkakayakap ko. "Stephenshi?"
"I think I like you so much that it makes me crazy. Otteoke?" pag-amin ko. Ipinatong ko pa ang baba ko sa balikat niya.
"Stephenshi..." Mahina din niyang bulong.
Hindi ko alam kung bakit mas kinakabahan ako gayong wala siyang ibang sinasabi kung hindi ang pangalan ko. "Dae, otteoke? Nado neoleul joh-ahaeyo, (yes, what are we gonna do? I think I like you too)" malinaw ko namang narinig ang sinabi niya pero may parte sa akin na hindi makapaniwala.
"Can you say that again?" hiling ko matapos humiwalay sa pagkakayakap ko sa kanya.
"I think I like you, too." Namumula niyang sagot kaya't napangiti ako bago siya yakapin ulit.
'I think, I'm the happiest man alive,'
"But..." bulong niya. "I don't think we're both ready for this." aniya at kumawala pa sa pagkakayakap ko.
Sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan namin. Tila nawalan din ng tunog ang maingay na pagputok ng mga fireworks sa paligid.
I looked at her.
She was staring blankly at the colorful sky.
"Hey..." pagtawag ko sa atensyon nya. "We don't need to rush things up." Nakangiti kong bulong at iniharap pa siya sa akin. "Ayaw ko din namang biglain ang lahat. Because to be honest, ako sa sarili ko nabibilisan din ako. And you're right. We might not be ready yet, but atleast diba? Malinaw sa ating dalawa kung ano tayo para sa isa't-isa. We both like each other."
"Stephenshi..."
"You don't have to say anything else. Sapat na sa akin na alam ko kung ano yung nararamdaman mo para sa akin. Let's take it slow." Suhestiyon ko pa.
Matagal siyang nag-isip bago salubungin ang mga tingin ko.
"Kre. Let's enjoy every moment we have until it lasts." aniya at ngumiti pa sa akin bago muling tumingin sa maliwanag at makulay na kalangitan. "I do really like you though," aniya kaya napangiti ako.
"Nado," bulong ko at sinabayan na sya sa panunuod ng fireworks.
I know.
This is the best thing for us, for now. Hindi naman namin kailangang madaliin ang lahat. Ayokong i-rush kung anuman ang mayroon kaming dalawa. I want us to be ready and sure. I want to know her more. I want to spend more time with her.
JIHYOUNG'S POV
HINDI KO alam kung tama ang naging desisyon ko. Oo. Gusto ko talaga si Stephen pero may parte sa akin ang nagdadalawang-isip. Ayoko kasing dumating kami sa panahon na pati sya masasaktan kapag nawala na ako. Hindi ko gusto na paasahin sya na makakasama nya ako nang mas matagal pero may isang parte din sa akin na gustong pagbigyan ang puso ko.
Gusto kong maranasan pa din yung magmahal at mahalin kahit sa maikling panahon na mayroon ako. Gusto ko na i-enjoy ang kung anuman na pwede kong enjoy-in hangga't kaya ko pa.
Wala naman sigurong masama, diba?