Chapter Eighteen
JIHAN'S POV
“Ano ka ba, hindi talaga tatayo 'yan kapag hindi mo hinawakan nang maayos,” reklamo ko kay Owen. Napakamot lang siya sa kanyang ulo bago higpitan ang pagkakahawak niya sa tent na magkatulong na naming binubuo. Kanina pa kasi niya sinusubukang itayo yung tent at ako na ang nahihirapan para sa kanya kaya nagmagandang loob na ako.
“Paraa saan ba 'to?” tanong niya at ipinakita pa sa akin ang parang tela.
“Molla,” Nagkibit-balikat pa ako.
“Hay nako, ateng! Uso kasi ang manual!” ani Minsuel at iniabot pa sa akin ang isang booklet na kaagad ko namang tinanggap.
‘May manual naman pala kasi. Pinapahirapan namin ang mga sarili namin.’
“Luh! Yoko nito! English!” sigaw ko at ibinigay iyon kay Owen.
Naiiling niyang kinuha yung manual at tahimik itong binasa. “We're doing it the wrong way,” aniya at kumamot pa sa kanyang ulo bago baklasin ang nasimulan na naming buoin.
Sa tulong ng manual, mabilis naming natapos ang tent. “Good job!” sabay naming komento sa isa't-isa kaya natawa kaming pareho.
“Punta na ako 'don,” paalam ko at itinuro pa ang pwesto ni Chanyoung na abalang nagpapabaga ng uling kasama ni Henry.
“I don't think they need you there,” bulong niya kaya napalingon ulit ako kila Chanyoung. Ang ganda ng ngiti ng gaga. “It'll be better if you stay here.” He tapped his side and signaled me to sit.
“O-okay,” mahina kong sagot at naupo na nga sa tabi niya. Ngumiti lang siya sa akin bago kuhanin ang gitara niya.
Nag-umpisa siyang mag-strum kaya napangiti ako. Napapatango pa nga ang ulo ko na akala mo'y sumusunod sa malumanay na beat ng pagtugtog niya.
“Yeah…” Umpisa niya. “Sunday morning, rain is falling,”
“Luh! Friday pa lang kaya,” sabat ni David at pinaikutan pa ng mata si Owen. “Excited? Peborit na peborit mo naman 'yan!” Kantsaw pa nito. Pero nanatiling kalmado si Owen at matipid lang na ngumiti pa dito. Patuloy pa rin siya sa pag-strum.
“Steal some covers, share some skin
Clouds are shrouding us in moments unforgettable
You twist to fit the mold that I am in,”
‘Teka. Alam ko 'yang kanta na 'yan!’
“But things just get so crazy, living life gets hard to do. And I would gladly hit the road, get up and go if I knew,” pagpapatuloy ko na mas ikinangiti niya. “That someday it would lead me back to you,”
“That someday it would lead me back to you,” sabay niya sa akin kaya hinayaan ko na siyang kumanta ng chorus at nakuntento na lang na mag-second voice. Nahiya ako bigla, e. “That may be all I'll need. In darkness, she is all I see. Come and rest your bones with me. Driving slow on Sunday morning. And I never want to leave…”
Pinutol na niya ang pagkanta matapos ang unang chorus at nakangiti pa ring tumingin sa akin. “Ang ganda ng boses mo,” aniya kaya nakaramdam ako nang pag-init ng pisngi ko. “Oh!” sigaw niya at bigla na lang sinalat ang noo ko. “Ang init mo na naman! Baka sumabog ka,” pagbibiro pa niya.
“Asus! Dalawa na silang may peborit ng Sunday Morning, aigooo.” Epal ni David sa usapan kaya ako na ang nagkusang dumampot ng throw pillow at ginamit itong pang bato sa kanya. Nakakainis dahil nakaiwas siya doon at ang pabibong kapatid ni Chanyoung, nagawa pa akong belatan.
‘Ang isip bata lang,’ sa loob-loob ko.
“We're here!” Malakas na sigaw ni Jihyoung. “Stephenshi! Ppali!” sigaw niya kaya napatingin kami sa likuran niya kung nasaan si Stephen oppa. Bitbit niya ang sandamakmak na paperbags at plastics.
“Dae!” Nakangiti pa niyang tugon na tila hindi alintana ang bigat ng mga dala niya.
“Ate! Kanina pa kayo?” Nakangiting bati sa akin ni Jihyoung bago humalik sa aking pisngi at pumwesto pa ng upo sa tabi ko. Umusad siya nang umusad hanggang sa magsiksikan na kaming tatlo ni Owen. “What's up, Owen?” aniya at nakipag-up here pa kay Jisoo.
“Yow, Jihyoung!” Nakangiti din namang sagot ni Owen. “Mukhang nag-enjoy ka sa pamimili, a?” puna pa nito habang nakatingin kay Stephen Oppa na busy sa paglalabas ng mga binili nila. Tinutulungan siya ng magaling kong kuya na hanggang ngayon, hindi ko pa din alam kung bakit biglang naging mabait.
‘Ginayuma kaya siya ni Jihyoung?’
“Hindi, a?” sigaw niya kaya bigla akong kinabahan. Nasabi ko ba ng malakas 'yon? “Na-stressed nga ako sa supermarket, e.”
Para akong nakahinga ng maayos. Si Owen pala ang kausap niya.
“Imagine, ang mahal ng karne samantalang halata namang hindi na fresh,” nakanguso pang reklamo ni Jihyoung pero kaagad din na ngumiti. Medyo creepy yung mabilis na transition ng expression niya kaya medyo napalayo ako sa kanya. “Mabuti na lang may alam na place si Stephenshi. Hehehehe,” dagdag pa niya. “Oh, siya! Di ko na kayo aabalahin pa. Kumustahin ko lang muna yung favorite loveteam ko,” kinikilig pa siyang nagpaalam sa amin bago puntahan ang kuya Henry niya na nagpapabaga pa rin.
“Ako ang nahihirapan para kay Henry,” bulong ko bago tumingin kay Owen na nagkataon na nakatingin din pala sa akin.
Ito na naman yung pakiramdam na bigla na lang kumabog ang dibdib ko at parang may nakabara sa lalamunan ko. Masyado kasi siyang malapit.
I cleared my throat and moved an inch apart from him.
‘Bakit ba ang lapit namin sa isa't-isa? Tapos bakit ang ganda ng ngiti niya? Feeling ko tuloy, ang ganda ko kahit matagal ko naman na iyong alam. Hihihi.’
“Ateeeeeeng, huhu. Help me, jebaaaal!” ani Minsuel at pumwesto pa ng upo sa pagitan namin ni Owen. Nag-iwas ako ng tingin nang dahil sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. “Huy! Ate? Pansinin mo naman ako!”
“B-bakit ba? A-anong problema?” tanong ko at pasimpleng tumingin kay Owen na hindi naman na pala nakatingin sa akin.
“Kasi naman, e. Yung demonyito kong master ang daming inuutos!” reklamo niya habang pinapadyak pa ang kanyang mga paa.
“Edi wag mong sundin. Simple ng problema mo, e.” sagot ko.
“Simple?!” bulalas niya. “You don't understand. Hindi mo kilala kung gaano kasama ang ugali ng Ashton na 'yon!” Overacting niyang sagot.
“Ano bang inuutos sayo?” tanong ko na lang at nagkunwaring interesado. Hindi ko naman kasi maintindihan, masyado nilang sineryoso yung deal ni kuya.
“Ipagluto ko daw siya ng stir-fried veggies and nag-order pa ng coke! Hindi naman ako kusinera, a? Saka saan naman ako magnanakaw ng gulay at coke?”
“Tanungin mo si ate Jihyoung mo. Baka naman may stock sila d'yan,” suhestiyon ko.
“Oo nga no? Bakit hindi ko 'yon naisip?” inosente niyang tanong bago walang habas na tumayo at iniwanan na kami.
“That was cool,” bulong ni Owen kaya napalingon ako sa kanya. Napansin niya siguro na naguguluhan ako sa sinabi niya. “I mean, the way you handle her.”
“Hindi ko gets,” sagot ko bago tumayo. “Tulungan ko muna yung iba. Mag-barbeque yata tayo, e.” Paalam ko sa kanya pero tumayo din siya.
“Gusto ko din tumulong,” aniya at nakangiti pang hinawakan ang magkabilang balikat ko mula sa likod. “Let's go,” dagdag pa niya.
“A-arasso (O-okay)," bulong ko.
COLE'S POV
“Uri maknae (younger sibling),” tawag ni Henry Hyung kaya lumapit ako sa kanila ni Chanyoung Noona. Kasama din nila si Jihyoung Noona pero wala itong ginagawa kung hindi ang buskahin sila. Magkatuwang kasing pinagbabaga nila Henry Hyung at Chanyoung Noona ang uling para sa barbeque party mamaya.
“Waeyo? (Why?)” tanong ko nang tuluyan na akong makalapit sa kanila.
“Pasuyo naman, ilayo mo muna sa amin si Jihyoung. Nanggugulo, e.” anito kaya napatingin ako kay Jihyoung Noona. Nakanguso lang ito at akmang babatukan si Henry pero nahuli siya nito. “Jihyoung?!”
“Hehe. Joke lang,” aniya at kumindat pa sa akin bago kami layasan.
‘Ano nang gagawin ko?’
“Cole, tulungan mo na lang kami. Hindi kasi namin mapagbaga yung uling, e.” ani Chanyoung Noona at kinamot pa ang bridge ng kanyang ilong.
“Noona,” tawag ko sa kanya bago kunin ang panyong nasa bulsa ko. “Nadumihan ka na,” sabi ko pa bago punasan ang ilong niya na may uling.
“Jinja? Nubayan!” Natatawa niyang kinuha ang panyo sa akin at siya na mismo ang nagpunas ng mukha niya. “Oh! Henry, ang dungis mo na din!” aniya at itinuro pa ang mukha ni Henry Hyung.
“Pinagtawanan mo pa ako!” natatawang sagot ni Hyung bago ilapat ang kamay sa mukha ni Noona. Napuno na tuloy ulit ng uling ang mukha niya.
“Hala! Henry!” sigaw ni Noona at gumanti na rin. Ipinunas din niya ang kanyang kamay sa pisngi ni Hyung.
Napapakamot na lang ako sa akong batok bago bumalik sa kaninang pwesto ko.
“Oh? Bakit nakasimangot ka?” tanong ni Chase Hyung.
‘Nakasimangot ba ako?’
“Halika na lang dito, wag ka nang sumimangot. Tulungan mo na lang akong maghugas ng isda,” aniya at lumingkis pa sa braso ko.
“Dae, Hyung.” Tumatango ko pang sagot dahil wala naman na akong choice. Ang higpit ng pagkakahawak niya sa akin, e.
“Oppa! Tutulong din ako!” Prisinta ni Jihyoung Noona.
“Jinja? Sure ka?”
“Dae! Ayaw naman akong paghawakin nila kuya ng mga ginagawa nila, e.” Nakanguso pa niyang paliwanag kaya lihim akong natawa. “Saka kasama mo si Cole, e. Kaya sama ako,” aniya at bigla pang umakbay sa akin. “Nugu aegi?” tanong niya kaya bigla akong nailang. Pati na naman siya nakikitanong ng ganyan? (Whose baby are you?)
‘Kasalanan ni Chase Hyung 'to, e.’
“He's my aegi (baby), Jihyoung. Hindi sasagot sayo 'yan.” sagot naman ni Hyung bago ako agawin sa kanya kaya tumingin sa akin si Noona bago ako ngusuan.
“Ang loyal mo naman,” bulong pa niya. “Tara na nga, mag-umpisa na tayo!” Excited niyang aya sa amin.
“Ate Jihyoung~”
“Nubayan daming commercial,” pabulong niyang reklamo bago harapin si Minseul. “Yes, baby girl?”
Napangiti ako. Kung sa grupo kasi namin ako ang bunso, si Minseul naman ang sa kanila.
“Samahan mo na kasi ako. Nasa kitchen si mother dear mo, e. Nasha-shy din ako,” namamalipit nitong sagot. “Jebal?” (Please)
“Bakit mahihiya ka kay mother dear? Mabait 'yon!” sagot ni Noona sa kanya.
“Hay nako. Hayaan na nga natin yang dalawang 'yan. Hindi tayo makakapag-umpisa kapag hinintay natin si Jihyoung,” ani Chase Hyung.
“Mianhe, Oppa.” Alanganin pang ngumiti si Noona. “Tulungan ko na lang muna si Minsuel, ha?”
“Gwaenchana (It's okay).” Tumango pa si Hyung at nakaakbay pa akong hinila bitbit ang ilang isdang lilinisan daw namin.
JIHYOUNG'S POV
Iginayak ko ang ilang mga gulay na nahagilap ko sa ref ni mother dear bago harapin si Minsuel na nakakagat pa sa kanyang daliri. Para siyang nate-tense na hindi ko maintindihan.
“Okay na. Mag-start ka na,” Nakangiti kong inilapit sa kanya ang chopping board.
“Ateng, otteoke? Hindi ako marunong,” aniya at nag-martsa pa sa harap ko. “Ang dami kasing arte nung demonyito, e.” reklamo pa niya. "Hindi nga ako pinapahawak ng kutsilyo ng mommy ko, e.
‘Our poor maknae. Ang laki ng problema.’
“Arasso. Tutulungan na kita.” Kinuha ko ang isang apron ni mother dear at isinuot na iyon. “Stir-fried veggies daw ba ang request ni Ashton Oppa?” tanong ko pa na nakanguso namang tinanguan ni Minseul. “Hindi daw ba siya nakain ng fish?”
“Ewan ko ba sa isang 'yon. Pabebe,” nakangusong sagot ni Minsuel at lumapit na sa akin. Kinuha pa niya ang kutsilyo at nag-umpisang talupan ang carrots habang hinarap ko naman ang garlic at onion. “Aray!” sigaw niya kaya napatingin ako sa kanya. “Otteoke?” Nagpapanic niyang tanong habang hawak ang daliri niyang dumudugo na. (What to do?)
Nagmamadali ko siyang dinala sa harap ng lababo at itinapat ang kamay niya sa running water.
“Anong nangyari?” humahangos na tanong ni David at hinawakan pa ang kamay ni Minsuel. "Ay ang tanga." Narinig ko pang buska ni David.
Iniwanan ko sila at naghanap ng medicine kit dito sa bahay. Mianhe, hindi ko pa kabisado ang pasikot-sikot dito kaya medyo natagalan ako.
Nang balikan ko sila Minseul, pati si Thomas at Theo nandito na rin. Nanunuod lang sila sa pag-aasaran nila David at Minsuel. “Min, gamutin na muna natin yung sugat mo.” Naglabas ako ng cotton ball at alcohol na ikinalaki ng mga mata ni Minseul.
“Ayoko. Mahapdi 'yan!” Naiiyak niyang tanggi at itinago pa sa kanyang likod yung daliri niyang may sugat.
‘Aigoo! Parang bata.’
“Bilis na. Baka magka-infection 'yan kapag hindi natin ginamot,” pagkumbinsi ko sa kanya pero umiling lang siya sa akin.
“Aray!” reklamo niya nang bigla na lang sumulpot si Ashton Oppa at itinaas ang kanyang kamay. “Ano ba?!”
Hindi sumagot si Ashton at inagaw sa akin ang nakagayak kong cotton ball. Siya mismo ang naglagay 'non sa daliri ni Minsuel.
“Masakit! Ano ba?! Hind--”
Biglang natigilan si Minseul nang umpisahang hipan ni Ashton ang sugat niya. Bigla siyang natahimik at pinamulahan pa ng pisngi.
“Alis na nga kami. May nanalo na,” bulong ni David at inakbayan pa si Thomas palabas ng kitchen.
Nagkatinginan kami ni Theo at sabay na napailing. Umandar na naman kasi ang pagiging diva ni David.
“May band aid ka ba?” tanong ni Ashton Oppa sa akin kaya nagmamadali akong kumuha ng band aid at inabot iyon sa kanya. “Gunting?”
‘Huh?’
Kahit hindi ko maintindihan kung para saan ang gunting, binigyan ko na din siya.
‘Wala naman siguro siyang balak na gupitin yung daliri ni Minseul, diba?’
Ginupit niya ang dalawang side ng band aid sa gitna kaya parang nagkaroon iyon ng two strips each side bago idikit sa pointing finger ni Minseul. Ang cute nga ng pagkakadikit niya at mukhang mas secured.
“K-komawo,” bulong ni Minsuel.
“Tsk. Anong katangahan ba pinairal mo at nasugatan ka?” nakasimangot nitong tanong.
“Wow, ha? Kung hindi ka ba naman kasi pabebe, nagpapaluto ka ng stir-fried veggies diba? Ako na nga 'tong injured ikaw pa itong nagagalit?!” singhal sa kanya ni Minsuel.
“Ang sabi ko, magluto ka. Hindi magpakatanga. Tss!” anito at tinalikuran na kami.
“Bwisit ka talaga!” sigaw ni Minsuel. “Bahala ka sa buhay mo! Hmp!” aniya at linayasan din kami ni Theo matapos maghubad ng apron.
“So what's gonna happen now?” tanong sa akin ni Theo at itinuro pa ang mga naumpisahan nang mahiwa na gulay. “Magtatampo 'yang mga gulay kapag hindi mo niluto,” biro pa niya habang nakalabas ang kanyang pangil. “Tulungan na lang kita. Parang masarap nga yung stir-fried veggies, e.” aniya at naghugas pa ng kanyang kamay. Kinuha din niya ang apron na hinubad ni Minseul at isinuot iyon bago tumalikod sa akin.
Nakuha ko naman ang gusto niyang mangyari kaya kinuha ko ang magkabilang tali ng apron at ibinuhol iyon.
“Ako na lang ang assistant chef mo ngayon,” aniya matapos humarap sa akin.
Ngumiti naman ako bago hugasan ang kutsilyong may bahid pa ng dugo ni Minsuel. “Please do the honor,” utos ko at inilapit pa sa kanya ang mga carrots.
“Dae, chef!” aniya at nagtalop na nga.
Pinagsabay namin ang pagluluto at pagku-kwentuhan. Nakakatuwa lang isipin na madali lang naman pala siyang kaibiganin. Very enthusiastic siyang nakikinig sa mga sinasabi ko at magiliw din nagku-kwento tungkol sa kanya.
“Wow! Nagluluto ka, wifey?” Si Stephenshi.
“Wifey?” Kunot-noo na tanong ni Theo. “Ako ba, Hyung?” tanong pa niya.
“Sabi ko Wifey, hindi Doggie.” Poker face na sagot ni Stephen kaya natawa ako. “I was talking to my wife,” aniya at tumingin pa sa akin. Naupo pa siya sa isang stool at nakapangalumbabang ngumiti sa akin. “Miss me?”
“Siraulo!” sigaw ko at binato pa siya ng kutsilyo, cheret! Balat lang ng carrots syempre. “Baka ikaw ang naka-miss sa akin!” sagot ko pa.
“Di nga?!” sigaw niya. “Kayo na ba? Kailan pa? Paano? Bakit?” sunod-sunod niyang tanong kaya naiiling kong ipinakita sa kanya ang mga singsing namin. “Heol!” sigaw niya ulit.
“OA mo naman!” sigaw ni Stephen at piningot pa si Theo.
“Akin na nga 'yang singsing. Baka makalimutan natin.” Kinuha ko ang kamay niya at hinubad na ang singsing sa kanya. Hinubad ko na rin yung akin bago ilagay sa isang plastic na itinago ko sa bulsa ng suot kong short. “Saka baka mawala, patay ako kay Ate Jihan.”
“Teka nga, ano ba talaga?” tanong ni Theo na hanggang ngayon ay pinipingot pa rin ni Stephen.
“Ano?” sabay naming tanong ni Stephen na ngayon lang siya binitiwan.
“Kayo na?” tanong niya kaya nagkatingin kami ni Stephen bago sabay na tumawa.
“Ay ang patola!” kantsaw ko at ginulo pa ang kanyang buhok nang parang tuta.
“Kayo na yata, eh!” pagpupumilit pa niya.
“Bahala ka d'yan,” sabay ulit naming sagot bago siya iwanan.
Bahala na nga siya. Malapit naman na kaming makaluto e. Kaya na niya 'yon.
“GUYS! Mag-gather na lahat dito, o?” sigaw ni Kuya Henry. “Picture taking muna!” aniya kaya nagmamadali kaming lumapit sa kanya.
“Wala ka bang monopad? Or tripod? Hindi tayo makikitang lahat, e.” ani Chanyoung.
Kahit kasi si Theo ang gawin naming human selfie stick hindi pa rin kami makukuhanang lahat nang maayos.
“Akin na nga!” prisenta ko at kinuha kay kuya ang camera niya. “Hana… Dul… Set!” I took multiple shots para captured talaga yung moment. (One... two... three!)
“Wuy, paano ka? Hindi ka na kasama sa pictures!” reklamo ni Kuya Gray kaya mabilis akong tumakbo papasok sa bahay.
“Just stay there,” utos ko pa sa kanila bago muling tumakbo. “Appa!” Tawag ko kay Dad na busy sa panunuod ng tv. Lumapit ako sa kanya at yumakap pa. “Kuhanan mo naman kami ng picture, please?” Nagpa-cute pa ako sa kanya kaya naiiling na lang siyang tumayo at sumunod sa amin.
“Ayon, oh!” sigaw ni kuya Henry. Tinapik pa niya ang spot sa pagitan nila ni kuya Gray kaya nagmamadali akong pumwesto doon.
“Appa! Damihan mo, ha?” Bilin ko pa bago mag-pose nang magposed.
“Kamsahamnida!” Sabay sabay naming pasasalamat kay Dad nang matapos ang picture taking session namin. Ginawa na naming photographer si Dad, hehehe.
“Guys naka-on na yung heater ng pool. Swimming time!” sigaw pa ni kuya Gray bago tumalon sa pool kaya nabasa kaming lahat.
“Ligo time!” sigaw din ni David kasunod ang pagkahulog ko sa pool.
“Yah!” sigaw ko at nagtampisaw pa.
‘Lokong 'yon! Itulak daw ba ako sa pool!’
Tinawanan lang nila akong lahat kaya napatingin ako kay Kuya Gray dahil kami pa lang ang nandito sa pool. Kumindat siya sa akin kaya tumango ako bago nagmamadaling umahon at isa-isang itinulak sina Chanyoung at Minsuel habang hinihila naman ni Kuya Gray ang paa nila. Tapos nagkusa nang tumalong yung iba. Isang iglap lang, lahat kami nasa pool na at tila mga bibe na kisag nang kisag. Medyo malamig pa rin pala kasi yung tubig.
“Uy! Alalayan niyo si Asher Hyung. Baka lumubog 'yan!” sigaw ni Theo. Hindi niya alam, nasa likuran niya lang si Asher Oppa kaya nakatikim siya ng malutong na kaltos sa batok. “Hyung!”
“Loko ka. Ikaw ang lulunurin ko, e.” Nakasimangot na sagot ni Asher Oppa sa kanya kaya muli kaming nagtawanan.
“Hyoungie,” tawag sa akin ni Luke kaya lumapit ako sa kanya. Nakaupo siya sa gilid at paa lang ang nakalusong sa tubig. “Are you happy?”
“Oo naman!” sagot ko at binasa pa siya ng tubig. “Hindi natin to nagawa 'to dati, e.”
“Kaya nga, e.” sagot niya at hinawi pa ang buhok ko.
“Ikaw? Happy ka ba? How does it feel na hindi na lang ako ang friend mo?” Nakangiti kong tanong pero pinitik lang niya ang noo ko. “Ito naman, syempre gusto ko marami kang friends. Hindi natin alam ang pwedeng mangyari. Hindi naman all the time, nandito ako, e.”
“Bakit? Aalis ka ba? Iiwanan mo ba ako?” tanong niya kaya nginusuan ko siya.
“Syempre, hindi.”
‘Hindi ko naman masasabi, e.’
“Hindi naman pala, e. Bakit inaalala mo yung mga ganoong bagay? Para kang sira,” aniya at ginulo pa ang basa kong buhok. “But to answer your question… Yes, I am happy.”
Napangiti ako.
‘At least, I know that he'll be fine. He won't be alone.’
IT WAS around 12 midnight nang napagdesisyonan naming pumasok na sa loob. Iniwanan na namin sila kuya para magligpit ng mga pinagkalatan namin tutal doon naman na sila matutulog sa labas.
Katulad nang napagplanuhan, sa tent ang mga boys at dito naman kaming mga girls sa room ko. Malaki ang bed ko para sa dalawa hanggang tatlong tao pero alanganin sa apat kaya naman itinulak namin yung kama ko papunta sa gilid para magkaroon ng mas malaking space sa lapag at doon na nga kami naglatag ng makakapal na matresses.
“Napagod ako,” mahinang daing ni ate Jihan matapos humiga sa dulong side. Kaagad namang tumabi sa kanya si Chanyoung na sinundan din ni Minsuel. Ang ending tuloy, ako sa kabilang dulo. “Pero ang saya ko. Buti na lang, sumama ako. Kung hindi, ang dami ko palang mami-missed.”
“Oo nga, ang saya nating lahat kanina,” sang-ayon naman ni Chanyoung bago balingan si Minsuel. “Ikaw bebe? Masaya ka ba? Kahit most of the time, nagbabangayan kayo ni Ashton?”
“Hmp. Perfect na nga sana yung happiness ko kung wala yung demonyito na 'yon, e.” sagot niya kaya nagtawanan kami. “Pero narealized ko, kahit naman ganoon 'yon… somehow… he's nice pa rin naman pala,”
“Uy? Ano yan? Bigla yatang nagbago ang ihip ng hangin? Anong nangyari na hindi namin alam?” Bumangon pa si Chanyoung at nakapameywang na hinarap ang aming bunso.
“Luh! Wala! Busy ka kasi masyado kay Henry Oppa kaya napaghuhulihan ka sa balita,” sagot ni Minsuel at umirap pa.
“Eh busy ka pala, e.” Kantsaw ni Ate Jihan.
“Wow nagsalita ang hindi busy kay Owen!” sabat ko na naging dahilan para biglang pamulahan si ate.
“Isa ka pa kaya, ateng. Stephenshi. Jihyoungshi.” ani Minsuel na ginaya pa ang paraan ko ng pagtawag kay Stephen. “Ako malapit na akong maniwala sa tsismis ni Theo kanina, e.”
“Anong tsismis?” sabay naming tanong nila ate Jihan at Chanyoung.
“Ah, ewan ko sa inyo! Bahala kayo puro kasi kayo lovelife, e. Hindi na tuloy kayo updated, e.” reklamo pa niya at bigla na lang nagtalukbong ng kumot.
Nagkatinginan ulit kaming tatlo bago sabay na natawa. Hindi naman kasi ako luma-lovelife kay Stephen, e.
“Bebe, tulog na tayo?” pag-aaya ni ate Jihan pero umiling ako. “Wae?”
“May gagawin lang ako saglit, then matutulog na din ako.” Paalam ko pa bago tumayo. Pinatay ko na yung ilaw at hinayaan na lang na bukas yung sa study table ko.
Kinuha ko ang DSLR ni kuya Henry pati na rin ang laptop ko. I browsed the pictures we took earlier at isa-isa iyong pinasa sa laptop ko. Iginayak ko na rin ang printer ko para mai-print na ang pictures naming lahat.
I was planning to make a scrapbook.
Isang scrapbook na pwede naming balik-balikan para maalala namin yung mga pagkakataon na katulad nito.
‘This is my way. My only way of saving memories with them.’