CHAPTER 17

3960 Words
Chapter Seventeen MINSUEL'S POV MAINGAT KONG isinara ang aking bag matapos i-check ang mga gamit na nasa loob. Nandito kami ngayon sa bahay dahil gusto ni Ate Jihyoung na personal kaming ipagpaalam kay mommy para sa biglaang sleepover sa bahay nila. Plus, gusto daw nyang ma-meet ang parents namin ni Thomas. Ewan ko na dito kay ate Jihyoung, ang maisipan. Pero kahit na napakabiglaan ng planong 'to, ayos lang din sa akin. Masyado na akong stressed sa academics ko kaya deserved ko 'tong break na 'to. "Basta, ija. Make sure na makaka-uwi nang maayos ang kambal namin, ha?" ani Mommy kay Ate Jihyoung na sineryoso yung sinabi niyang ipagpapa-alam niya kami ni Thomas. "Patay ako sa Daddy nila kapag may hindi naka-uwi nang buo sa kanila." So, ayon nga kasi. Nagkataon naman kasi na nasa business trip si dad kaya okay lang na mag-sleepover kami sa bahay nila ate Jihyoung. Pero kung nandito si dad? Goodluck na lang kay ate. Malabong pumayag 'yon. He's a bit strict. "Of course naman po, tita. I will make sure na safe and sound sila," sagot naman ni ate Jihyoung habang nakangiti. "Mauna na rin po kami, may mga dadaanan pa po kasi kami and we don't want naman po na gabihin sa byahe." "Oo naman, ija." Tumango pa si mommy bago kami balingan ni Thomas. "Mag-behave kayo, okay? Don't forget to update us from time to time. Okay?" Bilin pa ni mommy. Nauna na kasing tumawag si ate Jihyoung kay Mommy kaya naman naka-ready na kaagad ang mga gamit namin. “Magtext kayo sa akin once na makarating kayo sa bahay ng mga Kwon.” "Dae, eomma," sabay namin na sagot ni Thomas bago humalik sa kanya. “Sige po, tita. We'll go ahead na po,” Nag-bow pa si ate kay mommy bago kami tuluyang umalis. Pagdating namin sa van, pumwesto kaagad kami ni Thomas upo. Pareho kaming nagtabi ng space para sa sunod namin na susunduin which is ang magkapatid na Boo. Nasa kalagitnaan kami ng byahe nang mag-ring ang phone ni Ate Jihyoung. Hindi ko man intensyon, eh nakinig na lang din ako sa usapan nila. “Dae, eorabeoni. Papunta na kami kila Chanyoung,” si Ate Jihyoung na kausap through phone si Henry Oppa. “Kami na ba ang dadaan sa grocery store?” tanong niya na sadya niyang ipinarinig kay Grayson Oppa. “Ano? Hindi na kamo. Dadaanan pa natin sila Ashton. Out of way kamo yung supermarket at anong oras na?” sagot nito habang nasa daan pa rin ang tingin. Tama ba ako nang pagkakarinig? Si Ashton? Sa amin pa rin sasabay? My goodness naman?! Kailan ba ako makakatakas sa demonyito na 'yon? “I-loudspeaker mo nga,” utos ni Grayson Oppa. “Henry, hindi ba pwedeng kayo na lang ni Luke ang lumabas para mag-grocery?” “Bro, ang dami pang aayusin dito sa bahay. Alangan namang si Dad ang pag-ayusin ko ng mga 'to, edi nalintikan tayo pareho?” Natatawang sagot ni Henry Oppa mula sa kabilang linya. “Eh paanong gagawin natin?” tanong ulit ni Grayson Oppa. "Mapapalayo kasi kami masyado if dadaan pa kami sa grocery. Kanina pa naghihintay sila David. Nag-aalboruto na rin si Ashton at naiinip na sa kakahintay." “I have a suggestion!" Singit ko sa usapan nila. "Wag na natin sunduin si Ashton!” mabilis ko pang itinaas baba ang aking kilay para kumbinsihin sila sa maganda kong ideya pero hindi manlang ako inintindi ng magkakapatid. “Ako na ngang bahala! Alam naman na ng parents nila Chanyoung na pupunta na tayo. Ibaba niyo na lang ako. I'll do the groceries na.” Prisinta ni Ate Jihyoung bago i-end yung call. “Paano ka naman makakauwi, aber?” taas kilay na tanong ni Grayson Oppa. ‘Hihihi. Ang cute at cool niya talaga!’ Minsan talaga confusing kung sino ang mas matanda sa kanilang magkakapatid, e. “Ako nang bahala. Sige na. Ihinto mo na yung car, Brother dear,” utos pa niya at nagtanggal na kaagad ng kanyang seatbelt. “Sigurado ka talaga, ateng?” tanong ko. Tumango siya bilang sagot. Napapailing naman na inihinto ni Grayson Oppa ang sasakyan. Tila napipilitan lang siyang sundin ang gusto ni ate Jihyoung, e. “Hyongie, tumawag ka if pauwi ka na. We' try na dumaan sayo.” “I can managed. Sige na. Naghihintay na sila Chanyoung.” Kumaway pa siya sa amin matapos bumaba ng sasakyan at nagmamadali pang pumara ng taxi. “Okay! Sunduin na natin sila Chanyoung at David,” nakangiti pang pinaandar ni Grayson Oppa ang sasakyan. Nang makarating kami sa bahay ng mga Boo, naka-abang na sa labas ang magkapatid. “Akala ko di na kayo dadating, e.” Nakangusong reklamo ni David bago pumwesto ng upo sa tabi ni Thomas. “Malamok kaya sa labas!” “Bakit kasi sa labas kayo naghintay?” taas kilay ko na pambabara pero sinimangutan niya lang ako. “Hoy ateng? Bakit d'yan ka pumwesto?” baling ko kay ate Chanyoung dahil sa passenger's seat ito naupo. Ito yung pwestong nabakante kasi nga bumaba si ate Jihyoung “Dito ko gusto, e. Saka kawawa naman si Grayson Oppa. Nagmumukhang driver niyo,” natatawa niyang sagot na ikinatawa pa ng aming butihing driver, este ni Grayson Oppa pala. “Gwapo ko namang driver!” sagot pa nito kaya pinaikutan ko siya ng mata. Sayang effort ko na ipagtabi siya ng upuan. Anticipating pa naman ako na makatabi siya. May mga baon pa naman akong chika sa kanya. ‘Ah, molla! Upuan lang naman 'yon. Hindi big deal.’ Isinalpak ko na lang ang earphone ko na sa awa ng butihing Lord ay buo pa rin. Napakalakas ko sa earphone. Ito na yata ang pang limang earphone ko simula nung pumasok ang taon. I played some great music before I lean myself on the window. ‘Naks! Lakas maka-music video!’ HUMINTO kami sa tapat ng isang malaking gate kaya tinanggal ko na ang earphone ko. Ito na yata ang bahay ng grand master kong sinugo pa ni Lucifer. In all fairness, mukhang yayamanin. Binuksan ni Grayson Oppa ang bintana sa tabi ng driver's seat. “Shin Jin, annyeong!” Masigla niyang tawag sa isang dalagitang kalalabas lang mula sa malaking gate. Abala ito sa paggamit ng kanyang phone pero mabilis na nag-angat nang tingin. Tila nagliwanag ang mukha nito at excited pa na lumapit sa sasakyan. “Oppa! Annyeonghaseyo!” Yumuko pa ito bago kumaway sa dalawang katabi ko na nagbukas din pala ng pintuan. “Ah! Kaya pala busy si kuya, may usapan pala kayo.” “Dae, nasaan na ba ang kuya Ashton mo?” tanong ni Grayson Oppa. “Nasa impyerno pa,” humagikgik pa ito kaya natawa ako nang malakas. “Nakikipag-meeting pa yata kila Satanas at Hudas. Alam mo naman si kuya, alagad ng kadiliman 'yon, e.” Mas lalo akong natawa sa huli niyang sinabi. ‘I like this girl na. Alam kung saan nagmula si Ashton.’ “Magkakasundo kami ng batang 'to!” sigaw ko habang tumatawa yakap ang aking tiyan. “Oh! I know you,” aniya habang nakatingin sa akin. “Jinjaro?” tanong ko at sandaling inisip kung kilala ko na siya pero ni hindi pamilyar yung mukha niya, e. Hindi rin naman ako ganoon ka-famous kaya nakakapagtaka na kilala niya ako. “Tama. Ikaw nga 'yon,” nakangisi niyang sagot. "Kaya pala excited yung isa," bulong niya at ngumiti pa sa akin. “Ano na namang sinasabi mo sa kanila?” Nakasimangot na tanong ni Ashton sa kanyang kapatid na umirap lang sa kanya. “Umayos ka nga!” “Tapos na ba ang daily meeting niyo?” tanong ni Shin. “Anong meeting?” Clueless niyang tanong. “Sabi ko nga tapos na. Obvious naman, e.” bulong nito bago pumasok sa loob ng gate pero mabilis din na lumingon sa amin. “Ingat po kayo! Kung pwede lang, huwag niyo nang ibalik dito si kuya. Ilaglag niyo na lang siya sa Han River o kahit sa pinakamalayong tambakan ng basura. Annyeong!” Kumaway pa siya sa amin bago belatan ang kuya niyang halos sumabog na sa inis. “Ang cute naman ng kapatid mo,” nakangisi kong buska dito sa lalaking makapal ang mukha dahil sa tabi ko na talaga naupo. “You better not start with me,” banta niya pero tinawanan ko lang siya bago muling isalpak ang earphone sa tainga ko. Mukhang wala naman na kaming dadaanan at diretso na kami sa bahay ng mga Kwon. ‘Assa! Excited na ako!’ JIHAN'S POV "Ang daya niyo, bakit kayo lang?" Nakangusong tanong ni unnie habang pinapanuod niya akong maggayak ng mga gamit ko. 'Kung hindi ko lang mahal si Jihyoung, di talaga ako sasama,' sa loob loob ko. "Jihan, sama ako." Parang bata pa siyang gumulong sa ibabaw ng kama ko. 'Seriously? Malapit na akong malito kung sino ang panganay at bunso sa amin.' "Unnie, kung kami lang nila Chanyoung, syempre, automatic kasama ka. Eh kasama namin sila Kuya Chase. Puro kami students. Saan ka nakakitang sleepover may kasamang teacher? Ano 'yon? Retreat?" Mahaba kong katwiran sa kanya. "Ang daya talaga! Ah basta! Sa susunod, dito naman tayo sa bahay mag-sleepover! Sabihin mo kila Jihyoung, bawal tumanggi. Ang hindi pupunta, kukurutin ko." Gigil pa niyang bilin kaya tumango na lang ako. "Paspasan mo na ang kilos. Baka mag-inarte na naman ang kuya mo." "Huh! Hayaan mo nga siya," ngumuso pa ako. Ayaw pa rin kasing umamin ni Jihyoung kung anong ibinulong niya kay kuya at bigla niya itong napapayag na sumama kami sa sleepover. To think na si Kuya pa mismo ang nagpaalam sa mga magulang namin. Pumayag naman sila lalo na't magkasama naman daw kami. "Little sissy, bilisan mo na." Nakangiti pang kumatok si Kuya Chase. Maayos naman ang ngiti niya pero talagang kinikilabutan ako sa kanya. Hindi kasi ako sanay na ganyan siyang makangiti. Para bang may pinaplano siyang masama, e. "Naghihintay na si Owen sa atin." "Dae, ito na. Almost done na," sagot ko bago damputin ang backpack ko. "Let's go. Bye, unnie-ya!" Nag-flying kiss pa ako bago siya iwanan sa kwato ko. Bahala na siyang magligpit doon. hehehe. "Ang dami mo na namang bitbit. Isang gabi lang tayo 'don," puna pa niya sa akin bago kunin ang bag ko. "Bakit ba ang bait mo sa akin ngayon?" taas-kilay kong tanong. "Dati naman na akong mabait, a?" aniya at ang gullible ko naman masyado kung maniniwala ako, diba? Inismiran ko lang siya at dumiretso na sa sasakyan. Narinig ko din kasing tinawag siya ni Unnie at mukhang may ibibilin sa kanya kaya naman nauna na akong lumabas. Naabutan ko si Owen na abala sa pagtitimpla ng gitara niya habang nakasandal sa kotse ni Kuya. Kaagad niyang naramdaman ang presensya ko kaya nag-angat siya ng tingin at ngumiti sa akin. “Yow, Jihan!” aniya. “Hey,” matipid kong sagot at pumwesto sa tabi niya. “Marunong ka bang mag-gitara?” tanong niya kaya umiling ako. “Jinja? It's easy. Gusto mo, turuan kita?” “Eih? Shy ako,” mahina kong bulong na ikinakunot ng noo niya. Hindi niya yata ako narinig. Pero ilang mga segundo lang, bigla siyang natawa. ‘Bakit ganoon? Ang lakas makakabog ng dibdib ng tawa niya!’ Mahinhin lang ang tawa niya pero parang ang sarap sa tainga? “Hey? Are you okay?” tanong niya at sinalat pa ang noo ko. “Ang init mo,” bulong niya bago ipatong ang bakanteng kamay niya sa sarili niyang no. “See? You're warmer.” Gusto ko sanang sumagot kaya lang parang may bumara sa lalamunan ko. Hindi ko rin masyadong magawang i-process sa utak ko kung ano ang dapat sabihin dahil masyado akong nadi-distract sa malakas na kabog ng dibdib ko. 'Kailangan ko na yatang magpatingin sa doktor.' “Tara lets!” sigaw ni Kuya Chase at dumaan pa sa mismong gitna namin ni Owen. “Pre, dito ka sa tabi ko. Ayokong magmukhang tsuper niyo,” ani kuya kaya naman sa passenger's seat na naupo si Owen at mag-isa naman ako dito sa likod. Okay na 'yon. Mas safe ako doon. Nagiging mas abnormal ako kapag masyado akong malapit kay Owen, e. ‘Kalma lang self. Kalma lang.’ Hindi kalayuan ang bahay nila Jihyoung sa amin kaya naman sandali lang ang naging byahe namin. Wala sa amin ang kumikibo kaya tahimik lang sa buong sasakyan. “Oh! Kotse ni Stephen 'yon, diba?” pagbasag ni Owen sa katahimikan namin kaya nakisilip din ako sa bintana. “Saan kaya ang punta 'non?” “Nandito na pala sila Asher,” ani kuya at inginuso pa ang apat na lalaking nakatayo sa labas ng gate ng mga Kwon. “Guys! Kanina pa kayo? Saan pupunta si Stephen?” “Ewan ko 'don sa camel na 'yon. May susunduin pa daw,” nakasimangot na sagot ni Asher Oppa. Mainit na naman ang ulo nito kaya hindi na ako kumibo. Takot ako, e. “Pasok na tayo?” si Theo na may bitbit ng halos lahat ng gamit nila. “Mabigat, e.” reklamo pa niya kaya lumapit na ako sa gate at pinindot ang doorbell. “Chankanman!!” Malakas na sigaw ni Luke. Mayamaya pa, tumatakbo pa siyang lumalabas. “Kayo pa lang? Si Stephen Hyung?” “Naneun moleunda! Paulit-ulit yung tanong, tsk!” Umismid pa si Asher Oppa at nauna pang pumasok. Napatingin sa akin si Luje kaya manahan akong umiling sa kanya. “Mainit ang ulo,” bulong ko at mahina pang humagikgik. Sumilay naman ang kapirasong ngiti sa labi niya pero kaagad din na nawala iyon nang hinarap siya nila Julian at Theo. “Patulong magbuhat,” nakangiti ang mga ito na tila mga nagpapacute pa. “Jihan! Pasok na!” sigaw ni Kuya Chase na akala mo nasa bahay namin. May taglay din na kakapalan ang mukha nito, e. “Dae, Oppa!” sigaw ko bago nagmamadaling pumasok. CHOI STEPHEN'S POV “Hyung naman, e. Bilisan mo na. Jebal?” pangungulit ng aming maknae sa isa pa naming maknae kung height ang pag-uusapan, si Asher. Nakatutok pa rin ang cellphone ni Cole kay Asher at pilit itong pinag-e-aegyo. “Tigilan mo ako, Cole. Ihahambalos ko sayo 'tong gitara ko,” nakasimangot na tanggi ni Asher. “Si Julian na lang ang kulitin mo. Wag ako.” Pabebe talaga 'yan. “Ang sungit naman ni Hyung.” Pagsuko ni Cole bago balingan si Seokmin. “Julian Hyung, ikaw na nga lang. Dali, magpa-cute ka na.” “Hihi. Sige ba! Kaya lang, dati naman na akong cute, e. Otteoke?” Nakangiting tanong ni Julian at nagpatuloy na sila sa pagpapacute. “Hyung! May tumatawag sayo!” sigaw ni Theo na akala mo hindi ko nakikitang may tumatawag. “Cinnamon Roll? Sino 'yon?” tanong nito pero hindi ko na siya pinansin. Isinuot ko ang Bluetooth earphone ko at saka sinagot yung call. “Stephenshi,” malambing niyang tawag sa pangalan ko. “Wae?” tanong ko habang pinipilit na huwag mapangiti. “Papunta na ba kayo sa bahay?” Just hearing her voice, alam kong nakapout na siya sa mga oras na 'to. “Dae. Wae?” “Nasa supermarket kasi ako malapit sa school. Sasabay na lang sana ako sayo e. Pero if malapit ka na sa bahay, mag-taxi na lang ako.” “Ani. Hintayin mo na ako. Daanan na kita.” “Jinja? Komawo!” Masiglan niyang sagot kaya't napangiti ako. “I still need to get some stuff pa naman. Don't hurry yourself. Drive safely, arache?” “Dae!” sagot ko ulit bago i-end yung call. “Sino 'yon? Anong dadaanan? Hyung, ayun na yung pupuntahan natin, o?” Itinuro pa ni Asher ang gate ng bahay nila Jihyoung. “Kaya nga,” sagot ko. “Ppali. Ibaba niyo na yung mga gamit niyo. May susunduin pa ulit ako.” Utos ko sa kanila. Wala naman nang nagreklamo sa kanila at sumunod na lang. Nang mailabas na lahat ng gamit nila, hindi na ako nagpaalam at kaagad na akong nag U-turn pabalik sa supermarket. Nang makapag-park ako, kaagad kong tinawagan si Jihyoung para naman mapuntahan ko na siya. “Dae, Stephenshi?” sagot niya. “Eodiya?” “Dito pa sa loob. Hindi kasi ako maka-decide, e. Ang mahal naman kasi dito,” bulong pa niya kaya natawa ako. “Arasso. Hintayin mo na ako. Pupuntahan na kita d'yan,” wika ko matapos bumaba ng sasakyan. “Wag mo nang i-off,” bilin ko pa. Baka kasi p*****n pa niya ako ng cellphone, e. “Nasaang section ka ba?” “Uhm, meat section.” aniya kaya naman doon na ako dumiretso. Sa kabila ng dobleng bilang ng mga tao sa supermarket, nagawa kaagad siyang hanapin ng mga mata ko. She was wearing a simple pink blouse, denim short, and a light brown sandals but she managed to stand out among the huge crowd. “Jihyoung-ssi,” tawag ko sa pangalan niya at nakanguso pa siyang humarap sa akin. “Ang mahal ng samgyupsal nila,” bulong niya sa akin. “Pati bulgogi!” Tila hindi siya makapaniwala. “Mukha namang di na fresh.” “Nasa supermarket ka kasi. Expect mo nang mahal,” paliwanag ko naman. “Gusto kong mag-barbeque. Otteoke? Lagpas sa budget, e.” Parang bata niyang pagmamaktol kaya inakbayan ko siya. “Bayaran na natin yung mga napamili mo na. I know a place na mura at sure na fresh yung meat,” bulong ko sa kanya nang hindi pa rin inaalis ang pagkaka-akbay sa kanya. “Jinja? Mura lang 'don, ha?” Nakanguso pa rin niyang tanong kaya tumango ako bago guluhin ang buhok niya. “Yah! Stop messing my hair,” saway niya sa akin pero hindi ko siya pinansin at kinuha na lang sa kanya ang push cart na aakalain mong ginawang tambakan sa sobrang g**o. “Woah! Stephenshi, chankamanyo!” sigaw niya habang nakatingin sa isang side ng supermarket. “Look, may promo sila!” excited niya sigaw at hinila pa ang kamay ko. “Newly-Wed promo, buy a dozen of coffee get a couple mug free!” Tiningnan ko yung binasa niya. Isang promo nga iyon ng kape. Tama siya, cute nga yung design ng mug. Kulay pink at blue. “Stephenshi! Bili tayo!” sigaw niya at hinila-hila pa ang laylayan ng suot kong tshirt. Pinitik ko ang kanyang noo bago ituro ang logo ng promo ng tinutukoy niya, “It says, Newly-Wed. Bagong kasal tayo?” Nakangisi kong tanong sa kanya. “Oo!” Mabilis niyang sagot bago dumukot sa kanyang maliit na pouch na malapit nang bumigay sa sobrang dami ng laman. Naglabas siya ng maliit na plastic doon at ipinakita sa akin. “Ayan ha! Sagot ko na ang singsing!” “Bakit na sayo 'to?” tanong ko at kinuha pa sa kanya ang plastic ng singsing. Props namin 'to sa play, e. “Eh kasi naman, ipinakisuyo ni Ate Jihan na isoli ko daw sa stock room, eh nakalimutan ko naman,” paliwanag niya at nagkamot pa ng kanyang batok. “Sige na! Gusto ko nung mug. Jebal? Hindi naman na nila malalaman, e.” Tinaas ko ang aking kaliwang kilay at tiningan siya ng seryoso subalit nagpa-cute lang siya bilang counter attack. “Stephenshi, please? Uhm? Uhm?” Pinikitan pa niya ako ng mata kaya naiiling akong nag-iwas ng tingin. ‘Paano ba ako makakatanggi sa kanya?’ “Tig-isa naman tayo, e. Ha? Pumayag ka na!” Pangungulit pa niya nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga bago ilabas ang singsing sa plastic. Kinuha ko pa ang kanyang kamay at akmang ilalagay yung singsing sa daliri niya nang bigla niya iyong bawiin. “Wae? Akala ko ba gusto mo?” Natatawa kong tanong. “Eh, mabubuking pa tayo sa ginagawa mo, e. Sa kabila kasi! Left hand ang wedding ring!” aniya at ibinigay sa akin ang kaliwa niyang kamay. “Doon ba? Akala ko naman, nagbago isip mo, e.” Biro ko sa kanya habang isinusuot sa daliri niya ang singsing. Hindi siya kumibo at kinuha lang sa akin ang kapares na singsing at isinuot iyon sa akin. “Ayan! Dali kuha na tayo ng kape,” aniya habang pumapalakpak pa. MATAPOS magbayad sa counter, kaagad din kaming bumalik sa kotse ko para pumunta sa palagi naming pinupuntahan ni mommy. “Woah! Wet market?” tanong niya kaya tumango ako. “Namiss ko tuloy sa China. Sa ganito kami namimili nila Wàipó, e.” aniya habang inililibot ang paningin sa paligid. “Wàipó?” tanong ko. Nagsalita na naman siya ng sarili niyang lenggwahe. “I mean ni Lola,” aniya bago nauna nang maglakad kaya mabilis ko siyang hinawakan sa braso at hinila pabalik sa akin. “W-wae?” (why) “Stay close. Baka mawala ka,” sagot ko at mas inilapit pa siya sa akin. Kung marami kasing tao sa mall, mas marami dito. Mura lang kasi at fresh ang mga produkto dito sa wet market. “O-okay,” bulong niya. “Waaah! Seafood!” sigaw niya at akmang lalapit sa pwesto ng mga buhay na seafood. “Bili tayo 'non?” “Bulgogi at samgyupsal lang kamo ang bibilin natin, diba?” paalala ko sa kanya. “Saka baka may allergy ka din d'yan.” “Ang cute kasi nila, o?” Itinuro pa niya yung crab gamit ang nguso niya. Umiling ako sa kanya bago siya hilahin papunta sa usual naming binibilhan ni Mommy ng mga meat. “Stephen! Bakit ngayon ka na lang bumalik? Ikaw ha, baka may iba na kayong binibilhan ng mommy mo?” Wari'y nagtatampong wika ni Ajuma (old lady) “Wala pang one week mula nung bumili kami, a? Baka naman magmukha na akong karne kapag puro baboy o baka ang kakainin namin, Ajuma!” Natatawa kong sagot. “Ikaw talaga!” anito at tumawa nang malakas. “Yung usual ba?” tanong niya. “Ano bang gusto mo?” tanong ko dito sa katabi ko dahil parang bigla na lang itong naputulan ng dila. Biglang nanahimik e. “Bahala ka na,” mahina nitong sagot. “Aba! May kasama ka pala! Napakagandang bata!” bulalas ni Ajuma kaya biglang pinamulahan ng pisngi si Jihyoung. “Bagay kayo,” pambubuska pa niya kaya sinakyan ko na lang ang biro niya. “Syempre! Pogi ako, e.” Ngumiti pa ako. “Tig five kilos po ng pork and beef. Pang-barbeque po, a?” “No problem!” Nakangiti din nitong sagot bago magkilo ng mga karne. “Ayan, ha? Dinagdagan ko na dahil maganda 'yang nobya mo.” Himagikgik pa ito kaya natawa ako. Ito namang si Jihyoung. Biglang sumiksik sa akin. “Salamat po!” Yumuko pa ako sa kanya bago magpaalam na aalis na matapos naming magbayad. “Tara na? Baka kanina pa naghihintay yung iba.” “D-dae…” (Okay) “Wuy? Bakit natahimik ka?” tanong ko kay Jihyoung nang makarating kami sa sasakyan. “Hehehe. Wala lang,” sagot niya bago may halungkatin sa mga pinamili namin. Hindi ko alam kung anong hinahanap niya dahil halos nabuksan na niya ang lahat ng mga paperbags pero hindi pa rin niya makita yung hinahanap niya. “Ito!” sigaw niya at inilabas ang couple mug. “Sayo yung serenity, sa akin yung rose quartz,” aniya at inilabas pa niya iyon pareho bago kuhanan ng litrato. “Oh, diba? Unang pundar natin 'to bilang mag-asawa!” Natatawa niyang biro. “Pahiram nga ng kamay mo, picturan ko din yung singsing natin,” aniya. Unknowingly, inilapit ko naman sa kanya ang aking kamay at hinayaan siyang picturan iyon. ‘Itong babaeng, to. Kanina lang bigla tumahimik. Ngayon naman, ang hyper na naman.’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD