CHAPTER 16

3674 Words
Chapter Sixteen JIHYOUNG'S POV "Hyongie! Ppali!" sigaw ni Luke habang paulit-ulit na pinipindot ang busina ng saksayan. "Late na tayo!" "Chankaman! Tsk!" Malakas kong sagot bago damputin ang bag ko. Nagmamadali din akong tumakbo papalabas ng bahay at nakasimangot na sumakay na ng kotse sa tabi ni Luke. Nakakaubos ng pasensya itong lalaking 'to. Aligaga na nga ako sa paggayak, talak pa ng talak. Sarap sipain pabalik sa Mainland, e. Tinanghali kasi ako ng gising. Hindi maganda ang timpla ng pakiramdam ko mula pa nang magmulat ako ng mata. Kung wala lang kaming nakaschedule na exam sa araw na 'to, mas gugustuhin ko ang mahiga at matulog maghapon. "Ano bang ginawa mo sa loob? Alam mo naman na may exam tayo ngayon, e." reklamo niya pero hindi ko na siya pinansin. Masyado na akong pagod sa mabilis na paggayak pa lang. Arguing with him will only make it worst. Kinuha ko na lang hairbrush ko dahil sa sobrang pagmamadali ko, hindi ko na nagawang magsuklay. "Don't worry, hindi naman kayo male-late. May alam akong shortcut papunta sa school," assurance sa amin ni Kuya Gray. Pansin ko lang, siya ang palagi naming driver. Wala kayang lisensya si Kuya Henry? O sadyang tinatamad lang siya? I don't know. "Jihyoung, oh? Hindi ka na nakasabay during breakfast, so I asked mom to pack some bread for you." ani Kuya Henry at inabutan pa ako ng isang paperbag. "Bakit ba tinanghali ka ng gising?" tanong pa niya. Hindi ako sumagot at binuklat na lang ang paperbag. May laman itong sandwiches na mabilis ko namang kinain kahit pa wala din ako masyadong gana. "May pinanuod ka na naman sigurong kdrama, no?" Nang-aasar na tanong ni Luke pero hindi ko ulit siya pinansin. Pasalamat siya dahil occupied ang bibig ko ng tinapay at abala naman ang kamay ko sa pagsusuklay kaya hindi ko siya mababatukan. "Akina na nga yang suklay! Ako nahihirapan sayo, e." ani Luke at kinuha na nga ang suklay sa akin at sumenyas na tumalikod ako sa kanya. "Kumain ka nang maayos," utos pa niya kaya hinayaan ko na siyang suklayan ako. 'Diba? Diba? May taglay naman kasi talagang sweetness itong bestfriend ko.' "Nakapag-review ka na ba?" tanong ni Kuya Henry kaya tumango ako. Puno pa kasi ng tinapay ang'bibig ko dahil isinalpak ko ang buong sandwich sa bibig ko. Ganoon kasi kumain si Kuya Henry, naisipan ko lang na gayahin kaya lang masakit pala sa bunganga. "Dyos ko, abutan mo nga ng tubig 'yan," natatawang biro ni kuya Grayson dahil halos mamuwalan na ako. Nagagawa pa nila akong pagtawanan kaya padabog kong kinuha ang bottled water. Matapos ang matagal tagal na pag-nguya, nagawa ko na ring lunukin ang lahat nang nasa bibig ko. "Success!" Sigaw ko. "Aray naman! Dahan dahan lang!" singhal ko kay Luke dahil hindi manlang niya nilalagyan ng pagmamahal ang pagsusuklay sa akin. "Ang likot mo kaya!" reklamo din niya kaya inirapan ko lang siya. "Hyongie? Ano ba 'to? Bakit nalalagas yung buhok mo? Anong shampoo ba ginagamit mo?" Nakasimangot niyang tanong kaya inagaw ko ang aking hairbrush at tiningnan iyon. "My prescious hair... Otteoke?" Naiiyak kong bulong bago hampasin si Minghao ng brush. "Ang diin mo kasing magsuklay! Paano kapag nakalbo ako?!" "Aba! Nagmagandang loob na nga akong tumulong, ako pa masama? Galing Hyongie, galing galing!" Naiinis niyang sagot bago ako talikuran at humarap sa bintana. Nakagat ko ang labi ko. 'Mianhe, Luke...' "Mga kuya? Tingnan niyo, o? Kakalbuhin yata ako ni Luke, e." Pagsusumbong ko pa kuno. "It's okay. Ikaw naman ang pinaka-magandang kalbo kapag nagkataon," pagbibiro ni Kuya Gray kaya pinalo ko siya ng brush ko. "Aray! Joke lang! Magpalit ka na lang ng shampoo at conditioner. Ang OA naman kasi nang makakalbo ka kaagad." Natatawa pa niyang ibinalik ang atensyon sa umaandar naming sasakyan. "Okay lang yan. Marami namang mura saka magandang wig," bulong ni Kuya Henry kaya siya naman ang hinampas ko. "Arouch!" "Bakit ba inaaway niyo ako?" Nakanguso kong tanong. "Luh, ikaw nga 'tong ang aga-aga, mainit ang ulo. Yung totoo? Red days mo ba ngayon?" Sabat ni Luke kaya muli ko siyang hinampas ng brush. "Oo at wala kang pakielam. Hmp!" Ismid ko bago siya talikuran. Hindi na sila kumibo kaya nanahimik na rin ako. Naging busy na kasi si Kuya Gray sa pagda-drive habang nakatutok naman sila Luke at Kuya Henry sa kanya-kanya nilang phone. Kinuha ko na lang ang cellphone ko para maki-update din sa mga ka-friendship ko. Nakatulog kasi ako na nag-iingay si Chanyoung sa GC. '99+ chats from Unnie's Pabos?! Oh, diba? Ang ingay sa GC namin nila Unnie/Teacher Yoon!' Bubuksan ko na sana yung mga updates nila nang biglang nagpop-out ang isang text Good morning, cinnamon roll! Goodluck sa exam. Hwaiting! Napangiti ako sa text niya. Ito talagang si Stephen, napaka-sweet! Masyado na siyang nawiwili na tinatawag akong cinnamon roll which I find very cute. Parang ang special lang kasi na may nickname siya para sa akin. Dae! Gomawo, Stephenshi. Nado, galingan mo din sa exam. Hwating! After kong maisend yung text ay nag-angat ako ng tingin. Nag-iinit kasi ang tainga ko na para bang may nakatanaw sa akin. And I was right! "Bakit? Nagandahan ka na naman sa akin?" singhal ko kay Luke. "Tss!" ismid niya. "We're here na! Naks! English 'yon!" ani Kuya Gray kaya nagmamadali akong bumaba ng sasakyan at tinakbo na ang daan papunta sa room namin. "Wow! Finally! Dumating ka din, ateng! Muntik ka nang di umabot sa first period!" kantsaw ni Minsuel pero wala ako sa mood magsalita kaya ngumiti na lang ako bago umayos ng upo. "Ikaw lang? Nasaan yung suplado mong bestfriend?" tanong ni Ate Jihan. "Ay! Speaking of the devil," bulong ni Minsuel. "The late, Mr. Xu Luke!" "Mas mukha kang devil," sagot ni Minghao. "Edi wow!" Nag-makeface pa si Minsuel para asarin si Luke. "Edi wow ka talaga mamaya. Isusumbong kita kay Ashton Hyung." Nakangising sagot ni Luke. "Uy taduuu! Walang personalan. Joki joki lang yung devil ka," biglang bawi niya pero binelatan lang siya ni Luke. Itong dalawang 'to, para ding mga ewan. Panay ang buskahan, e. "Mr. Xu and Ms. Chwe, kung ayaw niyong mag-exam sa labas, umpisahan niyo nang manahimik," masungit na saway sa kanila ni Teacher Park. Kung nagtataka kayo kung bakit hindi si Unnie/Teacher Yoon ang nagbabantay sa amin, kapag pala exam period, ibang teacher ang magha-handle sa mga class. Naka-shuffle sila para di daw maging biased sa advisory class nila. I don't actually get their point and honestly, mas gusto ko na si Teacher Yoon ang kasama namin pero no choice naman ako, e. "We will begin your examination. From now on, wala na akong maririnig o makikitang nakikipag-usap sa mga katabi nila. Naiintindihan ba?" "Yes, sir!" We answered in unison. Hinintay namin na mabigyan kami ng exam sheet bago sabay sabay na nagsimulang magsagot. "Nako, marami akong naririnig about this class. And I want to remind you na hindi papasa sa akin ang mga pagpapa-cute na ginagawa niyo kay Teacher Yoon," litanya pa niya habang nag-e-exam kami. Marami pa siyang sinabing wala namang sense. Pawang kaingayan lang. Kaya naman minadali ko na ang pagsagot. Familiar naman ako sa mga topic na nasa questioners kaya pinilit ko pa rin na ibigay ang best ko kahit masyadong nakaka-distract ang bibig ni Teacher Park. "Twenty minutes left. Yung mga nasa middle page pa lang, kaonting paspas!" Palihim kong pinaikot ang aking mata bago muling pasadahan ng tingin ang answer sheet ko at nang ma-satisfied ako sa mga sagot ko, tumayo na ako at ipinasa ang papel ko. "Ms. Kwon? Tapos ka na?" Taas-kilay niyang tanong kaya napunta sa akin ang atensyon ng lahat. "Dae, sir." Tumango pa ako sa kanya at inabot ang papel ko. "Woaaah... Galing galing naman ni ate Jihyoung!" "Ms. Chwe, tumahimik ka at tapusin mo muna 'yang exam mo," saway nito kay Minsuel. "You too, Mr. Xu?" Kunot-noo niyang tanong kay Luke na nakatayo na rin pala sa likuran ko. "Tapos ka na rin ba?" "Dae," matipid namang sagot ni Luke. "Impressive," bulong niya. "Sa labas na muna kayo maghintay. Huwag lang kayong mag-iingay," bilin pa niya kaya tumango kami ni Luke bago kuhanin ang mga gamit namin at lumabas na nga muna. "Hyongie?" ani Luke habang nakatambay kami sa may corridor. "Bakit? Ano?!" singhal ko sa kanya. "Nevermind," aniya bago ako iwanan dito sa corridor. Naupo ako sa isang gilid at doon tumunganga. Sobrang tahimik sa buong campus. Palibhasa nga't exam day ngayon kaya naman walang naglilisawang mga estudyante sa paligid. Nakabibingi masyado ang katahimikan kaya dinampot ko ang notebook ko at sinilip ang listahan ko. *Be with my family ✅ *Sleepover with friends *Camping sa beach *Pumasyal sa Amusement Park *Watch a firework display *Write a song Isa pa lang pala ang may check. "Hyongie..." Mabilis kong itinago ang listahan ko at hinarap itong tumawag sa akin. "Bakit?" taas kilay kong tanong. 'Sorry. Di ko din alam kung bakit ang init ng ulo ko ngayon.' "Here," aniya at inabutan ako ng kung ano. Yung pagkakasimangot ko bigla na lang napalitan ng ngiti. Kulang na lang, maghugis puso ang mga mata ko. "Gomawo, Luke!" Kinuha ko sa kamay niya ang tatlong piraso ng Fruittis Sweet Orange Candy. "Masakit ba ulit yung katawan mo? Or nahihilo ka? O baka naman nagke-crave ka over something?" sunod-sunod niyang tanong bago tumabi sa akin ng upo. Sanay na kasi siya sa akin. Lumaki kasi kami na siya ang nag-a-adjust sa tuwing may period ako. "I'm feeling better. Thanks for these," nakangiti kong binuksan ang candy na ibinigay niya. Sumandal pa ako sa balikat niya na hindi naman niya inangalan. "Luke... what if, as in what if lang naman ha? What if magising ka na wala na ako. Anong gagawin mo?" "Ang weird ng tanong mo. Ayokong sagutin yan." sagot niya kaya bahagya akong tumingala para masilip ko ang mukha nya. As expected, hindi na iyon maipinta. "What if lang naman, e." Bubod ko. "Dali na. Ano nga kasi gagawin mo?" "Wag makulit, Jihyoung." Tugon niya. "Ang KJ nito," bulong ko at umalis p sa pagkaka-sandal ko sa kanya. Medyo umusog din ako papalayo ng upo. Tiningnan niya ako matapos ko iyong gawin. Huminga siya ng malalim bago ako hilahin pabalik sa tabi niya. "Fine. Let's say na if ever that happens, if ever lang, okay? Then I'll find you. Don't you realize, Jihyoung? I left our hometown to follow you here. So, kung saka-sakali na lalayasan mo na naman ako, I will search for you no matter what where it leads me." "Awww. That's so... sweet. Mas sweet ka pa sa candy na 'to." Nakangiti kong sagot bago ituloy ang pagkain ko ng candy na bigay niya. I was smiling but deep inside, I was worried. Nag-aalala ako sa kung ano ang mangyayari sa oras na mangyari na ang kinakatakutan ko. Hinayaan niya lang ako na kumain ng sweets na consider as comfort food ko. About ten minutes siguro nang bigla siyang nagsalita. "Hyongie..." "Uhm?" "Diba sabi mo sa akin noon, kapag may nagustuhan na akong babae, sabihin ko kaagad sayo?" seryoso niyang paalala sa akin kaya bahagya ulit akong lumayo sa kanya. "Ako ba?" Tanong ko at itinuro ko pa ang aking sarili. "Ang kapal talaga ng mukha mo. Tss!" ismid niya kaya natawa ako. Well, closed talaga kami ni Luke dahil nga sabay na kaming lumaki pero kahit kailan, hindi namin nakita ang isa't-isa bilang romantically involved. We were like siblings, hindi nga lang blood related. "Arte mo naman," nakasimangot kong bulong bago muling idinantay ang aking ulo sa balikat niya. "Pero seryosong usapan, may gugustuhan ka na ba?" "There is this one girl, I don't know, pero sa tuwing nakikita ko siya parang nawawala lahat ng worries ko." Nag-angat ako ng aking ulo para makita ko ang mukha niya. He was smiling so brightly. "Will you tell me who she is?" tanong ko. "Not now. But I'll tell you soon," sagot niya kaya tumango ako. "And besides, sa tingin ko hindi naman kami mutual ng nararamdaman. I know that she likes someone else." "Eh? Sino ba kasi 'yan? Saka paano mo nasigurado na may iba na syang gusto?" "I can see it through her eyes. Nasa denial stage pa nga lang sya. Don't worry, I'll tell you when I'm ready." "Whenever you're ready," nakangiti kong tugon. "Ikaw, Hyongie?" tanong niya kaya saglit ko siyang tiningnan. "May nagugustuhan ka na rin, diba?" Napakunot ako ng noo. Yung tanong nya kasi mas tunog statement na para bang nagtatanong lang sya to confirm. "Uhm... Hindi ako sure, e. Ayokong magpadalos-dalos," Ngumiti ako sa kanya bago magpakawala ng malalim na buntong hininga. "Ano ba naman kasing malay ko sa mga ganyang bagay, diba?" Natatawa kong biro. "Tss. How clueless," bulong niya bago ako irapan. 'Baklang 'to!' "Eh paano ko ba malalaman?" tanong ko sa kanya. Malay ko naman kasi talaga. "Paano mo ba nasabi na nagugustuhan mo yung sinasabi mong babae bukod sa nawawala lahat ng worries mo? Pwede ko naman kasing maramdaman iyon kahit kanino, e." "Hoy, hindi kaya!" sagot niya. "Oh, paano nga?" "Korni lang pakinggan pero malalaman mong gusto mo na ang isang tao kapag hindi ka mapakali sa tuwing hindi mo siya nakikita." "Oh, tapos?" "You feel safe and warm whenever you were with that person." Hindi ako nagsalita at hinintay lang siya na magpatuloy sa nagsasalita. "Yung makita mo lang siyang nakangiti, masaya ka na rin? Same as kapag nakita mo siyang malungkot, malungkot ka na rin, na kung pwede lang na akuin mo na yung narardaman niya na lungkot, gagawin mo." 'Ganoon ba 'yon? Hindi ba parang ang selfless na masyado?' I was about to ask that when a figure of a man appeared infront of us. "Mr. Xu and Ms. Kwon, pwede na kayong bumalik sa loob," ani Teacher Park bago kami lagpasan. Tapos na pala siyang magpa-exam. Tumayo na si Luke at inalalayan pa akong tumayo. "Can you keep it a secret?" aniya. "Ang alin?" "Yung tungkol sa babaeng nagugustuhan ko. Wag mo munang sasabihin sa iba." "Of course. My lips are sealed." Nag-thumbs up pa ako sa kanya. "Xièxiè, Hyongie." ["Thank you, Hyongie."] "Bié dānxīn." ["No worries."] Jihan's POV Nandito kami ngayon sa cafeteria. Naka-break at isang subject na lang ang kailangan naming i-take bago kami makauwi. "Nakaka-exhausted naman yung exams," nanlalatang reklamo ni Chanyoung. Tumango ako bilang pagsang-ayon. Nafi-feel ko din naman kasi siya. Sakit talaga sa ulo nung halos lahat ng lessons per subjects kailangan mong balikan. "Wow, noona! Lakas maka-talino ng exhausted, a? Dati pagod lang 'yan ngayon exhausted na? Sosyal!" kantsaw ni David sa ate niya. "Tigilan mo lang ako, Kwannie. Tampalin kita d'yan," Tinatamad namang sagot ni Chanyoung kaya natawa ako bago silipin ang aming dalawang maknae na kapwa tahimik. Nakakapagtaka dahil sanay na akong maingay sila. "Okay lang kayo?" tanong ko sa kanila pero si Minsuel lang ang pumansin sa akin. Nakanguso siyang tumango sa akin bago magpakawala ng buntong-hininga. "Ate? Paano ba ako makakatakas sa demonyito kong master? Di ako maka-focus sa pag-aaral, e." tanong niya bago yumakap sa akin. "Bwisit kasi si Chase Oppa, e. Siya may kasalanan nito, e." Parang bata pa niyang pagmamaktol. "Ikaw naman kasi, pumatol patol ka 'don sa deal na ginawa ni Kuya, alam mo namang isa pang alagad ni Lucifer yung kuya ko," natatawa kong sagot sa kanya. "Oo nga. Yabang mo din kasi minsan, e." ani Hansol habang naglalaro ng SSP sa phone niya. "Ay s**t! Nataya ako!" sigaw pa niya bago gigil na itinago yung phone niya. "Malay ko bang magaling pala talagang maglaro si Ashton," nakanguso pa rin niyang sagot bago humarap sa pader at doon bumulong nang bumulong. "Sleepover tayo sa bahay," bigla-biglang suggestion ni Jihyoung kaya napatingin kaming lahat sa kanya. Kahit si Minsuel abala sa pagda-drama ay napabalikwas ng tingin. "Sige na? Magpapaalam ako kila Appa." "Bakit? Anong meron?" tanong ni Chanyoung. Oo nga, anong meron? Naisipan naman ng batang ito. "Wala lang..." sagot niya bago tumingin sa akin. "Eih? Nahihiya ako. Di naman ako kilala ng parents mo, e." sagot ko. Isipin pa lang na pupunta ako sa kanila, nag-iinit na kaagad ang pisngi ko. "Paano ka makikilala kung di ka magpapakilala. Minsan talaga ate, may onti ka." Sagot sa akin ni Chanyoung habang nagpipigil nang tawa. "For sure, hindi ako papayagan." Sabat ni Minsuel sa usapan. "Alam niyo naman na strict ang parents namin," dagdag pa niya. "Edi ipagpapa-alam kita. Tapos isama mo si Thomas," ani Jihyoung. "Ano namang gagawin ko 'don?" nakasimangot na tanong ni Thomas kay Jihyoung. "Don't worry, kasama din si David," pag-a-assure naman nito kahit hindi pa pumapayag si Seungkwan. "Aba't kailan pa ako nasali d'yan?" Taas-kilay na sabat ni David. "Kasama ka. You owe me, remember?" mataray na sagot ulit ni Jihyoung. "Sabi mo babawi ka sa akin. Saka diba, friends naman na tayo?" "Sabi ko nga, kasama ako. Sumama ka na Thomas, wala akong kasama kapag wala ka," bulong pa ni David. Itong dalawang 'to, hindi ko malaman if nag-aaway na naman ba o hindi. Mukhang dapat na akong masanay na kung hindi nagsusungit si David, si Jihyoung naman ang masungit sa kanila. "So paano? Tuloy na tayo? Ha? Sure naman ako na papayag sila mother dear, e. Weekend naman na bukas, e." 'Mukhang wala kaming karapatang tumanggi ngayon, a?' "Teka lang, bebe Jihyoung... Baka kasi ano, e. Baka ako ang hindi payagan," paliwanag ko dahilan upang biglang humaba ang nguso niya pero kaagad din namang ngumiti habang nakatingin sa likuran ko. "Wae?" tanong ko sabay lingon. Magkasabay lang naman na dumadating demonyito kong kuya at si Owen. Pansin ko lang, hindi na halos naghihiwalay ang dalawang 'to. Mukha tuloy silang bad and good angels sa mata ko. Syempre si kuya yung bad. Bwahahahaha. "Oppa!" malakas niyang tawag kay Kuya Jeonghan bago lumapit dito. "You looked great as always!" Tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi niya. 'Anong kalokohan 'to? Kailan pa naging closed ang dalawang 'to?' "Hay nako! Sa wakas! May naging kaibigan din si Jihan na marunong tumingin ng totoong maganda!" maarte pang pagpaparinig ni kuya sa amin. Parang tanga namang kinilig si Jihyoung bago tumingkayad para bumulong kay Kuya. "Jinja?!" sigaw ni Kuya Jeonghan. "Okay lang. Ako nang bahala. Isama mo na si Jihan kapag pumalag, sabihin mo sa akin." Halos malaglag sa sahig ang panga ko. 'Anong sinabi ni Jihyoung at napapayag niya si Kuya?' Abot tainga ang ngiti ni Jihyoung nang bumalik siya sa pwesto namin. "How did you do that?" naguguluhang tanong ni Chanyoung pero nagkibit-balikat lang si Jihyoung bilang sagot. "You have no excuse left. Tuloy na tayo, ha?" "May choice ba kami, bebe?" Natatawang tanong ni Chanyoung. "Pero ipagpaalam mo na muna kila tito at tita. Pati sa mga kapatid mo." "Ipagpaalam ang alin?" tanong ni Henry. Hindi namin namalayan na nandito na pala sila ni Grayson at Ashton. Manhid na ba kami o talagang magaling lang kumilos ang mga 'to? "Sleepover sa bahay," nakangiting sagot ni Jihyoung. "Uy, sounds great! Tamang-tama kasi nilinis namin ni Jun yung pool kagabi. Pwede tayong mag-swim," excited na sagot ni Henry. "Ano sa tingin mo, Gray?" "Okay ako d'yan. Invite din natin sila Stephen Hyung. I-try natin yung mga tent na binili ni dad last spring," sang-ayon ni Junhui. "Mag-camping ang boys tapos syempre ang mga girls doon sila sa room ni Jihyoung!" Nag-up here pa ang dalawa bago balingan si Jihyoung. "Nice idea, baby girl." Si Henry at nag-thumbs up pa kay Jihyoung. "Tapos, sabay na tayong lahat na pumunta dito sa school bukas." "Ay, wala pong pasok bukas. Sabado bukas, Hyung." ani David. "Oo nga. Sinabi ko bang papasok tayo?" tanong ni Henry. "Eh anong gavawin natin dito sa school?" tanong naman ni Chanyoung. Nakangiti lang na inabot sa amin ni Junhui ang isang bond paper. "May rehersal bukas ang theatre club. Signed by Mr. President Choi Stephen." "Ugh! Diba pwedeng mag-relax muna tayo?" reklamo ni Minsuel. "Galing ang mga braincells natin sa madugong exam. Baka mag-malfunction na 'to." "Edi mag-submit ka ng withdrawal kung gusto mong mapahinga," nakasimangot na sabat ni Ashton. "At huwag mong gawing excuse kung limitadong braincells na lang ang active sayo," "My goodness ang epal masyado! Kausal kita, boy?" bulong ni Minsuel habang naka-usli ang kanyang nguso bago tumayo at hinarap si Ashton. "Anong kakainin mo, Master?" aniya. Masyadong plastik yung tono nya. Halatang labag sa kalooban na pagsilbihan si Ashton. Ito namang si Ashton, di ko mawari kung trip lang talaga mang-inis o sadyang nag-eenjoy. Masyado kasing unpredictable yung facial expression nya. "Bahala ka na," nakangisi namang sagot ni Ashton. "Sure ka? Bilhan kita ng lason, gusto mo?" maarte pang bulong ni Minsuel bago paikutan ng mata ang kanyang master. "Kahit ano na lang? Pork? Beef soup? Curry? Ano nga?" "Bahala ka na," sagot ulit ni Ashton. Tamad na tamad na naman magsalita ang loko. Dumampot pa ito ng libro at tinalikuran na si Minsuel. Pinaikutan siya ng mata ni Minsuel at inambaan pa ng hampas pero di naman sya itinuloy. Huminga sya ng malalim at pinakalma ang sarili. "Bilisan mo. Gutom na ako." Demand pa ni Ashton kaya nabalewala ang pagpapakalma ni Minsuel sa sarili nya. Nagdadabog siya na lumapit sa counter para mag-order, "AJUMA! PA-ORDER NGA NG BAHALA KA NA!!" Malakas niyang sigaw kaya napatakip ako sa aking bibig at tainga. Kung pwede lang lumubog sa kinapupwestuhan ko, ginawa ko na. Ako ang nahihiya sa ginagawa niya, e. "My God, nakalunok ka ba ng megaphone, Minsuel? Ang loud, ha? Pangit na nga, loud pa. Iwww." Maarteng pambubuska ni kuya sa kaibigan ko. Isang matalim na tingin naman ang ginanti ni Minsuel habang panay ang bulong. Masyado iyong mabilis at mahina kaya di ko na narinig nang maayos. Feeling ko tuloy, nagre-recite na sya ng orasyon para puksain ang mala-demonyito kong kuya. "Chase Oppa, that's too much. Pabayaan mo na si Minsuel," ani Jihyoung at ngumiti pa kay kuya. "Hehe. Joke lang, Jihyoung." sagot ni kuya kaya napakunot ako ng noo. Kailan pa naging maamong tupa itong si Kuya? Napatingin ako bigla sa direksyon ni Minsuel. 'Don't tell me... nagwork yung orasyon nya para kay kuya?'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD