CHAPTER 15

3700 Words
Chapter Fifteen Jihyoung's POV “Cham, cham, cham!” Sabay naming sigaw ni Thomas habang naglalaro sina Kuya Henry at Ashton Oppa. Napuno kami ng tawanan dahil sa pangsampung beses, natalo na naman si Oerabeoni. “Dinadaya mo na yata ako, e!” sigaw ni Kuya Henry habang nakahawak sa kanyang kaliwang tainga. Nakangisi namang nagtaas ng kamay si Ashton oppa na para bang nagmamayabang siya. “Wala. Mahina,” matipid pa niyang bulong dahilan para magkantsawan na naman yung munti nilang audience. “Mahina ka pala, hyung! Wala!” Pangbubuska naman ni David kaya mas lalo kaming nagtawanan. Imagine all our voices. We're too loud! To think na nasa clinic pa kami. Hindi na ako magtataka kung mamaya lang ay may papasok na naman para sawayin kami. “Hoy! Sinabi nang bawal ang maingay dito, e!” sigaw ni Teacher Yoon at naka-simangot na nameywang sa harap namin. 'Sabi na nga ba, eh.' Ito na siguro ang pang-labing tatlong beses na pinuntahan niya kami mula sa klase niya sa katapat lang naming silid. “Mga ato at ine, clinic 'to. Wala kayo sa zoo!” sermon pa niya. “Isa pa. Isa pa talaga, palalayasin ko kayong lahat. Dapat nagpapahinga sina Jihyoung at David dito. Bakit ba napapayag niyo ako na kayong lahat nakatambay din dito, e.” “Sis, wala kang magagawa. Tapos na ang klase namin,” natatawang sagot ni Chase Oppa. “Oo nga. Wag ka na ngang KJ! Balik ka na sa klase mo, unnie,” segunda naman ni Ate Jihan. “Aba't! Tinataboy niyo ba ako?” Nakataas kilay na tanong ni Teacher Yoon bago lapitan ang dalawa niyang nakababatang kapatid at magkasunuran itong binigyan ng malutong na kutos sa ulo. “Mga siraulo kayo, a?” “Mana sayo,” sabay na sagot nila ate Jihan habang sabay din na hinihimas ang mga ulo nila. “Uy! First time nagkasundo nung dalawa!” Kantsaw ni Minsuel sa magkapatid. Wagas din ang pagkakatawa niya na sinasabayan pa niya ng pagpalakpak. Kitang-kita na naman ang gums niya. “Sayo naman pala nagmana, noona, este Teacher Yoon pala!” sabat pa ni Thomas na halos kopyang kopya ang mukha ni Minsuel sa pagtawa. Sa mga ganitong pagkakataon talaga sila mas nagmumukhang magka-kambal, e. “Che! Manahimik din kayong magkapatid, a!” Si Teacher Yoon na halos mamula na sa inis. “Luh! Che daw. Chwe po kami, Chwe.” Pamimilosopo pa ni Minsuel kaya lalo kaming nagtawanan. “Hoy! Kayo, a? Inaaway niyo na naman si Teacher Yoon. Bait bait nito, e.” Si Stephenshi. Nag-puppy eyes pa siya kay Teacher Yoon pero kaagad din siya nitong inismiran. “Sa dami nang mga sinabi ng mga kasama mo, sa sinabi mo ako mas nainis,” ani Teacher Yoon kaya naman si Stephenshi naman ang pinagtawanan namin. “But seriously, tone down please. May mga nagka-klase pa. Hindi lang kayo ang students dito. Kaonting katahimikan lang, ano? Para mapahinga din sila Jihyoung at David.” “Yes, Teacher Yoon!” We all answered in unison. “Thank you!” “Okay. Babalik na ako sa mga estudyante ko, ha?” anito at saka kami iniwanan. “Lakas talaga natin kay Teacher Yoon!” ani Chanyoung habang nakangiti. Siya yung nakapwesto sa gilid ng bed na kinakahigaan ni David. Kanina pa din siya hindi mapakali sa pag-aasikaso dito. Maya't mayang nagtatanong if may kailangan o gusto si David. Sweet naman talaga this girl, diba? Parang ang sarap tuloy magkaroon ng ate. Don't get me wrong, I love my brothers. I just thought having a big sister is a great idea too. Saka kung sa pagiging sweet at maalaga lang naman, wala akong maipipintas sa mga kapatid ko. Ito nga't kulang na lang ipa-admit pa nila ako sa ospital nang dahil sa nangyaring insidente sa stock room. Well, hindi ko na din maalala kung paano kaming nakalabas dahil nung magising ako, nandito na ako sa clinic ng campus. Parang bigla kasi akong nanlata kanina. Para ba akong kandila na unti-unting nauupos. Dala lang siguro ng pagod at stress kaya ako nag-collapse. Kung hindi nga lang siguro sa kaingayan nila baka tulog pa ako hanggang ngayon, e. Imagine, kila ate Jihan, Chanyoung at Minsuel pa lang maingay na. Paano pa ngayon na nadito halos lahat ng mga kaibigan nila kuya. Tanging sila Julian at Theo lang ang wala dito. Ang sabi kasi nila Brother dear may klase pa daw yung dalawa pero mukhang dito din ang tuloy nila pagkatapos. Ang saya diba! They were like real families. Nakakatuwa na makita silang magkakasama. Ang sabi din kasi nila Chanyoung, kahit naman daw may mga kapatid sila sa grupo nila Kuya, hindi pa rin sila ganoon ka-closed sa mga ito. Pwera na lang pala sa mga kasama nila sa Theatre Club. Syempre kahit papaano ay magkaka-friendship na sila. “Ano ba?! Napaka-ingay mo naman! Nag-game over tuloy!” singhal ni Ashton Oppa kay Minsuel. Ipinakita pa niya ang nilalaro niyang online game sa cellphone niya. “Wow ha? Saang banda ako nag-ingay?” sagot naman ni Minsuel at pinaikutan pa ng mata ang katabi. “Tsk! Kanta kasi nang kanta, wala naman sa tono!” iritable nitong sagot kaya napatayo si Minsuel. “Hoy! Una sa lahat hindi pag-iingay ang tawag sa ginagawa ko. That is called singing! At nasa tono po ako!” Nameywang pa si Minsuel bago pasigaw na sinagot si Wonwoo. “Isisisi mo pa sa akin yung pagkatalo mo. Malay ba natin kung weak ka talaga? Tss!” “Are you challenging me?” Seryosong tanong ni Ashton bago ngumisi na tila na alam na nya ang kalalabasan nitong pinagtatalunan nilang dalawa. “Are you threatened?” Taas-kilay naman na sagot ni Minseul bago ilabas ang kanyang mobile phone. “Best of three?” “Deal!” sigaw ni Ashton at muling tumutok sa kanyang cellphone. “Wait! Para mas exciting dapat may prize yung mananalo at penalty sa matatalo!” suggestion ni Chase Oppa. Bakit parang kinakabahan ako sa suggestion nya? “Dapat magiging slave yung matatalo. Diba? Para mas masaya!” “Ayoko ngang maging slave!” reklamo ni Minsuel. “Edi inamin mong mas weak ka?” Nakangising tanong ni Ashton Oppa. “What?! Hindi! Umpisahan na natin!” sigaw ni Minsuel at pumpwesto pa ng upo sa tabi ko. Seriously, wala akong naiintindihan sa nilalaro nila. Basta may mga character na naglalaban at parang may sinusugod silang tower ng kalaban. And since wala akong maintindihan, mas pinili ko na lang na wag manuod kahit pa nagkukumpulan na ang lahat sa panunuod sa laban nung dalawa. Sumasakit ang ulo ko sa makulay at mabilis na galaw ng graphics nung game nila. Tumayo muna ako dahil dinudumog na nila ang pwesto ko at hindi ako masyadong makahinga. Mga tsismoso naman kasi sila, e. Well, curious din siguro sila sa pwedeng kalabasan ng laro nung dalawa. “Hyongie, saan ka pupunta?” tanong ni Luke sa akin. Siya lang kasi yung hindi interesado na manuod kaya napansin niya ang paglabas ko. “Nauuhaw ako, e.” sagot ko. “I'll just get some drinks,” “Ako nang kukuha. Stay here. Dapat nagpapahinga ka, e.” seryoso pa niyang hinawakan ang braso ko kaya napangiwi ako nang may gumuhit na sakit doon. “Why?” kunot-noo niyang tanong at sinipat pa ang braso ko na hawak niya. “Hyongie? Napano 'tong pasa mo?” worried niyang tanong habang nakatingin sa pasa ko na halos isang dangkal ang laki. “I'm fine. Alam mo namang pasain talaga ako, diba?” Nakangiti kong katwiran at binawi pa ang braso ko sa kanya. I tried to cover it with my own hands. Nag-iwas din ako ng tingin dahil hindi ko alam kung hanggang kailan ko kakayanin na magsinungaling sa kanya. “Oo pasain ka pero hindi naman ganyan ka-grabe.” Nakasimangot niyang sagot. “Are you sure? Baka naman nabagsakan ka ng mga gamit sa stockroom? Or did you bump yourself into something?” “S-siguro? Baka hindi ko lang napansin,” sagot ko na lang. Mas mabuti na 'yon kaysa magtanong pa siya nang magtanong. “Eissa!” sigaw ni Julian na papalapit sa amin. “Eissa?” tanong ko kay Luke. Pili lang kasi ang pinapayagan niya na tumawag sa kanya ng nickname niyang iyan. “They kinda asked me to give a nickname. That's my nickname, right?” paliwanag niya kaya natawa ako. "Bakit ayaw mo ba?" “Ang dami mong sinabi,” pagbibiro ko bago hintayin na makalapit sa amin sina Julian at Theo. Hindi ko pa masyadong ka-close si Theo dahil madalang naman kaming magkasama. Pero mukhang makakasundo ko naman siya dahil magka-edadaran lang kami. For sure may mga common interests naman kami kaya hindi na ako mahihirapan. “Hi Jihyoung!” ani Theo at ngumiti pa dahilan para lumabas ang pangil niya. ‘Waaah! Ang cute!’ “Hinahanap ka kanina ng mga kuya mo. Nag-cut ka ng class 'no? Hoy, masama 'yon!” aniya habang nakangiti pa rin. Ngumiti din ako sa kanya bago yumuko. Nakaka-ilang kasi yung tingin niya. Alam ko na wala lang sa kanya 'yon pero para kasing kumikinang ang mga mata niya ngayong nakangiti siya sa akin. Malapit na akong maniwala sa mga tsismis na malakas sa mga chics itong si Theo. May rumor kasi na medyo palengkero daw ito pero pinabulaan naman na iyon sa akin nila Kuya. Friendly lang daw talaga si Theo at baka nami-misenterpret lang daw ng iba lalo na yung mga hindi naman talaga nakakakilala sa kanya. “Bakit nasa labas kayo?” “Nauuhaw ako e,” sagot ko. “Really?” si Theo bago maglabas ng tubig mula bitbit niyang plastic bag. “May water ako dito. Sayo na lang,” aniya at inabot pa sa akin ang isang bottled water. Tinanggap ko iyon at kaagad na ininom. “Eh? Bakit may lasa?” tanong ko at inisip kung anong pagkain ang naaalala ko sa tubig na binigay niya. “Lasang pomegranate?” “Ay! Sorry sorry! Flavored water kasi 'yan!” aniya. “Masarap ba? Sabi kasi nung babae sa store masarap daw, kaya ayon, napabili ako.” “Okay lang. Kaya lang mas nauhaw yata ako? Medyo sweet kasi, e.” Natatawa kong sagot bago ibalik sa kanya yung bote. Isang inom pa lang ang bawas 'non. Sayang naman kung itatapon na kaagad. “Ito Jihyoung, o? May tubig din ako. Ito totoong tubig talaga,” sabi ni Julian at binigay pa sa akin ang bottled water niya. “Bawas na nga lang 'yan. Nainuman na kasi, e. Pero ako lang din naman uminom jan. Don't worry, hindi naman mabaho yung hininga ko.” Todo ngiti pa niyang paliwanag kaya napangiti din ako. Ang lakas kasi makahawa ng mga ngiti nya. He's like a big ball of sunshine. “It's okay,” sagot ko at tinungga iyon. “Salamat,” sagot ko bago isoli sa kanya yung bote pero bago pa iyon makuha ni Julian, may ibang kamay ang umagaw noon sa kamay ko. “Painom din!” ani Stephen at walang pasabi na ininom na lahat ng natirang tubig. “Waah! Refreshing!” sigaw niya at walang habas pang nilupi ang basyo ng tubig. “Saan ka pupunta?” seryoso niyang tanong sa akin. “Pabalik na sa loob. Nakainom na ako, e.” Nakangiti kong tugon at nag-umpisa nang humakbang pabalik sa clinic. Naabutan namin na intense pa rin ang atmosphere sa pagitan nila Minsuel at Ashton. Tutok na tutok pa rin ang lahat sa paglalaro nilang dalawa. Baka nga hindi nila namalayan na lumabas kami. ‘Sana ganoon sila palagi. Para hindi ako mahirapan,’ sa isip-isip ko. Naupo na lang ako sa bakanteng upuan dahil wala na akong mapupwestuhan sa kama. Nandoon na silang lahat e. Dumagdag pa sila Julian at Theo. Si Luke naman ay nakikisilip na din sa nilalaro nung dalawa. “Pambihira talaga ang mga 'to. Ikaw dapat yung nagpapahinga, e.” mahinang bulong sa akin ni Stephen at pumwesto pa ng upo sa tabi ko. “Pinag-alala mo kami,” aniya. “Huh?” Kumunot pa ang noo ko. Sandaling nag-loading ang utak ko bago ma-gets ang nais niyang sabihin. “Sorry. Di ko kasi alam na sira pala yung pintuan ng stockroom e. Nakulong tuloy kami ni David.” Paliwanag ko bago tanawin ang pwesto ni David na busy din sa panunuod. “Sa tingin mo ba, galit pa rin siya sa akin?” “Of course not!” Mabilis niyang tugon. “If you could only see how worried he was,” dagdag pa niya bago ipatong ang kanyang kamay sa ulo ko. “I was thinking, maybe he hates me for some reason,” bulong ko bago yumuko. “Who would dare to hate you, Jihyoung?” Marahan at nakangiti niyang ginulo ang aking buhok kaya ngumiti din ako sa kanya. “You're the cutest cinnamon roll on this place. No one will hate you.” He pinched my left cheek and squeezed it a little. “Cute lang?” nakalabi kong tanong. “Am I not pretty, Stephenshi?” Pagpapabebe ko pa. “Woah! That's too much to handle!” Sigaw niya at tinakpan pa ang magkabila niyang mata. “Cuteness overload!” “Siraulo!” natatawa kong sagot at mahina pa siyang sinuntok. ‘Game Over! Wasted!’ “No!! No!!” Magkasunod na nag-echo sa buong silid ang resulta ng kanilang laro at ang sigaw ni Minseul. Mukhang alam ko na kung sino ang panalo. “Sinong mas weak sa atin ngayon?” Nakangisi pang nameywang si Ashton bago ibato kay Minsuel ang kanyang bag. “Bitbitin mo na yan. Gusto ko nang umuwi, slave.” Tumawa pa siya nang malakas. “Bwisit!” sigaw ulit ni Minsuel bago batukan ang nananahimik na si Kuya Chase. “Bwisit ka, kasalanan mo 'to, e.” “Aray ko, ha? Papatulan kita!” sigaw din ni Chase Oppa at akmang gaganti. Mabuti na lang at kaagad na pumagitna sa kanila si Thomas at Owen Oppa. “Nako Ashton, dalhin mo na 'yang alipin mo. Titirisin ko 'yan.” “Ano ako, kuto?” ani Minsuel at akmang susugod pa kay Chase Oppa. “Aray ko! Ano ba?!” singhal niya kay Ashton dahil bigla na lang nitong hinawakan ang kwelyo ng suot niyang uniform. “Let's go,” malamig nitong utos at kulang na lang ay kaladkarin na si Minsuel palabas ng Clinic. “No! Ayokong maging slave mo!” pagpo-protesta pa ni Minsuel kaya napalingon ako kay Stephen. “Will they be fine?” “Of course they will. Don't worry about her. Si Thomas nga hindi nag-aalala e.” sagot naman niya kaya tiningnan ko si Thomas na abot-tainga ang ngiti. ‘Maloko din 'to, e.’ “Umuwi na tayo!” ani Chase Oppa at padabog pang hiniklat si ate Jihan. “Aray naman, kuya!” singhal ni Ate Jihan at hinampas pa ng bag ang kuya niya. “Hey, stop hurting each other!” Awat sa kanila ni Owen Oppa. “Jihyoung, uwi na rin tayo.” pag-aaya ni Eorabeoni. “Okay!” sagot ko naman at tumayo na nga. “Chanyoung-ssi, sabay na kayo sa amin,” pagpiprisinta ni Eorabeoni kaya nagkatinginan ang magkapatid. Tumango naman si David kaya halos magliwanag mukha ni Chanyoung sa tuwa. Kinikilig na naman siguro ang babaeng 'to. ‘Hmp! Ang landi! Kenekeleg teley eke.’ “Pasabay din ako!” ani Stephen at parang tanga pa na kinekembot ang kanyang beywang. “Nasaan yung kotse mo, Hyung?” tanong ni Brother Dear. “Coding ako ngayon e. Ayoko namang mag-bus,” sagot niya. “Ang sabihin mo, wala kang pamasahe!” pang-aasar ni Asher Oppa. Tiningnan ko ang magiging reakyon ni Stephen, nag-make face siya at parang bata na inasar si Asher Oppa. “Itsura mo!” “Gwapo!” mabilis niyang tugon kaya natawa ako. “Aba't! Bakit tinatawanan mo ako? Gwapo naman talaga ako!” baling niya sa akin. “Mukha ka kamong kwago! Alis na nga rin ako.” ani Ashton at iniwanan na kami. “Oh? Kayo? Anong plano niyo?” tanong ni Stephen kila Thomas, Cole, Julian at Theo. “Edi sasakay ng bus. Wala naman kaming choice. Hindi na tayo kasya sa kotse nila Jihyoung, e.” sagot ni Theo. “Ako, susuduin ako nila dad. May family dinner kami, e.” Si Cole na nag-iimis na ng kanyang mga gamit. “Wow sana all!” sigaw ni Theo. “Mauna na kami. Annyeong!” paalam niya sa amin bago umalis habang naka-akbay kila Thomas at Julian na kumaway pa sa amin. “Ingat!” I waved my hands kahit hindi naman na nila iyon makikita. “Let's go?” baling ko kila kuya na bitbit na pala ang bag at mga gamit ko. “Eh? Ako na magbibitbit ng mga 'yan!” “Kami na,” pagtanggi ni Kuya Jun. “Eh? Ang girly ng mga gamit ko. Baka isipin nila bakla kayo.” Ngumuso pa ako pero inismiran lang nila ako. “Color doesn't have gender,” saad ni Kuya Henry. “Tara na. Medyo mabigat ang mga gamit mo. Mapapagod ka lang.” “Kasi naman, eh. Baka masanay ako ng ganyan kayo. Masyado niyo akong inii-spoil, e.” bulong ko pa. “Ano naman kung ma-spoiled ka namin? Ikaw naman ang baby girl namin, a?” sagot naman ni Kuya Grayson at umakbay pa sa akin. “Ngayon na nga lang namin nagagawa 'to, e. Pipigilan mo pa ba kami?” “Nakakaasar 'to. Nagdadrama pa,” bulong ko bago lumingkis sa beywang niya. “I love you, kuya.” paglalambing ko. “Ano 'yan! Bakit kayo lang!?” singhal ni kuya Henry at nakasimangot pa na nakatingin sa amin. “Selos ka pa!” sagot ko at humiwalay kay kuya Grayson para sa kanya naman yumakap. “I love you!” “I love you too,” aniya at humalik pa sa aking noo. “Oh? Tapos na kayo mag-moment? Uwi na tayo!” natatawang kantsaw sa amin ni David. “Mamaya na yan sa bahay niyo.” “Bakit baby Boo? Naiinggit ka ba?” tanong ni Chanyoung at yumakap pa sa kanya. “Noona! Nakakahiya ka!” aniya pero hindi naman umalis sa pagkakayakap ni Chanyoung. “Ang arte ha?” ani Chanyoung at mas inilapit pa ang sarili kay David. “Cute,” sabay naming bulong ni Kuya Henry kaya ngumiti ako sa kanya. “Ayieeh,” mahina kong buyo sa kanya kaya kaagad siyang pinamulahan ng pisngi. ‘How squishy!’ “Tara na talaga, umuwi na tayo.” Pag-aaya ko at nauna nang maglakad palabas ng clinic. ‘Sana lagi kaming ganito. Sana talaga.’ STEPHEN'S POV Nakangiti kong tinanaw ang papalayong sasakyan nila Jihyoung habang nakapamulsa. “Oh? Stephen, bakit nasa labas ka pa?” tanong ni Mommy nang makita niya ako. May hawak siyang itim na plastik at nakasuot pa ng apron. “Hinatid ka ba ng mga kaibigan mo?” tanong niya at tinanaw din ang nakalayo nang van ng mga Kwon. “Dae, eomma.” Nakangiti kong sagot bago yumakap sa kanya ng mahigpit. “Wae? Ang ganda ng ngiti mo, a? Did something good happened?” tanong pa niya pero nagkibit-balikat na lang ako bilang sagot bago kumalas sa pagkakayakap sa kanya. “Pumasok ka na sa loob. Ilalabas ko lang 'tong mga basura natin,” “I'll do it.” Prisinta ko at kinuha na sa kanyang kamay ang garbage bag. “Susunod na ako sa loob. Pumasok ka na eomma.” “Arasso,” aniya at nakangiti nang pumasok sa loob ng bahay matapos pisilin ang pisngi ko. Binitbit ko na ang basura namin at dinala iyon sa kanto. Paalis na ako nang biglang mag-vibrate ang cellphone ko kaya't kinuha ko iyon mula sa bulsa ko nang may nahulog na nakalamukos na papel mula doon. Dinampot ko iyon bago tingnan kung sino ang nagtext sa akin. Stephenshi!!! Thank you. Ikaw pala ang tumulong sa amin ni David. I owe you, big time. Nakangiti naman akong nagtype ng reply. Ano kayang magandang isagot? Ikaw pa ba? Malakas ka sa akin, e. Sandali akong naghintay ng reply niya pero hindi na siya sumagot kaya naman binulsa ko na ulit ang phone ko bago harapin ang papel na nanggaling din sa bulsa ko. Napakunot ako ng noo. Hindi ko kasi maintindihan ang nakasulat doon dahil naka-mandarin iyon. Siguro kay Jihyoung 'to. Naalala ko kasi na nakita ko ito sa stock room kanina sa stock room e. Nawala na nga lang sa isip ko na itapon. Nakalimutan ko na nga na naibulsa ko pala ito. ‘Importante kaya 'to?’ ‘Siguro'y hindi. Lulukutin ba niya 'to kung importante?’ I was about to throw it out nang biglang sumulpot sa harap ko si Dad. “Oh! Off duty ka ngayon, dad?” “Yep! I promised your mom na sa bahay ako kakain ng dinner ngayon.” Todo ngiting sagot ni Dad. Ganyan talaga si Dad. He's always busy with his work as a resident Doctor in a big hospital but he still managed to spend time with us, his family. “What's this?” tanong niya at kinuha sa akin ang papel na hawak ko. “I don't know. Di ko naman maintindihan, e.” Natatawa kong tanong pero seryoso lang ang mukha ni dad. “Bakit, dad?” tanong ko. “Itatapon mo na ba 'to?” tanong niya kaya tumango ako. “Kaninong kalat ba 'to?” “Baka kay Jihyoung, dad.” sagot ko naman. "Naka-mandarin, e." “Really?” “Yes. Bakit? Naiintindihan mo ba 'yan dad?” tanong ko ulit at nagpipigil pa ng tawa. “Paano ko maiintidihan e naka-chinese? Loko ka talaga! Umuwi na nga tayo,” natatawa naman niyang sagot bago umakbay sa akin at halos makaladkad na ako sa paglalakad niya. Akala ko naman naintindihan niya. Bigla kasi siyang naging seryoso nung makita niya yung papel lalo na nung nalaman niyang kay Jihyoung iyon. Sayang naman. Curious pa naman ako pero hayaan na nga! Itatanong ko na lang kay Jihyoung once na magkaroon ako ng pagkakataon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD