CHAPTER 14

3360 Words
CHAPTER FOURTEEN HENRY'S POV Nakapangalumbaba akong nakikinig sa lessons namin para alalayan abg ulo ko na tuluyang bumagsak. Hindi kasi ako masyadong nakatulog kagabi kaya naman ngayon ako sinisingil ng antok. "Make sure na maipasa niyo ang mga requirements na hinihingi ko, okay? Especially yung may mga club na masyadong kumakain ng oras niyo. I won't make any excemptions this time," maarteng paalala sa amin ni Teacher Kim Julius kaya nagkatinginan kami nila Grayson. Mukhang kami na naman ang tinutukoy ni sir. "Class dismiss," anito bago lumabas ng room. "G na G na naman si Sir Julius sa atin. Pulos na kasi tayo extra-curricular, e." Biro ko sa mga kaibigan ko. "Asher, kumusta yung orientation ni Hyongie?" Narinig kong tanong ni Grayson dito sa katabi ko. "Hyung, nang-aasar ka ba? Nakita mo naman na late na nga akong nakapasok kanina, sa tingin mo nakadaan pa ako sa club para i-orient siya?" Nagmamasungit na sagot ni Asher kaya inakbayan ko siya. Mukhang pangit na naman ang gising ng isang 'to. Ang init ng ulo, e. "Ikaw naman! Parang hindi mo kilala si Grayson, hindi niya gets yung mga ganoong bagay. Masyado siyang inosente," bulong ko. "Isa ka pa! Alisin mo nga lang 'yang kamay mo kung ayaw mong ihampas ko sayo 'tong upuan," aniya at tinapik pa ang kamay ko na nasa balikat niya. "Init talaga ng ulo. Baka di ka pa nagbreakfast, tamang-tama pwede nang pagprituhan ng itlog yang ulo mo sa sobrang init." Pambubuska ko pa dito na sinagot naman niya ng matalim na tingin kaya nag-peace sign ako sa kanya. "Sayang naman, excited pa naman si Hyongie para sa orientation niya," bulong ni Grayson. "Oh eh paano? Ikaw na ang bahala sa baby girl namin, ha? Asher, maaasahan ka naman namin, diba?" "Ewan ko sa inyong magkapatid. Ano bang akala niyo kay Jihyoung? Sanggol? Kaya na niya ang sarili niya," anito kaya kinutusan ko siya. "Di naman na nya siguro kailangan ng personal caregiver at kung kailangan man niya, please lang, wag ako. Marami na akong iniisip, wag nyo na dagdagan." "Kahit anong mangyari, baby girl pa rin namin siya. At bilang ikaw ang president ng music club at kaibigan ka din namin, obligasyon mo na rin siya," sabat ko pa. "I didn't sign up for this, okay?" aniya at inismiran pa kami bago maglabas ng isang tambak na music sheet at iyon na ang hinarap. "Anong ginagawa ng maingay na 'yon dito?" bulong ni Wonwoo kaya napatingin ako sa tinutukoy niya. 'Sila Chayoung 'yon, a?' sa isip ko. Kasama nya sila Minsuel at Jihan na patingin-tingin sa loob ng room namin. Tumayo ako at hinintay na nagtagpo ang mga mata namin. "Henry oppa!" Malakas niyang sigaw at sumenyas na lumapit ako kaya ganoon na nga ang ginawa ko. "Chanyoung, anong ginagawa niyo dito? Si Jihyoung?" tanong ko. Nakakapagtaka kasi na hindi nila kasama ang kapatid ko. "Iyon nga, e. Hindi kasi siya nakapasok sa last class namin, e." "Ano?! Nag-cut ng class si Jihyoung?" tanong ko. Para akong nakaramdam ang kaba. Kahit naman kasi hindi kami magkasamang lumaki, kilala ko si Jihyoung, hindi siya basta-bastang a-absent lalo na ang mag-cut ng class. Iyon pa eh napaka-grade concious 'non. "Anong nangyari? May problema ba?" tanong ni Grayson matapos niyang makalapit sa amin. Hindi ko napansin na nasa likuran ko na pala siya. "Hindi rin namin siya ma-contact," dagdag pa ni Jihan kaya tila bumigat ang paghinga ko. Ayoko namang mag-isip nang hindi maganda pero nasaan naman kaya ang batang iyon? "Sino?" tanong ulit ni Grayson. "May thirty minutes break kayo diba? Hanapin na muna natin siya. Jebal? Nag-aalala na talaga kami, e." ani Chanyoung. Though hindi ko alam kung paano niya nalaman ang schedule ng klase namin, hindi na ako nag-tanong. Tumango na lang ako at akma nang hahakbang palabas nang hawakan ni Grayson ang kamay ko. "Sinong hahanapin natin?" aniya kaya napabuntong hininga ako. Minsan mabagal din sumagap ng tsismis itong kapatid ko, e. "Nag-skip ng class si Jihyoung," paliwanag ko. "Ano?! Nasisiraan na ba siya ng ulo? Hindi magagawa ni Hyongie 'yon." aniya kaya pinakalma ko muna itong kapatid ko. Kalmado lang kasi 'tong tao pero may pagka-OA din minsan. "I know. Kaya nga hahanapin na muna natin siya. Tara?" Seryosong tango lang ang nakuha kong tugon mula sa kanya at nauna pang lumabas ng classroom. Sumenyas ako kila Asher at Ashton na mauuna na muna kami. "Saan niyo siya huling nakita?" tanong ni Grayson kay Jihan. Mukhang nagulat siya sa pagtatanong ni Gray dahil bigla na lang siyang natahimik, unti-unti na ding nagkukulay kamatis ang kanyang buong mukha. Then I realized, hindi naman pala sa tanong nabigla si Jihan, kung hindi sa kamay ng kapatid ko na nakahawak sa balikat niya. 'She must felt a bit awkward.' Pity. Sa kapatid ko kasi, wala lang 'yon. Hindi naman sa pagiging manyak pero ma-touch kasing tao si Gray. Para siyang si Jihyoung. They both love skin ship. Pero sa mga taong komportable lang naman sila ganoon. "Naghiwalay kami kanina para sa orientation niya. Dapat pala, tinanong na natin si Asher oppa," ani Minsuel. Siya na ang sumagot dahil nasa state of shock pa din si Jihan. "Hindi daw sila nagkita ni Hyongie," sagot ni Gray. "Daebak! Naitanong mo kaagad? How fast! Hindi ko nga namalayan na umalis ka!" Parang tanga na sigaw ni Minsuel. Is it just me or she's really something. Malapit na akong maniwala sa bestfriend Wonwoo ko na may pagka-weird ang lead actress nila sa play. "Umalis ba ako?" inosenteng tanong ni Gray kaya napailing na lang ako bago balingan si Chanyoung. "Hindi umabot sa orientation time si Asher kaya hindi niya alam kung nasaan si Jihyoung." paliwanag ko sa sagot ni Gray. Nag-uusap pa rin yung dalawa habang naglalakad. Si Jihan naman tahimik lang na nakasunod sa kanila kaya huminto ako bago muling magsalita, "How about we look and ask for the other members?" tanong ko. "Oh! Tamang-tama. Julian oppa!" sigaw niya at kumaway pa kay Julian na papasok na sa sunod niyang klase. Nakangiti siyang lumapit sa amin. Kasunod naman niya si Theo na nakangiting parang tuta. Makahuluhan pa niyang inginuso si Chanyoung saka tinaas-baba ang kanyang kilay. Itinaas ko ang kamao ko sa kanyang harap kaya natatawa siyang bumalik sa room nila. "Chanyoung-ssi, Hyung. Wae?" tanong ni Julian habang nakangiti sa amin. "Nakita mo ba si Jihyoung?" tanong ko. "Syempre! Magkasama nga kami kanina e." aniya kaya saglit akong nakahinga ng maluwag. "Nasaan na siya ngayon?" tanong ni Chanyoung. "Ha? Ewan ko lang." Nakangiti pa rin niyang sagot. "Kayo ang mag-classmates diba?" tanong niya kay Chanyoung na automatic naman na tumango. "Anong oras mo siya huling nakita?" "Hmmn," aniya habang nag-iisip. "Mga isa at kalahating oras na siguro? Kasama ko siya sa club kanina. Kaya lang maaga pa yung class ko kaya iniwanan ko na siya kasama nila Chase Hyung," kwento niya. "Bakit? Nawawala ba si Jihyoung?" "Dae," sagot ko. "Puntahan natin sila Chase Hyung?" suhestiyon ko. "Nakita ni ate Jihan sina kuya Chase at Owen Oppa na magkasama kanina bago magstart ang klase, e." ani Chanyoung. "So malamang, hindi din nila siguro alam if nasaan si Jihyoung." "Baka si David alam if nasaan si Jihyoung," si Julia . "Si Dave?" "Oo. Aside kasi kila Chase Hyung, nandoon din si David kanina," ani Julian kaya napatingin ako kay Chanyoung na medyo humaba ang nguso. "Kailangan ko na palang bumalik sa klase ko. Gusto ko sanang samama kaya lang mahirap kasi yung next subject namin, e." "No. It's okay. Malaking tulong na 'yon. Salamat," ngumiti pa ako sa kanya at hinatid siya ng tingin hanggang sa makapasok siya sa room nila. "Puntahan natin si David?" "S-sige." aniya at tumango pa. Nasa kalagitnaan kami nang paglalakad nang makasalubong namin yung kasamahan namin kanina. But this time, wala na si Jihan pero kasunod namam nila sina Thomas at Cole. "Ate, hindi din daw pumasok si David!" ani Minsuel kaya napabaling ako kay Chanyoung na hindi ko malaman kung naiirita o nag-aalala. Ang hirap i-explain ng expression ng kanyang mukha. "Magkasama kaya sila? Pero imposible naman 'yon. E, pabibo yung kapatid mo." "Saan kaya sila nagpunta? Of all time, ngayon pa. Naka-schedule kasing reporter si Dave. Noong nakaraan pa kasi siya naghahanda para sa reporting niya kaya nakakapagtaka na bigla siyang hindi pumasok," ani Thomas. "Oo nga, excited pa naman si David Hyung," malungkot na bulong ni Cole. "Mabuti na lang at hindi natapos yung reporter bago siya kaya na-moved yung reporting niya." "Magkasama kaya sila?" tanong ni Gray sa akin. "Siguro. Let's just hope na magkasama talaga sila." Hindi pa masyadong pamilyar si Jihyoung sa Campus. Mas mainam nang isipin na kasama niya si David kaysa naman mag-isa siya. "Sinubukan niyo na bang tawagan si David?" tanong ko kila Thomas at Cole. "Dae, Hyung. Pero hindi namin siya ma-contact," sagot naman ni Cole. "Si ate Jihan?" "Ita-try daw niyang tanungin si Kuya Chase, baka daw sakaling mapakinabangan niya yung Kuya niya," seryosong sagot ni Minseul. I don't actually get them. Sweet naman si Chase Hyung, e. Napaka-caring. Medyo protective din. Hindi nga lang niya pinapakita sa iba lalo na sa mga kapatid niyang babae. "Speaking of the devil," bulong ni Chanyoung at inginuso ang mga papalapit sa amin. "Hoy mga pangit! Bakit nagkukumpulan kayo d'yan?" "Excuse me, mas pangit ka!" sagot ni Minsuel at inirapan pa si Chase Hyung. "Says who? You? Oh come on! Mukha ba 'yan? Akala ko paa!" pang-aasar namang sagot ni Chase Hyung. Kung wala siguro kaming iniintindi ngayon, baka natawa na kami sa hirit niya. Naramdaman yata niyang seryoso kaming lahat kaya napa-ubo siya bago muling magsalita, "Nawawala daw si Jihyoung?" seryoso niyang tanong sa akin kaya tumango ako. "Pati si David, hindi din daw pumasok sa klase." sagot ko pa. "Aba! Kailan pa natutong mag-cut ng class ang batang iyon? Kukutusan ko ang silang pareho! Pinapapangit nila ang reputasyon ng club namin!" sigaw niya. "Kung sino pa ang mga maknae!" "Wait, we asked them to take the music sheets, right?" tanong ni Owen Hyung kay Chase Hyung. "Oh, yes!" sagot naman nito na tila sandali pang nag-isip. "And we haven't seen them yet since then, right?" "Oh, yes!" "They can still be together by now," "Oh, yes!" "Dude! Bakit ba oh yes nang oh yes ang sagot mo?" Nakasimangot na tanong ni Owen Hyung. "Iyon yung naka-default kong response, paki mo ba? English ka naman kasi nang english, e." Umiirap pang sagot ni Hyung. "Anyways, naks! English din! Inutusan nga namin yung dalawa na magdala ng mga gamit sa stock room kanina. After that, hindi na namin alam kasi nga kailangan na naming pumasok sa class. Tama ba yung kwento ko, Owen?" "Yep!" Tumango pa si Jisoo Hyung. "I guess they're still together. We just need to know where they go after doing their task." Nakangiti pang umakbay sa akin ni Owen Hyung. "Don't worry, matalino ang kapatid mo. Hindi naman maliligaw sa campus 'yon." Aniya na parang bang iyon ang way nya to calm us down. "Guys, tumatawag si Jihyoung!" ani Grayso bago sagutin ang kanyang cellphone. "Hyongie! Nasaan ka?" Lumapit ako sa kanya at inilagay sa loudspeaker yung phone. "Hyung..." "David?!" si Grayson. "Nasaan si Jihyoung?" "Nandito kami sa clinic. Hyung, puntahan niyo kami. Please?" Nagkatinginan kami ni Junhui at sabay na napatakbo. 'Clinic? Of all places? Bakit sa clinic?' CHOI SEUNGCHEOL "Tigilan mo nga lang ako. Nangungulit ka na naman, a?" nakasimangot na reklamo ni Teacher Yoon kaya mas lalo akong natawa. "Nasaan ba kasi si Teacher Lee? Bakit sa akin ka na naman nanggugulo?" Student assistant ako dito sa school at si Teacher Lee Kurt ang superior ko. At sa mga pagkakataon na wala si Teacher Lee, si Teacher Yoon naman ang direct superior ko. "May sakit daw siya, e. Di ko kasi inaalagaan ng maayos, e." Nakangisi kong sagot sa kanya. "Pero mahigpit niyang bilin na kailangan may magawa ako ngayon kahit wala siya, e. Kaya nandito ako. Anong pwede kong gawin? May maitutulong po ba ako?" tanong ko sa kanya. "May mga files ka bang ipapakuha? Like, files from China?" tanong ko at itinaas-baba pa ang magkabila kong kilay. "Manahimik ka sa isang tabi, malaking tulong na," aniya. "Manang mana ka kay Teacher Lee, life goals niyo ba ang asarin ako?" tanong pa niya kaya mas lalo akong natawa. "Eh, bigyan mo na lang kasi ako ng task. Sige na, Teacher Yoon?" Nagpa-cute pa ako sa kanya. Masarap kasing asarin si teacher Yoon. Medyo pikon kasi siya kaya nakasanayan na namin ni Teacher Lee ang buskahin siya. "Fine! Nakikita mo yung mga workbook na 'yon?" aniya at inginuso pa yung table na puno ng mga workbook. "Ligpitin mo lahat yan. Dalhin mo sa stockroom. Dalhin mo na lang yung master keys. Lakad na! Nai-stressed ako sayo." Dagdag pa niya at marahan pa akong inilapit sa mga workbook. "Kaya mo na 'yan, ha?" "Dae!" sagot ko at kinuha na ang mga workbook. Binitbit ko na rin ang mga susi ng stockroom at mabilis na umalis sa faculty. "Ito naman parang hindi kinakausap nang matino! Saan nga?!" sigaw ni Jihan sa Kuya niya. Naabutan ko sila sa hallway na tila may pinagtatalunan. "Nakakainis! Hindi manlang mapakinabangan!" "Wow ha? Kasalanan ko ba kung walang sense of direction yung ka-friendship mo?" sagot naman ni Chase kaya lumapit ako sa kanila. "Ano na naman bang pinagtatalunan niyo?" tanong ko. Wala na yatang pinagkasunduan ang dalawang 'to e. "Ito kasing si Kuya, walang silbi. Hmp!" reklamo ni Jihan at tinalikuran na kami. "Baliw ka talaga, Chase. Sundan na nga natin yung kapatid mo," ani Owen bago akbayan si Chase at sinundan na nga si Jihan. 'Mga siraulo na 'yon. Hindi manlang ako pinansin?' Nakanguso na akong naglakad papuntang stock room. Nagmadali na rin ako para makabalik kaagad ako sa faculty. Pagkabukas pa lang ng maindoor nagtaka na kaagad ako dahil bukas ang ilaw. 'Nako, sinong pabaya na naman kaya ang nag-iwang bukas nito?' Tanong ko bago dumiretso sa lagayan ng mga workbook. "Hyung! Hyung!" "David?" kunot-noo kong tanong nang makita si Dabid sa loob ng stockroom ng Music Club. "Anong ginagawa mo d'yan?" "Help, Hyung. Si Jihyoung..." nagpapanic niyang pakiusap kaya napasilip ako sa likuran niya. Halos lumuwa ang mata ko nang makita si Jihyoung na nakahiga sa sahig nang walang malay. Nagmamadali akong lumapit sa pintuan at pilit iyon binuksan pero sira yung doorknob. Humanap ako nang pwede kong ipangpukpok sa doorknob. Luckily, may nakuha akong fire extinguisher kaya naman ipinangpalo ko iyon sa doorknob na kaagad namang natanggal. "Jihyoung!" Tumakbo ako papalapit kay Jihyoung at pilit siyang ginising. "David? Anong nangyari?" "Hindi ko din alam, Hyung. Bigla na lang siyang nawalan nang malay e. Nangungulit pa nga siya kanina e." paliwanag ni David habang nagmamartsa sa harapan ko. "Hey, relax. It's okay, I'm here. Let's get out of here," sagot ko at hinagod pa ang kanyang likod bago buhatin si Jihyoung. Hindi kalayuan sa stockroom ang clinic kaya naman mabilis din kaming nakarating 'don. Kaagad din namang inasikaso ng isang nurse si Jihyoung kaya lumabas muna ako para puntahan si David na mukhang nagpa-panic pa din hanggang sa ngayon. "Hyung, ayos lang naman siya diba?" nakayukong tanong ni David habang hinihintay namin sila Grayson. "Oo naman! Wag ka nang mag-alala. Baka dahil lang sobrang init kaya siya nawalan ng malay. She'll be fine. And besides, sira naman pala talaga yung pintuan ng stock area nyo. Hindi niya naman ginusto na makulong 'don." "Hindi, e. Bakit feeling ko kasalanan ko? Ang sungit-sungit ko sa kanya tas sinisi ko pa siya kung bakit kami nakulong sa stockroom. Hyung, baka magalit sa akin sila Henry Hyung at Grayson Hyung? Baka sisihin din nila ako?" "Parang hindi mo naman kilala sila Grayson. Hindi nila gagawin 'yon." Ngumiti ako at inakbayan pa siya. "And besides, Jihyoung will kill them if she finds out na aawayin ka nila nang dahil sa nangyari. I can feel that Jihyoung is trying her best to befriend you." "Pero hyung, alam ko sa sarili ko na may kasalanan pa din ako... Anong gagawin ko?" "Fine. If you really feel guilty, just apologize and try to be nicer to her." Nakangiti kong suhestiyon na tinanguan naman niya. "Natakot talaga ako kanina. Bigla na lang kasi siyang tumahimik e. Tapos paglingon ko sa kanya, wala na pala siyang malay. Sinubukan ko siyang gisingin pero hindi talaga siya nagkakamalay. Natakot ako na baka may nangyari na hindi maganda tapos ako yung kasama niya." "David, she'll be fine. See? Nandito na kayo sa Clinic. Now, why don't we let the nurse check you first?" I tapped his head and smiled. Inalalayan ko pa syang tumayo para makalapit kami sa isa pang nurse. Wala naman siyang visible wounds pero gusto ko pa din makasigurado na okay siya. 'Ano ba talagang nangyayari sayo, Jihyoung?' tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa nakasarang kurtina ng bed kung saan nagpapahinga si Jihyoung. "Hyung! Si Jihyoung?/Hyung! Si Hyongie?" Magkasabay na tanong nila Henry at Grayson. Sinenyas ko yung pwesto ni Jihyoung. "Chine-check na sya ng nurse. Calm down." "David, what happened? Are you okay?" tanong naman ni Chanyoung at sinipat pa ang kabuuan ng kanyang kapatid. "May masakit ba sayo?" "Noona, ayos lang ako." Nakayuko pa rin na sagot ni David. "Nakulong kami ni Jihyoung sa stockroom. Mabuti na lang talaga dumating si Stephen hyung. Kung hindi, baka kung napaano na kami, lalo na si Jihyoung." "David," tawag sa kanya ni Grayson bago siya yakapin. "Kung wala ka, baka natakot na si Jihyoung mag-isa. Mabuti na lang at nandoon ka." "Hyung, hindi ba kayo galit sa akin?" "Bakit kami magagalit?" seryosong tanong ni Henry at umakbay pa kay David. "It was an accident." Sa sinabi ni Henry, bigla na lang umiyak si David kaya nagkatinginan ang magkapatid at sabay na ginulo ang buhok nito. "Eh bakit ka umiiyak?" tanong ni Grayson pero nginusuan lang siya ni David. "Huwag ka nang umiyak. Hindi naman kami galit at lalong hindi ka namin sinisisi sa nangyari. Stop crying. Ayan tumigil ka na, napapa-english na ako sayo." Nagtawanan kami sa hirit ni Grayson. Sakto namang hinawi nung nurse yung kurtina na tumatakip sa bed ni Jihyoung. "Maayos naman na ang vitals nya. Medyo nag-drop lang ang oxygen percent nya maybe due to suffocation kaya kinabitan muna namin siya ng oxygen tank just to support her breathing until maging normal na ulit." Sabay-sabay naming sinilip ang nahihimbing na si Jihyoung. Katulad ng sinabi ni Nurse Mitch, may nakakabit na oxygen tank sa kanya. "But nothing to worry about. She has few bruises pero mukhang mawawala din naman ang 'yon in a few days. Sa ngayon, let her rest here. Gagawa na lang ako ng excuse letter para ma-exempt sya sa mga susunod pa niyang klase." "Thank you, Nurse Mitch. The best ka talaga," pasasalamat ko sa nakatokang nurse kay Jihyoung. "So, maiwan na muna dito yung mag-aabot ng letter sa class nya, the rest please of you, balik na sa klase." Aniya kaya naman nagkatinginan kaming lahat. In the end, we decided na hayaan nang sina Chanyoung, Minsuel at Jihan ang maghintay ng excuse letter. Yung iba, pumasok na sa mga klase nila. And since mamaya pa ang next class ko, minabuti kong bumalik sa stock room. I need to check all the doors. Mahirap nang maulit pa yung aksidente kanina. What if hindi ako inutusan na magdala ng mga workbooks, kailan pa makakalabas yung dalawa. Sinipat ko na lahat ng doorknob at ilaw ng bawat stock area per club at maingat na inililista ang mga napapansin ko na dapat nang ayusin o palitan. Huli kong pinuntahan yung sa music club. Napakamot pa ako sa ulo ko, sirang-sira na yung doorknob nito dahil sa ginawa kong pagpukpok dito kanina. Ito talaga kailangan nang palitan, kapag hindi baka ako ang pukpukin ni Asher. Naka-organized naman ang buong stock area nila kaya nakakapagtaka kung saan nakuha ni Jihyoung ang mga pasa niya. Papalabas na sana ako ng may natanawan akong nakalamukos na papel. Mukha itong basura lang pero dinampot ko pa din para maitapon ko na sa labas. Ibinulsa ko iyon at inayos na lang yung mga workbook na basta ko na lang iniwanan kanina bago tuluyang umalis ng stock room.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD