CHAPTER 13

3164 Words
Chapter 13 JIHYOUNG'S POV BITBIT KO ang boquet of roses na binigay ni Stephen-shi hanggang sa makauwi kami sa bahay. Natawa na nga lang ako sa reaksyon ni Appa nang dahil sa bulaklak. Akala niya yata may pumoporma na ng ligaw sa unica ija niya. ‘Sus! Hindi naman ako kagandahan! Charot!’ “I-settle niyo na ang mga gamit ni Luke at bumalik kayo dito para sa hapunan,” ani appa habang nakatingin pa rin sa bulaklak na hawak ko. "At kanino naman galing 'yan, aber?" Taas kilay pa niyang tanong sa akin kaya napalunok ako ng imaginary laway ko. "K-kay Stephen po. Congratulatory gift daw," sagot ko nang hindi makatingin ng diretso kay appa. Ewan ko ba? Para akong ewan. Eh totoo naman yung sinagot ko pero bakit feeling ko, ang guilty guilty ko. "Congratulatory? For what?" Pag-uusisa pa ni appa. “Dad, you need to see Jihyoung's audition piece.” Excited pa na nilabas ni eorabeoni ang cellphone niya kaya nagmamadali akong tumakbo sa kwarto ko. Hindi naman sa ayaw kong mapanuod 'yon ng mga magulang namin, nakakahiya lang kasi. Saka parang ang weird na papanuorin ko yung sarili ko. Plus the fact that I felt cornered sa mga tingin ni appa. Pakiramdam ko talaga di siya naniniwala na congratulatory gift lang itong flowers. Ni-lock ko ang pintuan ng kwarto ko at ibinaba saglit ang mga gamit ko. I'm still surprised for what happened today. Gusto ko din naman kasi talagang makasama sa Music Club, but having Asher as the president, nagdalawang-isip na ako. Natatakot kasi talaga ako sa kanya. From what I heard, strict talaga siya at mapili sa member. Sa katunayan, naging bihira silang tumanggap ng member ng music club mula nang maging President siya. Talagang lulusot ka sa butas ng karayum bago makasali sa kanila. Nakakatuwa lang dahil member din ng Music Club sina David at Chase Oppa. Feeling ko, chance na 'to para mapalapit ako sa kanila, lalo na kay David kasi ramdam ko talagang medyo naiirita siya sa akin kahit wala naman akong ginagawang masama. May ganoon akong vibes sa tao e. Yung tipong kahit first meet up palang, alam at ramdam ko kaagad if ayaw nila sa akin. At ganoon ang kaagad kong naramdaman towards David. 'Molla!' Nag-dive ako sa ibabaw ng kama ko at saka nag-inat nang bahagya bago ilabas ang cellphone ko. As much as I don't want to spoil the moment, I decided to chat someone I know from China. May kailangan akong i-confirm. Nang matapos magsent ng chat ko, gumulong ako upang abutin ang bag ko at kinuha 'don ang papel na nakuha ko kanina sa Teacher's Faculty. Muli ko iyong binasa. Xao Ming's General Hospital. Header pa lang, sumasakit na ang batok ko. Lalo na noong nakompirma ko na sa akin nakapangalan ang dokumentong hawak ko. It was my medical records. Naalala kong pinasa ko 'to sa school noong nagpaalam ako na magta-transfer na ako. This is supposed to be a confidential file kaya naman nagtataka ako kung bakit may ganito sa faculty ng mga teacher. ‘Was it Teacher Yoon?’ ‘Pero bakit? Ano namang gagawin niya dito?’ ‘Is she suspecting?’ ‘Again, am I being careless?’ ‘O nagpapaka-OA lang ako?’ ‘Ugh! Andwae!’ Nilukot ko ang papel at saka iyon itinapon sa basurahan pero kaagad din akong bumangon at muli iyong kinuha. Naalala kong sa ganoon nga pala nalaman ni Lola ang sitwasyon ko kaya hindi pwedeng dito ko na lang basta itapon 'to. ‘Dapat sa malayo. Sa hindi makikita ng kahit sinong nakakakilala sa akin.’ “Hyongie! Lumabas ka na d'yan. Kakain na daw,” ani Luke mula sa likod ng nakasarado kong pintuan. “Dae! Magbibibihis lang ako!” Pasigaw kong sagot at tuluyan nang tumayo. Ibinalik ko na lang sa bag ko yung medical record ko at kaagad na nagbihis pagkatapos ay lumabas na rin. Kumpleto na sila sa dining table nang makarating ako doon. Naupo ako sa usual kong pwesto at nag-umpisa nang kumain ng hapunan. Maraming napag-usapan habang kumakain kami pero wala doon ang isip ko. Wala din akong masyadong naintindihan dahil maraming gumugulo sa sa utak ko. “Hyongie,” tawag sa akin ni Luke nang pabalik na kami sa mga kwarto namin. “Wae?” “May problema ba?” tanong niya kaya natigilan ako. ‘Should I just tell him?’ “W-wala naman. Bakit? Mukha ba akong problemado?” tanong ko din at ngumiti pa sa kanya. “Hmm… Never mind. Magpahinga ka na, goodnight.” “Dae. You too, pahinga ka na rin.” sagot ko at pumasok na nga sa loob ng kwarto ko. ‘I'm sorry, Luke. Hindi ko lang talaga kayang sabihin sayo. Not for now…’ “ANNYEONGHASEYO! Kwon Jihyoung-imnida!” Yumuko pa ako sa kanilang lahat at nakangiti naman silang pumalakpak para i-welcome ako sa music club. Ngayon ang official first day ko as a member kaya naman halos kumabog ang dibdib ko sa pinaghalong nerbyos at tuwa. Mabuti na lang at hindi na masyadong masungit si Asher Oppa kaya kahit paano, hindi na ako nakakaramdam ng awkwardness. “Jihyoung, welcome sa group! I'm Julian, pero you can call me Lian for short!” Nakangiting pagpapakilala ni Julian. Siya yung kahabulan ni Chase Oppa nung nakaraang araw. “Napanuod ko yung pagkanta mo kahapon, kaya lang nagmamadali ka kaya hindi na ako nakapag-pakilala. Ako nga pala at si David ang main vocal ng group namin, I mean... natin pala! Hihihihi.” Nakakatuwa siyang pagmasdan kasi parang napapasa sa akin yung happiness na ipinapakita niya. “Kapag may mga tanong ka, magtanong ka lang sa akin, ha? O kaya kay David,” dagdag pa niya bago lumapit nang sobrang lapit sa akin. “Wag mo na rin masyadong iintindihin kung susungitan ka ni Asher Hyung o kaya ni Chase Hyung, ganoon lang talaga sila.” Nakangiti akong tumango sa kanya. Mukhang makakasundo ko si Julian. Gusto ko kasi yung ganitong personality. Yung masayahin at madaling maka-usap. “Dave! Ppali! Mag-hi ka kay Jihyoung,” pagtawag pa niya kay David kaya napangiti ako pero inirapan lang kami nito. ‘Huhu. Ano na naman kayang problema niya?’ Akala ko okay na kami kasi natuwa siya sa performance ko kahapon pero parang mali pala ako. “Hindi niya yata tayo napansin,” ani Julian at nagkunwari pang natatawa kaya naman ngumiti din ako bago yumuko. Obvious naman kasi na nakita at narinig sya ni David. Mukhang wala talaga ito sa mood para makipag-friendship sa akin. Pero bakit? Cute naman ako, approachable din. Mukha naman akong presentable. Ewan ko lanh talaga kung anong ayaw nya sa akin. “Uy, cheer up ka na. Ang ganda ganda ng smile mo, tapos hindi ka ngingiti. Sayang naman.” ani Julian habang nakasilip sa akin. Naka-todo ngiti sya. As in ear to ear, to the point na halos hindi ko na makita yung mga mata nya. “Nakangiti kaya ako,” sagot ko matapos mag-angat ng tingin. “Hmmn, so anong gagawin natin ngayon?” Pag-iiba ko sa usapan. Ito naman kasing si David, hindi ko talaga alam kung anong problema niya sa akin, e. “Hmmn, ano nga ba?” Ganti niyang tanong na parang nag-iisip pa. “Hindi ko din alam, e.” aniya at tumawa pa. “Ha? Eh, anong gagawin natin?” tanong ko bago siya tingnan habang nagpipigil ng tawa. Mukha kasing malaking palaisipan din sa kanya ang bagay na iyon. Para tuloy siyang paslit na nag-iisip ng malalim. “Julian! Mas maaga yung klase mo, diba?” ani Kuya Chase kaya napatingin ako kay Julian. Nanlaki bigla ang mga mata niya na tila ba ngayon lang niya narealized ang tungkol sa sinabi ni kuya Chase. 'Ang cute nya talaga. Para siyang bata.' “Dae!” sagot nito bago ako balingan, “Dito ka na lang muna, ha? Ang tagal kasi ni Asher Hyung. Baka ma-late ako sa class ko,” aniya bago nagmamadaling umalis sa practice room. Inilibot ko ang aking tingin sa kabuuan ng practice room. Very cozy lang ang vibes. May mga musical instrument sa paligid like violins, guitars, a drumset pero ang pinaka-nakapukaw sa atensyon ko ay ang grand piano na nasa left side ng silid. Kulay puti iyon at talaga namang kumikinang sa sobrang kintab at linis. Ang mga kasamahan ko naman dito kanya-kanya ang ginagawa. Busy sina Kuya Chase at Owen Oppa sa pagsusulat. Yung iba nagchu-tune up ng instruments habang nagse-cellphone naman si David kaya nagpasya ako na siya ang lapitan. “David, tulungan mo naman ako. Hindi ko kasi alam ang gagawin,” nakangiti kong sabi matapos siyang tabihan. “Hindi ako interesado,” matabang niyang sagot at pinaikutan pa ako ng mata. “E, ano ba 'yang ginagawa mo?” tanong ko at sinilip pa ang cellphone niya pero wala naman akong nakita bukod sa selca nila ni Thomas. “Pwede ba? Please lang, humanap ka na lang ng gagawin mo, okay?” aniya kaya nakanguso akong bumalik sa pwesto ko kanina. ‘Sana pala sumabay na lang ako kay Julian.’ “David, dalhin mo na sa stock room yung pinapadala ni Asher, kapag naabutan pa niya ngayon ang mga 'yan, iinit na naman ang ulo 'non,” ani Chase Oppa. "Sige ka, gusto mo ba'ng mawalan ng lines?" “Hala! Ang dami niyan! Kaya ko ba 'yan lahat?” reklamo ni David. "Tulungan nyo naman ako." "Inuutusan mo kami? Huh? Tama ba ako ng intindi? Huh? Maknae?" Taas-kilay at nakapameywang pa na tanong ni Kuya Chase. Padabog naman na tumayo si David at bumububod pang dumampot ng music sheets at mga stand. "Hirap maging bunso, inaabuso." "May sinasabi ka?" "Wala po, sunbaenim. Sabi ko nga dadalhin ko na lahat ng 'to nang mag-isa." Ani David habang nakanguso. “New girl, are you busy?” tanong ni Owen Oppa kaya umiling ako bilang sagot. “Great, pwede bang patulong? Kailangan kasing mailagay sa stock room itong mga music sheets and stands kaya lang may gagawin pa sa kasi kami ni Chase. Okay lang ba na samahan mo si David?” “Hyung! Kaya ko na 'yan!” Mabilis na sagot ni David pero kaagad din akong tumayo at kinuha ang mga music sheets na hawak ni Owen Oppa. “I'll help! Saan ba yung stock room?” tanong ko kay David pero inirapan lang ako nito. “Sumunod ka na lang sa akin,” aniya at nagdadabog pang lumabas nang practice room bitbit ang mga music stand. “Hihi, sundan ko na po siya. Bye!” nakangiti kong paalam kay Owen oppa na nag-thumbs up pa sa akin. Narinig ko pa na nagtawanan sila ni Kuya Chase at may sinabi something about David's cuteness. Mukhang hobby nila na harutin si David since siya yung pinaka-bunso dito sa club. “Dave!” tawag ko sa kanya dahilan para huminto siya at tinapunan pa ako ng masamang tingin. “David ang pangalan ko. Hindi Dave,” pagtatama niya sa akin. “Ganoon ba? Ayaw mo bang tawagin kita ng ganoon? Sige, I'll stick with David.” Ngumiti pa ako sa kanya kahit deep inside nalulungkot ako na ganito yung treatment niya sa akin. Nakikita ko naman kasi na sweet siya sa iba pero pagdating sa akin, ang sungit niya. Alam ko din naman na kakakilala pa lang namin kaya possible na aloop pa siya, pero paano naman kami magiging close kung ganito siya? ‘I really want to make some friends… While I still can.’ “Bilisan na nga natin para matapos na 'to. May klase pa tayo pareho,” aniya at nauna na ulit na maglakad kaya sinabayan ko na lang siya. Pumasok siya sa isang room na may nakalagay na ‘Stock Room’ sa pintuan kaya sumunod na ako sa kanya. Pagpasok sa loob, akala ko isang room lang ang stock room pero hindi pala. Bale, may iba't-ibang small rooms pa sa loob, each small room is designated sa iba't-ibang club. Dumiretso si David sa stock room ng Music club kaya ganoon na rin ang ginawa ko. Muntik pa akong matalisod sa naka-usling bottled water sa pintuan kaya naiinis ko iyong sinipa, kasunod ang pagsara nung pintuan. ‘Ang kalat naman ng stock room namin. Aayain ko nga si Julian na linisin 'to minsan.’ “Anong ginawa mo?!” singhal niya sa akin kaya napaatras ako at binalikan ang lahat nang ginawa ko. ‘Wae? Wae? Anong ginawa ko? Otteoke?’ Natataranta akong tumingin sa paligid pero wala akong maisip na ginawa kong mali para sigawan niya ako ng ganito. “Aish!” Iritable niya akong hinawi at tinakbo pa ang pintuan. “W-wae?? M-may problema ba?” tanong ko habang pinapanuod siyang pilit na binubuksan yung pintuan. “Problema? Ikaw! Bakit hinayaan mong masara yung pintuan?!” sigaw niya kaya napaatras ako. Tila nagbara ang lalamunan ko at wala akong masabi. Hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin kaya lumapit ako sa pintuan at sinubukang pihitin yung doorknob pero katulad nang sinabi niya, sira nga iyon. Tumingin ako kay David habang pilit na pinipigilang huwag umiyak sa harap niya pero nang magtagpo ang mga mata namin, unti-unting gumuho ang depensa ko. Masyadong matalim ang ipinupukol niyang tingin sa akin kaya nag-iwas ako nang tingin at pasimpleng pinunasan ang tumulong luha ko. “Ah… I think someone will come to help us naman,” nakayukong bulong ko pero hindi sumagot si David. Nanatili lang siya sa kanyang pagkakatayo kaya muli 'kong hinarap ang pintuan. ‘Eorabeoni… Brother dear… Dowajuseyo…’ “Alam mo, kasalanan mo 'to, e. Dapat kasi hindi mo inalis yung bote!” sigaw niya. “Class hours na, sino pang tutulong sa atin dito?” “S-sorry… Hindi ko naman alam na sira yung pintuan, e.” Paliwanag ko bago mag-angat ng tingin. Hindi pa rin nababago yung expression niya muli akong napayuko. Aaminin ko, masyadong mababaw ang personality ko. Magagawa mo akong patawanin at pasayahin sa mga simpleng bagay, kaya pwede mo din akong paiyakin nang sobrang dali. And this kind of treatment is what I hate the most. I don't know if psychological effect pero sa tuwing nakakaramdam ako ng ganito, sumasakit ang ulo ko. Nanlalata ako at hindi ko alam kung paano aalisin sa akin 'yon. Parang ang bigat bigat sa pakiramdam. “I-I'm really sorry…” bulong ko ulit. “Hindi lahat ng bagay madadaan sa sorry,” masungit pa rin niyang sagot kaya hindi na ako ulit nagsalita. Inayos ko na lang sarili ko at bahagyang lumayo sa kanya. Pumwesto ako ng upo sa isang sulok. Hindi ko naman talaga alam, e. Sino bang gustong makulong dito? Eh ang dilim at malamok naman dito sa loob. “Ay ang tanga!” bigla niyang sigaw kaya napatayo ako sa gulad. Inilabas niya ang cellphone niya at saka tila may tinawagan pero gigil din niyang ibinalik sa bulsa niya yung phone. “Bwisit! Walang signal!” reklamo niya kaya bumalik ako sa pagkakaupo ko. Yinakap ko ang magkabilang tuhod ko at pilit na linibang ang sarili ko. “Hoy! Ano? Tutunganga ka na lang d'yan? Hindi ka ba gagawa ng paraan para makalabas tayo? Nakakahiya naman! Ikaw itong may kasalanan kung bakit tayo nandito ngayon!” Matamlay akong tumingin sa kanya. “Sorry talaga,” bulong ko. “Wala ka bang ibang sasabihin kung hindi sorry?” iritable niyang tanong kaya ngumiti ako. It was the weakest smile I could give. “Wala naman akong magagawa, e.” mahina kong sagot. “Kahit naman may gawin ako o wala, pareho lang naman diba? Inis ka pa rin sa akin.” Hindi ulit siya sumagot. “David Boo, I really want to be your friend. Sana mabigyan mo naman ako ng chance,” dagdag ko pa. “Alam mo, alam ko namang mabait ka. Nakikita ko naman kasi na hindi ka masungit kila kuya. Sana sa akin din, maging ganoon ka.” “A-ano ba 'yang mga sinasabi mo?” pagtataray na naman niya at kahit medyo madilim, pansin ko na biglang namula ang kanyang tainga. “Don't mind me,” ngumiti pa ulit ako bago magpakawala ng malalim na buntong-hininga. “Waaaah! Ang boring dito. Ang tagal naman nila tayong hanapin, no?” Pag-iiba ko sa usapan. As much as I can, pinasigla ko din ang boses ko. Masyado nang mabigat ang atmosphere sa paligid. Ayoko nang dagdagan pa ang awkwardness na nararamdaman ko ngayon. ‘I just want to get out of this place.’ CHANYOUNG'S POV SINIPAT KO ang suot kong wrist watch bago tumingin ulit sa pintuan ng classroom. Ilang minuto na lang at magsisimula na ang next class namin kaya naman hindi ako mapakali. ‘Tsk! Saan kaya naglusot yung dalawa?’ “Bakit kaya wala pa sila ate Jih? Kanina pa tapos ang free period, a?” bulong ni Minsuel kaya nagpakawala ako ng buntong-hininga. Pareho pala kaming napapa-isip. Hindi pa kasi nakakabalik sina Ate Jihan at Jihyoung. Naghiwalay kami one hour ago dahil may kukunin daw si ate Jihan sa library at kailangan naman ni Jihyoung pumunta sa music club para sa kanyang orientation. Sosyalin kasi si Jihyoung, member na ng Music Club. Ang ganda kasi ng naging impression ng lahat sa performance niya. Kahit nga yung pabibo kong kapatid, hanggang sa bahay, bukang-bibig kung paanong nakaramdam daw siya ng kirot sa puso habang kumakanta si Jihyoung kahapon. Pero noong biniro ko naman na baka pwede na silang maging friends, bumalik na naman sa pagiging antribida ang loko. Hindi ko din alam kung bakit parang naiinis siya kay Jihyoung, e ang bait bait nung tao. Magulo at komplikado din kasi ang mga nananalantay na braincells sa ulo ni Seungkwan kaya minsan mahirap intindihin ang ugali. Ganoon lang talaga yung kapatid ko, pero mabait naman siya. “Akala ko male-late ako,” “Ay peteng-inis! Ate! Nanggugulat ka na naman, e!” reklamo ko. Bigla bigla na lang kasing sumulpot si ate Jihan sa tabi ko. “Saan ka dumaan?” tanong ko. “Sa pinto?” naguguluhan pa niyang tanong habang nagpapaypay gamit ang kanyang kamay. “Ang init!” reklamo niya. “Oh? Wala pa si Jihyoung?” aniya nang mapansin na bakante pa ang upuan sa tabi ni Minsuel. “Kaya nga, e.” Pabulong na sagot ni Minsuel. “Sobrang tagal naman nung orientation niya.” “Uy, hindi a? Nakasalubong ko sila kuya bago ako makarating dito. Ang akala ko nga, nandito na si Jihyoung, e.” sagot naman ni ate Jihan kaya parang nakaramdam ako ng kaba. ‘Hindi si Jihyoung yung tipo na magcu-cut ng class.’ Kinuha ko ang phone ko at sinubukan siyang tawagan pero hindi manlang nag-ring ang phone niya. Lumingon ako sa side ni Luke pero hindi siya nakatingin sa akin. Nasa labas ng bintana ang n “Wala naman sigurong nangyaring hindi maganda, diba?” tanong ko dun sa dalawa. Hindi sila sumagot pero bakas sa mga mukha nila ang pag-aalala. ‘Wag naman sana…’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD