Minsuel's POV
'Daebak! This is gold!'
Excited ko pang pinadyak-padyak ang aking paa habang pinipigilan ang kilig. Pasimple pa akong sumilip sa dressing room kung saan seryosong nag-uusap at nagmi-meeting ang mga member ng Dance Troupe.
"Gusto ko lang linawin. Hindi pa siya officially member ng Club namin. We still need to evalute her. Mahirap na, baka naman hindi niya deserve yung slot," ani Asher Oppa.
"Don't worry, guys. Hindi kayo mapapahiya sa kapatid namin," full of confidence na wika ni Henry Oppa.
"So! Kailan natin sasabihin sa kanya?" Excited na tanong ni President pero kitang-kita ko kung paano siya ngisian ni Asher Oppa.
"Huwag ka ngang atat. Napaghahalataan ka masyado. Tss!" Ismid pa nito kaya mas lalo akong natuwa. May mapapala naman pala itong pakiki-tsismis ko sa kanila.
"Grayson Hyung, tawagan mo muna si Jihyoung. Tell her to come here but don't mention anything na related sa club." Mahigpit na bilin ni Asher oppa.
'Yieeeh. Ito na talaga 'yon!'
Dahan-dahan akong lumayo sa dressing room kung saan sila nagme-meeting at excited na pinuntuhan sina ate Jihan at at Chanyoung.
"Hoy! Grabe naman 'yang bathroom break mo! Nag-number two ka na yata sa CR!" kantsaw sa akin ni Ate Chanyoung dahil ang paalam ko kanina, iihi lang ako saglit. Eh malay ko bang mata-timing-an ko na nagme-meeting sila President, natagalan tuloy ako.
"Hoy, Minsuel! Hindi ko gusto 'yang ngiti mo. May ginawa kang kalokohan, 'no?" Sita naman sa akin ni ate JIhan kaya umiling ako.
"May alam akong secret, di ko sasabihin~" kanta ko sa kanila kaya kapwa sila napakunot ng noo.
"Bebe, hindi kaya na-engkanto itong maknae natin? Hindi naman ganyan kanina 'yan," ani ate Jihan at kung makatingin pa sa akin, aakalain mong balak akong ikahiya.
"May kakilala akong albularyo sa probinsya namin. Tawagan ko na ba?"
"Yah!" sigaw ko sa kanila dahil parang wala akong karapatang maging hyper? Charot! Always naman akong hyper.
"Anong 'yah'?!" sabay nilang sita kaya napaatras ako. Minsan nakakatakot ang mga unnies ko.
"Yah-Yo!" sagot ko at nag-peace sign pa. "Hehe. Init naman ng mga ulo niyo. Ganitong may good news ako, dapat happy happy lang!"
"Ano ba yung good news mo?" tanong ni ate Chanyoung kaya senyasan ko sila na lumapit sa akin na siya namang ginawa nila.
"Ganito kasi 'yon…" bulong ko. "Narinig ko sila President na nag-uusap. Ang sabi nila, isa—"
"Daldalan kayo nang daldalan! Ang sabi ko mag-stretching na kayo diba?"
Hindi ko nagawang tapusin ang kwento dahil sa biglang dumating si Vice Ashton. Nakataas pa ang kanyang kilay at tiningnan kami nang isa-isa.
"Ms. Chwe! Kailan ka ba mauubusan ng kwento? Napaka-ingay mo! Ikaw na naman ang bumabangka!"
"Luh! Maingay daw ako, eh ang hina na nga ng boses ko!" reklamo ko habang nakanguso. "May regla siguro si Vice. Init ng ulo."
"Gaga! Nireregla ba ang mga lalaki?" sagot ni ate Chanyoung at siniko pa ako. "Manahimik ka na, sesermunan na naman tayo ng isang 'yan."
"Isa ka pa, Ms. Boo. Walang pahinga 'yang bibig mo. Para kang si David!"
"Aba't! Kadarating ko lang, a!" sigaw ni David na kapapasok lang sa auditorium. "Huwag nga ako, Hyung. Baka tsinelasin kita d'yan." Masungit na banta ni David kaya tinaasan siya ng kilay ni Ashton. "Charot lang! Di naman mabiro si Hyung!" Nag-peace sign pa siya bago nagmamadaling nagtago sa likuran ng kapatid ko.
"Anong nangyayari dito? Asher? Bakit ang init ng ulo mo?" tanong ni President Stephen.
"Ayan kasing sila Ms. Chwe, sinabihan ko nang mag-stretching ng katawan, bibig lang ang pinaaandar."
"Excuse me? Tapos na akong mag-stretching. FYI lang. Hmp!" Inirapan ko siya bago talikuran.
"Tama na nga 'yang bangayan niyo. Minsuel, halika rito at may iuutos ako sayo," ani President kaya nakanguso akong lumapit sa kanya.
"Ayusin mo lang 'yang nguso mo. Mukha kang bibe."
"Ya! President naman, e!"
"Joke lang," sagot niya at ginulo pa ang buhok ko. "Sunduin mo si Jihyoung."
"Jinja? Bakit ko siya susunduin?" tanong ko at paulit-ulit pang itinaas nang sabay ang mga kilay ko. I was hoping na sasabihin na niyang part na ng club si Jihyoung unnie pero ngumiti lang siya sa akin. Na-expose tuloy ang napaka-cute niyang dimples. "Bakit nga? Syempre tatanungin ako 'non kung bakit siya pinapapunta dito."
"Just tell her to come. Ang daldal mo. Tss!" sabat ni Ashton kaya tinapunan ko siya ng masamang tingin.
"Okay na yung madaldal at least, kinakausap. Di katulad ng iba d'yan. Epal! Sabatero!"
"Ano?!" sigaw ni Ashton kaya binelatan ko siya bago humarap kay Stephen Oppa.
"Sige na. Puntahan ko na si Jihyoung Unnie. Bye!" Yumuko pa ako sa harap niya at saka nagmamadaling tumakbo.
Tamang-tama dahil free time na. For sure nasa room pa siya kaya dumiretso na ako sa classroom namin.
"Unnie!" Malakas kong tawag sa kanya pero bakante ang upuan niya at tanging mga art materials lang ang nandoon.
'Ay, medyo burara si ate.'
Isip-isip ko at inimis ang mga gamit niya.
'Ang ganda naman ng pagka-red ng paint niya! Ang tingkad, a?'
"Wuy? Nakita niyo si ate Jihyoung?" tanong ko matapos kalabitin ang isa sa mga kaklase namin.
"Ewan. Nagmamadaling umalis nung nag-bell," anito at nagkibit-balikat pa.
'Eh? Saan naman kaya naglusot si ate Jihyoung?'
Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang number niya pero ring lang nang ring at hindi naman niya sinasagot.
'Hala? Otteoke? Hinihintay na kami sa auditorium.'
Muli kong dinial ng number niya and to my luck sinagot naman niya kaagad 'yon.
"Jihyoung unnie, eodiya?"
"Bakit? Miss mo na ako?" Mahina niyang tanong pero nag-e-echo yung boses niya. May naririnig din ako mahihinang drop ng water. "Nasa CR lang ako."
"Ah, okay!" sagot bago i-end yung call.
Ako talaga yung nae-excite kaya naman halos liparin ko na ang daan papunta sa pinkamalapit na cr. Nag-LBM siguro si ate Jihyoung kaya nagmamadaling makapunta sa CR after mag-bell.
'Hihihi, makan-tsawan nga mamaya.'
"Ate Jihyoung? Knock Knock!" tawag ko at kumatok katok pa sa bago buksan ang pintuan habang nakatakip sa ilong. "What happened to you?" tanong ko nang mapansin na basa ang buong mukha niya.
Wala siyang make-up pero ang ganda niya pa rin. Pero medyo maputla pala siya.
'Hindi kaya anemic si ate Jihyoung?'
"Ano kasi e… ang init. Kaya naghilamos muna ako," sagot niya bago kumuha ng tissue at tinuyo ang kanyang mukha. "May dala ka bang kahit liptint lang at powder?" tanong niya kaya dumukot ako sa bulsa ko.
"Wala, e. Candy lang na lips. Kumukulay sa lips 'to. Pwede nang pamalit sa liptint, hehe." Nakangiti ko pang inabot sa kanya yung candy na tinanggap din naman niya. "Ano 'yan? Naglaro ka ba ng paint during art class?" biro ko. May paint kasi yung blouse niya.
"Ah... hindi. Natalsikan siguro kanina," aniya at alanganin pa na ngumiti bago punasan yung paint sa damit niya gamit ang basang tissue. "Ano nga pa lang kailangan mo? Sila Ate Jihan? Akala ko may rehearsal kayo?"
"Yup! Meron nga. Pero pinapatawag ka ni Stephen Oppa."
"Ako? Bakit daw?" tanong niya at binuksan na ang candy na binigay at ginawa iyong lipstick.
'Ang cute! Ginawa nga yung sinabi ko.'
"Ewan ko lang," sagot ko na lang kahit kanina ko pa gustong sabihin yung good news sa kanya.
"Sige, balik lang tayo saglit sa room. Ayusin ko lang yung gamit ko," aniya at tuluyan ang kinain yung candy.
"No need. Niligpit ko na yung gamit mo, kaya let's go na sa auditorium," sagot ko at hinila siya.
"Minsuel, slow down. Naaalog yung utak ko," awat niya bago huminto kaya natatawa ko siyang tiningnan.
"Ano 'yan? Sign of Aging na 'yan! Ang bilis mong hingalin! Need mo na sipagan ang excercise para maging fit ka!" Sermon ko dahil pansin ko na may katamaran sa pagwo-workout si ate Jihyoung.
"Binigla mo naman kasi ako ng takbo!" reklamo niya at nagpunas pa ng pawis.
"We need to hurry. Baka mapagalitan ako nila Stephen Oppa, eh nandoon pa naman si Ashton toyo, aasarin na naman ako 'non," paliwanag ko.
Huminga siya nang malalim bago tumango sa akin. Nagbilang pa siya ng hanggang tatlo bago biglang tumakbo kaya nakipagsabayan na ako sa kanya.
Halos sabay naming narating ang auditorium kaya nagtuturuan kami kung sino ang mas mabagal hanggang sa tuluyan kaming makapasok sa loob.
"Hyongie~"
Malambing na tawag ni Grayson Oppa kay ate Jihyoung at sinalubong pa ito ng yakap.
"Bakit pawis na pawis ka? Baka matuyuan ka ng pawis, magkakasakit ka," anito at pinunasan pa ang pawis ni ate kaya binalingan ko ang kapatid ko na nakatingin din pala sa amin.
"Thomas… Hindi mo ba pupunasan ang pawis ko?" tanong ko pero tila nasamid siya sa sinabi ko. Umiinom kasi siya ng tubig, muntik na tuloy matalsikan si David sa mukha.
"Huwag na nga. Arte mo," nakanguso ko pa siyang inimiran bago agawin ang iniinom niyang tubig.
Indirect kiss? Nah… I spent nine months with him sa tiyan ng nanay namin. Kaya wala sa akin ang mga ganoong bagay. Minsan nga, magkatabi pa kaming matulog pero di ko na 'yon pinagkakalat, baka mamatay sa inggit yung mga fan niya.
Lapitin pa naman ng chicks itong kambal ko. Gwapo gwapo kasi, kamukha ni Leonardo De Carpio, yung sa titanic? Pero sa mga mata ko, mas kamukha niya si stitch.
JIHYOUNG'S POV
"Huh? Anong nakain mo, kuya? Maisipan mo naman," nagtataka kong tanong at nagdadalawang isip pa bago naupo sa tabi niya.
Ang sabi, si Stephen ang nagpatawag sa akin pero bakit itong si kuya Grayson ang umi-estima sa akin?
Nasa harapan namin ang isang piano. Nag-uumpisa na siyang tumugtog. Ewan ko ba dito kay Kuya. Bigla-biglang naglalambing na tugtugan at kantahan ko daw siya.
"Ang daming tao, o? Nakakahiya. Saka hindi ba dapat nagpa-practice kayo?"
"Sige na. Naka-break pa naman kami. Sige na, para naman mabawasan ang pagod ko," paglalambing pa niya kaya kahit nagdadalawang isip ako, nag-umpisa na akong tumipa.
Isa sa mga favorite kong kanta ang napili ko dahil ilan lang naman ang kabisado kong piesa. I Will Go To You Like The First Snow by Ailee. Ginamit 'tong OST sa Kdrama na Goblin which is favorite ko din.
Napansin kong halos lahat ng nasa auditorium ay nakatingin sa akin kaya ipinikit ko na lang ang mga mata ko para di ko sila makita. Medyo nahihiya kasi ako kahit wala naman iyon sa bokabularyo ko. Hindi kang kasi ako sanay na kumanta sa harap ng maraming tao dahil hindi naman ako confident sa singing voice ko. Ito yung talent na mas pinipili kong itago na lang.
Nang mag-umpisa na ako sa pagkanta, halos mabingi ako sa sariling t***k ng puso ko. Pakiramdam ko, huminto ang lahat para sa akin. I was a bit shaking kaya itinigil ko ang pagtipa at pagkanta. But then, I felt kuya Grayson's hand tapping my shoulder.
Dumilat ako at sinalubong ang tingin ni kuya. He was smiling at me. "Kaya mo 'yan, Hyongie. Alam ko na kaya mo. Nagmana ka kaya sa akin."
Gumanti ako ng ngiti at magpakawala ng malalim na buntong-hininga bago muling pumikit at umpisahan ang pagtipa.
Basta, sinubukan ko lang na pakalmahin ang sarili ko at isa-puso itong kanta. It was a very heartful song. It's about promising someone you love that no matter what happens, you will find ways to meet them at the first snow of the year.
Maraming kalakip na paniniwala ang first snow for koreans. It's like part of our traditions.
Idinilat ko ang aking mga mata at tiningnan ang reaksyon ni Kuya Grayson. Nakangiti siya sa akin ngunit may luhang nagbabadyang tumulo sa kanyang mga mata.
“Nǐ zěnme kūle?” [“Why are you crying?”] tanong ko at pinunasan pa ang kanyang pisngi.
“Wǒ hěn gāoxìng,” [“I'm just happy,”] sagot niya kaya kumunot ang noo ko. “I'm proud of you, Hyongie,” aniya at yumakap pa sa akin.
“Omo omo! That is so… Hmmm… So… Emotional!” sigaw ni David kaya napatingin ako sa kanilang lahat kasunod ang pagpalakpak nila kaya bahagyang nag-init ang pisngi ko. “Thomas, tama ba yung grammar ko?”
Tumango si Thomas bilang sagot kaya napangiti ako.
“Go, bebe Jihyoung!” sigaw ni bebe Chanyoung sa tabi naman niya sumisinghot-singhot pa sila ate Jihan at Minsuel kaya natawa ako sa mga itsura nila.
“Jihyoung!” Boses iyon ni Eorabeoni kaya kaagad ko siyang hinanap. Nasa bandang likuran pala namin siya at may hawak na cellphone. Sumenyas pa siya na ngumiti ako sa camera kaya nahihiya akong ngumiti.
Aaminin ko, makapal talaga ang mukha ko pero sa ganitong sitwasyon parang tinatakasan ako ng kakapalan ng mukha kaya nakakaramdam ako ng hiya.
Lumapit si Oerabeoni sa akin at humalik sa aking pisngi. “I'm so proud of you, little sis.” Bulong pa niya kaya nakangiti ako na yumakap sa kanya.
“Ano bang meron?” tanong ko dahil may pakiramdam ako na pinakatugtog at kanta nila ako on purpose.
“Paano ba, Asher? Anong masasabi mo?”
Kumunot ang noo ko.
Si Asher?
“Ms. Kwon Jihyoung…”
Bigla akong napatayo nang tawagin ni Jihoon ang pangalan ko. Ewan ko ba, pero parang ninenerbyos ako sa tuwing kaharap ko siya. Ang intimidating kasi ng mga tingin niya.
“Well done,” aniya at ngumiti sa akin kaya halos malaglag ang panga ko sa sobrang gulat. Pero mas ikinagulat ko ang sunod niyang sinabi, “Welcome to Music Club.” Pumalakpak pa siya kaya napatingin ako kila kuya.
“W-what?” tanong ko na hindi maalis ang ngiti sa labi ko. “This is not a joke, right?”
Sabay na tumango sina kuya kaya napatalon at at muling yumakap sa kanila. “Thank you,” bulong ko.
“Don't thank us, Jihyoung. You earned that spot,” ani Kuya Henry at ginulo pa ang buhok ko.
“Well, kung may dapat kang pasalamatan dito, si Stephen Hyung 'yon,” sagot naman ni Kuya Grayson kaya kaagad na hinagilap ng aking mata si Stephen pero wala siya. Hindi ko rin siya napansin kanina nung dumating kami. “He paved your way here. Naks! Nakapag-english din!” natatawang biro pa niya kaya naiiling akong muling tumingin sa paligid.
‘Where are you, Stephenshi?’
“He's not here,” nakangiting sabi ni Asher kaya napatingin ako sa kanya. “He said that if you want to see him, you know where to find him.”
Tumango ako at nagmamadaling lumabas ng auditorium. I don't really know where to find him but I trusted my feet and gut feeling.
Kabado kong binuksan ang nakalapat na pintuan. Napangiti na lang ako nang makita ang taong hinahanap ko. He was sitting infront of the piano holding a bouquet of yellow roses. “You made it, right?” tanong niya kaya nakangiti akong tumango sa kanya. “I knew it,” aniya at sumenyas pa na maupo ako sa tabi niya.
“Why did you do that?” tanong ko matapos maupo sa tabi niya. “Ang taas naman ng tiwala mo sa akin para gawin 'yon.”
“Because you deserve that spot, Jihyoung. Congratulations,” aniya at inabot sa akin ang bulaklak na hawak niya.
“Thank you, Stephenshi.”
“It's just flowers,” aniya habang nakangiti siya sa akin. Umiling ako. Nilakasan ko na rin ang loob ko at yumakap sa kanya. Halata namang nagulat siya sa ginawa ko pero hinayaan niya lang din naman ako.
“Thank you. Not just for the flowers, but for the opportunity you had opened,” bulong ko.
“Naah, what friend is for?” sagot niya at gumanti na rin ng yakap sa akin.