Chapter 9
WEN GRAYSON'S POV
Ibinaba ko ang hawak kong study guide bago magpakawala ng buntong-hininga.
“Ang lalim, a?” Nakangiting bati sa akin ni Theo matapos maupo sa tabi ko. “Hyung, babae siguro 'yang iniisip mo 'no?”
“Tigilan mo nga ako. Hindi mo ikinagwapo,” nakasimangot kong sagot sa kanya. “Mas gwapo pa rin ako sayo,” dagdag ko pa.
“Edi wow. Ako kaya visual ng grupo,” sagot niya at dumila pa bago ako iwanan. Lumapit siya kina Thomas at Ashton, baka doon na siya mangungulit.
Tama naman siya, e.
Babae ang gumugulo sa isip ko.
“Ya! Grayson, sinugod niyo daw sa ospital si Hyongie?” seryosong tanong ni Luke kaya tumango ako sa kanya at muling nagpakawala ng buntong-hininga. “Bakit? May sakit ba siya?” Bakas sa mukha niya ang pag-aalala.
“Wala siyang sakit. Nakakain siya ng soup na may anchovies. Hindi namin alam na may allergy pala siya 'don.” Paliwanag ko bago kuhanin kay Luke ang dala niyang coke at uminom ng onti. “Pero okay na siya.”
“That's a relief then. Mukha namang okay na siya. Nag-iingay na naman kanina sa room, e.” aniya bago bawiin ang coke sa akin. “Though, puno pa rin siya ng rashes.”
“May mga allergies pa ba si Hyongie na hindi namin alam?” tanong ko. Kung may isang tao man na pwede kong pagtanungan nang tungkol kay Jihyoung, si Luke na iyon.
Kung tutuusin, parang pamilya na rin namin si Luke. Siya ang nagsilbing kuya ni Hyongie ng mga panahon na malayo kami. Sigurado ako na kung may mga gusto man akong malaman tungkol sa kapatid ko, si Luke ang tamang tao na makakasagot 'non.
“Wala naman. Sa totoo lang, wala namang pinipiling pagkain si Hyongie. She will eat anything that you'll offer or give to her. Hindi naman kasi siya maselan.” Nagkibit-balikat pa siya sa akin kaya muli akong napabuntong-hininga.
‘Ayos lang, Grayson. Hindi mo kasalanan na hindi mo alam.’
Pagkumbinsi ko sa aking sarili. Pero hindi ko pa rin maiwasang isipin na dapat alam namin ang tungkol sa mga ganoong bagay. Pamilya kami, e. Nakakalungkot lang na sa mga nakalipas na taon, hindi namin nagawang maging buo. May mga bagay tuloy kaming hindi alam tungkol sa isa't-isa.
“Guys! Let's start!” malakas na sigaw ni Henry kaya tumayo na ako at pumwesto sa gitna ng practice room.
Bilib din ako sa kapatid kong ito, nagagawa niyang maging normal sa harap ng lahat kahit nahuli ko siyang umiiyak kagabi nang dahil kay Hyongie. Sobra naman kasi talaga kaming nag-alala.
Kitang-kita namin kung paano siya nahihirapan kagabi at alam ng Diyos kung gaano kasakit para sa amin na makitang ganoon ang kapatid namin. Prinsesa namin 'yon, e. At ang mas masakit pa 'don, wala manlang kaming magawa.
“Hyung! Ayos ka lang ba talaga? Iba na 'yan, ha? Nasaan ba 'yang chicks mo at pinag-aalala ka nang ganyan?” tanong ulit ni Theo kaya bahagya akong ngumiti bago siya akbayan.
“Ibigay mo na lang sa akin nang hindi ka namumoblema nang ganyan! Ayoko sa lahat, yung naii-stressed ka. I love you, Hyung!”
Tumaas ang kilay ko. Sinusubukan yata ako ng batang ito.
“I love you more, Theo! Kiss mo nga ako sa lips!” Pinahaba ko pa ang nguso ko at akmang hahalik sa kanya.
“Joke lang!” sigaw niya at nagmamadaling tumakbo palayo sa akin. “Nabakla ka na naman sa ka-gwapuhan ko!”
“Kung ka-gwapuhan lang ang usapan, first word ka pa lang, nasa tuldok na ako!” Mayabang kong sagot sa kanya.
“Ay ang kapal!” side comment ni Chase Hyung bago bumangon sa kanyang pagkakahiga. “Hanggang panaginip ko, umaabot kakapalan ng mukha mo, Grayson. Ang papangit niyo!”
“Wow! Hiyang-hiya!”
Sabay naming sagot ni Mingyu.
Wala. May nanalo na.
KURI'S POV
PIGIL HININGA kong hinihintay ang records ng dalawang transfer student ko na pina-faxed ko mula pa sa China.
It wasn't really necessary dahil hindi naman ito legal documents nila pero gusto ko lang masiguro na maayos ang records nila sa dati nilang school. Especially Jihyoung. I have a gut feeling that she's trying to hide something.
“Teacher Yoon, ito na yung files from China!” sigaw ni Stephen kaya nagmamadali akong lumapit sa fax machine namin.
Tiningnan pa ako ng makahulugan ni Stephen.
“Stop it.”
“Why are you investigating them?”
“Ano? I'm not investigating, okay? I'm just curious over something.”
“You can just ask them. Ano na lang ang mararamdaman nila kapag nalaman nilang hinahalukay mo yung records nila sa dati nilang school?”
“Adviser nila ako. I can do this. And this is not even illegal. Okay?” Depensa ko. “Bumalik ka na nga sa klase mo kung tapos na yung mga pinapagawa sayo. At home na at home ka sa teacher's faculty.” Pagtataboy ko sa kanya bago dali-daling kinuha ang mga papel at bumalik sa lamesa ko para i-check 'yon.
Thank God they both have a clean records except for Jihyoung's absences from the last week of her stay there.
Hindi naman na big deal iyon dahil baka iyon yung time na nag-aasikaso siya ng pagtransfer dito sa amin.
‘I'm glad. I supposed there's nothing to worry about.’
“Unnie!”
Mabilis kong itinago ang hawak kong mga papel nang bigla na lang sumulpot sa harap ko sina Jihan. Kasama niya sina Chanyoung, Minsuel at Jihyoung na pawang mga nakangiti sa akin.
“Hey, anong ginagawa niyo dito? May kailangan ba kayo?” tanong ko. Hindi naman siguro nila nakita yung mga papel pero bakit kinakabahan ako? Wala namang masama sa ginawa ko pero bakit parang ninenerbiyos ako?
“Lunch time na. Matagal na since nung last time na kumain ka kasabay namin,” ani Jihan at nakanguso pang lumingkis sa akin.
“Oo nga! Sabayan mo naman kami ngayon!” Si bebe kulot ko na napakahaba din ng nguso.
“Okay! Magpapalibre lang kayo ng pagkain sa akin, e.” sagot ko bago damputin ang sling bag ko. “Let's go na. Kain tayo ng masarap.”
“Yehey!” sabay sabay nilang sagot kaya nakangiti akong nagpaalam sa mga co-teachers ko.
“Yaaa! Wait lang! Yung shoe lace ko, pabebe!” ani Jihyoung bago ayusin ang sintas ng kanyang sapatos.
“Luh. Bahala ka d'yan. Kapag hindi mo kami naabutan, sagot mo lunch mo!” biro ko bago nagmamadaling tumakbo. Nakitakbo na rin naman yung tatlo kaya naiwanan namin si Jihyoung na panay ang tawag sa amin.
Tawa lang kami nang tawa at hinintay na makalabas din si Jihyoung. Medyo natagalan kasi siya sa loob.
“Yah! Akala ko iniwanan niyo talaga ako, e.” Nakanguso niyang reklamo nang makalapit siya sa amin.
“Joke joke lang 'yon! Ikaw naman!” sagot ni Chanyoung at inakbayan pa si Jihyoung. “Ay grabe! Hingal na hingal ka naman!”
“Ninerbyos ako, e.” sagot ulit ni Jihyoung bago tumingin sa akin at ngumiti ng matamis. “U-unnie, libre mo pa rin yung lunch diba?” she said while giving me the cutest facial expression.
‘Ay paksheeeet na batang ire! Kapatid nga nila Henry at Grayson! Napaka-cute! Sarap gawing keychain!’
“Arasso! Let's go na talaga!” sagot ko at pinangunahan na sila sa paglalakad. Hinayaan ko naman sila na magkwento habang tinatahak namin ang daan papuntang cafeteria. As usual, hindi na naman sila maubusan ng kwento kaya for sure, gutom na ang mga ito mamaya.
“Manang, are you sure? Walang anchovies d'yan, ha? Dito? Or dito? Wala din? Sure?”
Automatic na napatingin kami kay Jihyoung nang maabutan namin ang Kuya Henry niya na inuusisa ang mga menu.
Tila nahihiya namang lumapit si Jihyoung sa kuya niya at hinila ang laylayan ng damit nito.
“Eorabeoni! What are you doing?” tanong niya.
“We need to make sure na hindi ka na makakain ng bawal sayo,” sagot nito at muling binalingan ang babaeng crew ng cafeteria. “Manang, sure ha? Baka kasi may mangyari na naman sa kapatid ko, e.”
“Eorabeoni!” Si Jihyoung at tinakpan pa ang bibig ni Henry. “Pasensya na po.” Yumuko pa siya habang nag-a-apologize bago hilahin papalapit sa amin ang kuya niya. “Kuya, nakakahiya 'yon!”
“Bakit ka mahihiya? Walang masama sa pagtatanong,” depensa nito bago ayusin ang kanyang buhok. “Mabuti na yung sigurado.” Dagdag pa nito.
“Nasaan si Kuya Grayson?” tanong ni Jihyoung at inililibot pa sa paligid ang kanyang mata. “Oh dear God! Kuya!!” sigaw niya kaya napatingin kaming lahat sa direksyon na tinitingnan niya. “Anong ginagawa mo d'yan?”
It was Grayson. Nasa loob siya ng kitchen at may dala pang notebook.
“What? Chine-check lang namin if walang anchovies dito,” kalmado nitong sagot at lumapit pa sa amin.
‘Anong meron sa anchovies?’
Nagtataka kong tiningnan si Jihan at mukhang na-gets naman niya ang nais kong iparating.
“May allergy si Jihyoung sa anchovies. Naisugod siya sa ospital kagabi dahil 'don,” mahinang bulong nito kaya napa-ahhh ako bilang sagot.
“That's not even necessary! My God! Nakakahiya! Nakaabala kayo sa trabaho nila.” Iritableng sermon sa kanila ni Jihyoung kaya napagdesisyonan ko nang pumagitna sa kanila.
Para kasing puputok na sa galit si Jihyoung, e.
“Henry, Grayson. Alam kong na-appreciate ni Jihyoung yung effort niyo but it's just a little too much,” paliwanag ko. “Go ahead. Apologize to them.” Inginuso ko pa ang direksyon ng mga kitchen staff.
Nahihiya namang humarap ang dalawa at sabay na yumuko. “Sorry po!”
STEPHEN'S POV
TININGNAN AKO nang masama ni Jihoon at akma pa akong iiwanan kaya mabilis akong humawak sa braso niya.
"Bitaw. Bibitiwan mo ako o ipupokpok ko 'tong gitara ko sayo?" Banta niya subalit hindi ko siya sinunod.
"Sige na, Asher. It was a simple request. Hindi mo ba talaga ako mapapagbigyan?" Lumingkis pa sa braso niya at nag-pacute. Mukha na akong bakla pero ayos na 'to. Baka makumbinsi ko siya kapag gumanito ako. "Please?"
"Hindi nga basta simpleng request 'yon. Gusto mong i-risk ko ang reputasiyon ng Club namin for her? I don't even know if she's worth it." Masungit niyang sagot kaya nagdabog ako na parang bata.
"Wala ka bang tiwala sa akin?"
"Sayo meron. Sa kanya wala. I don't even know if she can actually sing."
"Ako na nga nagsasabi sayo, e. She can sing and she's great," giit ko. "Ayoko lang na masayang yung talent na meron siya. She deserves to be a part of your club."
"Hyung, seryoso. It wasn't just because you think she deserves it, right?" taas kilay niyang tanong kaya napakunot ako ng noo.
"What do you mean?"
"Naghahanap ka lang yata ng excuse to be with her, e. If that's the case, bakit hindi mo na lang siya isama sa Theatre Club? Bakit ba ang Music Club ang pinagpipilitan mo sa kanya?"
"Ano? Psh! Hindi, a? It wasn't like that. Alam mo naman na wala na kaming vacant roles sa club, diba?"
"Then let her work behind the scenes!"
"Paano niya mapapakita yung talent niya sa lahat if hindi siya makakapag-perform?"
"Then make her an Understudy!"
"What? Sa tingin mo, wala kaming mga Understudy sa club? It will require the whole cast to be sick bago pa siya makasalang sa stage," sagot ko. "Come on, Jihoon. Help me out."
"I just don't get it. Bakit ba ikaw itong eager na eager?"
Natahimik ako sa tanong niya.
'Bakit nga ba?'
"Alam mo, Hyung. Ganito na lang. Sige, hahayaan kong makapasok siya sa Music Club. In one condition. I want her to be as eager as you are." Prente pa siyang sumandal sa pader at tiningnan ako. "And I need to see what you saw in her, too."
"Fine. Anong gusto mong gawain ko… I mean ni Jihyoung para makapasok siya sa Music Club?"
"Isama mo siya during our rehearsals sa play."
"That would'nt be a problem." Ngumiti ako sa kanya. "Thanks, Asher."
Yinakap ko pa siya nang mahigpit subalit mabilis din siyang kumalas.
"Don't thank me yet. Jihyoung needs to prove herself first," aniya bago ako iwanan.
Ibang klase talaga si Jihoon, kinilig na naman siguro sa akin kaya nagmamadaling umalis.
Nagutom ako sa kaka-kumbinsi kay Asher kaya nagmamadali akong tumakbo papunta sa cafeteria. Baka maubusan ako ng masarap, e.
“Sorry po talaga!”
Nakayukong pahayag nila Henry at Grayson nang maabutan ko sila sa harap ng pila.
“Anong meron?” tanong ko kay Jihyoung na nakatingin lang at naiiling sa dalawa niyang kuya.
“Wala naman. Kung may ranggo lang ang pagiging OA, Heneral at Kapitan na sila kuya,” iritable niyang sagot kaya natawa ako dahilan upang tapunan ako ng masamang tingin ng magkakapatid kaya napaatras ako.
“Ayan! Tawa pa more, President!” Kantsaw ni Minsuel kaya akma ko siya kukutusan pero biglang pumagitna si Teacher Yoon.
“Joke lang, hehe.” Hinimas ko pa ang kamay ko na gustong-gusto nang dumapo sa ulo ni Minsuel kung hindi lang kay Teacher Yoon.
“Guys, settle that privately. Mahaba na ang pila dito. Let's keep moving para makakain na tayong lahat,” ani Teacher Yoon kaya pumila ako sa likuran niya.
“Teacher Yoon! Treat mo ba yung lunch namin?” tanong ko.
“Hindi.” Matabang niyang sagot kaya humarang ako sa harap niya. “B-bakit?”
“Libre mo din ako!” Ngumiti ako sa kanya pero nag-iwas lang siya ng tingin. Guilty siguro sa ginagawa niyang magtingin sa records nila Jihyoung at Luke. Well, wala namang masama 'don. She's right. She's the adviser, she has all the right to check her student's records. Nagi-guilty siguro siya dahil pwede naman niyang kausapin sina Jihyoung but didn't use that means. “May favoritism ka. That's not good,” bulong ko bago bumalik sa likuran niya. “Hay nako, paano tayo uunlad kung may favoritism sa sistema? Grabe lang talaga. Nakakalungkot naman kapag ganyan? I know some secrets pa naman. Paano kaya kung sabi--”
“Oo na. Ililibre na kita. Ang dami mong sinasabi.” Nakasimangot na sagot ni Teacher Yoon habang nakahawak sa bibig ko.
“Kamsahamnida, Teacher Yoon!” Nakangisi pa akong nagpasalamat.
“Ipapa-banned na talaga kita sa teacher's faculty. Ang dami mong nalalaman,” bulong pa niya kaya natawa ako. “Itikom mo lang 'yang bibig mo or else lalagyan ko 'yan ng tape o kaya staple.”
Ngumiti lang ako sa kanya at nagkibit-balikat pa.
PS: UNDERSTADY is a term use in theatre for a person who learns another's role in order to act as a replacement at short notice.