Chapter Eight
Jihyoung's POV
*Be with my family
*Sleepover with friends
*Camping sa beach
*Pumasyal sa Amusement Park
*Watch a firework display
*Write a song
Ibinaba ko ang aking ballpen at muling pinasadahan ng tingin ang listahang ginawa ko. Okay na siguro 'to. Dagdagan ko na lang kapag may naisip pa ako.
“Jihyoung, dinner time!” sigaw ni mother dear mula sa labas ng kwarto ko.
“Dae, Omma! Lalabas na po ako!” sagot ko naman bago iligpit ang listahan ko at lumabas na nga ng kwarto ko. “Sila kuya?” tanong ko nang mapansing bakante ang silya ng dalawa kong kuya. Si Minghao naman, bukas na lang daw uuwi dito sa bahay.
“Nakatulog na yata. Mukhang mga napagod sa eskwela. Gigising naman ang mga 'yon kapag nakaramdam sila ng gutom,” sagot ni appa. “Kumain ka na.”
“Dae,” sagot ko bago kumuha ng pagkain. May nakalatag na soup sa gitna kaya kaagad akong kumuha at tinikman iyon.
‘Why does it tastes a bit weird?’ tanong ko sa aking sarili. Ayoko namang magtanong kaya't muli akong tumikim para lasahan ulit ang soup na niluto ni mother dear.
Hindi ko alam pero parang may mali talaga sa lasa nito pero tuloy lang ako sa pagtikim gawa na rin siguro ng gutom, hanggang sa bigla akong nasamid. Tila may paninikip sa lalamunan ko na hindi ko maunawaan. Unti-unti akong hindi makahinga kaya't naibagsak ko ang hawak kong kutsara.
“J-Jihyoung? Anak? Bakit? Anong nangyayari?” sunod sunod na tanong ni mother dear kaya't napatingin ako sa kanya bago tingnan si appa na nakatayo na pala sa likuran ko.
“I… I… can't… breathe…” Hirap na hirap kong sambit. Pilit akong humihigop ng hangin habang pinipigilang maiyak. I grabbed my father's hand as if I'm begging him to make it stop.
“Grayson! Henry! Bilisan nyo! Si Jihyoung!” Dumagundong sa buong kabahayan ang boses ni appa.
Huli kong nakita ay ang paghangos nila kuya papalapit sa amin bago ako tuluyang nawalan ng malay.
STEPHEN'S POV
“Dae, Eomma. Malapit na ako sa ospital,” sagot ko sa aking ina na nasa kabilang linya. “Ipapark ko na lang 'tong kotse.”
“Don't forget to remind your dad about the party tomorrow. Okay?”
“Dae, Arasso. Bye,” sagot ko bago tanggalin sa aking tainga ang suot kong earpiece.
Matapos kong makapag-park ng sasakyan, kaagad akong tumulak papunta sa opisina ni Dad.
Resident doctor dito sa ospital ang daddy ko at dito na siya halos nakatira. Nakaugalian na namin na ako ang magdadala ng dinner niya na si mommy mismo ang naghahanda. Minsan sinasabayan ko din sya sa pagkain pero mas madalas na sa bahay na ako kumakain para may kasabay din naman si Mom. Bunso ako sa dalawang magkapatid pero matagal nang bumukod sa amin si kuya Steve.
“Henry?” mahina kong bulong nang matanawan ang isang pamilyar na mukha. Parang si Henry kasi yung lalaking dumaan sa harapan ko at hindi lang niya ako napansin. Parang wala kasi siya sa wisyo, e. “Henry!” sigaw ko at tila natauhan naman ito at hinanap kung saan nanggaling ang boses na tumawag sa kanya kaya lumapit na ako. “Hoy!”
“Hyung,” matamlay niya akong tiningnan.
“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko at tiningnan pa ang itsura niya. He was wearing his pajama and a loose shirt. Gulong-g**o din ang kanyang buhok. “May problema ba?”
“Hindi ko din alam, e.” mahina niyang bulong habang nakayuko lang. “Hyung… Si Jihyoung kasi, e.” bulong ulit niya bago mag-angat ng tingin. Bumangon ang lahat ng kaba sa akin nang makita siyang umiiyak. Henry wasn't the type of guy who shed tears easily. “Si Jihyoung, e…” Tila isa siyang bata na nagsusumbong sa akin. Hindi ko alam pero parang nadudurog ang puso ko na makita siya na ganito dahil sanay ako na palaging siyang masaya at nakangiti. “Hyung…”
“Hey, it's gonna be okay.” Pinunasan ko ang kanyang mukha at inalalayan siyang maupo sa isang bench na nasa gilid ng hallway. “Nasaan ba si Jihyoung?” tanong ko matapos naming makaupo.
Makakapaghintay pa naman siguro si dad. Mamaya ko na dadalhin ang pagkain niya.
“Emergency room,” sagot niya. “Ang sabi nila dad, kumakain sila nang bigla na lang siyang hindi makahinga. Hyung, wala namang masamang mangyayari sa kapatid ko, diba?”
“Oo naman!” Nakangiti kong sagot bago siya akbayan. “Sigurado ako na magiging ayos siya.”
“Hindi ko kakayanin kapag may nangyari sa kanya,” bulong ni Henry at muling yumuko.
Magsasalita pa sana ako nang biglang tumunog ang cellphone niya na kaagad naman niyang sinagot. “Wae, Grayson? Gising na ba si Jihyoung? Arasso. Papunta na ako d'yan.” Sunod sunod na sagot ni Henry bago tumayo. “Gising na daw si Jihyoung!” aniya habang nakangiti na. Ngumiti din ako at tumayo na rin.
“Samahan na kita. Gusto ko din sanang kumustahin si Jihyoung,” sagot ko at muli siyang inakbayan.
“Ano nga pa lang ginagawa mo dito, hyung?” tanong niya habang pinupunasan ang kanyang mukha. Imbis na sumagot, itinaas ko na lang ako hawak kong eco bag. “Ahh, dinalhan mo ng food ang daddy mo.”
Tumango ako bilang sagot bago tahimik na naglakad papunta sa emergency room.
“Oh! Hyung!” bati sa akin ni Grayson nang makita ako. Katulad ni Henry, nakasuot na siya ng pantulog. Lumapit ako sa kanya at ginawaran siya ng mahigpit na yakap.
“Anong sabi ng doctor?” tanong ko.
“Nasa loob pa, e. Kapapasok pa lang sa loob, e. Chine-check ulit si Jihyoung,” sagot ni Junhui bago buksan ang pintuan ng private room.
“Dad!” pagtawag ko sa pansin ng daddy ko. Siya pa pala ang tumitingin kay Jihyoung. Ayos! Hindi na ako mahihirapang hanapin siya. “Good evening po,” bati ko sa mga magulang nila Henry bago kumaway kay Jihyoung na sa kabila ng mga visible rashes sa kanyang mukha ay nagawa pa rin na ngumiti sa akin.
“These rashes and the difficulty when it comes to breathing are both signs of allergic reaction. Ano ang huli mong kinain?” tanong ni Dad kay Jihyoung.
“Kumakain po kami ng dinner nung bigla akong hindi makahinga kanina. It was after I ate the soup. Iyon pa lang po yung kinain ko e,” sagot ni Jihyoung.
“Jihyoung, anak. May allergy ka ba sa anchovies?” tanong ng mommy niya.
“Hindi ko po alam. Hindi pa po ako nakakakain 'non, e.” sagot naman ulit ni Jihyoung. “Bakit po? May anchovies po ba yung soup?”
Nagkatinginan kami nila Henry at Grayson.
“Oo, e. Pero hindi ko alam na may allergy ka 'don, anak. Ang lolo mo ang talagang may allergy 'don. Possible bang mamana 'yon?” tanong nito kay Dad.
“Yes, that is possible. Sa ngayon, we will run some tests para masiguro natin kung yung anchovies soup ba talaga ang reason ng allegic reaction mo.”
“Salamat po,” ani Jihyoung at ngumiti pa kay Dad.
“I'm sorry, anak. Hindi ko man lang alam na may allergies ka. Anong klaseng nanay ako,” ani tita at yinakap pa si Jihyoung na nakangiti lang na pinunasan ang pisngi ni tita.
“Ma, ako nga hindi ko alam e. There's no reason to blame yourself, okay? I'm fine now, right doc?”
“Yes. But we'll do a general check up na rin para mas sigurado tayo,” sagot ni dad.
“T-There's no need naman na po. I'm in a very great condition,” mabilis na pagtanggi ni Jihyoung kaya't napakunot ako ng noo. “There's no need for that.”
“Are you sure, ija?” tanong ulit ni dad at tiningnan pa ng seryoso si Jihyoung.
“Oo naman po. And baka po pwede na akong umuwi? I'm not comfortable kasi sa mga ospital, e.” Nakangiti pa niyang sagot bago balingan ang parents niya. “Appa, uwi na tayo. Please?”
“Anak, it's best if dito ka na magpalipas ng magdamag. You should rest. We want to make sure na okay ka talaga,” sagot ni tito.
He has a point. It would be best to stay here for the night. Ang dami pa niyang rashes sa mukha e.
“Hyongie, makinig ka na lang kay Dad. Gusto lang namin na masigurong okay ka talaga,” ani Grayson at naupo pa sa tabi ni Jihyoung. Yinakap niya ang kanyang kapatid bago ito halikan sa noo. “Nag-alala kami sayo.”
“Kuya…” Pagtawag ni Jihyoung dito bago gumanti ng yakap. “Wag na kayong OA, lalo ka na oeraboeni! Umiyak ka 'no? Lalo kang nawalan ng mata!” Nakangiti niyang biro kay Henry na nag-iwas lang ng tingin.
Kinalabit ako ni dad kaya napunta sa kanya ang atensyon ko. Sinenyasan niya ako na mauna na sa labas kaya naman tumango ako bago sila iwanan. Mayamaya naman ay sumunod na rin sa akin si dad.
“May kapatid pa lang babae sina Henry?” tanong ni dad habang tinatahak namin ang daan papunta sa opisina niya.
“Yes, dad. Bunso nila si Jihyoung pero lumaki siya sa China kaya ngayon mo lang siya na-meet.” Paliwanag ko.
“I can see na magkakilala na kayo,” aniya at ngumiti pa sa akin.
“Of course, dad. Sa school din siya nag-aaral. And I mostly spend my time with her brothers kaya hindi naman imposible na magkakilala kami, diba?” sagot ko naman pero ngumiti lang sa akin si dad. Ito na naman si Dad, bubuskahin na naman ako sa mga babaeng nalalaman niyang kakilala ko. “I know what you're thinking dad, she's just a friend. Kapatid siya ng mga kaibigan ko so it only fits na maging magkaibigan din kami.”
“I'm not saying anything, son. Don't be so defensive,” sagot niya at ginulo pa ang buhok ko. “And most all, don't be so sure.”
“Dad!” sigaw ko na naging dahilan para matawa si dad.
“What?” Painosente niyang tanong bago buksan ang pintuan ng opisina niya.
Hindi na ako sumagot at sinimangutan na lang siya bago ilapag sa lamesa ang eco bag na dala ko.
“Pinapaalala ng mommy yung tungkol sa party. 'Wag mo daw kakalimutan.” Pag-iiba ko sa usapan.
“Arasso. Na-clear ko naman na ang schedule ko para sa party,” sagot ni Dad. “You should go home now, may mga babalikan pa akong pasyente.”
“Okay,” sagot ko at nakapamulsa pang lumabas ng opisina niya. Naabutan ko naman sina Henry na papalabas na ng kwarto ni Jihyoung. “Looks like you convinced her to stay,” nakangiti ko pa silang inakbayan.
“Akala mo lang 'yon,” sagot ni Junhui kasunod nang pagbukas ng pintuan at linuwa noon si Jihyoung na abot tainga ang ngiti.
“Oh, Stephenshi! You're still here!” Matamis pa siyang ngumiti sa akin “Nagdinner ka na ba? Kakain kami sa labas. Sama ka na sa amin.” Pag-aaya niya. “Appa, sasama sa atin si Cheollishi,” pahayag niya kaya napanganga ako.
Parang hindi pa ako nakaka-oo?
“No problem,” sagot naman ni tito at nakangiti pa akong linampasan. Tinapik pa niya ang balikat ko.
Napatingin ako kila Henry at Grayson na tumango lang sa akin na para bang sinasabi nilang wala naman na akong choice kaya sumang-ayon na lang ako.
Sa totoo lang, katatapos ko lang magdinner pero mukhang napasubo na ako dito. Nakakahiya naman sa parents nila Jihyoung.
JIHAN'S POV
“Eommaaaaa!” gigil kong sigaw habang sumusugod sa kusina. “Eomma!”
“Ano ba 'yon? Bakit sumisigaw ka?!” naiiritang tanong ni mama. “Ang aga-aga napakaingay mo.”
“Bakit hindi mo ako ginising?” reklamo ko. “Wala na si Unnie. Late na ako!”
“Hoy, Jihan! Maaga pa. And'yan pa ang kuya Chase mo. Sa kanya ka lang din naman sasabay.”
“Sabi ko sayo gisingin mo ako, e. Kay unnie ko gustong sumabay, e.” Nagdadabog pa akong nagmartsa pabalik sa kwarto ko para gumayak. “Hmp!” Ismid ko kay Kuya Chase. Mukhang kakagising lang nito.
“Hoy! Ang aga-aga, naririnig ko na naman 'yang maingay mong bunganga,” nakasimangot pa niya akong sininghalan. “Maligo ka na nga! Itsura mo!” anito at sinipa pa ako papasok sa kwarto ko bago ako belatan.
“Nakakainis ka talaga!” sigaw ko at nagmamadali nang gumayak.
Nang makabalik ako sa kusina, nakapwesto na si Kuya Chase nag-uumpisa nang kumain. “Hoy, pangit. Kumain ka na. Baka ma-late na naman tayo.”
“Gwapo mo, a?” bulong ko. “Aray!” reklamo ko nang dumapo sa ulo ko ang kutsarang hawak ni kuya. “Masakit yon!”
“Napaka-ingay mo. Naaawa ako sa magiging boyfriend o asawa mo. Kakasama mo 'yan kila Chanyoung e. Nagiging maingay ka na rin, e.” aniya kaya tinaasan ko siya ng kilay.
‘Bwisit talaga 'tong kuya ko, e. Kami na naman ang nakita.’
“Mama, o? Tinataasan ako ng kilay ni Jihan. Lapastangan, o?” Pagsusumbong ni kuya kaya mabilis akong ngumiti.
“Ang sinungaling mo, kuya. Kumain ka na nga.” pagsisinungaling ko pero binelatan lang ulit ako ng kuya kong abnormal. “Bwisit ka talaga,” mahina kong bulong.
“Ay mama, o? May sinasabi pa siya, o?”
“Si kuya, parang tanga. Naka-drugs ka ba? Para kang adik napak—Aray!” reklamo ko ulit nang kutsara naman ni papa ang dumako sa ulo ko. “Papa naman, e!”
“Huwag mong tinatawag na adik ang kuya mo. Gusto mo bang mapa-trouble 'yan?” sermon sa akin ni papa kaya tinapunan ko ng masamang tingin si kuya pero tinawanan lang ako nito.
Napaka-bully ng bwisit na 'to.
Bakit ba kasi ito pa ang naging kapatid ko, e. Kapag gumaganito si kuya, mas naiinggit tuloy ako kay Jihyoung. Kasi naman, ang sweet ng mga kuya niya. Samantalang itong kuya ko, madalang na ngang magpaka-kuya, madalas nang dedemonyo pa.
“Kumain kayo nang kumain. Ang aga aga hilian kayo ng hilian na magkapatid. Hindi niyo gayahin ang ate Kuri niyo! Magpakatino nga kayong dalawa!” si mama na pinaglagay pa ako ng pagkain sa plate ko. “Hoy Chase, bilis bilisan mo ang kilos. Mahuhuli na kayo sa klase.”
“Dae, eomma!” nakangiti pang sagot ng damuho kong kuya bago ako balingan. “Bilisan mo na sis, male-late na tayo. Kapag hindi mo binilisan, iiwanan na kita.”
“Subukan mo lang, Chase. Ikakadena ko 'yang kotse mo. Tigilan mo ang pamumuska sa kapatid mo.” sagot sa kanya ni papa kaya ako naman ang lihim na napangiti.
‘Buti nga, napagalitan ni papa!’
Ewan ko ba dito sa kuya ko, hilig na hilig na i-bully ako. Akala yata ikinaganda nya. Well, oo. Maganda este pogi naman talaga sya. Pero nang dahil sa mga sungay nya para sa akin, pangit sya.