CHAPTER 9

2601 Words
JIHYOUNG'S POV “Five, six, seven, eight…” Paulit-ulit na umaalingawngaw sa buong auditorium ang boses ni oeraboeni habang tinuturuan ang mga kasamahan niya sa stage. Tumatagaktak na ang mga pawis nila at bakas na rin ang pagod kanilang mga mukha. It's been five hours of long practice for them. Sa totoo lang, bilib na bilib ako sa kanila dahil nagagawa nilang sumayaw with all their strength kahit kanina pa sila walang pahinga. Ako nga itong naka-upo lang dito sa gilid ay nakakaramdam na ng pagod at gutom, sila pa kaya? Minabuti ko na lumabas muna sandali at tumungo sa cafeteria. Hindi na rin ako nag-abalang magpaalam dahil masyado silang busy. Kumukulo na ang tiyan ko sa gutom, baka magkasakit naman ako kung hindi ko pa lalamnan itong sikmura ko saka parang gusto ko ng malamig na tubig. Alam ko naman na may night classes dito sa school kaya sigurado akong may mabibili pa akong pagkain. Nag-umpisa ko nang tahakin ang daan papunta sa Cafeteria. Madali lang naman iyong makita since may mga signage naman around the campu, guide kumbaga para sa mga tulad ko na new student o kaya naman visitor. “Good morning, Manang,” magiliw kong bati sa matandang babae na nasa canteen. She reminds me of my Granny. “Fifty orders po ng sandwiches and bottled water. Palagyan na rin po ito ng malamig na tubig.” Ibinigay ko sa kanya ang tumbler ko na mabilis naman niyang linagyan ng laman at ibinalik rin sa akin. “Sure ka, ine? Ang dami naman yata ng order mo?” Nagtataka nitong tanong kaya ngumiti ako sa kanya. “Gutom na gutom ka ba?” tanong pa niya at tiningnan ang pangangatawan ko. Well, medyo mabilog nga pala ako kaya na-realized ko na medyo weird nga na ang dami ng order ko ganitong mag-isa lang naman ako. Baka akala ni manang, magmu-mukbang show ako. “Medyo po, hehe. Pero hindi lang po para sa akin ang mga 'yan,” sagot ko at nakangiti pa na inabot sa kanya ang debit card ko. “Maki-box na lang po yung bottled water para madaling bitbitin.” “Wala ka bang makakatuwang? Ang dami mong binili,” aniya matapos i-swipe ang card at ibinalik iyon sa akin. Inabot na rin niya ang nakasupot nang mga tinapay na binili ko. Akma pa niyang bubuhatin ang kahon ng tubig kaya nagmamadali akong lumapit at binuhat iyon. “Mabigat, ine.” awat niya sa akin. “Ako na po. Kayang-kaya ko na po 'to.” Nakangiti ko pang inangat ang box at nag-paalam na sa kanya. Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa box at minadali na ang paglalakad pabalik sa auditorium dahil baka tapos na silang mag-practice. For sure gutom na sila. In all fairness, totoo pala na mabigat 'to! Hirap na hirap akong buhatin ang lahat mabuti na lang at wala akong mailalaglag dahil dagdag trabago pa kung magpupulot pa ako. I was almost at the auditorium nang may natanawan akong pwedeng katulungin sa pagdadala ng mabigat na kahon. “Stephenshi!” Todo ngiti kong pagtawag sa pansin ni Stephen. Nagulat naman siya nang makita ako at patakbo pa akong linapitan. Kinuha na rin niya sa akin yung box kaya naman sandali akong nag-inat. “Thanks!” “Tsk. Saan ka ba galing? Ang bigat nito, o? Mas mabigat pa yata sayo 'to!” aniya at ginawa pang dumbell yung kahon. “Ang OA naman ng mas mabigat pa sa akin,” komento ko habang iniikot ang nangangalay kong balikat. "Kaya mo ba? Ako na kaya?" "Kaya ko. Kahit pumasan ka pa sa akin." Mayabang niyang sagot at kulang na lang i-flex nya sa akin ang kanyang braso na puno ng muscles. "Sira!" Hindi naman siya sumagot at seryoso lang na nakatingin sa akin bago ibaba ang kahon. “Ano 'to?” tanong niya at hinawakan pa ang kamay ko. Tiningnan ko ang tinutukoy niya at mabilis akong nag-iwas ng tingin at binawi pa ang kamay ko. “Tingnan mo, nagkapasa ka kaagad!” “Nako, pasain talaga ako. Wag ka ngang OA!” sagot ko at dinampot ulit yung box at ibinigay iyon sa kanya. “Ang bigat naman kasi nito. Para saan ba 'to?” tanong ulit niya habang naglalakad. “Nagutom kasi ako kaya bumili ako ng pagkain. E, naisip ko na ako ngang walang ginagawa nakaramdam ng gutom, kayo pa kaya? So I bought us some snack,” paliwanag ko at ipinakita pa sa kanya ang plastic bag na puno ng mga tinapay. “Tapos na ba kayong magsayaw?” “Hindi pa. Naka-break lang kami sandali,” sagot naman niya. “Actually, kaya ako lumabas para bumili rin sana ng pagkain, naunahan mo naman na pala ako. Akalain mo 'yon? It seems like we're sharing a single braincell,” aniya at ngumiti pa sa akin. “Uy, wag naman. Isa na nga lang yung well-functioning na braincell ko, hahatian mo pa ako? Cheret!” sagot ko naman na nagpatawa sa kanya. “Ayaw mo 'non? At least, ako yung ka-share mo, diba?” “Yoko nga!” sagot ko at pinagbuksan pa siya ng pintuan. “Uy, charot charot lang na ayaw kitang ka-share sa braincell, ha? Gusto mo sayo na lang yung buo.” “Ikaw talaga! Alam ko naman 'yon.” sagot niya at muli pa akong nginitian. “Guys! Merienda muna tayo, o? Sponsored by Jihyoung 'to.” “Free snack! Yahoo!” masiglang sigaw nung isang lalaki at nagmamadali pang lumapit sa amin. Nakangiti ko naman siyang inabutan ng tinapay at tubig. “Walanghiya ka talaga, Julian! Nag-uusap pa tayo, nakarinig ka lang ng pagkain kinalimutan mo na ako!” singhal ni kuya Chase at kinutusan pa itong lalaki na tinawag niyang Julian. “Sorry, Hyung. Gutom na ako, e.” paliwanag naman nito bago kumagat ng tinapay. "Hindi naman ako mabubusog sa kwento mo, e." Pagdadahilan pa nito. “Ito po, o?” pag-aalok ko ng pagkain kay kuya Chase pero inirapan lang ako nito. ‘Luh, inaano ko kaya siya?’ “Luke, o?” Inabot ko sa best friend ko ang tinapay na hindi kinuha ni Kuya Chase at nakangusong kumuha ng limang tinapay at tubig bago iwanan kay Stephen ang mga pagkain. Kaya naman na niya siguro 'yon. Nakangiti akong lumapit kina Chanyoung at isa-isa silang inabutan ng snack. Mukhang pagod na pagod na sila pero nagagawa pa rin nilang ngumiti. “Thanks, bebe girl. Tomguts na tomguts na talaga ako, e.” Si ate Jihan at halos manginig pa nitong binuksan ang sandwich. “Grabe naman kasi yung kuya mo. Ayaw paawat sa pagsasayaw, dinamay pa kami. Hmp!” “Sorry sorry, Ate Jihan. Medyo abnormal talaga yung kuya ko na 'yon, e. Parang di nakakaramdam ng pagod kapag nagsasayaw.” “Gusto ko ng malamig na tubig, ate Jihyoung,” tila isang paslit namang pahayag ni Minsuel. Hindi kasi malamig yung tubig na binigay ni Ajumma kanina kaya naman ibinigay ko na lang sa kanya ang tumbler ko na may malamig na tubig. “Thank you so much! Refreshing!” aniya at tila nagfi-film pa ng commercial para sa tubig. “Bebe, the best ka talaga,” si Chanyoung at yumakap pa sa akin. “Ako pa ba?” Kumindat pa ako sa kanya. “Kung hindi ko lang mahal 'yang kuya mo, kanina pa ako umuwi. Ang sakit ng katawan ko!” aniya kaya natawa ako. “Gora muna ako sa mga kuya ko. Masamang magutom ang mga 'yon, nagiging mga animal.” Pagpapa-alam ko at linapitan ko na nga sila kuya na natatanging hindi umalis sa stage. “Akala namin, hindi mo na kami bibigyan ng pagkain, e.” Pagbibiro ni eorabeoni matapos tanggapin ang pagkain na ibinibigay ko. “Sus! Makakalimutan kong kumain pero kayo hindi!” sagot ko naman at naupo sa pagitan nila ni brother dear. “Thanks, Hyongie. You are the sweetest sister we could ever ask,” ani kuya Grayson kaya kinikilig kong isinandig ang aking ulo sa balikat niya. I also grabbed my kuya Henry's hand. “And I am the luckiest person to have both of you mga kuya. Ang galing niyong pareho. I'm so proud,” mahina kong bulong bago ipikit ang aking mga mata. HENRY's POV Nagkatinginan kami ni Grayson at sabay na napangiti. Sa mga simpleng salitang binitiwan ni Jihyoung, tila nawala lahat ng pagod na nararamdaman namin. Itinaas ko ang aking kamao na kaagad din namang ginaya ni Grayson. It was our own gesture of congratulating ourselves. Jihyoung is our princess and seeing her happy and proud of whatever we've been doing is something that gives us happiness too. Mahirap din sa amin na hindi siya kasamang lumaki. Parang palagi kaming nasasabik na makasama siya. Oo, naging masaya ang childhood namin pero sa sarili namin, alam namin na may kulang. Alam namin na mas masaya siguro kung nasa tabi lang namin si Jihyoung. It was a dream come true when she decided to live with us. Sobrang dami naming plano ni Grayson. Gusto naming gawin ang lahat ng mga bagay na pwede naming gawin. “Pagod ka na ba? Gusto mo nang umuwi?” tanong ni Grayson kay Jihyoung na kanina pa nakapikit. “Wuy?” “I'm fine. I'm good just by resting with you,” mahina nitong sagot kaya napangiti ako. “Magrest din muna kayo. Alam ko naman na kayo talaga ang napagod dito,” aniya at humagikgik pa. “Sinong nagsabing pagod kami?” tanong ko at nagmamadali pang tumayo at nag-breakdance sa harap niya kahit walang tugtog. Tumayo na rin si Grayson at sumabay na sa akin. We even make weird steps and that is when our dear princess flashed a beatiful smile and laughed so hard. Nagmukha na naman kasi kaming ewan. “Please, stop. Masakit na yung tiyan ko,” awat niya sa amin at pilit pa kaming pinaupo sa tabi niya habang panay pa rin sa pagtawa. Pero imbis na maupo, humiga kami ni Grayson at ginawang unan ang kanyang mga binti. Magiliw naman niyang pinunasan ang mga pawisan naming mukha gamit ang kanyang mga kamay. Nasa ganoong posisyon kami nang may biglang umubo sa tapat namin. “Hi!” bati ni Jihyoung dito. “Mawalang galang na lang. Henry, tawag ka ni Asher,” ani Ashton na tila tamad na tamad na naman sa buhay niya. “Tawag ka daw. Alis na. Sosolohin ko muna si Hyongie,” pagtataboy sa akin ni Grayson at marahan pa akong itinulak. Tinapunan ko siya ng masamang tingin pero binelatan lang ako nito. “Bakit daw?” tanong ko at bumangon na rin naman. “Ewan ko,” anito at nagkibit balikat pa. “Puntahan mo na lang.” Dagdag pa nito at tinalikuran na kami. “Okay!” Nagmamadali akong sumunod at inakbatayan pa siya, “Puntahan na natin si Asher!” “Ikaw na lang, 'wag mo na akong isama,” sagot ni Ashton at inalis pa ang pagkaka-akbay ko sa kanya. “Tara na! Wala ka namang gagawin, e.” Pag-pupumilit ko at muli siyang inakbayan pero inalis niya lang ulit 'yon. “Anong wala? Nagbabasa kaya ako. Istorbo kayo ni Asher. Pagbubuhulin ko na kayo, e.” Nakasimangot pa niya akong tinalikuran at pumwesto sa isang sulok at doon nagbasa. ‘Itong best friend ko, minsan talaga hindi ko maintindihan ang ugali.’ “Yow, Asher my Jagiya! Bakit? Tawag mo daw ako?” tanong ko nang makalapit na ako kay Asher. “Namiss mo na naman ako, no? Yieeeeh~” Sinundot-sundot ko pa ang tagiliran niya pero mukhang wala na naman siya sa mood. “Tumigil ka nga!” singhal niya bago iabot sa akin ang isang flashdrive. “Pakinggan mo 'yan. Gawan mo ng choreography. That would be our main soundtrack para sa play. Approved na ni Stephen 'yan.” “Okay. Ito lang ba? Babalik na ako kila Jihyoung kung wala ka nang ipapagawa.” Paalam ko at tinanaw pa sila Jihyoung at Junhui na mukhang nagkakatuwaan nang wala ako. ‘Ang daya talaga ng dalawang 'to.’ “Soonyoung, kumakanta ba talaga yung kapatid niyo? Is she great?” “Si Jihyoung?” tanong ko at tiningnan ulit si Asher. Nakakapagtaka lang kasi na napaka-random ng tanong niya. “May iba pa ba kayong kapatid?” sarkastiko ulit nitong tanong kaya naiiling akong naupo sa tabi niya. “Bakit ba ang iinit ng mga ulo niyo?” Natatawa kong tanong. “Well, ayoko namang maging biased kasi kung ako ang tatanuning mo, syempre sasabihin ko talagang magaling si Jihyoung sa pagkanta. Kapatid ko 'yon, e.” “Tss. As expected, ganyan ang isasagot mo.” “Bakit mo ba kasi natanong? Alam mo, mas mainam d'yan, pakinggan mo siyang kumanta. Sa atin naman, ikaw itong may expertise sa ganyan diba? VoBo nga ang palayaw mo, diba? Vocal Boss.” “Doon ka na nga! Wala ka namang naitulong, e.” singhal nito at itinulak pa ako. “Pakinggan mo yung kanta nang maayos!” ‘Loko na 'to. Kinilig lang sa nickname niya, e.’ “Oo na!” sagot ko at nakasimangot siyang tinalikuran. Nawala lang ang pagkakasimangot ko nang mahagip ng mata ko si Chanyoung na abala sa pagsayaw habang nakapikit pa. Sandali ko siyang pinanuod at inisip kung anong kanta ang sinasayaw niya. Pamilyar kasi ako sa mga steps na ginagawa niya. ‘Ah! Lucifer by SHINee!’ Bigla akong na-excite. Kahit kasi wala akong naririnig na tugtog, sigurado ako sa steps na nakikita ko. Dance steps 'yon ng kantang Lucifer ng SHINee. I can never be wrong with SHINee dahil sila lang naman ang pinaka-paborito kong boy group. Mas lumapit ako sa kanya at saka siya sinabayan sa paggalaw. Hindi naman niya ako napansin dahil nakapikit pa rin siya. Sinenyasan ko ang maliit naming audience na wag maingay para naman matapos namin ang kantang sinasayaw namin. Nakita ko si Jihyoung na may hawak na cellphone at mukhang kinukuhanan kami ng video kaya kumindat ako sa kanya. ‘Ang supportive talaga ng prinsesa ko.’ “Waaaah! HenChan Couple for the win!!” Malakas na sigaw ni Jihyoung matapos naming sumayaw. Sa sobrang lakas ng boses niya, napadilat si Chanyoung at nagulat pa nang makitang katabi niya ako. “H-Henry?” “Nice moves, Chanyoung. Ang galing mo pala na sumayaw. Tama nga si Stephen-Hyung, isa kang ace. Palakpakan!” Papuri ko sa kanya at sinabayan pa iyon ng pagpalakpak. Hindi naman siya nakasagot at namula lang sa harap ako. ‘Ang cute!’ “Ayieee~ kinikilig si Kuya! Bagay na bagay kayo! Ayieee!” sigaw ulit ni Jihyoung kaya nagmamadali akong lumapit sa kanya. Para kasing naiilang si Chanyoung nang dahil sa sinabi nitong kapatid ko. “Feeling ko talaga—” “Napakaloko mo, Jihyoung!” gigil kong bulong habang nakatakip sa bibig niya ang kamay ko. “Joker kasi 'tong kapatid namin, e!” “Kinikilig ka naman talaga, e.” Kantsaw din sa akin ni Grayson kaya naman binitiwan ko si Jihyoung at siya naman ang linapitan para tinakpan ang bibig. “Tingnan mo, o? Kinikilig ka talaga, e. Pulang-pula ka na oerabeoni!” Pang-aasar ulit ni Jihyoung. “Ang galing mo pang sumayaw, Chanyoung. For sure talaga, kilig na kilig na 'yan!” This time, hindi ko na alam kung kaninong bibig ang tatakpan ko. Paano naman kasing hindi ako mamumula? Eh nakakahiya yung sinasabi nila. Baka mailang sa akin ni Chanyoung. Gusto ko pa naman siyang maging kaibigan. Ayoko namang mabago ang tingin niya sa akin nang dahil sa eskandalosong bibig ng mga kapatid ko. ‘Lagot kayo sa'kin mamaya!’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD