MINSUEL'S POV
“As you all know, malapit nang magsimula ang rehearsal period para sa ating spring musical. We are expecting your 101% of cooperation and dedication para sa ikatatagumpay ng play natin for this season. Maliwanag ba?”
Mahabang paalala sa amin ng aming club vice president, Mr. Jeon Ashton. Nako, kung hindi lang masungit at nakakatakot magalit ang lalaking 'to, hindi ako magti-tiyaga na makinig sa kanya.
‘Nasaan ba kasi si Mr. President?’
“Ms. Chwe! Pay attention! Baka naman kapag actual na performance na lilipad din kung saan ang utak mo?” seryoso nitong puna sa akin pero nag-peace sign lang ako sa kanya. Tamo, ako na naman ang nakita. “Tsk, stubborn.” anito at umiling pa. Mukha siyang disappointed sa akin. Yung tipong kung pwede lang na magpalit ng casting baka kanina pa niya ako inalis sa play.
“Vice, relax ka lang. Keep in mind that Ms. Chwe is our best actress here. No one can pull off the role more than her,” ani Ate Chanyoung at umakbay pa sa akin.
“Oo nga naman. Medyo lutang lang 'yan pero when it comes to our preformances, nganga ka na naman,” segunda naman ni Ate Jihan.
Kaya loves na loves ko ang mga unnie ko, e. Todo support sila sa akin.
“Ang daldal niyong pare-pareho,” sagot ni Ashton at tiningnan pa ulit ako bago muling umuling.
“Nakahanap ka na naman ng mga abogado mo. Tss!”
"Oo at ikaw ang husgado," mahina kong bulong.
"May sinasabi ka Ms. Chwe?"
“Mian mian,” yumuko pa ako sa kanya at umayos na nang pagkaka-upo. Sinenyasan ko pa sila ate Jihan na wag nang magsalita dahil baka mapikon na naman itong masungit at toyoing pusa na 'to.
“Anyways, this is the main reason kung bakit namin kayo pinatawag ngayon…” Muling pagsasalita ni Ashton. He was using his usual deep voice na talaga namang nakakapagdala ng chills sa pakiramdam ko. "I have some good and bad news. The bad news is, there will be some changes."
"Sa casting?!" sigaw ko at tumayo pa ako. Oh goodness, for pete's sake! Baka mapalitan ako! Alam kong kating-kati na yang si Ashton na mapalitan ako, e.
"Ms. Chwe, hindi mo kailangang sumigaw. Please be sitted. Alam ko na namang alam mo na hindi pwedeng magkaroon ng re-casting. What I don't know is kung bakit napaka-OA ng reaksyon mo." Taas-kilay na sagot ni Ashton.
"Sorry naman po. Kinabahan lang," sagot ko at muling naupo.
"Patapusin mo kasi muna ako."
"Nag-sorry naman na, e. Ang big deal, a?"
Naiiling akong inakbayan ni Ate Jihan. Baka kung pwede niya akong itali, ginawa na niya.
"Relax ka nga lang, Minsuel," bulong ni Ate Chanyoung.
"So as I was saying, may mga pagbabagong mangyayari. I'm afraid that we can't use the first line up songs for this play," aniya kaya napaisip ako. Natahimik din ang karamihan sa amin. "Our School Chairman demands us to produce original songs for this play."
"Paano naman natin gagawin 'yon?" tanong ni Ate Chanyoung habang magkasalubong ang kanyang mga kilay. Humahaba na rin ang nguso niya at mababakasan ng pagkairita.
"May enough na oras ba tayo para 'don? Malapit na tayong mag-umpisa sa rehearsal period, if ngayon pa lang tayo gagawa ng mga kanta, mahihirapan tayo."
"Oo nga naman, Vice. Syempre, we need to have enough time to evaluate the songs. Magagahol tayo. Plus, we don't have enough people to do the job," reklamo ng isang member ng club.
"Dapat hindi kayo pumayag!" Bubod ko ang humalukipkip pa. "Ano ba kasing kaartehan itong pinapairal ni Chairman?" reklamo ko pa. “Nasaan ba si President?”
"First of all, Ms. Chwe, I am not in the position to say no. At hindi basta-bastang kaartehan ang pinapairal ni Chairman. He simply wants to showcase our full potentials." Masungit niyang paliwanag. "And regarding sa mga concerns niyo, ito na yung good news, nakahanap na si President ng mga taong pwedeng makatulong sa atin."
As if it was a que, biglang nagpasukan sa auditorium ang labing dalawang lalaki.
Pinangungunahan sila ni President Choi Stephen. Mostly sa mga kasama nito ay nakangiti sa amin at ang may pinakamalaking ngiti ay ang magaling kong kapatid. Kitang-kita ko na naman ang ngalangala ng bugok.
"Oh sheeet! Si Jagiya ko," impit na tili ni Ate Chanyoung at halos bugbugin na ang braso ko kakahampas sa akin. Bwiit talagang kiligin 'to. Nakakasakit!
"Uy, si Chanyoung, o? Hi!" Hyper na pagbati ni Henry kaya naman halos maubusan na nang hininga itong katabi ko. Dapat yata talaga naghanap na ako ng magandang funeral service, e.
"Si Jihyoung?" tanong ni Grayson. Gwapo din ang isang 'to. Aakalain mong isa syang sculpture na nagkaroon ng buhay.
"Hala! Anong ginagawa mo dito, Luke?" Malakas na tanong ni Ate Jihan dahil mukhang ngayon lang niya napansin na nandito si Luke.
"Sinong kasama ni Jihyoung?"
"Naiwan sa room," matipid lang na sagot ni Luke at linagpasan na kami.
'Bastos talaga, e. Parang yung kakilala ko. Itago natin sa pangalang Jeon Ashton.'
"Teka nga, ite-text ko muna nga si bebe Jihyoung. Baka nabo-bored na 'yon sa room," ani ate Jihan at kinuha na ang kanyang phone saktong may naka-bunggo sa kanyang balikat. "Moon!" Malakas na sigaw niya. Nag-echo pa iyon sa buong auditorium kaya naman nabaling ang atensyon ng lahat sa kanya.
"I'm sorry!"
"Hay nako. Maaayos ba ng sorry kapag nasira si Moon?" mahinang bulong ni Ate Jihan, si Moon nga pala is yung cellphone niya. May names kasi ang mga cellphone namin dahil mga alien kami at iyon ang trip namin.
"Are you saying something?" Mahinahon at malambing na tanong ng lalaking nakabangga kay ate.
Well, hindi namin personal na kakilala si Hong Owen, pero kagrupo siya nila Thomas sa Dance Troupe ng school.
"Hmp! Okay lang," sagot ni Ate Jihan at tinalikuran na si Owen.
Okay lang daw, pero namumula na siya sa inis. g**o ni ate. Aigooo!
“Owen? Bakit? Inaapi ka ba ni Jihan?” Napasimangot ako nang marinig ko ang nakakairitang boses ni Kuya Chase.
“No. Actually, ako ang may kasalanan sa kanya. She dropped her phone because of me,” sagot ni Owen.
“Huwag mong iniintindi 'yang si Jihan. Clumsy talaga 'yang babaeng 'yan.”
“Oo ha?! Hindi kita naririnig kuya!” sigaw ni ate Jihan at binato pa ng folder ang kuya niya.
“Yuck! Wag ka ngang maingay! Maririnig nilang kapatid kita. Nakakahiya!” Nang-aasar naman na sagot ni Kuya Chase kaya tumalikod na ako sa kanya. Kapag ako na naman ang nakita nito, sasabihan na naman akong pangit, eh ang ganda ganda ko kaya.
“Okay, everyone. This is Lee Asher, president of music club,” pagpapakilala ni President Stephen kay Asher kahit alam naman niyang kilala na ito ng lahat. Lee Asher ba naman? I can't name a single person na hindi nakakakilala sa isang music genuis na tulad niya. “Siya ang tutulong sa atin na makapag-produce ng mga kanta para sa play.”
Nagpalakpakan kaming lahat.
“Kilala niyo naman na siguro ang iba pang member ng Dance Troupe, so I will skip with the introduction. Diretso na tayo sa planning. We all have a very short time. Henry?”
“Yes, leader-nim!”
“We will be needing your expertise, dancing.” Nakangiti pa si Sthephen na tila isang proud na tatay sa kanyang anak.
“Areglado!” Nag-thumbs up pa si Soonyoung.
"You can ask Ms. Boo for assistance since she is infact the ace of our club when it comes to dancing." Dagdag pa ni President dahilan para kiligin si ate Chanyoung at mabugbog na naman ang braso ko. Hindi ko alam kung saan sya mas kinililig, sa papuri ni President o sa ideya na makakasama nya si Henry.
JIHYOUNG'S POV
Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga. Katatapos lang ng huling klase ko pero hanggang ngayon, hindi pa rin nakakabalik sina Minsuel kay inimis ko ang mga gamit ko. Sinubukan ko ring tawagan sina eorabeoni at brother dear subalit pareho lang nagri-ring at hindi naman nila nasasagot hanggang sa namatay na ang cellphone ko.
Wrong timing naman ang pagka-deadbat nito! Paano ko mako-contact sila kuya? Dapat pala hindi na ako nag-mobile games kanina, e.
‘Nasaan na kaya sila?’
Tanong ko sa aking sarili at tumayo na. Papalabas na ako ng room nang may biglang sumulpot na tatlong lalaki sa harapan ko. Kaagad ko silang namukhaam kaya kumaway ako sa kanila.
“Uy! David!” Nakangiti kong tawag sa pangalan ng kapatid ni Chanyoung. Kasama niya rin si Thomas at isa pang binatilyo. “Wala dito sina Chanyoung at Minsuel, e. Pinatawag sila sa auditorium kanina.”
“Alam namin,” maarteng sagot ni David. Yung boses niya parang naiirita siyang makita ako kaya ngumiti na lang ako sa kanya.
“Ganoon ba? Sige, akala ko kasi hinahanap mo siya. Mauna na ako sa inyo. Hahanapin ko pa kasi sila kuya. Bye!” Linagpasan ko na silang tatlo subalit di pa ako nakakalayo, may naramdaman akong humawak sa braso ko.
“Noona,” anito at ngumiti pa sa akin kaya expose na expose ang gums niya. Para talaga siyang si Minsuel.
“Wae?” tanong ko.
“Pinapasundo ka sa amin nila Henry-Hyung,” sagot naman nung isa pa nilang kasama.
“Jinjaro?” tanong ko at tiningnan pa siya sa mata. Pilit kong inalala kung saan ko siya nakita. “Ah! Kaibigan ka rin nila kuya, diba? I'm Jihyoung. Ikaw? Anong pangalan mo?”
Nakangiti ko pang inalok ang aking kamay sa kanya.
“Cole po,” ani Chan at tinanggap naman ang kamay na inaalok ko.
“Tama na nga ang introduction, tara na. Naghihintay na sila sa atin.” Pagsusungit na naman ni David at nauna nang maglakad. Ewan ko ba? Bakit kaya parang ang init ng dugo nito sa akin?
Hindi na ako kumibo habang naglalakad kami. Parang may sarili naman kasi silang mga mundo kaya nag-solo na lang din ako.
Nagulat na lang ako dahil sa auditorium kami dumiretso. Sa pagkakatanda ko kasi, sila kuya ang nagpasundo sa akin pero nawala rin kaagad ang pagtataka ko nang biglang umalingawngaw sa buong auditorium ang bunganga ng kuya Grayson ko.
“Hyongieeee!” sigaw niya at parang bata pang tumakbo papunta sa akin.
Napatingin tuloy ang lahat sa akin kaya nginitian ko lang sila. Kumaway pa ako kila ate Jihan na nakangiti din namang nag-waved back sa akin. Si Luke naman ay tumango lang sa akin habang si Eorabeoni naman at seryoso lang na tumingin sa akin at pasimple pang kumindat.
‘Sus, ang landi ng kuya ko.’
“Ang dami mong missed calls pero hindi na kita ma-contact. Nasaan ba yung phone mo? Baka naman wala kang signal?” tanong pa niya. Hindi ako sigurado kung naglalambing ba siya o sinesermunan na niya ako sa lagay na 'yan.
“Naubos yung charge ng phone ko, e. Mian mian.” Paliwanag ko naman at ipinakita pa sa kanya ang cellphone ko. “May dala ka bang power bank?”
“Meron kaso ubos na yung charge, e. Nagamit ko na rin yung kay Henry at Luke. Wait ihihiram kita sa iba,” aniya at tumatakbo pang lumapit sa mga kaibigan niya. Sumunod na rin sa kanya yung tatlong sumundo sa akin kaya sandali ko silang hinabol.
“David, Thomas, Cole… Kamsahamnida.” Yumuko pa ako at nakangiti silang pinasalamatan.
“No worries,” ani Thomas at saka tuluyang naglakad.
Inilibot ko ang aking paningin sa auditorium, ang dilim naman dito saka ang lamig. Pumwesto ako ng upo sa spot na tanaw ko ang kabuuan ng stage kung saan abala silang lahat. Wala naman akong pagkakaabalahan dito kaya nilibang ko na lang ang aking sarili sa panunuod sa kanila.
“Jihyoung,”
“Wae?” Nakangiti kong tanong.
“Kailangan mo daw ng power bank?” tanong niya at inabot pa sa akin ang isang power bank.
“Kamsahamnida,” sagot ko at nakangiti pang tinanggap ang inaalok niyang power bank. "Hindi ko alam na member din pala ng Theatre Club sila kuya." dagdag ko pa habang sinasaksak ang cellphone ko.
"Actually, hindi naman talaga sila member dito. We just asked them to help us," sagot naman ni Stephen at pumwesto pa nang upo sa tabi ko. "I heard that you're looking for a club. Bakit hindi mo subukang sumali sa amin?"
"I'm considering din naman. It will be great kasi nandito sina Ate Jihan tapos nandito ka din pala. At least may kakilala na ako, diba?" sagot ko. "Kaya lang hindi ako sigurado kung may maitutulong ba ako sa Club niyo. Average type lang kasi ako, I'm not that gifted and special unlike my brothers." Nakangiti ko pang pinagmasdan ang mga kapatid ko na sumasayaw sa ibabaw ng stage.
"I can't dance, parehong kaliwa ang mga paa ko. I can't act and sing, baka maging pabigat lang ako sa club niyo." Pagbibiro ko pero hindi manlang siya natawa. Nakatingin lang siya sa stage. "Wuy? Ang seryoso mo naman?"
"I think you can do it, you just don't want to give it a shot," aniya at tumingin sa akin. "I heard you sing, magaling ka at maganda ang boses mo." Dagdag pa niya at matamis na ngimiti sa akin. Hindi ko alam kung ano yung kakaibang feels na naramdaman ko sa mga sinabi niya. Oo, kumakanta ako pero hindi ako kagalingan. Pero noong siya ang nagsabi, parang nakaka-proud? He makes it sound, believable. "Kung hindi ka confident sa pag-arte at pag-sayaw, bakit hindi mo subukan ang Music Club. Asher is a great friend of mine. Pwede kitang i-recommend sa kanya."
"Huwag na. I'm sure makakahanap din ako ng Club para sa akin," sagot ko at muling pinanuod sila kuya.
"Are you sure?" Tumango ako bilang sagot. "Basta kapag nagbago ang isip mo, sabihan mo kaagad ako para matulungan kita."
"Dae, Kamsahannida." Ngumiti ulit ako sa kanya subalit hindi na niya iyon nakita dahil nakatingin din pala siya kila kuya. His eyes are full of adoration. He looks so happy just by watching his friends having fun.
"Alam mo, maswerte sila kuya kasi may kaibigan silang katulad mo. Sana maging kaibigan din kita."
"Bakit? Hindi pa ba tayo magkaibigan?" Tanong niya at nag-pout pa kaya napangiti ako. Hindi ko na rin naawat ang sarili ko, hinawakan ko ang kanyang mga pisngi at pinisil iyon.
"Ang cute mo, para kang baby!" gigil kong bulong.
"Pwede mo naman akong gawing baby, e." aniya kaya natigilan ako sandali. "Joke lang," aniya at saka tumawa. "Ang epic ng reaksyon mo!"
Nakanguso ko siyang binitiwan.
"Alam ko naman kasing mas matanda ka sa akin," sagot ko pa. "Should I call you Kuya Stephen? Ajusshi?"
"Andwae! Ayoko." Seryoso niyang sagot bago tumayo at iniwanan ako.
‘Hala siya? Pikon?’
"Hoy! Ano nga itatawag ko sayo?" Natatawa kong tanong. "Oppa! Ajusshi!" Tuloy lang sila sa paglalakad kaya muli ko siyang tinawag, "Chakamanyo, Stephenshi" Huminto siya sa paglalakad at lumingon sa akin. "Ohh! Stephenshi" Tumayo pa ako at tinuro siya.
Mukhang alam ko na ang dapat na itawag sa kanya.
Nawala ang pagiging seryoso ng kanyang expression at bigla na lang ngumit sa akin. Naiiling pa siyang nagpatuloy sa paglalakad habang naiwanan akong abot-tainga ang ngiti.
'I think I found myself a new friend.'