CHAPTER 7

2816 Words
JIHYOUNG'S POV Kahit anong gawin kong pagkalma sa sarili ko, hindi pa din mawala sa isip ko ang naging pag-uusap namin ng aking lola. She must be really surprised. Dapat talaga, mas nag-ingat pa ako. She's not in good condition para dumagdag pa ako sa intindihin nya. “Jihyoung, are you okay? Kanina ka pa wala sa sarili mo,” tanong ni Teacher Yoon nang makarating kami sa teacher's faculty office. “May problema ba?” “Aniyo,” bulong ko at yumuko pa. After kasi ng class namin sa subject ni Teacher Yoon, pinasunod niya kaagad ako sa kanya dito sa faculty. Hindi ko alam kung bakit o kung sadyang masyado lang obvious na may gumugulo sa isip ko. “Jihyoung, you can tell me if there is anything that's bothering you, okay?” Marahan pa niyang pinisil ang kamay ko kaya nag-angat ako ng tingin. She was looking at me with so much concern and affection in her eyes. Looking at her makes me feel na hindi lang sya basta isang teacher, she's also a friend who I know that I can trust and rely on. Matipid akong ngumiti sa kanya. “Ayos lang po ako. Medyo naninibago lang po siguro,” pagdadahilan ko pa. “Ganoon ba? Well, sa tingin ko naman mas madali ka nang makakapag-adjust since makakasama mo nang madalas si Mr. Xu. He's your friend from China, right?” “Yes po.” Tumango pa ako. “Ah… Teacher Yoon, okay lang po ba na huwag nang makarating sa mga kuya ko na nagkausap tayo? Ayoko kasing mag-alala sila.” “Wala ba silang dapat ipag-alala?” Nakangiti niyang tanong at hinagod pa ang buhok ko. “Anyways, if may problema ka, don't hesitate to tell me, okay?” “Dae, Teacher Yoon.” Yumuko pa ako sa kanya bago magpaalam na aalis na para pumunta sa sunod kong klase. Pagkalabas na pagkalabas ko sa faculty, naabutan ko si Luke na naghihintay sa akin. Prente siyang nakasandal sa pader habang may nakasalpak na earphone sa magkabila niyang tainga. Katulad ng dati, tila isa na naman siyang modelo. Iba din kasi ang taglay nyang presence, ang tangkad pa kaya kadalasan nagmumukha akong duwende sa liit sa oras na magtabi kami. Huminga ako nang malalim bago nakangiting lumapit sa kanya. "Wuy! Kanina ka pa ba naghihintay?" tanong ko at ngumiti pa sa kanya. “Bakit ka pinatawag ni Teacher Yoon?” seryoso niyang tanong matapos alisin ang suot niyang earphone, pero ngiti lang ulit ang sinagot ko sa kanya. “May problema, no?” “Wala! Ni-remind lang ako ni Teacher Yoon regarding sa club na sasalihan ko. Malapit na daw matapos yung submission period ng application para sa mga clubs.” Pagsisinungaling ko. Mukhang napaniwala ko naman si Luke dahil tumatango pa itong umayos ng tayo. “We'll be late for our next class. Let's go,” aniya at nakapamulsa pang naglakad kaya sumunod na ako sa kanya. “Anong club ang sasalihan mo?” tanong niya nang hindi tumitingin sa akin. “Hmmm, hindi ko pa alam, e.” Nagkibit balikat pa ako sa kanya. Honestly, wala pa talaga akong napipili. Hindi naman sa wala akong magustuhan. Actually, I have a list of clubs na interesting para sa akin. Pero parang hindi naman kasi ako masyadong gifted katulad ng mga kuya ko na kahit saan mo ilagay, pwedeng-pwede. “How about music club?” he suggested but I laugh as a response. Tinapunan niya naman ako ng masamang tingin kaya tumigil ako sa pagtawa. “What? Seryoso ba yung music club? Ano namang gagawin ko 'don? Baka magkalat lang ako 'don.” natatawa kong tanong. Yung boses ko naman kasi hindi pang audience. Iyon yung boses na dapat ginagamit lang during shower. May onti akong alam sa pagtugtog ng piano pero di naman yata sapat 'yon para mangahas ako sumali sa music club. “Tss! You seriously don't know yourself, Hyongie.” aniya at nauna nang maglakad. Ang haba pa naman ng biyas ng palakang 'to. Ang ending, kinailangan ko pang mag-jogging para maabutan siya. “Ya! Wait up!” sigaw ko at lumingkis pa sa braso niya. Maarte nya ako sininghalan pero hindi rin naman nya inalis yung pagkakayakap ko sa braso nya. “Ikaw ba? Anong club sinalihan mo?” “Performance Club. Kasama ko sila Grayson,” aniya at hindi ko mapigilang matuwa nang may sumilay na ngiti sa labi niya. ‘My best friend looks happy.’ “I'm glad na nagkaka-sundo kayo nila kuya,” mahina kong bulong pero sapat para marinig niya. “Sana makasundo mo rin sila Chanyoung. They're all nice. Dagdagan mo naman yung list of friends mo. Hindi yung sa number one, Kwon Jihyoung; number two, Kwon Jihyoung ulit; number three, Kwon Jihyoung na naman.” “I already have you. Hindi ko kailangan ng sandamakmak na kaibigan.” Pagsusungit niya kaya pinaikutan ko siya ng mata kahit di naman na nya yon nakikita. “Ah basta! You should start making new friends. Para sayo din naman 'yon. Para at least diba, if I'm not around, you still have someone to be with. Hindi ka magiging loner.” “Bakit ba ganyan ka magsalita? Don't tell me na aalis ka na naman?” Taas-kilay niyang tanong kaya tumawa ulit ako. “Sira!” sigaw ko at kinurot pa siya sa tagiliran niya. “I'm not leaving, okay? Nagsa-suggest lang naman ako. We are far from the mainland. Having some friends will help you para makapag-adjust.” “Tss.” Nagsusungit na naman 'tong palakang 'to. “Ate Jihyoung! Ppaliyo~ may ipapakita kami sayo!” Malakas na sigaw ni Minsuel nang makita niya ang pagpasok ko sa room. “Wae?” tanong ko nang tuluyan akong nakalapit sa kanila. Kumandong pa ako kay Chanyoung na yumakap din naman kaagad sa beywang ko. Sandali ko munang sinulyapan si Luke na pumwesto na ng upo sa last row bago balingan sina Minsuel. Iniharap naman sa akin ni Ate Jihan ang cellphone niya kaya napakunot ako ng noo. “Wait… sila kuya ba 'yan?” Tanong ko at inilapit pa ang aking mukha sa cellphone. “Dae. Kaka-post lang ng video na yan sa official page ng dance troupe nila. And look, ang dami na ng likes and shares,” sagot ni Ate Jihan. “Daebak! Ang galing naman nila,” bulalas ko. “Pero hindi iyon yung gusto namin ipakita sayo,” ani Chanyoung bago i-paused yung video at nag-zoom in. “Hindi ba si Luke 'yan? Bakit kasama siya ng mga kuya mo?” bulong pa niya. “Well, sabi ni Luke sumali daw siya sa performance club. Maybe that's why he's with him.” Pabulong ko din na sagot. “Jinja? Nakasali siya? Agad agad?” bulong ulit ni Chanyoung. “Siguro,” mahinang sagot ko. “Teka? Bakit ba tayo bumubulong?” tanong ko. “Sssh! Wag kang maingay, ate Jihyoung. Nakakatakot kasi 'yang kaibigan mo. Mukhang masungit,” ani Minsuel at hinapyawan pa ng tingin si Luke. “Oo nga. Baka magalit kapag nalaman niyang pinag-uusapan natin siya.” Bulong din ni Ate Jihan kaya natawa ako. Ang cute kasi nila. “Pero in all fairness, deserved naman niyang makasama sa dance troupe ng school. Ang galing kaya niyang sumayaw. And hindi pumapalya yung steps niya.” Si Chanyoung na tumatango pa. “Baksu!” “Ikaw te? Anong club mo? Nakapili ka na ba?” “Hindi pa nga, e. I'm giving myself a day to decide. Siguro by tomorrow makakapili na ako.” Ngumiti ako bago tumayo sa kandungan si Chanyoung. “Ano bang talents mo?” tanong ni Ate Jihan habang ang mata ay nakatutok sa cellphone niya. “Marami akong hidden talents,” sagot ko. “Hidden talents na hanggang ngayon di ko pa nakikita. Ang galing mag-hide, e.” Pagbibiro ko pa bago pumpwesto ng upo sa tabi ni Minsuel. “Anong club ba kayo kasali?” “Nasa Theatre club kaming tatlo. Pwede ka namang sumali sa club namin. Kaya lang tapos na yung audition period kaya more or less, sa production staff ka na makakasama,” sagot ni Minsuel. “Sige, i-consider ko 'yan sa pagpipilian ko," sagot ko bago tingnan ang suot kong wrist watch. "Bakit nga pala hindi pa nag-uumpisa ang class?” tanong ko. “Kaya nga, e. Ngayon lang na-late si Teacher Park,” ani Ate Jihan matapos tumingin sa suot din niyang relo. “Within ten minutes at wala pa siya, mag-ikot na lang tayo sa campus,” suhestiyon pa niya. “Ay! Gusto ko 'yan! Sige sige, gumala tayo!” Pumapalakpak pa na sagot ni Chanyoung. Nakangiti namang tumango si Minsuel bilang pagsang-ayon. Sabay sabay silang tumingin sa akin na tila ba hinihintay nila ang sagot ko kaya nag-thumbs up ako sa kanilang tatlo. Hindi ko pa kasi masyadong nalilibot itong school kaya excited din ako na makapag-ikot sa buong campus. Nasa gitna kami ng pag-uusap over nonsense things nang may lumapit sa amin. “Ms. Boo, Ms. Chwe at Ms. Yoon, pinapatawag kayo sa auditorium,” anito kaya napatingin sa akin sina Chanyoung. “Bebe… Otteoke? Kailangan yata kami sa club,” si Ate Jihan na halos humaba na ang nguso. “Oh? Ano naman? Go lang kayo,” sagot ko at ngumiti pa sa kanila. “Wala kang makakasama,” malungkot na bulong ni Minseul. “Okay lang ba na next time na lang tayo mag-ikot?” “Oo naman, or I can just ask Luke para samahan ako.” sagot ko. “Go ahead, okay lang ako.” “Sure ha? Una na kami, ha? Bebe?” pangungulit ni Chanyoung kaya tumayo na ako at sinamahan na sila hanggang sa may pintuhan ng classroom. “Sige na. Lakad na.” Pagtataboy ko pa sa kanila. Tinanaw ko pa sila habang papalayo sila sa room bago muling pumasok sa loob. Kaagad kong linapitan si Luke para ayain siyang mag-ikot sa campus pero hindi pa man din ako totally na nakakalapit sa kanya, kaagad siyang tumayo. “Psst. Saan punta mo?” “Nagtext si Grayson. May pag-uusapan daw kami. Bakit?” sagot niya. “Gusto mong sumama sa akin?” “Hindi na. Dito na lang muna ako sa room. Wala naman akong gagawin 'don.” Nakangiti kong sagot sa kanya at pumwesto na ulit ng upo. “Mag-usap na lang tayo mamaya, okay?” aniya at ginulo pa ang buhok ko bago nagmamadaling lumabas ng classroom. ‘Uhmm… What should I do now?’ Nakapangalumbaba akong tumingin sa kawalan at paulit-ulit na nagpakawala ng buntong-hininga. ‘Ah, molla!’ Tumayo na ako. Kaysa ma-bored ako dito sa room, maglilibot na lang ako mag-isa. Hindi naman siguro ako maliligaw, e. Wala masyadong tao sa labas ng mga classroom, mukhang kami lang ang walang teacher kaya naman tahimik lang akong naglakad lakad hanggang sa makarating ako sa tapat ng isang room. Naka-awang ang pintuan nito kaya nagawa kong makasilip sa loob. No one was inside. Mukhang may nakalimot lang na isara ang pintuan. Magmamagandang loob na sana akong isara iyon pero naagaw ng isang bagay ang atensyon ko. Dahan-dahan akong pumasok sa loob at naupo sa harap ng isang piano. I started to play some keys and smiled as I heard the sound it produces. Ipinagpatuloy ko na ang pagtipa at sinabayan na rin ng pagkanta ang pagtugtog 'ko. I chose the a song called Downpour by I.O.I, parang ang sarap lang kasi tugtugin at kantahin ng kantang iyon lalo na sa ambiance ng kwartong kinapupwestuhan ko. Yung pag-echo ng boses ko, lakas maka-special effects, para tuloy akong nasa sarili kong recital. Kung gaano ka-smooth at lungkot ang himig ng Downpour, ganoon din naman yung meaning sa likod nito. It's about saying goodbye to someone special amd hoping to cross path with them again. Ako kaya? Paano ako magpapa-alam sa lahat? Kila lola, sa mga magulang ko, kina kuya at maging sa mga kaibigan ko? Would I be able to say goodbye? Or can I assure them, or even myself, that we would meet again? Bakit ba kasi kailangan ng Goodbyes? Bakit kailangan mawala kung hindi naman nila gusto? Why do people have to make choices that they did not want in the first place? Paano ka magpapaalam kung alam mong may mga masasaktan? Paano ka lilisan? Paano yung mga taong ayaw mo namang iwanan? Sana hindi na lang naimbento ang salitang Goodbye, dahil sa totoo lang... ang hirap. Ang hirap humanap ng timing para makapagsabi ng Goodbye lalo na kung alam mong walang nang See you next time. “Ay palaka!” sigaw ko at muntik pa akong malaglag sa kinauupuan ko nang may biglang pumalakpak mula sa likuran ko. Dali-dali akong nagpunas ng pisngi dahil hindi ko napansin na basa na pala iyon ng sarili kong luha. “Ang ganda pala ng boses mo,” aniya at nakangiti pang lumapit sa akin. “Bakit mag-isa ka?” tanong pa niya bago maupo sa tabi ko. Nag-umpisa din siyang tumipa sa piano pero medyo off tune yung nagagawa niya kaya hinawakan ko ang kanyang kamay at ini-angat iyon mula sa piano. “Masakit sa tainga,” nakangiti kong pagbibiro. “Kanina ka pa dito?” tanong ko pero hindi siya sumasagot at nakatingin lang sa kamay kong nakahawak pa rin pala sa kamay niya. “Mian,” bulong ko at binitiwan na siya. He cleared his throat. “Anong ginagawa mo dito? Wala ka bang klase?” “Wala yata, e.” Nakangiti kong sagot. “Ikaw? Anong ginagawa mo dito?” “May hinihintay lang,” matipid niyang sagot. “Sinong nagturo sayo na magpiano?” tanong niya. “Si Kuya Grayson. Kapag kasi bumibisita siya sa akin noong nasa China pa ako, palagi niya akong tinutugtugan ng piano tapos nung huli, tinuruan na niya ako.” Nakangiti kong sagot dahil bumabalik sa akin kung paanong nagtiyaga si kuya Grayson para matutunan ko ang pagpa-piano. Muli akong tumipa at nakangiting kinuha ang kanyang kamay para gabayan siya sa pagtugtog. “Ang lambot ng kamay mo,” mahina kong komento na naging dahilan para pamulahan siya ng pisngi. “Ah~ keopta!” sigaw ko. I even cupped his face using both of my hands and squished it gently. 'Shocks! Nakakagigil!' “Woah! Ang kapal ng eyelashes mo. Nakakainggit naman!” Nakangiti kong binitiwan ang kanyang mukha na namumula pa rin. “Wuy? Okay ka lang?” “O-oo.” “Eh bakit namumula ka?” pabiro kong tanong. “H-hindi. Medyo mainit lang dito,” aniya at binuksan pa ang unang tatlong butones ng suot niyang white polo. I was expecting to see some skin pero nakasuot siya ng white sando kaya, better luck next time na lang sa akin. Inabutan ko siya ng panyo dahil mukhang pinagpapawisan na rin siya, baka nga naiinitan siya kahit hindi naman gaanong mainit dito. Hindi niya pinansin yung inaalok kong panyo kaya ako na mismo ang nagpunas sa noo niya. Bigla siyang nataranta sa ginawa ko at inagaw ang panyo sa akin. Nakangiti ko siyang pinagmasdan bago muling hinarap ang piano. “Matagal na ba kayong magkakilala nila kuya?” tanong ko. “Matagal na rin. Simula middle school siguro,” aniya. “Saka ko na isosoli 'to. Palalabhan ko muna.” “Sus! Kahit hindi na. Hindi naman ako maarte,” sagot ko at ngumiti ulit sa kanya. “Stephen-Hyung,” sabay kaming napatingin sa may pintuan. May maliit na lalaking nakatayo doon. Kung titingnan, para siyang freshmen sa liit niya. Lumapit siya sa amin habang nakatingin sa akin nang masama. Parang handa niya akong sakmalin any moment e. 'Hala, inaano ko kaya sya?' “H-hi!” medyo awkward kong bati sa kanya pero hindi manlang niya ako pinansin. ‘Suplado pala si liit.’ “Uhmm, mauna na ako.” Tumayo na ako dahil ayoko nang dagdagan pa yung awkwardness na nararamdaman ko. Nakakatakot naman kasi itong lalaking to. Para syang girlfriend na nahuling may kaharutang iba ang kanyang boyfriend. “Annyeong!” Yumuko pa ako bago sila iwanan pero bago pa ako tuluyang makalayo, narinig kong nagsalita si liit. “Kilala mo ba 'yon? Sino na 'yon? Ang feeling closed naman sayo.” Natigilan ako sa huli niyang sinabi. “Asher, si Jihyoung 'yon. Ano ka ba? Siya yung kapatid nila Henry at Grayson.” Narinig ko pang paliwanag ni Stephen. “She's nice and you don't have to be that rude,” dagdag pa nito. "Nagselos ka na naman." Hindi ko na hinintay kung ano ang sasabihin ni liit. Mag-jowa pa nga yata yung dalawa! Nag-umpisa akong maglakad papalayo sa lugar na 'yon dahil ayoko namang gambalain ang moment nila. “Grabe naman si liit! Feeling closed agad? Hindi ba pwedeng friendly lang? OA maka-selos,” mahina kong bubod habang nakatingin sa paanan ko. Nakakagigil siya, e. Pero sobrang cute, sarap gawing key chain!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD