Chapter 24 STEPHEN'S POV Matapos kong ihatid sina Asher sa mga bahay nila, dumiretso na rin ako nang uwi sa bahay. Ngayon ko na-realize na hindi ako maayos na nakapag-paalam kay mom and for sure nag-aalala na din siya sa akin. Malayo pa lang sa mismong bahay namin, natanawan ko na ang isang pamilyar na pigura ng tao. Nakatalungko siya sa labas ng gate ng bahay namin. Magkahalong emosyon na ang naramdaman ko. Pag-aalala, pagtatampo at tuwa. Napakaraming tanong na hindi ko magawang itanong kanina. Alam ko at ramdam ko na nagsisinungaling si Jihyoung pero pinili kong huwag nang mang-usisa. “Hyung…” ani Luke nang makababa ako ng sasakyan ko. Hindi ko maintindihan kung anong nagtulak sa akin para hiklatin ang kwelyo niya. “H-Hyung…” “What the hell are you thinking?!” sigaw ko sa kanya

