Chapter 23 JIHYOUNG'S POV Mainland, China 5 months ago from present time. TAHIMIK LANG ako habang nakaupo sa waiting area para hintayin ang resulta ng mga laboratory tests ko. Napagdesisyonan ko na kailangan ko na talagang magpatingin sa doktor dahil nadadalas na ang pagsakit ng ulo at buong katawan ko. Lumalala na din ang pagpapasa sa katawan ko at may parte sa akin na natatakot na baka iba na 'tong nararamdaman ko. Mayamaya pa, naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko kaya kaagad ko iyong tiningnan. Tumatawag na naman si Luke. 'Ang kulit talaga ng palakang 'to.' "Uhm? Ni hao?" Sagot ko. "Where the hell are you?" He asked with his very iritated voice. "I'm just running some errands," I replied. "I'll be there for the afternoon class, okay?" "Tsk. Fine. See you later," he a

