Chapter 29 Gray's POV NAKAPAMULSA akong naglalakad sa hallway ng ospital kung saan naka-admit si Jihyoung. Habang papalayo ako sa mismong kwarto ng kapatid ko, hindi ko maiwasan ang mag-isip. Naiisip ko ang mga nangyari nitong mga nagdaang araw. Parang ang bilis kasi. Parang sobrang dami. Mahirap para sa aming lahat ang kasalukuyang sitwasyon. Kailan pa lang namin nakasama nang matagal si Jihyoung. Nakakalungkot lang na sa maikling panahon na napapaligaya niya kami nang dahil sa pag-uwi niya, ay may sariling laban pala siyang kinakaharap. Naiintindihan ko din naman siya kung bakit hindi niya nagawang sabihin sa amin ang totoo nang mas maaga. Alam kong natatakot lang siya. "Hyung!" Pagtawag sa akin ni Luke bago siya umakbay sa akin. "Nadala mo ba?" tanong pa niya kaya tumango ako sa

