Chapter 2

1731 Words
Hindi ko maiwasang igala ang aking paningin sa loob ng airport. Ito ang unang pagkakataon ko na makapunta rito. Hindi ko inaasahang ganito pala kagara at kaganda ang isang paliparan. Malaki ang espasyo sa loob at moderno ang nga disenyo. Makikita rin mula sa loob ang mismong daanan ng eroplano kapag ito ay lilipad at lalanding. Medyo maingay rin sa loob at napakaraming mga tao. Iyong iba ay taga-rito at sa tingin ko 'yung iba naman ay mga dayuhan. Hindi ko inaasahang ganito pala karami ang mga taong dumadayo sa paliparan. Mayamaya ay lumapit si kuya at nagsalita. "Umupo ka muna, bunso. Mahaba pa naman ang pila. Ilang minuto na lang ay makakaalis ka na." Sinuklian ko siya ng isang masayang ngiti. Inalalayan niya naman akong umupo at ganoon rin siya. (Voice over PA) Maya-maya pa ay nakarinig ako ng boses ng babae mula sa speaker na binibigkas ang aking flight number. Pansin ko ring nagsikilusan ang mga taong nakapalibot sa aming inuupuan noong binigkas ang mga numero. Paniguradong nasa iisang flight kami. "Bunso, flight number mo na 'yun. Makakaalis ka na." aniya habang nakangiting ngunit agad itong napalitan ng isang malungkot na ekspresyon. "Ayos ka lang ba, kuya?" kunot noong tanong ko. "A-ah, ako? Ayos lang. 'Di ko lang kasi inaasahang aalis ka na. Ambilis ng panahon, 'no? Noong nakaraang taon mo pa ito pinagplanuhan at narito ka ngayon, aalis at magbabalat ng buto para sa amin." Pansin kong naiiyak siya. 'Di ko rin napigilan mapaluha ng dahil sa sinabi niya. "Kuya, alam mo naman 'diba kung bakit ko ito ginagawa? Para sa inyo ito, ayaw kong umabot sa puntong naghihirap na tayo at wala ng makain. Gusto kong tumulong, kuya, kahit na nakahirap sa akin na iwanan ko kayo at si mama." Doon ko naramdaman ang unti-unting pagpatak ng aking mga luha na agad ko namang pinunasan. "Naiintindihan ko, bunso..." Maya-maya ay bahagya siyang natawa. "Napakaswerte ng mapapangasawa mo, dahil isa kang masipag at mapagmahal na tao." pambobola niya sa akin. Agad namang nawala ang lungkot ko. "Kuya naman, oh! Kung ano ano na lang ang iniisip, nambo-bola pa...." Mayamaya ay biglang sumeryoso ang usapan. "Oh, kuya. Aalis na ako, huwag mong papabayaan si mama, ah?" seryosong bilin ko. "Pangako 'yan, bunso." Ito ang huling katagang sinabi niya at agad akong niyakap. Dahan-dahan naman akong kumawala sa yakap niya. Unti-unti akong naglakad papalayo sa gawi niya at saka kumaway paalis. Isang malaking ngiti ang iginanti niya na nagpapahiwatig na kung gaano siya ka-proud sa akin. May tiwala ako kay kuya, hinding-hindi niya papabayaan si mama. The moment came when the door was closed and we never seen each other again. Inalalayan kami ng mga flight stewardees papunta sa sasakyan naming eroplano. Pagkapasok ko ng eroplano ay inalalayan ako ng isang stewardees na ayusin ang aking mga bagahe. "Please take a seat, ma'am." nakangiting paalala niya sa akin. “Ladies and gentlemen, please be seated. Our flight is ready for departure.” usal ng isa sa mga babaeng flight attendant. Matapos ang ilang oras na paghihintay ay unti-unting lumipad ang eroplano. Sumandal ako sa aking inuupuan at napaisip sa mga mangyayari kapag ako ay nakarating na sa aking patutunguhan hanggang sa dinalaw ako ng antok at nakatulog. Darly's POV (Dolly's mother) Nanatili akong nakatulala sa sala, iniisip ang kalagayan ng aking anak na si Dolly. Kahit pa ay kanina lang siya nakaalis ay hindi ko maiwasang mag-alala. Noong una ay tutol ako sa naging desisyon niya ngunit habang tumatagal ay pumapayag na ako. Ano pa naman ang magagawa ko eh, bente dos na si Dolly. Nakapagtapos na siya ng kolehiyo, hindi ko na siya mapipigilan sa mga magiging desisyon niya. Tanging magagawa ko na lang ay gumabay at mag-abiso. Mayamaya ay lumapit si Narie at may inilapag sa mesa. "Ma, kape ka muna." nakangiting usal niya at agad ko naman itong tinanggap. "Salamat, nak." Nanatili pa rin akong nakatulala habang hawak-hawak ang mainit na tasa ng kape. Ilang sandali pa ay umupo si Narie sa tabi ko at nagsalita. "Ma, ayos ka lang?" alalang tanong niya. Lumingon ako sa gawi niya at saka ngumiti ngunit agad itong napalitan ng ibang ekspresyon. "Alam ko anong iniisip niyo, ma. Si ate po ba? Huwag na kayong mag-alala. Hindi naman papabayaan ni ate ang sarili niya." Nagkaroon ng kaunting kaluwagan ang aking kalooban nang ikwento niya sa akin ang mga bagay na iyon. "Alam mo, ma? Pati ako ay nagulat sa naging desisyon ni ate. Ako ang unang sinabihan niya bago kayo." Pati ako ay natigilan sa mga katagang binitawan niya. "Alam mo na pala?" takang tanong ko. Hindi siya agad nakasagot. Bakas siya mukha ang kaba at takot na baka'y supalpalin ko siya nang dahil sa kanyang sinabi. "Natatakot kasi akong sabihin sa inyo, ma. Alam ko naman na magagalit kayo kay ate. Ngunit ang tanging gusto niya ay maiahon tayo sa kahirapan. Gusto niyabg tumulong at maging proud kayo sa kanya." kalmadong pagpapaliwanag niya. "Noong una ay tutol ako, ngunit habang lumilipas ang mga araw ay sumang-ayon na ako sa desisyon niya." Napangiti ako nang maalala ang mga sandaling kasama ko ang anak kong si Dolly. May mga pagkakataong nagtatawanan kami at nag-iiyakan. Iyon rin ang mga sandaling pinahalagahan kong. Palagi kong pinapakita sa kaniya kung gaano ko siya ipinagmamalaki. Dolly's POV “Ladies and gentlemen, Philippine Airlines welcomes you to Manila. The local time is 06:30 pm. For your safety and the safety of those around you, please remain seated with your seat belt fastened and keep the aisle(s) clear until we are parked at the gate." Nang dahil sa ingay na iyon ay nagising ako mula sa mahimbing kong pagtulog. Hindi ko namalayang lumapag na pala ang eroplanong sinasakyan namin. Maya-maya pa ay nagsi-kilusan na ang mga pasahero at ganoon na rin ako. Isa-isa kaming inalalayan ng mga attendants papaba ng eroplano. Pagbaba ko ay malamig na simoy ng hangin ang bumungad sa akin. Sa wakas, nakarating na ako ng Maynila. Dito na magsisimula ang bagong yugto ng buhay ko. Nang makapasok ako sa airport ay umupo muna ako sa isa sa mga upuan na naroon at saka nagpahinga ng ilang minuto. Ilang sandali pa ay tumunog ang cellphone ko. Isang numero ng hind ko kilalang tao ang nag-flash sa aking screen. Nang walang pag-aalinlang ay agad ko itong sinagot. "Hello?" takang tanong ko. "Hello, Dolly? Si Tito Herald mo ito. Nasaan ka?" Nilingon-lingon ko ang aking paligid at inilarawan ko kay Tito ang mga nasa paligid ko. Hindi ako komportable na ako lang mag-isa. Nakakahiya at baka magkamali ako. Ayaw kong mapagtawanan. Pansin kong pinagpapawisan ako at kinakabahan ng walang dahilan ngunit hindi ko muna ito pinansin at patuloy na inaaninag kung nasaan si Tito. Matapos ang ilang minutong paghihintay ay agad ko siyang napansin na papunta sa gawi ko. Agad akong tumayo at ngumiti nang makalapit siya sa akin. "Dolly!" Niyakap niya ako nang mahigpit at ganoon rin ako. "Tito Herald, masaya akong makita ka. Kamusta ka na po?" "Ako dapat ang magtanong niyang sa iyo. Kamusta ka na?" aniya habang binibitbit ang aking maleta. "Ayos na man, 'ho. Medyo naiiyak lang po dahil lagi kong naalala si mama at mga kapatid ko." "Alam kong hindi madali sa iyo ang naging desisyon mo ngunit hanga ako sa determinasyon mo at kasipagan. Maswerte ang mama mo sa iyo." pagpupuri niya. "Oo nga po. Ngunit noong una binanggit niya na tutol siya sa sinabi ko pero habang tumatagal ay sumasang-ayon na siya. Ilang beses ko kasing ipinaliwanag sa kanya ang purpose ng gagawin ko." "Naintindiha ko ang kanyang panig, nag-aalala lang iyon sa magiging kalagayan mo. Alam mo na, galawang ina." "Ganoon nga 'ho, eh." Ganoon talaga si mama. Maalalahanin, hindi ko siya masisi kung bakit siya ganoon. Ang gusto niya lang ay maging maayos ang kalagayan ko kahit nasa ganitong edad na ako. Palagi niyang pinapaalala na hindi sa lahat ng oras at pagkakataon ay nariyan siya upang gabayan at bantayan ako. Sa tuwing pinag-uusapan namin ang ganiyang mga bagay, takot ang unang nararamdaman ko. Natatakot ako at baka isang araw mawala siya sa tabi namin. "Kilala ko ang mama mo. Tututol at tututol siya sa mga sasabihin mo kapag alam niyang hindi nararapat ang mga magiging desisyon mo sa buhay. Ngunit lagi siyang natatalo kapag pinag-uusapan ang mga bagay na ganiyan." Bahagya siyang natawa sa sinabi. Ilang sandali pa ay lumingon ito sa akin. "Mabuti at napag-isipan mong magtrabaho rito sa Maynila, Dolly." Sandali akong natigilan sa kanyang sinabi. "Po?" takang tanong ko. "Maraming mga malalaking kompanya rito, lalo na 'yung pinapasukan ko. Malaki ang sweldo at napaka-highclass. Maraming matataas na posisyon ang pwede mong pasukan. Naaayon ang mga kakayahan mo para roon." "Po? Eh, hindi ko alam kung papasa ba ako sa unang pagsubok at isa pa baka masyadong mataas ang mga pamantayan, Tito. " may bahid na kaba ang aking boses. Halos pumiyok na ako nang banggitin ko ang mga salitang iyon. "Hanga ako sa kakayahan mo, pamangkin. Sigurado akong makakakuha ka ng isang mataas na posisyon kapag sinubukan mo. Bakit hindi mo muna subukan? Who knows? Baka ay makamit mo na agad ang iyong pinapangarap." aniya at saka pumara ng taxi. Naiwan akong tulala at puno ng iniisip nang dahil sa mga sinabi niya. Hindi naman ganoon kadali ang makakuha ng mataas na posisyon sa isang malaking kompanya lalo na kung mataas ang mga pamantayang kailangan mong abutin. Nakasakay na kami ng taxi at agad na tumungo sa bahay ni Tito Herwin. Matapos ang isang oras ay nakarating na kami sa kaniyang bahay. Hindi pa nga ako nakakababa ng sasakyan ay agad na kaming sinalubong ni Tita Ciela, asawa ni Tito Herwin, kasama ang mga pinsan kong si Marco at Liere. "Dolly!" masayang bati niya sa akin at agad akong niyakap ng mahigpit. "Ang aking magandang pamangkin! Kamusta ka na?" Isang abot tengang ngiti ang sumalubong sa akin. "Ayos lang po. Masaya akong makita ka, Tita." isang ngiti ang iginanti ko at saka nagmano. "Oh, siya. Pumasok na kayo at nakahanda na ang hapunan." aniya at tinulungan akong ipasok ang aking mga bagahe. Huminga ako nang malalim bago tuluyang pumasok. Naalala ko na naman si mama. Huwag po kayong mag-alala, nakarating na po ako nang maayos at ligtas. Iyon ang mga katagang pinakawalan ng aking bibig at saka umihip ang malamig na simoy ng hangin na siyang pinaglalaruan ang iilang hibla ng aking buhok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD