Chapter 3

3851 Words
Kasalukuyan akong nakatulala sa loob ng kwartong tinutuluyan ko sa bahay ni Tito Herwin. Bagot na bagot na ako at hindi ko alam anong gagawin upang pampalipas ng oras. Nagpagulong-gulong na lang ako sa kama habang hawak-hawak ang cellphone ko. Hanggang sa maalala ko ang napag-usapan namin ni Tito kanina sa airport. Iyong tungkol sa kompanyang pinapasukan niya. Nabanggit niya ring isa iyon sa mga malalaki at prestihiyosong kompanya sa buong bansa. Nagdalawang isip ako sa magiging desisyon ko. Sigurado akong mataas ang mga standards na kailangan roon upang makapasok. Nag-aalala ako baka magsasayang lang ako ng oras at mapahiya sa gagawin ko. Napabuntong-hininga ako nang dahil sa naisip. "Hays, nag-ooverthink na naman ako." Nasabunot ko ang sariling kong buhok dahil sa inis. Dahan-dahan akong bumangon. Naihilamos ko ang aking dalawang kamay sa akong mukha. "Subukan ko kaya?" Biglang pasok sa isip ko. "Wala naman sigurong mawawala kung susubukan ko." sabay kunot ng aking noo. Dali-dali akong bumangon at lumabas ng kwarto. Hinanap ko si tito mula sa sala hanggang sa likuran ng kanilang bahay. Nabigo ako nang inakala ko'y nasa kusina siya. Hanggang sa lumabas siya mula sa kanilang kwarto. Nadatnan niya akong nagmamadaling mahanap siya. "Oh, Dolly? Hindi ka pa ba matutulog?" takang tanong ni Tito. "Ah, hindi pa po kasi ako inaantok. Teka lang po, nabanggit niyo sa akin kanina na nagtra-trabaho po kayo sa isa sa mga malalaking kompanya rito." panimula ko. "Pwede ko bang matanong anong pangalan ng kompanya?" dugtong ko. "Ah, walang problema. Hawkins Company. Iyan ang pangalan, pamangkin. Napag-isipan mo na ba ang sinabi ko?" "Hindi pa 'ho, eh."pagkukunwari ko. Hindi ko muna ipapaalam kay Tito ang magiging desisyon ko. Ang nais ko ay ako mismo ang pupunta sa building ng kompanya at mag-aapply. I don't want to depend on them so I'm doing it all by myself. "Ah, ganoon ba, hija? Sabihan mo lang ako kapag napagdesisyonan mo na, ah?" Isang tango lamang ang isinagot ko. Pagkatapos naming mag-usap ay dali-dali akong pumasok sa kwarto at binuksan ang laptop ko. I immeadiately searched what Tito said. It was named Hawkins Company. After a few minutes of loading ay lumabas rin ang mga results. It says here na tatlong dekada nang nag-ooperate ang kompanya nila sa iba't-ibang sektor ng industriya, including agriculture, showbiz at iba pa. Highlights rin sa kanila ang mga usapang business. Their company net worth is estimated $90B per year. Mostly mga mayayaman ang nag-iinvest sa company nila. Nabanggit rin sa article na marami silang offices na nag-opperate globally. Nasa top list din ang kanilang kompanya in terms of "The Most Prestigious and Richest Company in the world", in which they placed 4th in the top list. Hindi ko mapigilang mapamangha sa mga nabasa ko. No wonder kung bakit napakayaman nila. Nabanggit rin sa artikulo na marami na silang natulungang mga empleyado, lalong-lalo na ang mga mahihirap, hindi lang sa pilipinas kundi sa buong mundo. 'Di ko namalayang napatakip na pala ako ng bibig habang nagbabasa ng artikulo. I'm so amazed with this company. Patuloy pa rin ako sa pag-scroll hanggang sa napadpad ako sa isang video na sa tingin ko'y may kinalaman rin sa binabasa ko. Agad ko naman itong ipinalabas. Sa panimula ng video ay isang matangkad at mukhang mayaman na lalaki ang nakasuot ng suit and tie at nakaharap sa mesang puno ng mga mikropono. Ilamg sandali pa ay nagsalita ito. Sinimulan niya sa pagpapakilala sa kaniyang sarili. "Goodmorning, ladies and gentleman. Standing in front of you is one of the greatest and richest man in the world. I, Harwin Hawkins, the CEO of Hawkins Company and the son of the founder of Hawkins Co. welcomes you to the company." Sumalubong sa aking mga mata at tenga ang bawat galaw ng kanyang mga labi at ang kaniyang napaka-husky na boses. Hindi ko mapigilang mapatitig sa mukha nito. Isang palakpakan ang iginanti ng madla sa video. Kakaibang pakiramdam ang aking naramdaman nang matitigan ko ang kaniyang mga mata. It feels like he's driving me crazy. Every line and angle of his face, I can't help but stare. Lahat ng anggulo niya ay mapang-akit ang dating. Nang magkahuwisyo ay agad kong isinara ang laptop at sandaling natulala. Para akong binuhusan ng isang balde ng malamig na tubig nang maalala ang kakaibang pakiramdam na iyon. What was that? Anong nangyari sa akin? Staring at that man's face makes me uncomfortable and it's driving me crazy. I haven't felt that before. It's unusual but at the same time, kinda addicting. Naisampal ko ang aking mga kamay sa aking pisngi nang dahil sa mga naiisip ko. "Dolly, kalma. Hindi ka baliw." usal ko sa sarili sabay sabunot sa aking buhok. Napahilamos ako sa aking mukha at pabagsak na humiga sa kama. Habang nakatitig sa kisame ng aking kwarto ay naalala ko ang napanood at nabasa ko kanina lamang. "Hawkins Company. Harwin Hawkins." Iyon lamang ang mga nabigkas kong mga kataga at agad na hinila ng antok hanggang sa nakatulog. Harwin's POV Kasalukuyan akong nakaharap sa glass window ng aking opisina at nakatitig sa labas. What a view, every corner of the street is filled with lights as if it was a nostalgic art in my eyes. It's already 6pm and the streets were busy. Vehicles passing from one street to another, leaving a trail of their backlights among people walking down the street. I can't help but smile. Napabuntong hininga ako at nakatingin sa kawalan. Dahan-dahan kong hinilot ang aking sentido at tumalikod sa glass window. Maya-maya pa ay narinig kong bumukas ang pinto ng aking opisina at pumasok ang isa sa aking empleyado. "Good eveing, sir. This mail was sent by your father." pormal na bati niya at inilapag ang isang sobre sa aking lamesa. Napaupo naman ako sa aking swivel chair at agad na nagtaka. From my father? What is the meaning of this? Tumango naman ako at sinenyasan siyang lumabas. Agad naman akong napatayo at kinuha ang sobre. Binuksan ko ito at lumantad sa aking mga mata ang isang sulat. I immediately opened it and noticed that it was in his handwriting. 'You only have a week to be married or else the company will be turned over to Mr. Zuoi. Don't let that happen, son. I trust you and I know you won't let me down. Find a wife and be married. When will you learn to live the life I wanted you to have?' Iyon ang mga salitang nabasa ko mula sa kaniyang ipinadalang sulat. Agad na nagsalubong ang aking mga kilay sa nabasa. It's pressuring me. Hindi ko napigilang ikuyom ang aking palad dahil sa inis nang maalala ko ang gustong ipahiwatig ni ama sa akin. He's right. Kung hindi ako makakapag-asawa within a week, mawawala ang lahat ng pinaghirapan ni Dad sa mga kamay niya. A CEO must be married before he reach his thirties. I won't let that happen. Umaasa si Dad na hindi ko hahayaang mangyari iyon. Napabuntong-hininga ako ng ilang beses nang dahil sa iniisip. I mean, it is not that easy to grab some girl out there and ask her if she wanna marry you without her knowing you better. That's stupidity. I must find a way to resolve this. This is for our company's sake. Dolly's POV Nagmamadali akong maligo dahil aalis ako ngayong umaga. Pagkalabas ko ng pinto ng banyo ay nadatnan ako ni Tita Ciela na basang-basa at nakatapis lamang. "Oh, hija? Ang aga mo atang nagising? May pupuntahan ka ba?" takang tanong niya. "Ah, opo. May pupuntahan lang po." may bahid na kaba ang aking boses. "Ah, ganoon ba? Makakapaghintay ka ba? Ipagluluto muna kita ng almusal." prisinta niya. "Ah, sige po. Salamat." Mabait talaga si Tita Ciela, hindi na makapagtataka kung bakit siya ang pinili ni Tito na pakasalan. Itinuturi niya akong anak kapag ako'y nasa bahay nila. Rinig ko ang kalampag ng mga gamit mula sa kusina. Agad naman akong dumiretso sa aking kwarto at nagbihis. Nakasuot ako ng isang itim na skirt na hindi naman masyadong maikli at isang puti blouse na mahaba ang sleeves. Mabuti ay nakahanda na ang mga dokumentong kakailanganin at dadalhin ko sa aking pupuntahan. Paglabas ko ng kwarto ay saktong nakahanda na ang almusal. "Aba, ang ganda naman ng suot mo ngayon, hija." pagpupuri ni Tita habang unti-unting nagbubuhos ng mainit na tubig sa kanyang tasa ng kape. "May pupuntahan lang, ho." bahagya ako natawa sa sinabi ko. Inihain naman ni Tita sa mesa ang kaniyang ginawang leche flan kagabi. "Pampagana, hija. Tikman mo." Iyung leche flan ang tinutukoy niya. Kumuha naman ako ng kaunti at sumubo. Katamtaman lang ang tamis ngunit nakakaadik kaya nakailang subo ako. Pagkatapos kong kumain ay agad naman akong nag-toothbrush at sandaling nag-ayos. Nagpaalam naman ako kay Tita na aalis na at agad naman siyang sumang-ayon. Paglabas ko ng bahay ay saktong may padaang taxi ay agad ko naman itong pinara at sumakay. "Manong, sa Hawkins Company, ho." agad na usal ko at nagsimulang umandar ang taxi. Matapos ang trenta minutos ay nakarating na ako sa building kompanya. Hindi ko napigilang mapatingala dahil sa taas ng estrakturang ito. Moderno ang disenyo ng kalabasan, idagdag mo pa iyung mga additional color gold na nakalagay sa bawat disenyo ng building. Hindu ko naiwasang mapamangha sa aking nasaksihan. Bumuntong hininga ako at nagsalita. "Kaya mo ito, Dolly. Para sa pamilya mo." Matapis ang ilang segundong paghahanda ay agad akong pumasok. Pagpasok ko ay bumungad sa akin ang front table, agad naman akong dumiretso roon upang magtanong. "Good morning, ma'am. Welcome to Hawkins Company. How may we help you?" bati ng isa sa mga receptionist ng kompanya. "I'm here to see Mr. Hawkins." kabadong usal ko. Pansin kong nagkatinginan ang dalawang babae na kaharap ko ngayon. "May we know your name, ma'am?" may bahid na taka ang kaniyang mukha. "Uh, Dollievienne Jezarro. I'm here to apply for a job." diretso at lakas loob na sagot ko. "One second, ma'am." aniya at saka nagsimulang mag-dial sa telepono. "You can take a seat first while waiting, ma'am." aniya nung isang babae at agad akong inalalayang umupo. Tumingin na lang ako sa mga magazines na nasa side table habang naghihintay. Matapos ang isang minuto ay agad akong tinawag ng isa sa mga receptionist. "Ms. Dollievienne, you can talk with Mr. Hawkins for a minute because he has a scheduled meeting after that." aniya at agad ko siyang sinundan sa paglalakad. Habang naglalakad ay hindi ko naiwasang mapatanong sa receptionist tungkol kay Mr. Hawkins. "Mabait po ba si Mr. Hawkins?" I asked her that question because of curiosity. "Opo, pero minsan may pagkasungit." mahinang bulong niya sa akin. Hindi naman ako nakasagot at sinundan na lang siya sa paglalakad. Matapos ang ilang minutong paglalakad ay nakasakay na kami ng elevator at kasalukuyang patungo sa 25th floor. The bell rings and we finally arrived at the 25th floor after a 2 minutes of waiting inside. Napansin kong tumigil sa paglalakad ang receptionist at nakangiting tumingin sa akin. "Hanggang dito na lang po ako, ma'am. Sundan niyo lang po 'yung hallway na iyan hanggang sa makarating kayo sa pinto ng opisina ni Mr. Hawkins. Nasa loob po siya naghihintay." aniya at pumasok muli sa elevator. Tumalikod naman ako at kapansin-pansin ang isang mahabang hallway. Matatanaw ang dulo mula rito na sa tingin ko'y opisina ni Mr. Hawkins. Nanatili akong napako ng ilang segundo sa aking kinatatayuan. I got distracted because of the view from outside. Malalaking glass window ang nasa interior at matatanaw mo mula sa loob ang buong view ng siyudad. Hindi ko naiwasang mapalapit sa mga ito at tingnan ang nakapagandang tanawin. Paniguradong nasa pinakamataas na akong palapag dahil may kaliitan na ang aking mga nakikita. Bumuntong hininga ako at napangiti sa ganda ng aking natatanaw. It's so breathtaking. Napatalon ako sa gulat nang may biglang nagsalita mula sa aking likuran. "What are you doing here?" Isang husky at nakakatakot na boses ng lalaki ang sumalubong sa aking mga tenga. Dahan-dahan akong napalingon at laking gulat ko nang masalubong ko ang kanyang mukha na napakalapit sa aking gawi. Bigla akong kinabahan sa paraang 'di ko maintindihan. He seriously stared at me habang nakakunot ang noo. It was him, Harwin Hawkins, CEO of this company. I never knew he was this scarier and honestly, hotter. Napalunok ako bago nagsalita. "A-ah, Mr. Hawkins. Good morning po." May bahid na kaba at takot ang akong boses. Halos mapiyok na ako nang banggitin ko ang mga salitang iyon. Pansin kong napabuntong hininga siya ngunit nanatili pa rin ang kaniyang nakakatakot na ekspresyon. "I said, what are you doing here? I'm not gonna repeat that again." He looks pissed. Ano nga ba ginagawa ko dito? Ay tama, mag-aapply ako ng trabaho. Get it together, Dolly. Just act cool. "Uh, I'm here to apply for a job." lakas loob kong pagsagot. "Are you sure you are here for business matters..." Pansin kong papalapit nang papalapit ang kaniyang mga daliri sa aking balikat. His fingers touched my shoulders at nagsimulang paglaruan ang iilang hibla ang aking buhok. His touch is driving me crazy. I can't take it. Is he seducing me? Hell no, hindi ako madadala sa mga paganyan-ganyan niya. Seryoso akong pumunta dito upang maghanap ng trabaho. "Or are you here for some personal reasons?" His eyes met mine. Doon ko lang napansin ang kaniyang kagwapuhan nang unti-unti niyang inilapit ang kaniyang mukha sa akin. Every inch and line and curves on his face is makes him more handsome and hot, idagdag mo pa iyong labi niya na mapula. "Mr. Hawkins, I am here to apply for a job." Halos mapiyok na ako nang banggitin ko ang mga kataga iyon na may lakas ng loob. I felt nervous all of a sudden when he continues to play with my hair. Hindi ko naiwasang mapayuko. Maya-maya pa ay naramdaman ko ang kaniyan kamay sa aking baba at inangat ito. "Follow me." His voice is so tempting and so is his handsomeness. Bakit ba ganoon na lang ang naramdaman ko, bawat galaw niya ay kaniyang ikinagwapo. Ilang segundo ay tumalikod siya mula sa aking gawi. Susundan ko na sana siya nang matapilok ako at agad niya akong nasalo. Nang magkadikit ang aming mga kamay ay nakaramdam ako ng libo-libong boltahe ng kuryente na gumapang sa pagkatao ko. "Next time, wear your flats." biglang salita niya. Hindi naman ko nakasagot at dali-dali inayos ang sarili ko. Sinundan ko siya sa paglalakad at nakarating kami sa pinto ng kaniyang opisina. Pinagbuksan niya ako ng pinto at agad naman akong pumasok. The moment came when he closed the door. Nakaramdam ako ng kaba nang ini-lock niya ang pinto. This is so uncomfortable. Harwin's POV I am currently heading to my office after a minute of washing my hands in the bathroom. Habang naglalakad ay may napansin akong taong nakatayo sa harap ng mga glass windows. All of a sudden I stopped walking at pilit na inaaninag kung sino iyon. The person standing was like 10 meters away from me and all I see is a mere silhouette of it. Based on it's position, it is standing sideways. Hindi ko napigilang bilisan ang aking paglalakad papunta sa gawi nito hanggang sa namalayan kong isa pala itong babae. Kasalukuyan siyang nakatayo at nakaharap sa glass window. Pansin ko ang kaniyang repleksyon sa salamin and that was the moment I saw her face. She was smiling as if it she was enjoying the view. Ngunit biglang kumunot ang aking noo nang maalala kung bakit siya nandito. "What are you doing here?" Pilit kong pinakalma at pinababa ang tono ng boses ko ngunit nabigo nang halos mapatalon na siya sa gulat nang magsalita ako. Her eyes greeted mine at kapansin-pansin ang bahagya niyang panginginig. Is she nervous? Is she scared of me? "A-ah, Mr. Hawkins. Good morning po." May bahid na kaba ang kaniyang boses. Pansin kong pinipilit niyang mag-iwas sa tingin sa akin. Bumuntong hininga ako bago nagsalita. Hindi ko pa rin nakukuha ang sagot sa tanong ko kanina. "I said, what are you doing here? I'm not gonna repeat the question again." Kahit anong pilit kong pababain ang tono ng boses ko ay hindi naman nagtagumpay. Why do I always sound as scary as s**t? "I'm here to apply for a job." lakas loob niyang sagot. I like this girl. She's brave, she is not even bothered about my presence. Most of the people, especially women, I encountered, they are always afraid of me. But this girl right here? Hindi man lang siya natindig sa presensya ko. Hindi ko napigilang mapatingin sa suot niya. She is wearing a white long sleeve blouse na may pagkanipis at isang black mini skirt. Bigla na lang gumalaw ang aking kamay ay dumapo ito sa kanyang balikat, pinaglalaruan ang iilang hibla ng kaniyang buhok. Napansin kong bahagya siyang nakiliti sa ginawa. Pilit pa rin niyang umiwas ng tingin. "Are you sure you here for some business matters.." panimula ko. Dahan-dahan kong inilapit ang aking mukha sa kanya. Here I can ssee her beauty. She is beautiful, all women are beautiful. "Or are you here for some personal matters?" pagtatapos ko sa aking sinasabi. Damn, all I can say is she is tempting every inch of me. "Mr. Hawkins, I am here to apply for a job." biglang sagot niya. She is not even afraid of me. This girl, she has a potential to be my wife. Speaking of wife, how about I offer her something crazy? With this idea, I can finally resolve my problem regarding with the company. Napansin kong napayuko siya matapos banggitin ang mga katagang iyon kaya ang tanging ginawa ko ay dahan-dahan kong iniangat ang kanyang baba gamit ang aking mga kamay. "Follow me." Ilang beses ko siyang nakitang napalunok. Gotcha, baby. Don't pretend that you are not afraid of me. Halata na sa mga galaw mo, honey. We arrived at my office so I opened the door for her and let her come in first. Pagkatapos niyang pumasok ay agad kong sinara ang pinto at ini-lock. She was standing in front of my desk habang ako ay nakaupo sa aking swivel chair. Ilang segundo ko siyang pinagmasdan habang siya ay nakayuko at nag-iiwas ng tingin. Hindi ko napigilang mapakagat sa aking labi nang pagmasdan ang kaniyang makikinis na mga hita. Damn, she's not even doing anything but she is seducing me. Dolly's POV Pagkapasok namin ay bahagya akong natigilan nang i-lock niya ang pinto. Anong gagawin niya sa akin? Huwag mong sabihing gagahasain niya ako? Diyos ko, kung ano ano iniisip mo, Dolly. Kasalukuyan siyang nakaupo sa kaniyang swivel chair habang ako ay nakatayo sa harap ng kaniyang office table. Isang katahimikan ang bumalot at namagitan sa aming dalawa sa loob ng kaniyang opisina. Nanatili akong nakayuko at pansin kong panay ang titig niya sa akin, hanggang sa bumaba ito at pinagmasdan ang akinvg mga hita. Pilit kong inabot at pinakadulo ng aking skirt at dahan-dahan ko itong binaba. Bumuntong hininga naman ako at lakas loob na nagsalita. "Can you stop staring at me like that, Mr. Hawkins? With all due respect, It's making me uncomfortable." pansin kong unti-unting tumataas ang boses ko nang banggitin ko ang mga salitang iyon. "Psh, don't be so proud of yourself, Ms. Dollievienne. Why would I stare at you? It's not like you are a goddess to be stared at." "Rude, how rude." hindi makapaniwalang sagot ko. Pansin kong umayos siya nang pagkakaupo at ipinatong ang kanyang mga braso sa mesa habang nakakuyom at dalawang palad at seryosong tumingin sa akin. "Again, why are you here?" May bahid na inis ang kaniyang boses. "I am here to apply for a job, sir." Halos mapiyok na ako nang sabihin ko iyon. "Here's my resume, sir." Iniabot ko sa kaniya ang aking aking resume ngunit hindi niya ito tinanggap, sa halip ay kumunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. "A job? Well, we don't have any high positions available but, there is one, to be a janitor." Bahagya pa siyang natawa sa sinabi. Anong tingin niya sa akin? Katulong? At isa pa, ang ganda ko para maging tagalinis ng banyo ng mokong na'to 'no. Hindi ko naiwasang maikuyom ang aking palad dahil sa sinabi niya. Hindi magandang biro 'yun, ah. Seryoso ako sa sinasabi ko. "Kung ganoon, aalis na lang ako, Mr. Hawkins." Tatalikod na sana ako nang bigla siyang nagsalita. Laking gulat ko nang paglingon ko ay nasa likuran ko na siya. Isang metro lang ang layo namin sa isa't-isa. "But, there is one job I can offer." aniya at dahan-dahang naglakad papalapit sa akin. Paatras naman ako nang paatras dahil sa ginagawa niya. "A-ano naman iyon?" Halos mapiyok na ako nang sabihin ko ang mga salitang iyon. Nang maramdaman ko ang matigas na bagay sa aking likuran na pumigil sa pag-atras ay doon ko lang na-realize na hindi na ako makakatakas. "Are you willing to do anything for your family?" He said in a seducing tone. Kahit anong gawin mo, hinding-hindi ako mahuhulog sa bitag mo, kung ano man ang binabalak mong gawin sa akin. Ilang beses akong napalunok bago nagsalita. "Yes, anything for them." lakas loob na sagot ko. "Name your salary." "Isang milyon?" Iyon lamang ang halaga na pumasok sa isip ko. "Good." "Anong gagawin ko?" takang tanong ko. "Well..." Dahan-dahan niyang inilapit ang kaniyang mga daliri sa pisngi ko ngunit nag-umiwas ako. "Marry me instead." Biglang nanlaki ang mga mata ko nang banggitin niya iyon. Hindu ko napigilang itulak siya nang malakas papalayo sa gawi ko. "Are you freaking crazy?!" bulalas ko. Isang tawa lamang ang iginanti niya na siyang naging dahilan ng pangungunot noo ko. "Yes I am." bahagya pa siyang natawa sa sinabi. Lalabas na sana ako ngunit kahit anong pilit kong buksan ang pinto ay nabigo ako nang maalalang kinandado pala niya ito. "You can't escape, Ms. Dolly." Aba? Nang-iinis pa talaga 'no? Pilit ko pa rin itong binuksan. Kalampag lang ng doorknob ang umalingawngaw sa buong kwarto. Dahil sa pagkadesperada kong lumabas ay hindi napigilang paghahampasin ang pinto at sumigaw. "Tulong!! Ilabas niyo ako rito!" sigaw ko ngunit 'di gumana. "Can you please shut up? Nakakarindi kang babae ka." biglang singhal niya. "Wala akong pakialam! Ilabas mo ako rito!" padabog na sagot ko. Pansin kong sandali siyang natigilan sa ginawa ko. Ah, ganoon? Nagkakamali ka, Mr. Hawkins, akala mo ikaw lang ang matapang? "Okay, please. Calm down!" singhal niya ulit. Pilit ko pa ring binubuksan ang pinto hanggang sa maramdaman ko siya sa aking likuran ang hinawakan ang doorknob. On his left hand was a key. He slowly unlocked the door. Akma na sana akong lalabas ngunit pinigilan niya ako. "What's your answer?" I know what he meant. That crazy 'marrying-him' thing. Anong tingin niya sa akin? Malandi? Basta basta na lang papayag sa ganoong alok? "Let me out." Naiinis na talaga ako sa lalaking ito. Padabog kong hinawi ang kamay niya sa braso ko. Binuksan ko ang pinto at lumabas, padabog ko naman itong sinara. Paglabas ko ng opisina niya ay hindi ko naiwasang maikuyom ang aking palad at sabunutan ang aking buhok. Nakakainis! Curse you! Curse you, Mr. Hawkins!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD