Nakauwi na ako ng bahay at kasalukuyang nakamukmok sa loob ng kwarto. Hindi ko pa rin maialis sa isipan ko ang tungkol sa sinabi sa akin ni Mr. Hawkins.
Why would someone do such thing as offering a woman to marry him? Ganoon na ba siya ka desperado para gawin iyon?
Nagpagulong-gulong na lang ako sa aking kama habang nakatingin sa aking cellphone. Its already 5pm, and inaantok na naman ako. I went out of my room to grab some food in the kitchen. Saktong nagugutom na rin ako.
Naalala ko 'yung ginawa ni Tita Ciela na letche flan so I went to ask her if I can have some.
Tumungo ako sa balcony at nadatnan si Tita na nagbabasa ng dyaryo.
"Ah, Tita Ciela. Hihingi lang po sana ako ng letche flan kung pwede." Honestly, I was so nervous speaking out those words. Nahihiya rin kasi ako kay Tita.
"Aba, sige. Kunin mo 'yung dalawang lyanera na nasa loob ng refrigerator. Baka gusti mo ng choco shake? Paniguradong gutom ka na."
"Ah, sige po. Salamat." Alangan namang tatanggi ako sa grasya? Siyempre, hindi 'no.
Bumalik ako sa kusina upang kumuha ng letche flan na sinabi ni Tita. I always crave for this sweet, eggy letche flan since I was a kid.
All time favorite ko ito kaya hindi ako makakatanggi.
Matapos kong kumuha ng dalawang kyanera ay agad akong dumiretso sa kwarto at kumain. Maya-maya ay kumatok si tita na may dalang choco shake.
Inilapag niya ito sa mesa at saka lumabas ng kwarto.
Dahil sa pagkabagot ay binuksan ko ang laptop ko para aliwin ang sarili ko.
Laking gulat ko nang may nag-email sa akin.
I immediately opened it and was surprised when I saw a message from.... Mr. Hawkins?
Wait, paano niya nalaman ang email address ko?
'Have you ever thought of your decision?'
'I am waiting for an answer.'
Kumunot ang noo ko nang napagtanto kung ano ang ibig sabihin niya. Why the heck would I marry him? Hindi nga namin kilala ang isa't-isa. We don't love each other. He doesn't know me and I don't know him.
Dahil sa pagkainis ay hindi ako nagdalawang-isip na iignore ang email niya. I don't care about him, I care about myself. Baka kung ano pa ang gawin niya sa akin kapag nagkita uli kami.
Bwesit! Imbes na aliwin ko ang sarili ko dahil umiiral na naman ang topak ko, sa halip ay mas lumala. Wow, what a great day.
Inis kong isinara ang laptop ko at padabog na humiga.
Niyakap ko ang unan ko at nagmukmok.
Maya-maya ay nag-ring ang cellphone ko.
I immediately checked on it and saw my brother's name flashed on my screen.
Agad ko naman itong sinagot.
"Hello, Kuya?"
"Bunso? Kamusta ka na diyan?"
"Maayos naman po. Napatawag po kayo?"
Ilang segundong katahimikan ang pumagitna sa usapan namin sa telepono.
"Si mama kamusta?" pambabasag ko.
"Ah, may karamdaman ang mama ngayon, eh. Ilang araw na 'to."
Biglang nanlaki ang mga mata ko nang marinig at inintindi ang sinabi niya.
"Si mama? May karamdaman?" mahinang sigaw ko.
"Oo, bunso. Hindi daw siya makahinga ng maayos at mukhang hinihika. Ayaw niyang ipaalam sa'yo at baka'y mas lalo ka pang mag-alala."
Hays, si mama naman, oh. Palagi na lang may itinatago.
"Bakit hindi ninyo pinaalam sa akin? Mas lalo akong nag-aalala."
"Pasensya na, bunso. Utos iyon ni mama. Ngayon ko lang ipinaalam sa'yo dahil abala ako sa pag-aalaga kay mama."
Pakiramdam ko ay guguho na ang mundo ko nang malaman ang kalagayan ni mama. Dapat kasi hindi na lang ako umalis, upang may mag-alaga kay mama.
"Kuya, huwag ninyong pababayaan si mama. Maghahanap ako ng pera para ipadala sa inyo at upang may pambili na rin kayo ng gamot ni mama." Halos mapiyok na ako nang sabihin ko iyon. Ramdam ko ang panggigilid ng aking mga luha dahil lungkot at pag-aalala.
"Makakaasa ka, bunso. Oh, siya. Ibababa ko na ito. Maya-maya ay gigising na si mama, aalagaan ko pa siya." may bahid na lungkot ang kaniyang boses.
"Salamat sa pagtawag, kuya. Huwag na huwag ninyong papabayaan si mama." Iyon ang huling katagang sinabi ko at ibinaba na ang linya.
Napaupo na lang ako sa sahig dahil sa kaiisip sa sinabi ni kuya. Wala pa akong perang maipadala sa kanila sapagkat wala pa akong napapasukang trabaho.
Nakakahiya ring humingi kay Tito dahil alam kong may inaasikaso rin silang mas importante.
Isang patak ng luha ang tumulo sa aking mga palad. 'Di ko namalayang umiiyak na pala ako. Ang hirap pala sa pakiramdam ang mapalayo sa mga mahal mo sa buhay. Mas lalo kang mag-aalala sa kalagayan nila.
Dahan-dahan akong tumayo at pinunasan ang aking mga luha. Hindi ko alam kung anong ginagawa ko, ang alam ko ay dumiretso ako sa laptop ko at hinanap ang email ni Mr. Hawkins.
I was about to reply to his messages but something deep inside my feelings halted me for a second. Kahit labag sa kalooban ko ay tatanggapin ko na lang. Wala na akong ibang matatakbuhan ng tulong. Ayaw kong makaabala kay Tito kaya ako na mismo ang maghahanap ng paraan upang masolusyonan ang problema kong ito.
Nang mahanap ko ang email niya ay ilang segundo akong napako sa pwesto ko. Looking at his name makes me nervous. I still remembered what happened earlier when I first saw him. He was that fierce, scary and handsome man I've ever met.
Noong una ay natakot ako dahil sa tono ng boses niya at panlabas niyang anyo. Sino ba namang 'di matatakot sa kaniya? Kahit siguro tigre ay kaya niyang mapaamo.
Hindi naging matagumpay ay pag-reply ko sa kaniya. Mas gusto kong sabihin sa kaniya nang harapan ang magiging desisyon ko. Bukas na bukas ay babalik ako sa kompanya nila.
Inihanda ko ang mga dadalhin ko bukas, sa kabutihang palad ay mabilis naman akong natapos. Sandali akong humiga sa kama hanggang sa hinila na akong antok at nakatulog.
Harwin's POV
That crazy girl. She is really getting in my nerves earlier. She's annoying but at the same time, brave. No one's ever done that thing to me before. 'Yung sinigawan niya ako, I was shocked. I never knew women could be that fierce and loud.
Here I am again, standing in front of the glass window of my office. On my right hand is a glass of whiskey. Umiinom lang ako kapag gusto ko at kapag pagod ako. It's already 7pm. All of my workers got home to their families. Ako lang ang naiwan dito sa loob building at kasalukuyang nasa loob ng opisina ko.
Nang maubos na ang whiskey na iniinom ko ay tumalikod ako sa bintana at tumungo sa office table ko. I poured my whiskey and added extra ice to it. Agad ko naman itong nilagok at bumalik sa may bintana.
Minutes passed and I am still here. Hindi muna ako uuwi hangga't hindi ko pa natatanggap ang isang bagay na hinihintay ko. I sent her emails but she didn't responded. Maybe I was right, she doesn't wanna marry me. I only got two days to get married instantly or else my life will be doomed forever.
Siguro napatanong siya sa sarili niya, kung bakit basta basta na lang akong hihila ng babae at aaluking magpakasal kahit hindi ko naman kilala at mahal.
I can't risk our family's fortune. I need to get married immediately. I'm gonna do anything just to convince her.
Ilang oras na ang lumipas at hindi pa rin siya nagre-reply. Maybe she was surprised about how I got her email.
Seconds turn into minutes and minutes turn into hours, I'm still not receiving any replies from her.
Dahil sa pagkabagot ay naisipan kong umuwi na lang at magpahinga. My body is so tired, I need rest.
I locked my office door and walked straight to the elevator. Dumiretso ako sa driveway kung saan naroon ang sasakyan ko. Pagkapasok ko ng sasakyan ay agad ko itong pinaandar at pinaharurot paalis.
Dolly's POV
Ang aga kong nagising para maghanda sa magiging lakad ko. Babalik ako sa building ng Hawkins Company at kakausapin ko si Mr. Hawkins tungkol sa alok niya. I want things to be cleared, kung ano ba talaga ang dahilan niya at kung ano ang gagawin ko kung sakaling sasang-ayon ako.
Maraming katanungan ang nakatambak sa isipan ko ngunit hindi ko muna ito inisip at nagpatuloy lamang sa ginagawa.
Pagkalabas ko ng kwarto ay dumiretso ako sa kusina upang uminom ng tubig. Nadatnan ko sila Tita na nag-aalmusal.
"Oh, hija? Aalis ka?" takang tanong niya habang sumasandok ng kanin.
"Ah, opo. May pupuntahan lang." tipid na sagot ko. Hindi ko ipinapaalam kay Tita ang mga lakad ko. Ayaw kong mapagdudahan ako sa lahat ng kilos at ginagawa ko.
Naghahanap lang naman ako ng trabaho, simple as that. Hindi ako gumagawa ng kahit anong ilegal at nakakasama sa akin.
"Sige po. Aalis na po ako." pagpapaalam ko sabay tango.
Lumabas na ako ng bahay at pumara ng taxi.
Matapos ang ilang minutong byahe ay sa wakas, nakarating na ako sa building ng mga Hawkins.
Pagkapasok ko sa entrance ay napansin ako ng mga receptionist na nasa front desk ngunit tinapunan lang nila ako ng tingin sapagkat may inaasikaso silang ibang tao.
Pasimple naman akong naglakad papunta sa elevator. Narinig kong may sumigaw upang pigilan ako ngunit wala na akong pake. Ang tanging nasa isipan ko ngayon ay kailangan kong makausap si Mr. Hawkins.
Pagkapasok ko ng elevator ay pansin kong hinahabol ako ng receptionist na umalalay sa akin kahapon. Maabutan na niya sana ako nang biglang sumara ang elevator. Phew, buti na lang.
Nakarating na ako sa palapag kung nasaan ang opisina ni Mr. Hawkins. The glass windows caught my attention. It reminds me of what happened yesterday. Parang nag-flashback ang lahat ng nangyari dito kahapon. Napangiti ako nang makita ang napakagandang view mula sa aking kinatatayuan. It is still the same, walang pinagbago, naroon pa rin ang itinatangi nitong ganda.
Bumuntong hininga muna ako bago kumilos at naglakad. Malapit na ako sa pinto ng kanyang opisina. The moment when I reached the door, something deep inside halted me for a minute.
"Ikalma mo, Dolly. Kausapin mo lang siya." sabi ko sa sarili at binuksan ang pinto.
Pagkapasok ko ay isang gulat na mukha ang sumalubong sa akin. Kasalukuyan siyang nakaupo sa kanyang swivel chair at nakapatong ang mga paa sa kaniyang mesa. Hindi ba niya alam ang tamang pagupo? Inaamin ko, nakakaturn-off pa naman.
"Don't you know how to knock?" kalmado ngunit may bahid na pagkainis ang kaniyang boses. "You're barging, Ms. Dolly." dagdag pa niya. Hindi ko naiwasang maikuyom ang aking palad at napatingin naman siya sa mukha ko.
"What? You gonna blow up? Just like what happened yesterday? Please don't, I hate annoying women."
Aba! Nang-iinis ka pa talaga 'no? Kung wala lang akong respeto kahit kanino, inupakan ko na iyan at sinabit sa kisame nang patiwarik.
Pilit kong pinakalma ang sarili ko dahil ayaw ko nang mapahiya.
"There is something I need to tell you." panimula ko. Kumunot naman ang kanyang noo habang nakatitig sa kawalan.
"What?" He is surely pissed off.
"About what you said yesterday." The conversation continues.
"Oh, about marrying me? Nah, alam ko naman na hindi ka papayag." sarkastiko niyang sagot.
"Sorry for how I acted yesterday." I don't know why I said that but it feels like it is the right thing to do. Sino ba namang hindi magso-sorry, eh, napahiya ka na kahapon.
"Is that all?" Ramdam kong nabitin siya sa sinabi ko.
"About doon, pumapayag na ako." Napayuko ako nang banggitin ang mga salitang iyon ngunit kahit labag sa kalooban ko ay pakiramdam ko ito lang ang tanging paraan at solusyon sa problema ko.
"Really?" Nanatili pa ring kunot ang kanyang noo. Wala man lang ba siyang sasabihin? Pumayag na nga ako sa alok niya ngunit parang wala lang sa kaniya ang naging sagot ko.
"Seryoso ako. But before that..." Lakas loob kong sabi. Sinadya kong ibitin ang sasabihin ko.
"What?" Hindi pa rin nag-iba ang kaniyang ekspresyon.
"Give me the 1 million first." Seryoso na sana ako nang isang malakas na tawa lamang ang kanyang iginanti.
Pati siguro alikabok sa loob ng kwartong ito ay paniguradong naguguluhan sa naging reaksyon niya. Ano ba ang nakakatawa nu'n? Siya mismo ang nagsabi na kung magkano ang halaga ng sweldo ko kaya sinabi ko naman na isang milyon.
"What's so funny?" may bahid na inis ang tanong ko. Hindi pa rin siya tumigil sa kakatawa nang ito'y tumayo at humarap sa akin.
"You mean this?" Isang attache case ang kaniyang hawak-hawak at dahan-dahan itong itinaas. Akala niya ba ay aabutin ko iyan? Hindi ako tanga para pahiyain ang sarili ko 'no.
"What you want me to do with that?" sarkastikong sabi ko.
"Abutin mo." Isang ngisi ang kaniyang iginanti matapos sabihin ang mga salitang iyon.
"Ano tingin mo sa akin? Tanga?" lakas loob na sagot ko.
"I thought you want it?"
"Just give me the goddamn money." Dahan-dahang tumaas ang boses ko. Paano ba naman, eh, naiinis na ako.
"Oops! That is not how it works, honey."
"Well, what do you want me to do?" Just get straight to the point, you freak.
"First, you have to come with me in my house. Second, well, malalaman mo rin ang second step after you finished the first step." aniya at bahagyang natawa sa sinabi.
Sasama ako sa bahay niya? For what? Anong mangyayari? Am I gonna live with him for the rest of my life? Ang dami kong tanong!
"S-sasama ako sa i-iyo? Para saan?"
"Pack your things, malalaman mo rin bukas." aniya at saka tumalikod.
"What?" takang tanong ko.
"Just do what I said." aniya habang nakatalikod sa akin at nakapamulsa.
"Well, okay." Tatalikod na sana ako nang bigla siyang magsalita.
"And one more thing, bukas ng umaga, 7am, may susundo sa'yo. Make sure to pack everything you need, especially your necessities."
Iyon lamang ang idinagdag niya at saka ako naglakad paalis. 'Di man lang siya nagpaalam. Hays, akala ko gentleman 'to, hindi pala.
Ilang oras na ang lumipas mula noong nakauwi na ako mula sa pagbisita kay Mr. Hawkins.
Narito pa rin ako, nakahandusay sa aking kama. Pinapairal ko na naman katamaran ko. Hindi naman ako pagod, siguro wala lang akong ganang kumilos.
Matapos ang ilang minutong pagmumunimuni ay bigla kong naalala ang bagay na binanggit ni Mr. Hawkins. Tama, kailangan ko palang mag-empake, may susundo raw sa aking bukas ng umaga. May kung anong parte sa aking kalooban na nagsasabing napipilitan lang akong gawin ito dahil sa kalagayan ng mama ko. Aabutan pa siguro ng ilang buwan bago ako makahanap ng trabaho kung hindi ko agad tinanggap ang alok na ito.
Imbes na mag-overthink ay kumilos.na lang ako at nagsimulang mag-empake.
I started from my personal to necesssities. Isinama ko rin ang aking mga importanteng dokumento. Matapos kong mag -empake ay bigla akong nakaramdam ng kaba. Tama, wala pa lang kaalam-alam si tita tungkol rito. Anong kaya ang sasabihin niya kapag nakita niyang nagbalot ako ng mga gamit. Mag-ooverreact ba siya? Sasabihin niya ba kay Tito? Malalaman ba ito ni Mama?
Hindi ko napigilang masabunot ang aking buhok dahil sa iniisip. Napaupo na lang ako sa kama at napahilamos ang aking mga palad sa aking mukha. Mayayari ako nito kapag nalaman ni mama ang pinaggagagawa ko. Sino ba naman ang hindi mag-ooverreact? Papakasalan mo ang isang tao para lang sa pera at kagustuhan ngunit hindi sa pagmamahal, kapag nalaman ito ni mama ay mas lalo siyang magagalit at mag-aalala, hindi nakakatulong sa karamdaman niya. Better to keep it secret na lang. Zip your mouth, Dolly.
Napalitan ang aking ekspresyon mula sa pagmamadali hanggang sa pag-aalala. Paano ko ba mailalabas ang mga bagahe ko nang hindi nalalaman nila Tita? Siguro mas lalo silang magtataka at mag-aalala kung bakit bigla na lang akong nawala sa bahay nila nang walang pahintulot. Magpapaalam ba ako? Ano naman ang ira-rason ko? Hays, hindi ko kayang magsinungaling. Think, Dolly, think harder!
Ang hirap kapag nasa ganitong sitwasyon ka. Pakiramdam ko ay sinasakal ako ng reyalidad. Nakakainis.
Nang makapag-isip ay tumayo ako mula sa pagkakaupo at humarap sa pinto. Akma ko na sana itong bubuksan ngunit bigla akong hinatak ng kaba at pagda-dalawang isip.
Bumuntong hininga ako bago kumilos.
"Wala na akong ibang magagawa, mas lalo ko lang ipapahamak ang sarili ko kapag hindi ko ito gagawin." malungkot at dismayadong sabi ko sa sarili ko.
Bubuksan ko na sana ang pinto ngunit nagulantang ako nang bigla itong bumukas. Dahil sa gulat ay napaupo ako sa kama habang nanlalaki ang mga mata. Biglang pumasok si Tita habang may dalang pagkain.
"Oh, hija? Bakit hinihingal ka?"
She is right, hinihingal ako dahil kinakabahan ako, at dahil nasa harapan ko na siya. Hindi ja naman ako makapagsalita.
Napipi ako nang ilang segundo at napansin kong nakatingin siya sa mga bagahe ko.
"Aalis ka, hija? Saan ka naman pupunta?" takang tanong niya.
"A-ah, m-mag-babakasyon lang 'ho." Bruh, what am I talking about.
Biglang kumunot ang noo niya ngunit bumalik naman ito sa nakaraan niyang ekspresyon.
"Ah, mabuti. Kailan ka ba aalis?" What? Yun lang? Akala ko magtataka siya? Mas mabuti na nga ito kesa magtanong pa siya nang magtanong at baka wala na akong maisagot at mairason.
"Bukas po ng umaga." tipid na sagot ko. Hindi ako kailangang magpadalos-dalos. I have to be careful of what I am going to say. One wrong move, ipapahamak ko ang sarili ko.
Ugh! This is so wrong. I kept on lying these days. I don't think these are white lies. This is a dark secret. Huhu, what am I going to do?
"Mabuti kung ganoon. Oh, siya. Iiwan ko na itong meryenda mo, ah. Kumain ka na." aniya sabay lapag ng tray na may tinapay at juice sa aking kama.
"Sige po. Salamat." Tumango naman siya at lumabas. Pagkalabas niya ay dahan-dahan kong isinara ang pinto at ini-lock.
Phew that was a close call. Pakiramdam ko sinasakal ako noong mga oras na iyon. Hindi ako magalaw, wala akong maisagot nang matino.
Buti na lang hindi siya nagtaka. Sa tingin ko, maayos na siguro ang lahat. Makakapagpatuloy na ako sa mga gagawin ko.
Ilang minuto akong nakatunganga habang ngumunguya ng tinapay na ibinigay ni Tita sa akin kanina lamang. Isang bagay ang sumagi sa isip ko. Ano kaya ang mangyayari kapag sumama sa ako kanya? Ano kaya ang itsura ng bahay niya? Paniguradong mansion ang tinitirhan niya. Magkakaroon ba ako ng sariling kwarto? Ano bang gagawin ko doon? Susundin ko ba lahat ng utos niya? What if he wants me to satisfy him? Oh no. I can't do that. Kahit na ay bente dos na ako, ayaw ko pa ring gawin iyan. Huhu.
Sa loob ng isang oras ay nag-overthink ako nang malala. Hindi ko maiwasan, eh. Hays, sana lang ay tama itong ginagawa ko.
Harwin's POV
She finally agreed. Nice, now I can save our company without any upside downs. The company is now safe. Kahit papaano ay nakahinga rin ako nang maluwag.
Nakarating na ako sa mansion matapos ang ilang oras na pagmamaneho. Half-day lang ako sa trabaho ko dahil wala naman akong masyadong appointments this day. So I decided to go home na lang and take some rest. Right now, I need to focus on my priorities.
I immediately contacted my lawyer to prepare a marriage contract for me and Dolly. It must have a 1 year duration just to make sure.
Pagpasok ko ng mansion ay sumalubong sa akin si manang Nelya na may dalang tuwalya at isang baso ng tubig.
"Andito na ang pinakagwapo kong alaga. Halika't punasan ko muna iyang pawis mo. Paniguradong pagod ka na, eto tubig." Iniabot niya ang isang baso ng tubig at agad ko naman itong tinanggap.
"La, you don't have to do this. I'm not a kid anymore." kalmadong sabi ko.
"Ay sus! Bilin sa akin ng nanay mo na aalagaan kita. Ikaw na nga ang inaalagaan, ikaw pa itong ayaw." I don't have to argue anymore. Besides, tama naman siya, eh.
Hinayaan ko lang siyang punasan ang aking mukha at likuran. She's been doing this since I was young.
"Naayos mo na ba ang pino-problema mo, hijo?" I know what she is talking about. It's about the marriage for the company's sake.
"Yes, po." tipid na sagot ko.
"Sino naman ang nahanap mo?"
"I offered her at agad siyang pumayag. Mabuti nga 'ho, eh. Kung hindi ako agad nakahanap ng paraan ay paniguradong mawawala ang lahat ng pinaghirapan ni Dad. I wanted to make him proud."
"Mabuti naman. Oh, siya. Maghahanda muna ako ng hapunan." Matapos niyang punasan ang aking likuran ay agad naman siyang dumiretso sa kusina.
Umakyat naman ako sa taas upang magtungo sa aking kwarto. Pagkapasok ko ay pabagsak naman akong humiga sa aking kama. Gosh, it is a tiring day, not just a day but a tiring week.
Biglang sumagi sa isipan ko ang mga gagawin ko bukas. Right, darating nga pala ang maingay na babaeng iyon. Hays, wala na akong ibang mahanap at aluking magpakasal para sa negosyo. Mabuti nga lang ay pumayag siya. Sino ba naman ang tatanggi sa katulad ko, gwapo na mayaman pa. Hindi napigilan matawa sa mga iniisip ko.
Agad akong bumangon at kinontact ang aking personal stylist, organizer at lawyer. Tomorrow is her arrival, everything must be perfect.
"Prepare everything for tomorrow, ASAP." tugon ko habang may kausap sa telepono.
"As you wish, sir." sagot naman niya. Now everything is settled.
Agad akong lumabas ng kwarto nang walang suot na pantaas. Bumaba ako at dumiretso sa kusina. Nadatnan kong inihahanda ni manang ang lamesa para sa hapunan.
"Win, kumain ka na."
Tumango naman ako at saka nagtungo sa refrigerator at kumuha ng isang beer.
Bubuksan ko na sana nang bigla itong inagaw ni manang mula sa akin. Sinamaan niya ako ng tingin.
"What?" Kumunot ang noo ko sa naging pagkilos niya. May problema ba sa ikinilos ko?
"Ilang beses ko ba pinapaalala sa iyo, ha?" Unti-unting tumaas ang boses niya.
"Uh, wala naman akong ginawang masama, ah." dagdag ko. Ang akala ko ay makukuha ko ang bote ngunit nagkamali ako. Ibinalik niya ito sa refrigerator at padabog itong sinara.
"Kumain ka muna." maawtoridad na utos niya at dumiretso sa banyo. Tanging panlalaki lamang ng aking mga mata ang naging reaksyon ko sa nangyari.
What's happening? Wala naman akong ginawang masama, ah. Manang is acting like my mom again. Psh.
Sasandok na sana ng kanin nang bigla bumukas ang pinto at pumasok rito si Zeen, ang aking right hand man.
"Yow, boss! Hindi ko alam na nakauwi ka na pala." aniya in a teasing and sarcastic tone.
Hays, nang-iinis na naman ang kupal na'to.
"Mang-iinis ka na naman ba? Pag ako sumabog, 'tamo isasabit talaga kita sa kisame nang patiwarik." naiinis na usal ko.
"Chill, boss. By the way, rinig ko darating yung babae bukas. Anong plano mo?"
Sandali akong napaisip sa kanyang sinabi.
"I'm having a formal dinner tomorrow with Mr. Brighton and the girl."
"Naks, may pa-party pa si boss, ah." bahagya siyang natawa pagkatapos sabihin iyon.
"Shut up."
Patapos na ako sa kinakain ngunit hindi ko na lang ito inubos at dumiretso sa taas. Iniwan ko si Zeen sa baba, bahala siya riyan, mang-iinis na naman iyon.
Pagkapasok ko sa kwarto ay agad akong nag-shower ng ilang minuto. Pagkatapos ay humiga na ako sa kama at inatupag ang aking laptop.
Rinig ko mula sa kwarto ang ingay ni Zeen. Paniguradong dumating na iyong mga alalay ko.
Dolly's POV
Umaga na at malapit nang mag-ala siyete. Kailangan kong tumupad sa usapan, kung hindi, maghihirap na naman ako nito.
Hindi na ako nag-almusal at agad na nag-ayos sa sarili. Naka-empake na lahat ng gamit ko. Ang sabi niya ay may susundo raw sa akin, ngunit paano niya nalaman ang address ko? Wala naman akong pinagsabihan sa pagkakakilanlan ko.
Tulog pa sila Tita so I'm making my way to get out of here quietly, ayaw kong magulantang sila sa anumang kalampag at ingay na gagawin ko rito.
Pasimple akong lumabas ng kwarto at lumingon-lingon kung mayroon bang tao. Tahimik naman sa sala kaya't dahan-dahan kong inilabas ang aking bagahe at isinara ang pinto. Ala sais pa ng umaga kaya't medyo malamig pa sa labas.
Agad akong dumiretso sa front door habang hinihila ang aking maleta, katamtamang ingay lamang ang mayroon ito kaya paniguradong walang makakalaam at makakarinig sa mga kilos ko.
Lumabas na ako ng bahay at dahan-dahan kong isinara ang front door. Laking gulat ko nang may nakaabang na itim na sasakyan sa tapat ng bahay. Lumingon-lingon ako ngunit wala namang tao. Ikinuskos ko ang aking mga mata upang siguraduhing hindi ako nananaginip.
I am not dreaming. Totoong may nakaabang na sasakyan sa harapan ng bahay. Ilang segundo pa ay bumukas ito at lumabas mula sa loob ang isang lalaki. Napako ako sa aking kinatatayuan nang sya ay dahan-dahang lumapit sa akin at nagtanggal ng shades.
"Good morning, ma'am. Shall we go?" aniya habang nakatingin sa akin.
Napipi ako nang ilang segundo habang nakatulala sa mukha niya.
"U-uh, ikaw ba yung pinadala ni Mr. Hawkins?" Kailangan kong maging sigurado at baka'y dukutin pa ako ng mamang ito. Hindi ko naman ito kilala kaya't bakit ko pagkakatiwalaan?
"He is waiting for you at the mansion. He is giving you 30 minutes to get there as soon as possible." maawtoridad na sabi niya.
"Ay teka, nagmamadali ba siya?" takang tanong ko. Ang kapal naman ng mukha nu'n , ah. Pinagmamadali pa talaga ako? Shuta.
Ilang segundo na ang lumipas ngunit hindi niya ako sinagot, sa halip ay kinuha niya mula sa mga kamay ko ang aking maleta at tsaka naglakad papunta sa sasakyan. Aba ang bastos, ah. Nagtatanong ako hindi man lang sumagot? Aish.
Eto na ba ang simula ng bagong yugto ng aking buhay? Hindi ko inaasahan ang nga bagay at pangyayaring ito, ah. Nakakagulat.
-----next chapter-----