Harwin's POV
"Is everything settled?" tanong ko sa isa sa mga personal organizers ko. Tumango naman siya. The mansion is filled with classical designed balloons and other decorations, also.
I am having a private dinner with the girl and my lawyer.
Of course, kaya ako nagpalagay ng mga designs sa buong bahay to welcome her. Kailangan may kaunting feminine touch. Wala akong masyadong kaalam-alam sa mga kagustuhan ng mga babae kaya ang iniutos ko na lang ay lagyan ng kaunting pink ang mga designs.
Sa tingin ko ay nagmistulang barbie world ang buong mansion. Classical greece ang theme with a little bit pink touch, ngunit nasobrahan naman ata sa kulay rosas. Wala akong ibang magagawa. I wanted to make her feel that this place is home.
"Bakit ang daming pink?" kunot na noong tanong ko sa aking organizer.
Napalingon naman siya sa gawi ko. "Ang utos niyo po, sir, ay lagyan ng kaunting pink." aniya habang inaayos ang mga palamuti sa main dining table. Hinilot ko ang aking sentido saka nagsalita. "Oh, sige. Tapusin niyo na iyan. I wanted it finished as soon as possible." Tumango naman sila. My personal organizer gathered her team upang ayusin at lagyan ng palamuti ang buong mansion.
Habang paakyat ako papunta sa aking kwarto, biglang tumunog ang cellphone ko.
"I got her." Zeen texted me. It means him and Dolly are on their way here.
Muli akong lumingon sa baba and it seems the people down there are still busy with the decorations. I intentionally spent and paid 50,000 pesos just to make this day perfect and welcoming.
I have no time to waste, agad akong nag ayos sa sarili sapagkat naka white tshirt lang ako at denim pants.
Dumiretso ako sa walk-in closet ko upang magpalit ng damit. There was a knock at the door.
"Hijo, dumating na iyong inorder mong damit." sigaw ni manang mula sa labas.
Hindi pa ako nakakahubad kaya't lumabas ako sa closet at saka pinagbuksan ng pinto si manang.
"Aba'y napakaganda naman ng damit na ito, hijo. Bagay na bagay ito para doon sa babae. Ano nga pala ang pangalan niya, hijo?" aniya habang abala sa kaniyang ginagawa sa loob ng kwarto. Inilapag niya ang damit habang ako ay abala sa pagpili ng aking susuotin.
"You will know soon once she gets here." nakangiting sagot ko.
"Aba, nakakatuwa namang pakinggan iyan." aniya at saka lumabas ng kwarto. Nagpatuloy naman ako sa pag-aayos at tuluyang bumaba upang salubungin ang babae at si Zeen.
Sana naman ay magustuhan niya ang inihanda ko. Ayaw ko pa naman sa mga maarteng babae.
Dolly's POV
Ilang oras na biyahe mula sa bahay papunta sa mansion ni Mr. Hawkins. Aaish, ang layo naman pala ng bahay niya. Mas malayo pa ito kesa doon sa opisina niya. Good thing may sumundo sa akin, I got a free ride. Lol.
Nakarating na kami sa isang exclusive subdivision kung saan, sa tingin ko'y nakatirik ang mansion ni Mr. Hawkins.
Luxurious houses at engrandeng pathway ang sumalubong sa aking mga mata. I wish I could live here. Ay oo nga pala, dito na nga pala ako titira. Bobo mo, Dolly.
Pumasok ang sinasakyan naming kotse sa isang malaki at itim na gate. Ito na ba 'yung mansion na sinasabi ni Mr. Hawkins? Napakagara naman nito. Pagpasok ng kotse ay agad kaming sinalubong ng mga babaeng sa tingin ko ay mga katulong ni Mr. Hawkins sa bahay. Nakasuot sila ng uniform at may dalang mga bimpo.
Naunang lumabas ang lalaking sumundo sa akin na sa tingin ko ay alalay ni Mr. Hawkins. Lalabas na sana ako nang muli siyang sumilip sa bintana ng front seat kung saan siya ang nakaupo kanina at nagsalita.
"Wait for him." maawtoridad na utos niya. Aba, nakailan na 'to ah. Padabog naman akong sumandal sa kinauupuan ko at saka ikinrus ang mga braso, kanina pa ako naiinip at naiirita sa pwesto ko, gusto kong tumayo. Nananakit na nga 'tong mga balakang ko, eh.
Isang malakas na katok ang gumising sa akin mula sa mahimbing kong pagkakatulog. Ramdam ko ang lamig ng AC at ang amoy nito na bumabalot sa katawan ko. Napalingon ako sa may bintana nang maaninag ko ang isang anino na nakatayo sa labas ng sasakyan.
He was standing there, looking pissed and irritated. Che! Bahala ka dyan, akala mo ikaw lang yung naiinis kapag pinaghihintay.
Bumuntong hininga naman ako at saka binuksan ang pinto. Agad kong naramdaman ang mainit na temperatura na unti-unting pinapalitan ang lamig na naramdaman ko sa loob ng sasakyan.
He offered me his hand ngunit tiningnan ko lang iyon. Tatanggapin ko ba yan? Nakakainis ka rin, Mr. Hawkins. Akala mo nakakatuwa yung pinaghihintay.
Biglang nag-iba ang kanyang ekspresyon nang dahil sa iniasta ko. Mula sa pagiging kalmado hanggang sa pagiging seryoso ang mukha. Napasigaw na lang ako nang bigla niya akong buhatin at unti-unting naglakad papasok sa mansion.
"Woi! Ibaba mo ako! Kaya ko naman maglakad! T*ngina naman oh! Ibaba mo ako sabi!" pagmamatigas ko.
Pinaghahampas ko ang kanyang likuran ngunit hindi pa rin sya kumibo. Instead, nagpatuloy siya sa paglalakad papasok ng mansion.
"Woi, Mr. Hawkins! Ibaba mo ako ano ba!" sigaw ko.
Nang makapasok na kami ay dahan-dahan niya akong binaba at tsaka pinagpag ang kanyang sinusuot.
Inis kong inayos ang aking sarili at padabog na ibinaba ang bag na hawak ko.
"Ano ba!? Are you out of your mind!?" sigaw ko sa harapan niya.
Nagulat na lang ako nang bigla niyang hawakan ang aking mukha at inilapit ang kanyang mukha sa akin.
He gave me a smirk before saying a word.
"You're too loud, miss." He said at mas lalong inilapit pa niya ang kanyang mukha sa akin. Napalunok ako nang maamoy ang kanyang pabango, pinilit kong kumalma ngunit kaba ang nangingibabaw sa akin sa mga oras na ito.
He's still looking at my eyes, making nervous at the same time.
"U-uhm.." I can't even say a word, the way he stares at me, it's making me uncomfortable.
Maya-maya pa ay dahan-dahan niyang binitawan ang aking mukha saka inayos ang kanyang neck tie.
"Your room is ready upstairs, Nana will be the one to guide and assist you." aniya at saka ako tinalikuran. Pinanood ko siyang maglakad papalayo sa kinatatayuan ko.
I don't know how long I stared at him hanggang sa bumalik ako sa huwisyo nang may nagsalita mula sa aking likuran. Isang matandang babae ang kasalukuyang nakatingin sa akin. Maamo ang kanyang mukha, sa tingin ko'y nasa 50 or 60 years old na sya.
"Gusto mo ba ng maiinom, Ineng?" aniya at inalok ang isang baso ng tubig.
"Uh, salamat po." sagot sa kanya. Isang ngiti naman ang iginanti niya sa akin.
"Tulungan na kitang iakyat ang mga gamit mo upang makapag-agahan ka na rin." prisinta niya. "Ah, huwag na 'ho, ako na po ang mag-aakyat." nakangiting sagot ko.
"Ah ganoon ba? Ituturo ko na lang sa iyo ang daan patungo sa magiging kwarto mo." aniya at nagsimulang maglakad. Sinundan ko naman siya dala ang aking mga gamit. Hindi ko maiwasang igala ang aking mata sa napakagandang mansion na ito. Gaano ba sya kayaman? Sa tingin ko nasa mahigit milyon ang halaga ng bahay na ito, hindi pangkaraniwan.
Ngayon ko lang napansin ang mga dekorasyong nakapalibot sa loob ng bahay. Inihanda niya ba ang mga iyon para sa akin? In fairness, may taste din sya. I bet it's classical greece with pink touch, ang cute.
Matapos ang ilang segundong paglalakad ay nakarating na kami sa kwartong tutuluyan ko. Pagpasok ko ay bumungad sa akin ang modern interior designs ng napakalaking kwarto na ito, kapansin-pansin din ang kulay beige na mga bedsheets at unan. Ang gara ng kwartong ito. Am I living my best dream na ba?
"Maligayang pagdating sa kwarto mo, make yourself at home." biglang salita ng matanda at saka ngumiti sa akin.
"Salamat po." sagot ko habang nakangiti.
"Oh siya? Bababa muna ako, ah. Maghahanda lang ako ng makakakain mo. Tawagin mo lang ako kapag may kailangan ka. May telepono dun sa side table ng kama, gamitin mo iyon kapag may kailangan ka." Nilingon ko naman ang side table na sinabi niya at nandoon nga ang isang telepono na pwede kong gamitin.
Tumango naman ako at saka siya tumalikod at lumabas ng kwarto. A sound of a door shutting left the entire room into a glimpse of silence.
Bumuntong hininga naman ako at saka napaupo sa kama. Ang lambot ng kama, at dahil 'di ko mapigilan ang sarili ko, napahiga ako at sandaling pumikit upang huminga ng malalim.
Biglang sumagi sa isip ko si mama at mga kapatid ko. Hindi pa nila alam ang tungkol dito, mas mabuti muna kung hindi ko muna ipapaalam sa kanila upang hindi na rin sila mag-alala. I know it's a tough decision to lie for good. Ngunit wala akong ibang magawa but to keep my mouth shut for a while. Darating din ang panahon na ipapaalam ko sa kanila ang mga naging desisyon ko tungkol dito.
Hindi muna ako nag-isip ng negatibo. Agad akong bumangon at dahan-dahang inayos ang aking mga kagamitan.
Don't worry, I can handle this naman.
–nextchapter–