Chapter 6

2698 Words
"The Dinner" Yezorro Hawkins' POV What a tiring day, I need a coffee and also a food. Kung may panulak, dapat may pambara. Sumandal ako sa aking swivel chair at saka kinuha ang aking cellphone upang mag-dial. Magpapadeliver na lang ako ng pagkain, nakakapagod bumaba, nasa ikalabing anim na palapag pa naman nakatirik ang opisina ko. "Hi, can I have two hot cocoa with fries and pizza?" Para akong buntis, kahit ano na lang ang kine-crave ng tiyan ko. Wala na akong pake dun, basta makuha ko lang ang gusto ko. "Sure, that would be 500 pesos, sir." sabi ng babae mula sa telepono. Ang mahal naman, wala bang pa-discount diyan? Nagtaka ako sa biglang pagtrato ng store sa akin. Noon binibigyan nila ako ng discount dahil regular customer na ako. May nag-change ba sa sistema nila? Hindi ba kilala ng babaeng 'to kung sinong kausap niya? Even thought I'm confused, I still tried to keep calm "Uhm, miss. Can I have a discount? Ba't ang mahal naman?" I frankly asked. "Sure, sir. No problem. May I know your name and address?" "Yezoro Hawkins, from Hawkins Co." nakangiting sagot ko. Ilang sandali pa ay narinig kong may kausap siya at mukhang nagkakagulo pa. "Oh, sir Hawkins? I'm so sorry, hindi ko po alam na isa ka palang regular customer ng store namin. Baguhan lang po kasi ako, sir. I am deeply sorry." "Oh, no problem, miss. Pakibilisan na lang ang pag-deliver." Oo, I know it's a little bit harsh to say that, pero nagugutom na talaga ako. Magbabayad naman ako ng extra tip para 'di naman unfair. "Okay, sir. Will that be all, sir?" she asked. Her voice is kinda cute though. Medyo mahinhin. "Yes, that'll be it." Paikot-ikot pa rin ako sa swivel chair ko. "Okay…." Ibababa ko na sana ng linya nang may naisip akong pakulo. "Uhm, can I ask a favor?" "Sir?" "Pwedeng ikaw mismo yung mag-deliver dito sa office ko?" Nakangising tanong ko. I wanna meet this girl, not because of how she treated me earlier. It's something personal. "A-ah, s-sir?" "I want you to be the one to deliver my food." maawtoridad na tanong ko. Kailangan kong maging strict para maangas. "Let me ask my manager first, sir." She said. All I hear was chattering from the phone. It looks like they agreed for what I asked. "Okay, sir. Ako na po magde-deliver." "Nice, thank you, miss." sagot ko bago ibinaba ang linya. A sudden feeling made me feel excited. It feels like I wanna meet her right now. I don't even know her personally but the moment we talked through the phone, kakaiba ang naramdaman ko. Umayos ko sa pagkakaupo at saka hinilot ang aking sintido. Ilang minuto pa ay biglang nag-ring ang telepono. Agad ko naman itong sinagot. "Hello?" "Bro, this evening. Don't forget." My eyebrows raised when he said that. I know what he meant. He wants me to join him for dinner. "Oh, okay. I'll be there in 7pm." "6pm." Bakas sa tono niya ang pagiging maawtoridad. Bahagya akong nagulat sa sinabi niya. Seryoso? "6? I don't think so." Narining ko siyang bumuntong hininga. Oh no. "Yezorro, 6pm." Nakaramdam ako ng kakaibang kaba nang mapagtanto kong bahagya siyang nainis nang dahil sa pagtutol ko. Alam ko na kung anong gusto niyang ipahiwatig. He is having a dinner with an attorney. There he is again, being in a bossy mode. Psh. "Okay okay, fine. 6pm will do." Kahit labag sa loob ko ang naging desisyon ko ngunit sana ay tama 'yon. Ayaw kong mayari kay kuya. "Susunod naman pala, eh. Psh, Yezorro. I'll drop this now." "Okay, bye.", sagot ko at ibinaba ang linya. Sa lahat ng pagkakataong binabanggit niya ang pangalan ko, I can feel his presence trying to scare me the way Dad does. He got that same Dad attitude. No wonder na bigla na lang akong kakabahan kapag si Kuya na ang pinag-uusapan. Napatingin ako sa relo ko at it is already 5:15 in the afternoon. It's getting darker outside. Where's my food? Nagugutom na talaga ako. Psh. May lakad pa ako, oh. Kasalukuyang nakahiga si Dolly sa kanyang kama. Nakatingin sa kawalan at malalim ang iniisip. "Tama ba 'tong ginagawa ko? Now that I'm here. Ano na ang gagawin ko? Hindi ko alam kung anong susunod na mangyayari." Bumalik siya sa huwisyo nang may kumatok sa pinto. Dahan-dahan itong bumukas at pumasok mula roon si Manang na may dalang gown na nakabalot pa ng plastik. "Hija, pinapaabot ni sir Harwin. Para sa iyo raw 'yan.", aniya at saka inabot sa akin ang gown. Anong gagawin ko dito? Syempre, isusuot mo 'yan. Pwede mo rin gawing basahan. Psh. "Ah, para saan 'ho 'to?", takang tanong ko. "May gaganaping dinner mamaya si sir Harwin. Kailangan mo raw isuot 'yan. Naku, sigurado akong babagay 'yan sa katawan mo. Sa ganda mo ring 'yan." natatawang sagot ni Manang. Hindi ko naman napigilang mapangiti. "Ah, ganoon 'ho ba. Salamat po." Tumango naman siya at lumabas ng kwarto. Napatingin ako sa hawak ko. This gown is exquisite. It has diamond blings placed all over the edge. Idagdag mo pa 'yong kulay niyang rose gold. Evening gown type indeed. Inilapag ko ito sa kama at saka tumungo sa banyo. Naghilamos ako saglit at tiningnan ang sarili sa salamin. The face says it all. I'm nervous and unsure about my decision. Sa mata ng tao, hindi pangkaraniwan itong ginagawa ko. This feels super wrong. But I had no choice but to grab the opportunity. May parte sa kalooban ko na nagsasabing umalis na lang ako sa pamamahay na 'to. Paano kung hindi alam ng mga magulang ng lalaking iyon na naninirahan na ako sa mansion ng anak nila na hindi man lang pinakilala sa kanila nang maayos? Panigurado akong mapapahiya ako sa ginawa namin. Kailangan kong ihanda ang sarili ko sa mga posibleng mangyari. May gaganapin daw na dinner mamayang gabi. For sure, darating ang mga magulang ng lalaking 'yon, ipapakilala na niya ako sa kanila, kahit hindi naman talaga kami pormal na nagkakilala. He just hired me to be his fake wife. But the question is, for what reason kung bakit niya ginawa 'yon? Siguro mamaya ko na lang itatanong. Kailangan ko nang maghanda, physically and mentally. Mabuti na 'yon kaysa hindi. Naligo muna ako saglit at saka nagbihis.Matapos kong magbihis ay agad ko namang inayos ang aking buhon at naglagay ng kaunting make-up. I looked at the time and it's already 6pm in the evening. Mamaya ko na isusuot ang gown. Ayaw kong magkaroon iyon ng gusot. At dahil nababagot na ako sa kwarto ko. Naisipan kong lumabas at libutin ang buong mansion. Tumungo ako sa kusina kung saan abalang nagluluto si Manang. Agad nama niya akong napansin. "Oh, hija. Gutom ka na ba?" To be honest, oo. Sino ba namang 'di gugutumin dahil sa pagkabagot? "Ah, opo. Pwede pong humingi ng tubig?" Nahihiya ako kay Manang, para bang siya lang ang nag-aasikaso sa akin dito. "Oh, heto." aniya at saka iniabot ang isang baso ng tubig sa akin. "Anong gusto mo, hija? Rice or bread or cookies?" Cookies? That sounds great. "Ah, yung cookies na lang po." sagot ko. She grabbed the box full of cookies from the shelf at saka nagsalin ng gatas sa isang mug. "Oh, ayan, hija. Kumain ka. Alam komg pagod ka, kailangan mong bawiin ang lakas mo." Tumango naman ako at nagsimulang kumain. "Manang, kayo lang po ba mag-isa dito na katulong ni sir Hawkins?" Base sa naobserbahan ko, mukhang siya lang mag-isang kumikilos dito sa loob ng mansion. It's a big house for her to do all the tasks, aside from she is old, she shouldn't be doing all the household chores all by herself. "Ah, tungkol d'yan. Sabihin na lang natin na ako ang head maid sa bahay na ito. May mga kasama naman akong mga kasambahay, kaya lang, pinagbakasyon muna ni sir Harwin ang mga iyon." Kumunot ang noo ko sa narinig. Paano si Manang? Hindi man lang siya pinagbakasyon ni sir Harwin? "Eh kayo po? Bakit 'di po kayo pinagbakasyon?" Patuloy pa rin ako sa pagkain habang pinakikinggan si Manang. "Ayos lang naman sa akin na hindi muna ako magbakasyon, alam kong kailangan ako ni sir Harwin sa pamamahay na ito. Simula nong nagsarili na ang batang iyon ay ako na ang nag-aasikaso sa kanya at sa pamamahay na ito." I can't help but to be stirred up to wonder. "Noong maliit pa iyang si Harwin at ang mga kapatid niya ay ako na ang nag-aalaga sa kanila. Masyadong abala ang mga magulang nila kaya't ginawa ko ang lahat ng makakaya ko upang alagaan sila nang tama…" "Mabait po si sir Harwin?" takang tanong ko. Based on how he treated me earlier, mukhang hindi naman. Hindi ko napigilan ang bahagyang matawa nang dahil sa narinig. "Naku, hindi lang mabait. Napakabait. Siguro hindi mo pa siya nakikilala nang maayos, pero habang tumatagal ang panahon, ay mas lalo mo na siyang makikilala." Hanga ako kay Manang, kahit na abala siya sa paghuhugas ng mga pinggan ay nagawa niya pa ring makipagkwentuhan sa akin. No wonder kung bakit siya kinuha ni sir Harwin bilang katulong sa bahay niya. She can take care of everything. Hindi ko pala namalayang tapos na pala ako sa ginagawa. Pinunasan ko ang aking bibig at saka nagsalita. "Ah, manang. Aakyat na 'ho ako. Salamat po sa pagkain.", nakangiting salita ko. "Oh siya, sige. Magpahinga ka muna, tatawagin na lang kita kapag nakahanda na ang hapunan." "Sige po." Tumango naman ako at saka dahan-dahang naglakad paakyat ng hagdan. Habang naglalakad patungo sa aking kwarto ay napansin kong bukas ang pinto ng aking silid. Wala akong naaalalang iniwan ko ang pinto nang nakabukas. I think someone is inside. Who would it be? Dahan-dahan akong naglakad patungo sa pinto. Nagulat na lang ako nang maabutan ang isang babaeng nakaupo sa aking kama at abalang kinakalikot at cellphone. Nakasuot ito ng kulay beige na hoodie jacket at itim na jogger. Mahaba at kulay brown ang kanyang buhok at tinatabunan nito ang kanyang mukha. She looks like she is in her teenage years. I tried to be calm to not startle her. It seems like she is busy, I understand that but this is my room. "Ehem, uhm. May I know your name?" It seems like she heard me. She took of her earphones at inihawi ang iilang hibla ng kanyang buhok na nakaharang sa kanyang mukha at tumitig sa akin. "Who are you?" she asked in a cold tone. "U-uhm. I am Dolly, Harwin's gir-" "Kuya's girlfriend?" She raised one of her eyebrows and gave me a smirk. "Uhm, not really." Kakaibang kaba ang naramdaman ko nang bigla niyang itanong yon. Hindi naman ako girlfriend ni Harwin, hindi niya rin ako asawa. Ano nga ba ako sa buhay niya? "Not really? But it seems like you are. Ang galing niya pumili, ah." she smirked again. She has that deep voice an ordinary girl could have. I bet her style and vibe is common in this world. Cool kid kumbaga. "Uhm, what are you doing here?" lakas na loob na tanong ko. "Oh, this is your room?" turo niya sa sahig. "Uhm, yes?" sagot ko. "You're not sure?" she asked in a sarcastic tone. Bakit ba everytime na tumitingin siya sa akin habang nagtatanong ay kakaibang kaba ang dulot niya sa katawan ko? "This is my room. And uhm, if you don't mind…" Pasimple siyang tumayo at humarap sa akin. My eyes are starting to scan her face. Matangos ang ilong, fair complexion and has brown eyes. She is beautiful, I admit it. "I'll go out na lang. It seems like magbibihis ka or something. Sorry for bothering." Her eyes were looking down while saying that. "No, it's okay. I just need this. May gagawin lang ako saglit. You can go back here kapag natapos na ako." nakangiting sagot ko. "Well, okay." Her eyebrows raised and her eyes were still looking down. She started putting her earphones back at isinilid ang kanyang mga kamay sa magkabilaang bulsa ng kanyang hoodie jacket. Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa pinto upang lumabas. Tatalikod na sana ako nang magsalita siya. "Oh, and by the way. I'm Zeimour Hawkins, nice to meet you." She looked at me grinning. Tumango naman ako at sumagot. "Nice to meet you too." She smiled and went out of the room. What a nice name. Is she his sister? Nakalimutan kong itanong. Mabuti pa't maghilamos muna ako upang makapaghanda na para sa dinner. Sigurado akong formal at enggrandeng dinner yung gaganapin. I have to be presentable. Matapos kong maghilamos ay agad naman akong nag-ayos. Nakailang hilamos na ba ako ngayong araw? Ganito ba ang epekto ng kaba? Pasmado na nga ang mga kamay ko dahil sa ilang beses na pagkabasa sa tubig. Kailangan kong mag-retouch dahil natanggal na rin ang makeup ko. Ewan ko ba kung bakit ako kinakabahan. Hindi ko naman kaano-ano ang mga taong nakatira dito, pakiramdam ko tuloy, magiging sampid lang ako rito. Imbes na magdrama ay nagpatuloy na lang ako sa ginagawa. Iniisip ko kung ano ang naging purpose ko kung bakit ko tinanggap ang alok ni sir Hawkins. It's not the easy, unusual offer yon. Mapapaisip ka talaga kung tatanggapin mo ba yon o hindi. Pero kailangan ko munang linawin ang kung ano at paano ang magiging trabaho ko sa kanya. I need to ask him first. Maya-maya ay may biglang kumatok sa pinto. Tumigil muna ako sa ginagawa upang tumayo at pagbuksan kung sino man ang nasa labas. Pagkabukas ko ng pinto ay sumalubong ang matipunong katawan ni Harwin na kasalukuyang nakatayo sa harap ko. Napalunok ako nang maamoy ko ang kanyang pabango. Iilang sentimetro lang ang pagitan naming dalawa, pakiramdam ko tuloy unti-unti akong sinasakal. Napasinghap ako nang bigla niyang hawakan ang aking braso at dahan-dahan akong hinawi paalis ng daan. Pumasok siya sa kwarto ko at may inilapag sa aking kama. "A-anong ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong ko. Hindi siya sumagot at nagpatuloy lamang sa ginagawa. Isang attache case ang nakalapag sa kama at agad niya itong binuksan. Pansin kong may kinuha siya mula sa loob at yon ay isang alahas. "Uhm, sir Harwin.." "Just call me Harwin." tipid nitong sagot. "About sa magiging trabaho ko, kailangan ko lang linawin." "Mamaya mo na malalaman. Take this and wear it." Iniabot niya sa akin ang isang diamond necklace at agad ko namang tinanggap. May kabigatan ang alahas na 'to at kailangan kong mag-ingat. Alam kong hindi 'to fake dahil mabigat at makinang pa. Sigurado akong mamahalin rin 'to, sa yaman niyang yan, imposibleng hindi niya afford ang ganitong mga alahas. "What am I gonna do with these?" Bahagya kong inangat ang aking hinahawakan at tumingin sa kanya. Sa pagkakataong ito, hindi na naman siyang sumagot. Sapagkat, lumapit siya sa akin at kinuha mula sa aking mga kamay ang alahas. Pumwesto siya sa aking likuran at ramdam kong lumapat ang alahas sa aking leeg. Hinawi niya ang iilang hibla ng aking buhok mula sa aking likod at saka inayos sa pagkakapwesto ang alahas. "Stay still." maawtoridad na utos niya. Unti-unti bumalot ang kaba sa aking katawan nang maramdaman ko ang kanyang mga kamay na nakapatong sa aking balikat. "All done." I can feel his warm breath in my nape. Mas lalo pa nitong pinabilis ang t***k ng aking puso. Napatingin ako sa aking suot at napangiti. How beautiful, I never worn any of this before. Abala siya sa pagsasara ng attache case habang ako ay abala rin sa panonood sa kanyang ginagawa. Maya-maya pa ay nagsalita siya. "I'll be waiting for you downstairs, be there in 20 minutes." aniya at saka lumabas ng aking kwarto. A sound of the door shutting made its way to create a silence in my room. Naiwan naman akong tulala sa loob. Bumalik ako sa huwisyo nang mapagtanto ang kanyang sinabi. Okay, so basically, kailangan ko nang maghanda. Magsisimula na ang dinner and sigurado akong kailangan niya ako don. It's my job to act like his wife, even thought there is no love between us. This is really hard. I need to find a way to overcome this. —— next chapter ——
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD