Ilang oras na ang nakalipas mula noong makaalis si Harwin sa bahay. Nakakabagot kapag ikaw lang mag-isa sa napakalaking pamamahay na 'to. Wala akong masyadong magawa. Napagpasyahan ko na lang na maligo upang mahimasmasan ang pag-iisip ko. Matapos kong maligo ay dumiretso ako sa kusina upang punan ng laman ang tiyan ko. Habang kumakain ay biglang sumagi sa isipan ko ang mag-shopping. Plano ko rin naman ang mamili ng mga bagong damit kaya binilisan ko na lang ang pagkain at saka nagbihis.
Pagkatapos kong magbihis ay hinanap ko si manang at saktong nakita ko siya sa garden na abala sa paglilinis. Agad akong lumapit at saka nagpaalam na may bibilhin lang. "Manang, aalis lang 'ho ako saglit. May bibilhin lang po." Nakita ko kung paano naguluhan ang matanda. May mali ba sa sinabi ko? "Saan ka ba pupunta, hija?" naguguluhang tanong niya. "May bibilhin lang po, diyan lang sa supermarket."
"Ah ganoon ba? Bakit hindi ka na lang magpahatid sa driver ni Harwin? Baka maabutan ka ng dilim, delikado na. Siguradong hindi 'yon magugustuhan ni Harwin."
"Ah, huwag na 'ho, nakakahiya. Kaya ko naman pong mag-commute." nakangiting tugon ko. "Ganoon ba, ineng? Oh siya, sige. Umuwi ka agad bago maghapunan." bilin ng matanda. Tumango naman ako at saka nagpasalamat.
Pagkalabas ko ng gate ay saktong may dadaang taxi pumara ako at sumakay. "Manong, sa Goodwell Supermarket lang po." saad ko. Sabi sa internet, 'yon lang ang pinakamalapit na supermarket mula sa bahay ni Harwin. Tumango naman ang driver at saka nagsimulang paandarin ang taxi. Habang abala sa pagbibilang ng barya ay inihanda ko na rin ang listahan ng mga bibilhin upang makatipid sa gagastusin.
Matapos ang ilang minutong byahe ay nakarating na ako sa supermarket.
Dumiretso ako sa aisle kung saan naroon ang mga damit pambahay at mga comfy garments. Iilan lang ang mga pinili kong damit sapagkat nagtitipid ako. Pansamantala ko munang gagamitin ang aking savings para sa pamimili. Nagpatuloy ako sa paglalakad habang tinutulak ang shopping cart hanggang sa makarating ako sa food aisle. I only grabbed a few things I can to satisfy myself. At syempre dala ko ang aking listahan at baka may makalimutan akong bilhin. Halos isang oras rin akong paikot-ikot sa loob ng supermarket.
Matapos kong ayusin ang aking mga pinamili sa shopping cart ay agad akong tumungo sa cashier upang magbayad. Habang naghihintay sa pila ay nakasalubong ko ang isang babae na bigla na lang humirit.
Narinig ko mula sa aking likuran ang mga bulungan at asik ng mga mamimili. Umakyat ang dugo ko dahilan upang mamuo ako sa inis. Hindi ba siya marunong sumunod? Talagang inuubos niya ang pasensya ko, ah. I bet she saw us patiently waiting in line.
Pinilit kong pigilan ang sarili ko mula sa pag-react ngunit nabigo ako. "Excuse me, maam?" tawag ko sa babaeng humirit sa pila. Mahinahon ko siyang tinawag dahilan upang lumingon siya sa gawi ko. She was wearing sunglasses and I think she is still in her 60s. "Uhm are you aware na nakapila po kami dito?" mahinahon kong tugon. Ibinaba niya ang kanyang sunglasses mula sa pagkakasuot saka tumingin sa akin. "What's your problem, dear?" Kumunot ang noo ko nang dahil sa naging tanong niya. Seriously? Bingi ba siya? Umayos siya habang may natitira pa akong respeto sa kanya.
"Problema ko po? Yung mga taong biglang hihirit sa pila. That, that's my problem." Patuloy pa rin anh pagbubulungan ang mga taong nakapalibot sa amin. Paano, masyado siyang pabida. Nakapila kami nang maayos dito tapos bigla siyang hihirit?
"Excuse me, dear? Ako humihirit?" Naningkit ang aking mga mata nang dahil sa naging tugon niya. I am trying my best to calm myself down. Don't try my patience, ma'am. Napatiim bagang ako nang dahil sa inis at pagkairita.
"Yes, ikaw po yung humihirit sa pila." I raised one of eyebrows while looking at her. Ilang sandali pa ay umangal na ang mga mamimiling nakapila sa likuran ko. "Umalis ka na diyan!"
"Oo nga, nakakaabala ka pa sa pila, oh!" sigaw ng mga mamimili. Maya-maya pa ay nakayuko siyang umalis sa pila at naglakad papalayo. Napansin kong naiwan niya ang kanyang mga ipinamili. That deserves her. Hindi marunong sumunod sa mga patakaran.
Harwin's POV
"Thank you, sir." tugon ng isa sa mga empleyado ko. Hinilot ko ang aking sentido bago tumingala sa kisame upang bumuntong hininga. I just talked with an investor earlier this day and it went well. Maayos naman ang nagiging takbo ng kompanya.
Sumandal ako sa aking swivel chair at napapikit nang maramdaman ko ang biglang pagdalaw ng sakit sa aking mga mata. Aaminin ko hindi ako nakatulog nang maayos kagabi dahil sa kakaisip sa kompanya. Biglang sumagi sa isip ko ang babaeng pinakasalan ko nang walang pagmamahal na namamagitan sa aming dalawa. The way she fixed my necktie earlier, an unusual feeling made its way into my veins, causing my heart beating rapidly. Her touch, I admit it, it's driving me crazy. Ngunit hindi ako pwede
Napasabunot ako sa aking buhok nang mapagtantong iniisip ko ang babaeng 'yon. Ano nga ba siya sa buhay ko? Simple lang, gumaganap na asawa ko. May purpose ako kung bakit ko siya inalok. Nakasaad sa akda na "A CEO must be married before he/she reaches his 30s." And no matter how many times I tried to look for a wife, nothing happened! Instead, naging palpak lahat.
Hindi ko alam kung anong naisip ko noong unang pagkakataong nakilala ko siya. There is something in my instinct that is telling me to ask her to be my wife. I don't know her personally but the feeling, the unusual feeling is forcing me to commit such an act. And perhaps it went well.
Maya-maya pa ay nakarinig ako ng katok mula sa pinto. "Come in." tipid na sagot ko at umayos ng pagkakaupo. Ilang beses kumurap ang aking mga mata nang dahil sa kirot. Siguro ay dulot ito ng pagod at pagka-stress.
"Sir, may bisita po kayo." wika ng isa sa mga assistant ko. Tumango naman ako at sumang-ayon na papasukin ang kung sino man 'yon. Sana lang ay hindi niya sasayangin ang oras ko. Marami pa akong gagawin. Dapat ay hindi muna ako tumatanggap ng bisita sa ganitong mga oras pero sa tingin ko ay importante ang isang 'to. Hindi basta-bastang nakakapasok ang mga bisita ko sa aking opisina, pwera na lang kung kakilala ko sila o isang elite visitor. Napabuntong hininga ako nang maramdaman ang muling pagkirot ng aking mga mata.
Ilang sandali pa ay laking gulat ko nang pumasok si Ma. Napatayo ako sa gulat dahilan upang manlaki ang kanyang mga mata. "Ma, ikaw pala. What are you doing here?" takang tanong ko. Kilala ko si Ma, hindi yan pupunta sa opisina ko kung wala siyang kailangan sa akin. "What? Am I not allowed to see my son?" She raised her eyebrows and gave me a teasing grin. Kakaibang kaba ang bumalot sa aking katawan. Alam na niya kaya ang tungkol sa ginawa ko?
"Upo ka." prisinta ko. Naupo naman siya sa sofa at ganoon rin ako. Sinenyasan ko ang aking assistant upang maghain ng tsaa. Bumalot ang katahimikan sa pagitan namin ni Ma. Ilang sandali pa ay lumapit ang isa sa mga assistant ko sa gawi namin upang ihain ang tsaa. "Thank you." Tumango naman ito at lumabas ng silid.
Ilang beses akong napabuntong hininga habang humihigop ng tsaa. Maya-maya pa ay biglang nagsalita si Ma.
"You seem tired." Wait, she noticed that? Yeah, obviously I'm tired. "Uhm, yeah. Kinda." She seems confused. "Kinda?" bahagya siyang natawa habang humihigop ng tsaa. "By the way, can you tell me all about what happened last night? When Mr. Brighton visited your house." Last night? Yung proposal?
"How did you know about that?" takang tanong ko. It must be Yezorro who told her. f**k! "Your brother told me. I asked Zei but she didn't responded appropriately. Ang sabi niya ikaw ang dapat kong tanungin tungkol dyan. She never told you anything?" Her eyes were looking at me.
Naihilamos ko sa aking mukha ang aking mga palad bago bumuntong hininga at ipinatong ang magkabilang siko sa aking tuhod. "It was all about the proposal. Zei never told me anything about your surprise visit." tugon ko na may halong kaba.
"You brought the girl to your mansion without telling me?" Kumunot ang noo ko nang dahil sa naging tanong niya. Ano ba ang pakialam niya? Ginagawa ko na nga ang lahat upang hindi mabawi mula sa akin ang kompanya and now she is here, nagging about the situation na pinasok ko.
"Why do you care, Ma? It's my house. I can do whatever I want." Napatiim bagang ako nang dahil sa naging reaksyon niya. "And I am your mother. I have the power to take away your Dad's property from you, my son. Don't try my patience. All I'm asking is bakit hindi ka nagpaalam?" Muli niyang inangat ang tasa at mariing humigop ng tsaa. The way she said those words with sincerity made me feel nervous. Wala akong laban kay Ma pagdating sa mga ganitong usapan. I can't say that she is controlling everything I have pero parang ganoon na nga. Sa kasamaang palad, lahat ng ipinamana ni Dad sa akin ay kontrolado ni Ma.
"I forgot to tell you." pagkukunwari ko. "Forgot? O sadyang ayaw mo lang ipaalam?" May bahid na pang-aasar ang tono niya. "Look, Ma. I-i forgot to tell you, I was planning to pero nakalimutan ko lang." tugon ko. "Hmm? Anyways, next week Saturday. I want to meet the girl." maawtoridad na wika niya dahilan upang matigilan ako at balutan ng kakaibang kaba. Maingat niyang inilapag ang tasa sa center table at pinunasan ang kanyang mga labi. Pinanood ko lang siya sa kanyang ginagawa habang malalim ang iniisip.
Ilang sandali pa ay tumayo ito nagsalita. "I better get going. Goodluck with youe decision, son." wika niya at dahan-dahang naglakad patungog pinto upang makalabas ng silid. A sound of the door shutting followed by a loud silence occuring in my room. Muli kong naihilamos ang aking mga palad sa aking mukha at napabuntong hininga. This can't be. Why am I nervous?
Bumuntong hininga muna ako saka tumayo at maglakad-lakad sa loob ng opisina ko. I need to breathe. Stress is conquering my inner peace. I looked at my watch and it's 4:45 in the afternoon. Any minute now ay uuwi na ako.
Bumalik ako sa pagkakaupo at saka tinapos ang iilan sa mga natirang paperworks na nasa office table ko. Iilang minuto lang ang tinagal at sa wakas ay natapos na rin ako. What a tiring day, I need to go home, para makapagpahinga na rin.
Pagkauwi ko ng bahay ay dumiretso agad ko sa aking silid at ibinagsak ang aking katawan sa kama upang makapaghinga saglit. Ilang beses akong napabuntong hininga. Hindi ko parin maiwakli sa aking isipan ang tungkol sa naging pag-uusap namin ni Ma. She is damn serious about meeting Dolly. Hindi madali itong pinasukan ko. Nasapo ko ang aking ulo nang maalalang hindi pa pala ako nakapaghapunan. By the way, where is she? Hindi ko siya nakita simula noong umuwi ako.
Mabilis akong tumayo at nagtungo sa walk in closet upang makapagbihis. Ilang sandali pa ay lumabas ako ng silid at bumaba upang makapaghapunan. Hanggabg ngayon ay hindi ko pa rin makita si Dolly sa loob ng bahay. Natutulog kaya siya? O baka ayaw niya lang bumaba. Saktong pagbaba ko ay nakahain na ang hapunan habang si Manang ay abala sa pagsasalin ng tubig sa mga baso.
"Manang, nasaan po siya?" takang tanong ko. Kanina ko pa napapansing hindi ko siya gaanong nahahagip sa aking paningin. "Ah, si Dolly, sir? Umalis 'ho siya. May ipinamili lang daw." What!? Umalis man lang siya nang hindi nagpapaalam sa akin!? It's already dark outside for f**k's sake!
Bigla akong binalutan ng kakaibang kaba. It's making my heartbeats rapidly. What is happening to me? Hindi ko dapat nararamdaman 'to! No, I must care. Hindi ko hahayaang may mangyari sa kanyang masama!
"Kanina pa po ba siya wala rito sa bahay?" Sinikap kong hindi magpanic. I'm sure she is on her way home, nothing to worry, Harwin. Besides, you don't care about her, right?
No, I care.
Dammit! Nag-aalala na ako! Kung ano man ang mangyari sa kanya, ako ang mananagot!
"Oo, hijo. Teka, hindi ba siya nagpaalam sa iyo?" takang tanong ng matanda. She didn't! "f**k! Saan ba siya pumunta!?" mahinang sigaw ko. "Sa pinakamalapit na supermarket lang, hijo. Saglit, kumalma ka muna. Uuwi rin 'yon. Huwag kang mag-alala." Kahit papaano ay kumalma ang sistema ko sa sinabi ni manang.
Hindi ko na napigilan ang sarili kong hablutin ang susi ng aking sasakyan at dali-daling lumabas upang magtungo sa garahe. Maya-maya pa aiy may biglang bumusina sa gate. Nabigla na lang ako nang makita ko si Zeen na papasok sa gate, sumisipol habang pinapagpag ang kanyang sinusuot. "Yow, boss! Musta? Oh, ayos ka lang?" nagtatakang tanong niya. "Shut up, Zeen. I'm dealing with something here."
"Ayos ka lang ba, boss? Mukhang kinakabahan ka, ah." Alam kong hindi niya ako inaasar ngunit naiinis pa rin ako. "No, I'm not okay, goddamn it! Hindi pa siya nakakauwi!" Confusion was painted on Zeen's face. "Wait, you mean Dolly? She's not home yet? Saan ba siya nagpunta?"
Napakuyom ang palad ko nang dahil sa kaba at inis. Where the hell are you!?
Ilang sandali pa ay muling bumukas ang gate dahilan upang mapalingon kaming dalawa ni Zeen. Nagulat na lang ako nang mapagtanto ang kung sino ang pumasok.
It's her, she's home.
May hawak itong mga paper bags at abala siya sa pagbibitbit ng mga 'to. Ilang sandali pa ay gulat itong napatingin sa aming dalawa at saka nagsalita. "Oh, I'm sorry to bother but, I just went out and bought some stuffs." she calmly said. Ilang beses kumurap-kurap ang aking mga mata. Naramdaman ko na lang na biglang huminahon ng sistema ko. Kung kanina ay nagwawala 'yon nang dahil sa kaba, ngayon ay nagawa niya itong pakalmahin nang walang kahirap-hirap. Why am I feeling this? She's just nothing in my life. How could she give me this kind of feeling?
"Where have you been?" may bahid na pag-aalala at galit sa tono ko. Napansin kong biglang kumunot ang noo niya bago sumagot. "Uh, may binili lang. Nakakabagot kasi sa loob so I decided to go out and have some fun. May problema ba doon?" mahinahon ngunit prangkang tugon niya. "You should've called me before going out." Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang umakyat ang dugo ko patungo sa katawan ko nang dahil sa naging sagot niya. "Nagpaalam naman ako kay manang. Wala ka nang dapat ipag-alala tungkol don." I can sense the coldness in her tone. "At isa pa, nakauwi naman ako nang ligtas. Bakit ka ba nag-alala?" Natigilan ako sa sinabi niya. She's right, bakit naman ako mag-aalala kung nakauwi naman siya nang ligtas. But still, isang pagkakamali pa rin ang hindi niya ako tinawagan bago umalis.
"Don't tell me nag-aalala ka para sa akin?" She gave me a teasing grin. "Ah, papasok muna ako, boss." pagpapaalam niya sa akin. Bahagya pa itong natawa at saka sumaludo sa akin. Inirapan ko ito at muli siyang natawa sa ginawa ko. "Ako? Mag-aalala? Tss, in your dreams " malamig na tugon ko at saka umayos sa pagkakatayo. "Hmm, ganoon ba Harwin?" Biglang nag-echo sa isipan ko ang pagtawag niya sa pangalan ko. I know she already called me by my name a couple of times but this time, it hits different.
"Just shut up and get in." tugon ko. Akma ko na sana siyang tatalikuran nang bigla itong nagsalita. "Hindi mo ba ako tutulungan dito?" Tumaas ang kanyang mga kilay habang nakatingin sa akin. Really?
Inis akong napabuntong hininga at saka hinablot ang iilan sa mga paper bags na dala niya. Narinig ko kung paano siya bahagyang natawa sa naging reaksyon ko. Anong nakakatawa ron? Naiinis na nga ako.
"Papasok na muna ako." pagpapaalam niya. Natigilan naman ako sa naging pagkilos niya. So she is just gonna let me carry all of her things? Goddamn it. Hindi na ako nakaangal sa kanya, sa halip ay binitbit ko na lang lahat ng paper bags at padabog na pumasok. Maingat ngunit may halong dabog kong inilapag sa lamesa at kanyang mga binili. Napansin ko ring natigilan si manang sa naging kilos ko.
"Thank you." aniya at saka muling natawa. "What's so funny?" inis na tanong ko. "Wala naman, bakit ba ang sungit mo?" Ah talaga. Hindi ko siya sinagot. Instead sy dumiretso ako sa hapagkainan at nagsimulang maghapunan.
"Oh, ineng. Nakauwi ka na pala. Halika na't makapaghapunan ka na." Tumango naman ito habang nakangiti. She seems happy, samantalang ako muntik nang malagutan ng hininga kakaisip kung makakauwi ba siya nang ligtas o hindi. "Sige po, tapos na rin 'ho akong kumain, eh." She is still smiling. Am I missing something?
"You seem happy." biglang hirit ko. "Yes, I am. I just bought all these things to make me happy." she answered. But this time hindi na 'yon pang-aasar, she is truly sincere. Tumango naman ako at nagpatuloy sa ginagawa.
"By the way, aakyat na muna ako." pagpapaalam niya. Pinanood ko lang siyang umakyat patungo sa kanyang silid. Muli siyang napalingon sa akin at saka ngumiti. Naramdaman ko na lang ang biglang pag-init ng aking pisngi nang dahil sa kanyang ginawa. The hell? Ano ba 'tong nararamdaman ko?