Chapter 9

2836 Words
Dolly's POV Nasaksihan ko kung paano siya nainis sa naging pang-aasar ko sa kanya kagabi. Ngunit nakakapagtaka lang, nakaramdam siya ng pag-aalala sa akin. Nakauwi naman ako nang maayos. Aniya'y hindi raw ako nagpaalam sa kanya bago umalis. Ano nga ba siya sa buhay ko? Asawa ko lang naman siya sa papel. Alam kong may karapatan siyang makialam sa lahat ng kilos ko ngunit kakaiba ang naging pagkilos niya sa harap ko kagabi. Para bang asong hindi mapakali sa kanyang kulungan. It's 8 in the morning and yet I am still lying in my bed thinking about his silly reaction last night. Nakakatawa siya kapag naiinis, hanep. Marahan akong bumangon at saka inayos ang aking buhok. Nakatingin ako sa kawalan na para bang malalim ang iniisip. Ilang segundo ang nakalipas ay biglang sumagi sa isipan ko si Mama. Kumunot ang aking noo nang mapagtantong ilang araw ko na pala siyang hindi natatawagan! Baka kung ano na ang inisip ni Mama tungkol sa kapakanan ko. Dali-dali akong tumayo at hinanap ang aking cellphone. Nakatago iyon sa ilalim ng aking unan kaya mabilis ko lang itong nahablot. Agad kong hinanap sa phonebook ang numero ng telepono ni mama. Mabilisan ko iyong pinindot at saka nag-dial. Ilang minuto pa ang aking hinintay bago sumagot ang kabilang linya. "Hello, Dolly?" I miss her voice, so much. Nakaramdam tuloy ako ng bahagyang pagkaulila. It seems like I want to hug her so tight and tell her how much I love her every single day. Aaminin ko, nami-miss ko na ang pamilya ko. "Mama? Kamusta po kayo dyan?" "Maayos naman kami, anak. Kahit papano ay nakapag-ipon kami ng dalawang libo mula sa kinita namin sa pagtitinda. Ayos ka 'yon kesa wala, 'di ba? Maswerte kami araw araw dahil maraming mamimiling dumadalo sa pwesto natin!" masayang tugon niya. Naibsan ng masayang pagtugon ni mama ang aking pangungulila nang makaramdam ako ng kasiguraduhan mula sa kanya. Naramdaman ko ang panggigilid ng aking mga luha. Ilang sandali pa ay naramdaman ko na lang ang pagdaloy ng mga luha sa aking pisngi. Ilang beses ako napasinghot bago rumesponde sa tugon ni Mama. "Mabuti naman 'ho kung ganoon." masayang wika ko. Tears of joy was rolling down my cheeks, my heart is jumping with joy. Kakaibang pakiramdam ang makatanggap ng assurance mula sa pamilya mo. May tiwala ako sa kanila, alam kong hinding hindi nila papabayaan ang mga sarili nila. "Ikaw, anak. Ayos ka lang ba diyan? Kamusta naman ang trabaho mo?" Ilang segundo akong napipi nang dahil sa naging tanong ni mama. Hindi ko alam kung paano mabibigyang tugon ang tanong na 'yon. "A-ahm, maayos n-naman po. Kayang-kaya ko naman." pagkukunwari ko. Hindi ko pa maaaring ipaalam sa kanila ang tungkol sa sitwasyong pinasok ko. Baka kung ano pa ang isipin nila. Hindi naman sa takot akong sabihin ang totoo, sadyang hindi pa ngayon ang tamang panahon. "Ganoon ba, anak? Mabuti naman. Natutuwa ako para sa 'yo. Buti na lang at napatawag ka. Nami-miss ka na namin, anak." Those words hit me so hard. I miss them, so much. "Ako rin 'ho, ma. Namimiss ko na kayo." Napangiti ako habang patuloy na umaagos ang luha mula sa aking mga mata. "Oh siya, anak. Ibababa ko muna 'tong linya. Marami kasing customer eh, pasensya ka na, ah. Tatawag na lang ako sa 'yo bukas. I love you, anak. Ingat ka diyan." Unti-unting rumagasa ang mga luhang mabilis na dumadaloy sa aking mga pisngi nang muli akong makaramdam ng pangungulila. Pilit kong huminahon upang mabigyang tugon ang kanyang sinabi. "Salamat, ma. I love you too, ingat po kayo diyan." tugon ko bago ibinaba ang linya. Umagang kay iyak ang naging ganap ko sa loob ng silid. Paano ba naman, biglang sumagi sa isipan ko sina mama. Dalawang araw ko na rin silang hindi tinatawagan dulot ng pagiging abala sa mga ginagawa. Matapos ang ilang minutong pag-iyak ay agad akong nagtungo sa banyo upang maghilamos. Nakabihis na rin ako ng pambahay kaya't napagpasyahan kong bumaba upang makapag-agahan. Nadatnan ko si Harwin na abala sa kanyang ginagawa habang nakaharap sa kanyang laptop. "Goodmorning." biglang bati niya. Natigilan ako sa paglalakad nang biglang uminit ang aking pisngi. Ano ba 'tong nararamdaman ko? "Goodmorning." tugon ko. Agad naman akong umupo at nagsalin sa baso ng maiinom na tubig. Hindi ko pa rin mapigilan ang pagsinghot dulot ng aking naging pag-iyak noong mga nakalipas na minuto. Pansin kong napatingin si Harwin sa kinauupuan ko habang nakakunot ang kanyang noo. "Are you okay? What's wrong?" Does he care about me? Yes, he does. Biglang tugon ng konsensya ko. "Ah, ano. Wala, malamig lang sa loob ng kwarto." pagkukunwari ko. Ayaw kong manghimasok siya sa pribadong parte ng buhay ko. Kaya kong hawakan o ayusin man lang ang mga problema sa buhay ko. "Really? Then why is your face like that? Galing ka ba sa pag-iyak?" Natigilan ako sa mga binitawan niyang salita. Paano niya nahalata 'yon? Hindi agad ako nakasagot. Sa halip ay naghahanap pa ako ng pwedeng maging tugon sa kanyang tanong. "It's okay if you don't want to tell me." mahinahong wika niya. Inaasahan kong magbibitaw muli siya ng salita ngunit napayuko na lang ako sa pagkabigo. Imbes na magdrama ay nagsimula na akong mag-agahan. Habang kumakain ay biglang nagsalita si Harwin. "Do you wanna come to my office this day?" aniya dahilan upang muntik na akong mabilaukan. Bumalik naman ako sa huwisyo at takang tumingin sa kanya. "Your office?" Tumango naman siya at diretsong pinakuan ako ng seryosong tingin. Hindi pa nga ako nakakasagot at bigla na lang siyang nagsalita. "Prepare yourself, I'll be waiting for you after 30 minutes." maawtoridad na wika niya at saka umakyat patungo sa kanyang silid. Mabilis ko namang inubos ang aking pagkain at dali-daling umakyat upang makapaghanda. Matapos ang halos isang oras na paghahanda ay mabilisan akong bumaba at nagtungo sa sala. Nadatnan ko siyang nakaupo sa sofa at naghihintay. Napatingin ako sa aking suot. Isang black pencil skirt at white blouse with matching black heels at isang maliit na shoulder bag lamang ang naisipan kong isuot. Napatingin ako sa kanya at napansing hindi na naman maayos ang pagkakatali ng kanyang necktie. Inilapag ko muna ang aking shoulder bag at walang pag-aalinlangan kong hinablot ang kanyang necktie at mabilisan inayos 'yon. Muli na naman siyang nagulat sa naging pagkilos ko. Bahagya na lang akong natawa sa kanyang reaksyon. He clears his throat before saying a word. "You're 30 minutes late. Don't you ever do that again." Still, bakas pa rin sa tono niya ang pagiging masungit. Napabuntong hininga ako bago ngumiti. Diretso lang niya akong tinitigan bago tinalikuran at naunang naglakad palabas. Agad naman akong sumunod sa kanya. Kasalukuyan nakaparada ang kanyang sasakyan sa harap ng gate. Pinagbuksan niya ako ng pinto at agad naman akong pumasok. Kailangan kong maging masunurin ngayong araw. Mukhang wala sa mood ang isang Harwin Hawkins. Ano kaya ang mangyayari kapag inubos ko ang kanyang pasensya? Saka na natin yan malalaman. "Seatbelt." he said na agad ko namang ginawa. Ilang sandali pa ay pinaandar na niya ang sasakyan. Isang nakakabinging katahimikan ang pumagitna sa aming usapan. Gusto ko sanang umimik ngunit pansin ko'y abala siya sa pagmamaneho. Better keep my mouth shut. I heard him sighed deeply before releasing a word. "About your job…." pagsisimula niya. "I'm sorry I forgot to discuss it with you last time. I was busy and…." Napalingon ako sa kanya and at the same nakikinig nang maayos. "I hope you understand." dagdag pa niya. Napabuntong hininga na lang ako dahil hindi ko alam kung anong isasagot. "Why are you so quiet? Kagabi ang lakas mo pang mang-asar." bahagya siyang natawa sa sinabi. Nakaramdam ako ng kaunting pagkahiya sa sinabi niya. "Are you afraid of me?" biglang tanong niya. Me? Afraid of you? Heck no! Bahagya akong nabigla sa naging tanong niya. "Ah, hindi, ah. Bakit naman ako matatakot sa 'yo?" "Really? But it seems like you were." bahagya siyang natawa matapos bitawan ang mga salitang 'yon. Ipinag-krus ko naman ang aking mga braso saka diretsong tumingin sa kanya sa pamamagitan ng car mirror. "Nagawa nga kitang asarin kagabi, 'yon ba yung takot?" I gave him a smirk before turning away. "Psh, whatever." Napailing siya matapos mapagtanto ang ibig sabihin ng sinabi ko. WeIlang minuto lang ang tinagal ng aming byahe, sa wakas ay nakarating na kami sa building ng kanyang kompanya. Pinagbuksan niya ako ng pinto at agad naman akong bumaba. Napatingala ako nang muli kong maalala ang unang pagkakataong nakarating ako sa building na ito. Parang nag-flashback ang lahat ng nangyari noong araw na 'yon. Nauna siyang pumasok at agad naman akong sumunod. Binati kami ng front desk receptionist. "Good morning, sir. Good morning ma-" Natigilan ang receptionist nang makita ako. Diyos ko! Huwag ka po mag-isip ng kung ano. Nasaksihan ko kung paano siya naguluhan sa kanyang nakita. Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang presensya ni Harwin na tumabi sa akin. "She's my guest." he said habang nakahawak sa aking beywang. Isang nakakakuryenteng pakiramdam ang mabilisang bumalot sa aking katawan nang bigla niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa aking baywang. Ngumiti na lang ako sa receptionist at saka kumaway paalis. Binitawan niya ang pagkakahawak sa aking beywang at saka muling nauna sa paglalakad patungo sa elevator. Kinakabahan ako sa kung anong mga iisipin ng mga taong nakapaligid sa amin. "Why are you nervous?" he asked. "W-wala, ayos lang ako." pagkukunwari ko. "Stop pretending, tell me what's bothering you." he said while looking at me. Napabuntong hininga ako bago sumagot. "Baka kung anong isipin nila kapag nakita nilang magkasama tayo." tugon ko. Bahagya siyang natawa sa sinabi ko. "Psh, huwag mo nang alalahanin 'yon. Besides, I'm their boss. They can't do or say anything against me. Takot sila sa akin." Kahit papano ay kumalma ako. But still ayaw kong isipin nila na malandi ako o pumatol ako sa boss nila. Ayaw ko nun. The elevator stops from moving at agad itong bumukas. Lumantad sa akin ang napakalaking glass window kung saan makikita mula rito ang kabuuang tanawin ng syudad. It reminds me of the first time we met. Napangiti ako nang maalala ang mga pangyayaring iyon. Nauna na akong lumabas at dumiretso sa opisina niya. I can hear his footsteps following me from behind. Napahawak ako sa braso ko nang dahil sa kakaibang kaba na naramdaman ko. Pumasok kami sa office and I heard the door shut. Nanatili akong nakatayo sa gitna ng silid habang siya ay agad na nakaupo sa kanybg swivel chair. Agad na bumalot ang lamig sa aking katawan nang maramdaman ko ang pagtama ng hangin ng ac. Ilang sandali pa ay nagbitaw ito ng salita. "Why don't you sit down?" he said while smirking at me. For God's sake, stop it, Harwin. Umupo naman ako at nag-iwas ng tingin sa kanya. Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman, naiinis at kinakabahan. "Quit staring at me, Harwin." panunuway ko. "Why? Is it making you uncomfortable?" Yes, goddamn it! "Honestly speaking, yes." Napabuntong hininga siya at saka ipinatong ang dalawang paa sa kanyang office table. "Really? Then how come hindi ako kinakabahan o naiilang kapag tumitingin ka sa akin? Am I being unfair or what?" What's his point? I just found myself chuckled from what he said. "For you information, never kitang tinitigan 'no." I answered coldly. "Ms. Dolly, it's rude talking to a handsome man like that." Bahagya naman ako natawa sa sinabi niya. "Wow, ang lakas ng ihip ng hangin. As if magkakagusto ako sa'yo no!" asik ko sa kanya. "What did you say?" aniya at saka tumayo. Dahan-dahan itong naglakad papunta sa akin. "Ang sabi ko, as if magkakagusto ako sayo." Lakas loob akong tumayo at saka hinarap siya. Napansin ko naman kung paano siyang natigilan nang padabog akong humarap sa kanya. "Feisty, I like it." aniya at saka ngumisi. "Hindi ako natatakot sa'yo." pagmamatigas ko. "Really?" Isang nakakasar na ngisi ang kanyang ginawa. Inis ko siyang tinalikuran at lumabas ng knayang opisina. Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa dinala ako ng aking paa sa isang parte ng building na hindi pamilyar para sa akin. Lumantad sa paningin ko ang mga lamesa at upuan. Mayroon ding maliit na counter kung saan may mga pagkain. I guess this is the place where employees can have their lunch. Umupo ako sa isa sa mga upuan at saka napabuntong hininga. Bakit pa ba ako sumang-ayon na sumama sa kanya kung pang-iinis lang pala ang pakay niya sa akin? Bahala siya kung anong gusto niyang gawin, huwag niya lang uubusin ang pasensya ko. Napalingon ako sa counter kung saan nagsimulang magsipasukan ang mga empleyado. Kakaibang kaba ang naramdaman ko nang magtama ang tingin ng bawat empleyado sa akin. Nakikilala kaya nila ako? Napansin kaya nila na kasama ko ang boss nila kaninang umaga? Dumapo ang tingin ko sa isang pamilyar na tao mula sa kalayuan. Lumingon ito sa gawi ko at bahagyang nagulat. Si Tito? Anong ginagawa niya dito. Tahimik itong lumapit sa akin at hinawakan ang braso ko. "Dolly? Anong ginagawa mo dito?" Ngunit sa pagkakataong ito ay nakasagot na ako nang maayos. "Uh, nagta-trabaho po." tugon ko. Umupo ito at saka inilapag ang mga pagkaing inorder niya. "Nakapag-lunch ka na ba?" Umiling ako. I looked at my wrist watch and it's 10:30. Ang aga naman ata ng lunch nila. "Kailan ka pa nagsimulang mag-trabaho dito?" tanong niya. Bumuntong hininga naman ako at saka napasandal sa aking kinauupuan. "Kahapon 'ho." tipid na sagot ko. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Paano na lang kung malaman ni Tito ang tungkol sa naging desisyon ko? Takot akong mahusgahan ng sarili kong kamag-anak. Tumango naman siya at saka nagsimulang kumain. Sandali kong iginala ang aking paningin sa paligid. May kung anong parte ng kalooban ko ang tumutulak sa akin na sabihin ang totoo. Alam kong mapagkakatiwalaan ko si Tito ngunit sa hindi ganitong paraan. Wala akong dapat itago mula sa kanila kaya gagawin ko na lang kung ano ang nararapat. "Uhm, Tito? May sasabihin sana ako." Napalingon naman siya sa akin at diretso akong tinitigan. "Tungkol po ito sa totoong trabaho ko." Tumango naman siya at nagsalita. "Sige, ano yun?" Napayuko na lang ako matapos kong sabihin ang tungkol doon. Sa kabutihang palad ay naintindihan naman ako ni Tito. "Ang akin lang, pamangkin. Huwag na huwag mong sisirain ang dignidad mo. Wala naman akong problema kung pinakasalan mo ang boss ko. As long as maayos ang pakikipag-ugnayan ninyong dalawa at nakakaintindi siya sa sitwasyon mo ngayon." Ilang beses akong napabuntong hininga nang dahil sa kaba. "Wala na akong ibang pagpipilian, Tito. Hindi ko nga alam kung tama ba ang naging desisyon ko o maaari ba nitong ikasira ng buhay ko." Naningkit ang kanyang mga mata at sumeryeso ang mukha. "Huwag kang mag-isip ng ganyan, Dolly. Nagsisimula ka pa lang. It's part of growing up, you did the right choice. As I said earlier, kailangan mo pa ring mag-ingat at maging mausisa." Sana nga lang ay tama itong pinasok ko. Mahirap para sa isang tulad ko ang mga pumasok sa ganitong sitwasyon. Lalo na kung hindi ka experienced sa mga problema sa buhay. "Oh siya, Dolly. I'm going back to work. You better talk to him about your real job. I trust you, Dolly. Huwag kang mag-alala, hindi 'to makakarating sa mama mo." Tumango naman ako at agad na tumayo. Pinanood niya akong maglakad palabas hanggang sa makasara ang pinto. Bumalik ako sa opisina ni Harwin. Nadatnan ko siyang abala sa kanyang ginagawa habang nakaharap sa kanyang laptop. "Where have you been?" he asked. Iniwasan ko muna siya ng tingin at saka binigyang tugon ang kanyang tanong. "Kakagaling ko lang sa cafeteria. Nakausap ko si Tito." His eyebrows raised because of my answer. Now what? Ano na naman kaya ang iniisip ng lalaking 'to? I heard him sighed before saying a word. "Here." aniya at saka may inilapag sa kanyang desk. Isang puting envelope na may lamang….credit card? "What's this?" takang tanong ko. "Your monthly allowance?" My eyes widen when I heard that. "Allowance? Magkano ba ang laman nito?" tanong ko habang abala sa pagtingin sa aking hinahawakan. "Isang milyon, good for a month." tugon niya habang abala pa rin sa kanyang ginagawa. Hindi ko mapigilang mabigla sa kanyang sinabi. Isang milyon? Para sa isang buwang allowance? Nasapo ko ang aking bibig nang mapagtantong nakabuka ito. Gosh, one million pesos worth of allowance. And take note, isang buwanang allowance ko lang 'yan. "Thank you." iyon lamang ang binitawan kong salita. Parang napako ako sa aking kinatatayuan habang pinoproseso ang nangyayari. Napatingin ako sa kanya at hindi pa rin siya tumitingin sa akin. He seems busy so I decided to sit down and mind my own business. Hindi ko pa rin maialis sa aking paningin ang hawak kong credit card. What am I gonna do with this? Maybe send money to my family? How am I gonna do that? Questions kept circulating in my mind. Hindi ko mapigilang mapatingin sa kanyang maamo at seryosong mukha. He really is rich, like damn rich. Kailangan ko nang kumilos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD