Chapter 10

2064 Words
Clocks ticking, and I am still sitting here habang siya ay abala pa rin sa ginagawa. Ilang beses rin akong paiba-iba ng posisyon sa pag-upo. Naisipan kong magpaalam na sa kanya upang makalabas sa nakakabagot na silid na 'to. "Lalabas lang ako." wika ko sabay tumayo mula sa pagkakaupo. Pansin kong kumunot ang kanyang noo bago tumugon. "Where are you going?" Bumuntong hininga muna ako bago nagsalita. "Sa labas, may bibilhin lang. Nagugutom na naman ako eh." Napasandal siya sa kanyang swivel chair at diretsong tumitig sa akin nang magkasalubong ang kanyang mga kilay. "You're hungry?" Nawalan ako nang ganang sumagot kaya tumango na lang ako habang blangko ang ekspresyon sa aking mukha. Napipilitan itong tumayo at agad na lumapit sa akin. Ipinatong niya ang kanyang mga kamay sa aking balikat dahilan upang bahagya akong mailang. "What do you want to eat?" Napatingala ako sa kanya. A familiar feeling made it's way onto my veins. Hindi ko siya lubosang kilala but the way he treats me, it seems like matagal na niya akong kilala. Am I missing something? Ginantihan niya naman ako nang isang ngiti. Okay, so what's his deal? "Why are you smiling like that?" natatawang tanong ko. "What do you want? Do you want tea or coffee or..." I raised my eyebrows before looking at him. "Or what?" kunot noong tanong ko. "Me." Nanlaki ang mga mata ko nang dahil sa kanyang sinabi. Padabog ko siyang tinulak palayo sa akin at narinig ko naman siyang natawa sa reaksyon ko. "Kidding, come on. Let's go." anyaya niya. Nauna siyang naglakad palabas at agad naman akong sumunod. There is something about this man na hindi ko alam. The way he talked to me earlier, snd the familiar feeling I suddenly felt. Everything seems like deja vu. "You haven't answered my question yet." wika niya habang nakasunod ako sa kanyang likuran. "Oh, I just want fried chicken." Hindi ko alam kung bakit 'yon ang lumabas sa aking bibig. "Fried chicken? I thought you had lunch already?" Tumigil siya sa paglalakad upang magkaharap kaming dalawa. "I told you, nagugutom na naman ako." seryosong tugon ko. Tumango naman ito at nagpatuloy sa paglalakad. Nanatili akong nakasunod sa kanya hanggang sa nakapasok kami sa elevator. Bumuntong hininga ito bago nagbitaw ng salita. "It's already 11am. Sakto, nagugutom na rin ako, eh." I raised my eyebrows before looking at him. "Kung hindi ako nagpaalam na lalabas upang kumain, edi nasa opisina ka pa hanggang ngayon?" takang tanong ko. "What do you mean?" Seryoso? Hindi niya nakuha 'yon? "Wala." tipid na sagot ko. I heard him scoffed and the elevator door opened. Kasalukuyan kaming nasa ground floor kung saan naroon ang entrance at exit. Pagkalabas namin ng building ay saktong naghihintay ang kanyang mga bodyguard. He opened the door for me at agad naman akong sumakay. "You said you want fried chicken. Bakit hindi na lang tayo nagpa-deliver kanina?" tanong niya habang nagmamaneho. "Eh, ayaw ko." tipid na sagot ko habang nagmamasid sa labas. "It's hassle free and you don't need to go out." I just rolled my eyes before saying a word. "I love to do things all by myself. Sabihin na lang natin na mas gusto kong kumilos mag-isa kesa maging dependent sa mga taong nakapaligid sa akin." "Hmm. I'm impressed." Hindi ko alam kung bakit bigla na lang uminit ang aking pisngi nang sabihin niya 'yon. "We haven't properly met, Ms. Dolly. Funny isn't it? Dalawang araw pa kitang nakakasama sa aking mansion ngunit hindi pa kita nakikilala nang lubos." Natawa na lang ako sa kaniyang sinabi. "Okay, I'll introduce myself. My name is Dollivienne Jezorro, 22 years old. I am a former waitress in a mini coffee shop." I felt awkward doing that but it seems like he doesn't mind. Alam ko kung bakit niya ginagawa 'to. Upang makilala ako nang lubosan and to make this relationship work. "Dollivienne, huh? Nice name. But I prefer calling you Dolly." The way he called me by my name, the exact feeling I had striked again. Is this Deja Vu? Mukhang nangyari na 'to noon pa. I can't help but stare in his eyes through the mirror. "How about you, Mr. Harwin. Why don't you introduce yourself." Umayos ako sa pagkakaupo at agad na pinag-krus ang aking mga braso. "My name is Harwin Hawkins, 26 years old. I am a CEO of HAWKINS&CO." Hindi ko napigilang mamangha. Tama nga ang hinala ko. He is rich, like damn rich. "And I am married to Dollivienne Jezorro." Natigilan ako nang marinig ang mga katagang 'yon. Para bang napako ako sa aking kinauupuan. I can't say a word. The phrase keeps echoing in my mind. Ilang sandali pa ay tumigil ang sasakyan sa tapat ng isang fast food restaurant. Agad naman akong bumaba at ganoon din siya. Pumasok kami at agad na binati ng mga taong nasa counter. "Good morning, sir. Your order is waiting for you upstairs." Nagulat ako sa binitawang salita ng cashier crew. Anong ibig sabihin niya. Tumango naman si Harwin at ginantihan ito ng ngiti. "Let's go?" anyaya niya sa akin. Hindi ko namalayang hinawakan na niya pala ang aking kamay habang inaalalayan akong umakyat ng hagdan. Libo-libong boltahe ang patuloy na dumadaloy sa aking katawan nang muling magkadikit ang aming mga kamay. Pagpasok namin sa isang dining ay lumantad sa aking paningin ang mga nakahaing pagkain sa mesa. Isang bucket ng chickenjoy at dalawang larg sundae. My stomach's started to react the moment I saw the foods that were uniquely arranged on the table. "Pinahanda mo 'to?" namamanghang tanong ko. Tumango naman ito at kaswal na ngumiti. "Lets eat?" wika niya dahilan upang bumalik ako sa huwisyo. Inalalayang niya akong umupo. Nagsimula akong sumandok ng kanin dahil kanina pa ako nagugutom. Napansin kong hindi pa siya kumikilos kaya nagtaka ako kung bakit. "Hindi ka pa kakain? Akala ko ba kumakalam na 'yang sikmura mo." pagpapatawa ko. Bahagya naman siyang natawa bago ako tinitigan. "Are these all your favorite?" Tumango naman ako at ngumiti. Ilang sandali siyang natahimik. Pansin kong abala ito sa kanyang cellphone. Habang abala sa pagkain ay may biglang pumasok na crew na may dalang mga paper bags. Inihandog niya ang mga 'to kay Harwin. He looked inside the paper bags at saka nagsalita. "Thank you." Tumango naman ang crew at saka naglakad palabas ng silid. "What's that?" "Oh, this? I ordered all the food you love." Nalaglag ang aking panga sa kanyang sinabi. "As in lahat?" Hindi ko naiwasang magtanong. "Yep, fried chicken, sundae, steak, milktea, mocha cake. Everything." Ilang sandali akong napipi sa kanyang sinabi. No one has ever done this to me before. Iniabot niya sa akin ang mga paper bags. Laking gulat ko nang masigurong naroon nga sa loob ang lahat ng pagkaing paborito ko. "A-ahm, bakit mo binili ang lahat ng 'to?" I saw his eyebrows raised when I asked him. "Why? You don't like it?" No, I love it. "Hindi! I like it. Thank you." I sincerely said. Ngumiti naman siya at saka nagsimulang kumain. "I ordered all of these para hindi ka na lumabas upang bumili ng pagkain. I don't want you to get lost out of my sight." Kumunot ang aking noo nang bitawan niya ang mga salitang 'yon. Does he care about me? Or was I wrong about him at first? Natapos na ako sa pagkain at agad na pinunasan ang aking mga labi. I cleared my throat before uttering a word. "Hindi mo pa nililinaw sa akin ang tungkol sa magiging trabaho ko." Napahinto siya sa pagsubo at diretsong tumingin sa akin. "You know, I am not your 'real' wife. I was just hired by you. So I do have a responsibility." dagdag ko. "We will discuss this when we get home. For now, don't let it bother you. I'll take care of everything. Just finish your meal, first." Tumango naman ako at nanahimik na lang hanggang sa matapos siyang kumain. Matapos ang ilang minuto ay natapos na siya sa pagkain. Agad naman akong tumayo upang ayusin ang aking suot. Nagulat na lang ako nang bigla niyang hawakan ang aking kamay. Hindi ko naiwasang hindi mapakali sa kanyang ginawa. Napayuko ako nang maramdaman ang libo-libong boltahe ng kuryente na mabilisang gumapang sa aking katawan noong mga sandaling nagkadikit ang aming mga kamay. Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking mukha. Marahan niyang inangat ang aking mukha upang magtama ang aming mga paningin. "What's wrong?" His hand are still holding my cheeks. Nanlaki ang aking mga mata nang unti-unti niyang nilalapit ang kanyang mukha sa akin. Ilang sentimetro na lang ang pagitan ng aming mga mukha. Isang maling galaw lang ay maaari nang magkadikit ang aming mga labi. His other hand are still holding mine. Sa pagkakataong ito, unti-unting nagwawala ang aking sistema. Humugot ako ng lakas ng loob upang magbitaw ng salita. "N-nothing." Naningkit ang kanyang mga mata nang dahil sa naging tugon ko. "You seem nervous." Hindi ko magawang igalaw ang aking katawan. Para bang pinapako ako ng kanyang presensya sa aking kinatatayuan. "I-I'm not." Umangat ang kanyang kilay, mukhang naguguluhan ito sa aking naging tugon. Ang akala ko ay may mas dadaig pa sa kanyang ginawa ngunit nabigo ako. Marahan niyang binitawana mula sa pagkakahawak ang aking mukha at saka unti-unti akong hinila upang maglakad. Nanatiling magkahawak ang aming mga kamay dahilan upang muling bumalot sa aking katawan ang kakaibang pakiramdam ng kasiyahan. Binitawan niya lang ito nang makalabas kami ng establisimyento at makarating sa sasakyan. Pinagbuksan niya ako ng pinto dahilan upang agad akong makapasok. Pinaandar niya ang kotse at ilang sandali pa ay nakaalis na kami sa lugar na 'yon. Isnag nakakabinging katahimikan ang patuloy na pumagitna sa aming dalawa dahilang upang pigilan ko ang aking sarili na magbitaw ng mga salita. He is busy driving so it is better to not disturb him. Naisandal ko ang aking likuran sa aking kinauupuan saka ipinikit ang aking mga mata dahilan upang tuluyan akong dalawin ng antok at nakatulog. Harwin's POV Nakarauwi na kami sa mansion. I immediately parked my car inside the garage. I was about to turn myself to her when I noticed that she fell asleep. Nakatulog pala siya? Hindi ko na ito inabala at hinayaan na lang munang matulog sa loob ng sasakyan. Matapos kong patayin ang makina ay agad akong lumabas ng kotse. I opened the door and I found her sleeping tightly and peacefully. Gigisingin ko na sana siya ngunit may parte sa aking kalooban na pilit akong pinipigilan sa aking dapat gawin. Ilang sandali akong napaisip sa nararapat kong gawin. First, I removed her shoes and put her bag onto the driver's seat. Maingat ko siyang binuhat upang hindi siya magising. She must be tired so I have no choice kundi ang buhatin siya patungo sa kanyang silid. As I entered the door, Manang was waiting for us inside. Her eyes slightly widen nang makita niyang akay ko si Dolly na mahimbing na natutulog. "Mukhang napagod ata siya, hijo. Sige na, ihatid mo na siya sa kanyang silid upang siya'y makatulog nang maayos." Tumango naman ako at agad na naglakad paakyat. As I walked through the hall, I can't help but stare at her while she's asleep. Doon ko lang napansin ang kanyang itinataglay na kagandahan. "You're beautiful." mahinang usal ko upang hindi siya magising. Things were starting to build up on my mind. I shaked my head to stop my mind from what it was doing. Those things are silly and will never happen. I just hired her to be my wife, for the sake of the company. That's it, nothing less, nothing more. Nang makarating kami sa kanyang silid ay maingat ko siyang ibinaba sa kanyang kama. Nahilot ko ang aking balikat nang mapagtantong ganoon pala siya kabigat. Agad ko namang pinaandar ang aircon. Marahan kong iniangat ang kanyang kumot upang ipantabon sa kanyang katawan. Lalabas na sana ako nang silid nang muli siyang gumawa ng ingay at agad na nagpalit ng pwesto sa pagkakahiga. Mahimbing pa rin itong natutulog. Napansin kong hindi maayos ang pagkakatabon ng kanyang kumot so I went back to fix it. Hinaplos ko ang kanyang mukha, hindi ko maiwasang tumitig sa kanyang maamong mukha. Napangiti ako nang maalala ang kanyang reaksyon noong mga sandaling binilhan ko siya ng kanyang mga paboritong pagkain. Ilang minuto lang ang tinagal ko sa kanyang silid at agad na lumabas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD