Hindi sila makapaniwala sa tanong ko, "For your information lang ha?! We judge because his actions doesn't look good anymore. He overuse his power. He's a despotic boss. Napaka-arogante at ang yabang yabang akala mo naman kung—"
"—But to brand him 'Monster'? Hindi ba't you're just telling me na wala kayong pinagkaiba sa kaniya?" pagpuputol ko sa sasabihin niya sana.
Tumingala ako at tinitigan sila, "Arogante? Mayabang? Hindi ba't kayo rin iyon? Tumatapak ng pagkatao? Hindi ba't iyan ang ginagawa niyo ngayon? Mahalimaw na pagkatao? Bakit? Mga anghel ba kayo? Perpekto ba kayo?"
Walang kwenta.
Uling.
Bruha.
Mangkukulam.
Manang.
Tikling.
Bobo.
Itapon na nila sa akin ang lahat ng masasakit na salita, hindi ako lalaban. Ngunit, huwag na huwag nilang pagsasalitaan ng ganiyan si Sir Sullivan dahil wala silang alam sa buong istorya.
Alam na alam ko ang pakiramdam na binibigyan ng pangalan based na lang sa tingin nila sa iyo. Nakakainsulto yun.
"Are you hearing yourself? You're actually protecting that monster?"
"Takot ka siguro sa kaniya o hindi mo pa siguro siya masyadong kilala kaya ganiyan ka pa makapagsalita—"
Ikinaatras nila ang paghakbang ko papalapit sa kanila, "—Kilala ko man siya o hindi. Mali pa ring tawagin siyang halimaw dahil lang sa isang panig ng istorya tungkol sa kaniya sa balita."
I wonder if nasa balita rin ang pagtulong niya sa mga taong katulad ko? O binabalita lang nila ang gusto nilang ipaalam sa mga tao? Media sucks.
Inirapan nila ako, "You know, we don't care about his side dahil from the very first place, wala rin naman siyang pakialam sa mga tao."
Sumang-ayon naman ang kasama niya, "Yeah, kaya nga kung hindi lang sa looks, money and his brain, I doubt that people would even care for him or be on his side. I doubt that you would even care or protect him!"
Napasimangot ako. Bakit pa ba ako hindi masasanay sa mga tao. Lahat lang naman sila tinitingnan lang ang panlabas na anyo at asset ng isang tao!
"Tingnan niyo na?" wika ko.
Napakunot sila ng noo, "Kayo na mismo ang nagsabi na wala kayong pakialam pero bigla ninyong idadagdag na kung hindi lang sa looks, money and brain, people wouldn't be on his side? Speak for yourselves. Kanina lang gustong gusto niyo siya dahil sa magagandang meron siya, ngunit biglang nag-iiba na lang ang sinasabi niyo sa kaniya depende sa kausap niyong tao. Bakit niyo ba kailangang makipagplastika—"
Pak!
"—How dare you! Sinasabi mo bang mga plastik kami?! Wow! Nahiya naman kami sa pagmumukha mong dapat balutin ng plastic wrapper at itapon sa basurahan!"
Nakadama ako ng panghahapdi sa pisngi ko ngunit tinitigan ko pa rin sila kahit na kitang-kita ko na ilang hibla na lang, masasabunutan na talaga nila ako.
"Ang hina mong sumampal. Walang-wala ka sa sampal ng Ate ko," walang emosyon kong sabi.
"What did you just say—"
"Jhen! Stop! Relax! Katulong lang iyan! That b***h doesn't deserve your time!" pinigilan naman siya ng kasama niya nang susugurin niya sana ako.
Humakbang pa ako. Wala akong pakialam kung masasapak niya na ako.
"Next time, try to at least know what was within other people first more than what people like you see in him on the outside. You just know the other side of his life, not his whole life story," dagdag ko pa.
Tumalikod na ako at bago ako tuluyang nakaalis sa comfort room, lumingon ako sa kanila. "Sana naman matingnan niyo nang mabuti ang sarili niyo sa salamin! Bago kayo manghusga, tingnan niyo muna ang mga sarili niyo!"
Nakita ko ang inis ng dalawang babae sa akin. Ngunit mukhang ayaw na nila akong patulan dahil ayaw nilang mag-iskandalo.
Ofcourse, ayaw nilang mabrand rin silang halimaw dahil pinapatulan nila ang isang 'katulong' at 'walang class at breeding' na tulad ko.
Lalabas man ako na may mapulang pisngi, sapat nang napagtanggol ko siya.
Pabalik na sana ako sa counter ngunit laking gulat ko nang may tumambad sa akin paglabas ko banyo.
Nanigas ako nang mapagtanto ko na ang makisig palang lalaki na nakasandal sa pader at nakahalukipkip sa tabi ng pintuan ay walang iba kung hindi si Mr. Sullivan.
Ang lakas ng appeal niya. Yung tipo talagang mapapatingin ka.
Hindi ko na kailangan pang ikwestiyon sa kaniya kung narinig niya ang argyumento sa loob. Ang lalakas pa naman ng boses namin kanina. Tiyak narinig niya.
Napalunok ako nang tingnan niya ako. Hindi ko mabasa ang iniisip niya sa likod ng mga malalamig niyang tingin.
"S-Sir. K-Kanina pa po ba kayo diya—"
"—Yeah."
Umayos siya nang pagkakatayo mula sa pagkakasandal sa pader. At humakbang papalapit sa akin habang nakapasok ang dalawang kamay sa bulsa ng itim niyang slacks. Napaatras ako.
"How dare you think that you already know me. To the extent that you would defend me from them."
Napansin ko agad ang mas paglalim ng boses niya.
Galit ba siya?
Siningkitan niya ako ng mga mata, "Did you really think you can change how their brain would work just because you said those words? Who do you think you are?"
"S-Sir. P-Pasensiya na p—"
Pinutol niya ang pagpapaumanhin ko, "—Who do you think you are to assume that you have the ability to reset how they may look at me?"
Ako lang ba ang natatakot sa kaniya ngayon kahit wala naman siyang ginagawa maliban nalang sa pagtitig sa akin nang masinsinan? Kalmado lang ang boses niya ngunit nakakakaba na!
"P-Pasensiya po. H-Hindi ko lang nagustuhan ang mga sinabi nila tungkol sa iyo, S-Sir!" nakayuko kong depensa.
Napangisi siya na nagbigay sa akin ng kilabot, "So you don't agree that I am a monster?"
Napapahawak na ako nang mahigpit sa dulo ng suot kong polo dahil sa sobrang kaba, "S-Sir. . ."
Humakbang pa ulit siya, "Why would you even try to defend a monster?"
Napaatras ako at nanatiling nakayuko, "S-Sir, dahil h-hindi ka po halima-"
"-You think so?" pagsasabat niya.
"Y-Yes, Sir."
"Well, you thought wrong."
Nag-iba ang ihip ng hangin dahil sa sinabi niya.
Narinig ko ang pagtawa niya nang malademonyo na ikinataas ng balahibo ko.
"I know your intentions are heartwarming but I apologize to crush your expectations but what they said were true. You'll end up very disappointed if you grow up thinking everyone has the same heart as you do."
Ang lakas ng kalabog ng puso ko.
"Don't expect that I'll thank you for doing that stupid crap. Show your face and chin up."
Agad naman akong tumingala sa isang utos niya lang. At pinagsisisihan kong agaran ko siyang sinunod upang malaman kong ilang pulgada na lang pala ang pagitan ng pagmumukha namin. Yumuko kasi siya upang pumantay sa tangkad ko na 5'4. Kaso lang. . .sumobra yata.
Ang lapit niya sa akin.
Baka nga matumba na ako sa sobrang seryoso ng pagmumukha niya na mas dumagdag pa sa appeal niya. Lalo na ang magkasalubong niyang dalawang makakapal na kilay. Sinong hindi manlalambot ang mga tuhod niyan?
"Don't do this again. Defending me is not gonna be part of your job, especially if you're defending the wrong side of the arguement because soon enough, you'll hate me more than they do. And your words will sound more hurtful than theirs."
Lumayo siya at ngumisi, "Let's go back. The food is already waiting."
Bago pa man ako makareact, tinalikuran niya na ako at nagpatiuna.
Bakit hindi niya nagustuhan ang pagdedepensa ko sa kaniya? At teka. . . bakit siya nasa labas ng banyo ng mga babae?
Teka. . .nandito ba siya para sa akin? Hinintay niya ba ako?! Ano?!