Chapter 4: Giving up ". . .until the third month of her employment. Is everything under this contract conformable for you, Miss Sarcuevas?" tanong sa akin ni Mr. Guzman matapos niyang basahin ang kabuuan ng nakasulat sa kontrata. Napahugot ako ng malalim na hininga. Mula sa mga tingin ko sa magkahawak kong kamay, napunta ang mga mata ko sa suot kong wristband sa kaliwang pulso, "S-Sa kabuuan po. . .m-magkakaroon po ako ng isang buwan na training at p-pagkatapos ho nun, m-magiging opisyal na po akong empleyado sa panibagong tatlong b-buwan? B-Bale po four months po ako sa kumpaniya n-ninyo?" Tumango si Mr. Guzman sa katanungan ko. Napakagat ako ng labi. Ngayon, napapaisip na ako. Papaano ko ngayon pagsasabayin ang pagtatatrabaho sa kumpanya at pag-aasikaso ng bahay? Kailangan ko

