“How long have you been waiting?”
"Half an hour, Sir."
Nakita ko sa katapat naming table na nakatutok na sa direksiyon namin ang nakalabas nilang mga cellphone at gadgets nang patago. Pinipicturan ba nila kami?
Halos lahat pala ng tao sa cafe, nakatingin sa likuran ko. At kapag nakita na nila, mag-iiwas agad sila ng tingin.
Nakita ko pa sa mukha ni Mr. Guzman ang biglang pag-iba ng ekspresyon ng mukha niya. Naging seryoso siya.
Napalunok ako.
"Sige, Sir. Iiwan ko na po ang kotse sa labas," pagpapaalam ni Manong Anton at nakita ko na lang na lumabas na siya ng cafe.
Hindi ko magawang lumingon.
Wala ba siyang planong umupo? Wala ba sa aming may planong umupo? Bakit nasa likuran ko siya? Nasa likuran ko pa rin ba siya?
"Sit down, Miss Sarcuevas," sa isang utos niya lang, agad akong napaupo. At nanlaki ang mata ko sa rason. Hindi pa pala siya umuupo dahil hinihintay niyang maitulak niya muna ang upuan para sa akin.
Bakit niya yun ginawa?
B-Bakit siya nagpapakagentleman sa akin?!
Sa totoo lang. . .ito ang unang beses na may lalaking nagpakagentleman sa akin.
Ang halos lahat ng tao sa loob ng cafe, nagbubulongan na. Kilala ba nila si Mr. Sullivan kaya maraming nakatingin sa amin ngayon? Artista ba si Sir Sullivan?
Mas naging usisera tuloy ako sa kung ano ang itsura niya. Kinakabahan ako.
Pabilog ang mesa. Umupo na rin siya sa silyang katapat ko.
Pag-upo na pag-upo niya palang, nakadikit na agad ang tingin ko sa kaniya.
At hindi ko inaasahan ang makikita ko nang tinutok ko ang tingin ko sa mukha niya na siyang naging dahilan nang muntikan kong pagkatumba mula sa upuan.
Hindi dahil nakatingin rin siya sa akin o dahil isang napakagwapong nilalang ang tumambad sa akin.
Kung hindi dahil magkamukha sila ng lalaking nakita ko noong gabing magpapakamatay ako!
A-Anong. . .
Nakatitig rin sa akin pabalik ang mga mata niya na para bang may gusto siyang sabihin.
. . .nangyayari?
"Waiter," buti na lang at nagsalita si Mr. Guzman at napabaling ang tingin ko sa ibang direksiyan.
Nanlalamig ako. Nakakasakal ang presensiya niya.
H-Hindi ako makapaniwala!
Kung hindi ako nagkakamali, siya nga ang lalaki sa kwarto ko. Siya ba talaga ang lalaking iyon? Ilusiyon pa rin ba ito!?
Kung ganun. . .ang pagpasok niya sa kwarto, ang pagyakap niya, at ang halik na iyon. . .isa pa rin ba iyong ilusyon!? Anong nangyayari?!
"Y-Yes, Sir? May I take your o-orders?" tanong ng lalaking waiter pagkalapit sa amin.
Nangunot ang noo ko nang mapansin kong pinagpapawisan siya at nanginginig pa dahil gumagalaw ang hawak-hawak niyang maliit ng notebook. Pinagpapawisan siya sa loob ng airconditioned na cafe?
"Order something," nagsalita ang lalaking nasa harapan ko.
Ang boses niya, ganiyan na ganiyan. Mapagkakamalan mong galit. Kaya pala pamilyar ang boses niya kanina.
Ganiyan na ganiyan rin yung boses ng lalaking nasa kwarto! Nahihibang na ba ako?!
"I said, order something."
Nagtaka naman ako kung bakit hindi sumasagot si Mr. Guzman sa tanong ni Sir Sullivan kaya napatingin na ako sa kaniya.
At nagsisisi ako, dahil nahinto na naman ako sa pagtama ng mga mata namin. Kanina niya pa pala ako tinitignan at ako pala ang kinakausap niya!
"Are you stupid? Or just plainly dumb? I said, order something," muli niyang utos na kung nakatayo pa ako ay baka nanlambot na ang mga tuhod ko.
Isa lang ang masasabi ko, hindi siya mabait tulad ng inaasahan ko.
Napaiwas ako ng tingin, "S-Sige po. A-Akin na p-po yung menu," nagkakandautal-utal kong hiling sa waiter na tulad ko ay pinagpapawisan rin pagkabigay sa akin ng menu.
Nakakatakot ang presensiya ng magiging boss ko. Nakakakaba siya.
Nasaan na iyong mabuting boss na inaasahan ko?!
"I-I will order. . ." binabasa ko palang ang menu naluluha na agad ako sa sobrang mahal ng mga presyo. "W-Wala," binalik ko na lang ang menu sa waiter pero bago pa man niya ito nakuha, may mga kamay na humablot na nito. Kinuha na ito ni Mr. Sullivan.
"She will have creme' pasta and fish fillet with gravy. No wine. Just ice tea," sabay bigay sa waiter noong menu. Ang bilis niyang magsalita. Hindi ko nga naintindihan ang sinabi niya. Nakuha kaya ng waiter?
"O-Okay sir. We'll serve the food in a minute," umalis naman agad ang waiter pagkatapos niyang isulat sa notebook ang orders. . .na nanginginig.
"I will recite the contract Mr. Sullivan and Miss Sarcuevas. Shall I?" Nakatingin lang naman ako kay Mr. Guzman habang nagsasalita siya at marahang tumango bilang sagot. Ayaw ko siyang tingnan. Wala akong lakas ng loob upang tingnan siya.
"You're not going to greet your future boss, Miss Sarcuevas?" pagpaparinig niya. Kakasabi ko nga lang.
Hindi ko man gusto, napilitan na naman akong tingnan siya.
Mabuti na lang dahil hindi na siya nakatingin sa akin ngayon. Nasa Ipad na ang focus ng mga mata niya kaya malaya kong mas namamasdan ang mukha niya.
S-Siya nga. Kamukhang kamukha niya.
"G-Good morning, Mr. Sullivan."
Napatingala siya ng tingin sa akin. Bigla siyang napangisi. Palihim na lumundag ang puso ko nang makita ko ang mapuputi at pantay niyang mga ngipin.
Kinabahan naman ako sa pagngisi niya.
Hindi ko maialis ang mga tingin ko sa labi niyang kalahating nakangiti. Ang ganda ng mga ngipin niya. Naiinsecure ako sa rabbit kong ngipin.
"Good afternoon too, Sarcuevas," nakakatanggal na naman ng baba ang ginawa niyang pagngisi.
Doon ko lang napagtanto matapos ang ilang segundo na mali pala ang nasabi ko kaya napalunok ako.
Good morning? Ba't good morning ang nasabi ko? Hapon na! Good afternoon iyon, Marie! Tanga!
"S-Sorry, Sir!" nakayuko kong paumanhin sa kaniya.
Hindi naman siya umimik.
Nagsalita nang muli si Mr. Guzman, "In this contract, Marie Louise Asuncion Sarcuevas shall be trained to be an executive assistant until she is of legal age to qualify for the positi—"
Natigilan kaming dalawa ni Mr. Guzman nang biglang tumayo si Mr. Sullivan at pinuntahan ang table na kaharap namin. At isang nakakagulat na eksena ang sumunod na nangyari.
Hinampas niya ang mesa nila at nilabas ng tao sa table ang mga gadgets nila.
Bumalik si Mr. Sullivan sa pagkakaupo bitbit ang mga cellphones at ibang gadgets ng mga tao mula sa kaharap naming table at hinulog ang mga ito sa pitsel na naglalaman ng malamig na tubig na nasa mesa namin.
Inabot niya ang Ipad at doon muli ang atensiyon niya, "Where were we again, Guzman?"
Napatingin ako sa mga cellphones na nakalubog sa loob ng pitsel. Napalunok ako.
Hindi siya normal.
Habang tumatagal. Naiintindihan ko ang sinabi sa akin ni Mr. Guzman.
Hindi madali ang trabaho ko. . .lalo na sa ganitong uri ng tao.
"Therefore includes that she must meet the accostumed standards and qualities of being an executive assistant of the chief executive officer. She must be loyal, trustworthy and faithful—"
"Loyal, trustworthy and faithful. Are you like that?" pinutol niya ang pagsasalita ni Mr. Guzman sa kontrata. Ako ba ang tinatanong niya?
Nalipat ang mga tingin ko papunta sa kaniya at sa muli, nalaman ko na namang kanina pa pala siya nakatingin sa akin. Kung nakakatunaw lang ang tingin, kanina pa ako naging likido sa init ng mga tingin niya!
"H-Ho?"
Binaba niya ang Ipad niya sa mesa at nagdekwatro. Napapakagat ako ng labi habang naiimagine kong nagpuphotoshoot sa harapan ko ang isang Adonis dahil sa postura niya. Napakakisig at ang galing niyang magdala ng sarili.
"Are you seeing someone?" bigla niyang tanong.
Napaubo naman si Mr. Guzman sa tanong ni Sir Sullivan.
Tinitigan niya pa ako, "Do you have a boyfriend? Are you single?"
“H-Ho?” hindi na naman ako makasagot.
Dapat siguro dinala ko ang resume ko. Sa pagkakaalam ko kasi meron talagang mga kumpanya ang hindi tumatanggap ng empleyado na may nobyo o nobya.
Nakatitig pa rin siya sa akin. Hindi niya ba kayang hindi gawin ang pagtitig ng ganiyan?
"Nevermind. Continue, Rey," nakangisi niyang utos at bumalik sa paggamit ng Ipad.
Pagtingin ko kay Mr. Guzman, hindi man lang siya makatingin sa aming dalawa nang diretsahan.
"Sir, can I be excused for a moment?" pagpapaalam niya kay Sir Sullivan na hindi man lang siya tinapunan ng tingin at tumango lang.
Sa pag-alis ni Mr. Guzman, sobrang tahimik lang naming dalawa.
Kinakabahan ako. Hindi ko mabasa ang tumatakbo sa utak niya. Nakakahibang dahil kamukhang-kamukha niya talaga yung lalaking pumasok sa kwarto ko! Mas nakakapangilabot dahil saksakan talaga siya ng kagwapuhan!
Marie. Maghunos-dili ka. Hindi maaaring ang lalaking iyon ay iyan. Magiging boss mo iyan kaya umayos ka. Iyan ang magiging boss mo! Utang na loob! Utang mo sa kaniya ang buhay ng mga magulang mo! Kalimutan mo nalang ang nangyari noong gabing iyon!
"Where are the foods? Such a mediocre place," tatayo na sana siya ngunit inunahan ko na.
"Ako na po, Sir!"
Nakatitig na naman siya sa akin kaya nag-iwas ako ng tingin. Kinuha ko ang face mask mula sa bitbit kong bag at isinuot ko ito.
"Why are you covering your face?" nangunot ang noo niya.
"Ah. . .e. . .ano po. . .ayaw ko lang pong makita nila ang itsura ko. . .pangit po kasi ako," yun na agad ang sinabi ko.
At totoo rin naman, yun naman talaga ang dahilan kung bakit ko tinatakpan ang mukha ko. Baka pagtawanan pa ako ng mga tao dahil isang malaking joke ang mukha ko.
Natahimik siya at nagseryoso. Kaso lang sa sobrang seryoso, umatras ang dila ko.
"S-Sir. K-Kukunin ko lang ho yung pagkain," agad akong nag-iwas ng tingin at hindi na hinintay ang sagot niya at tinalikuran ko na siya.
Pasensiya. Malaki ho kasi ang problema sa itsura ko. Pangit ho ako. Isa ho akong kapangitang makikita sa harapan ninyo.