[ 3 ] Counter Arguments

1316 Words
Chapter 3: Counter Arguments Magmiminuto na simula nang makaalis ako sa mesa namin kung saan naghihintay si Mr. Sullivan. Pero pakiramdam ko nakatutok pa rin sa akin ang mga mata niya mula sa iba't-ibang direksiyon. Yung pakiramdam na kahit saan ako magpunta, minamasdan niya ako kahit wala naman talaga siya sa paligid ko. Napaparanoid na kasi ako. Masyado akong self conscious. Nag-aalala sa kung ano kaya ang naiisip ngayon ni Sir Sullivan tungkol sa akin. Siguro ilang beses nang pumasok sa utak niya kung gaano ako kapangit. At bukod pa doon, nananatili pa rin kasi sa utak ko magpahanggang ngayon ang ginawa niya kanina sa mga cellphones ng mga tao sa kabilang table at ang pagbigay niya ng masamang tingin pagka-amin ko ng dahilan kung bakit ako nagsusuot ng face mask. Yung tipong tingin niya pa lang, papatay na. Kaya tuloy inaakala ko na ng utak ko ang boses niya na nagbabantang: "Remove that mask or I'll make sure you rot in hell." Eek! Oo na nga! Tinanggal ko na lang ang suot kong mask. Nagbabasakaling kapag ginawa ko iyon, matanggal ang kaba sa loob ng dibdib ko. Pero bukod pa sa mga nangyari kanina, may mga bagay pa na mas nagpabagababag sa akin. Isa na doon ay ang totoong pagkatao ni Mr. Sullivan at kung nagkataon lang bang kamukhang kamukha niya ang lalaki sa kwarto ko. Iniisip ko kasing baka nga si Mr. Sullivan ang lalaking pumasok sa kwarto ko noong gabing iy-Marie! Umayos ka nga! Para sabihin ko sa iyo for the nth time! Hindi totoong may lalaking pumasok sa kwarto mo! Halusinasyon mo lang iyon! Hindi hindi hindi! Tumigil ka na nga! Ang utak ko. Sobrang ingay. Sa sobrang gulo ng isipan ko, pinagpatuloy ko na lang ang pagpunta sa counter. "E-Excuse me po," magalang kong tawag ng pansin sa babae nang makarating ako. Bisi siya para tapunan man lang ako ng tingin. Naghintay ako kung kelan siya matatapos sa pagpipindot ng machine na nasa harapan niya. Nang bigyan niya na ako ng pansin, tumingala siya at nakita kong nakakunot ang noo niya, "Oh?" Napakagat ako ng labi sa tono ng pananalita niya. Nakasanayan ko na kaya alam ko na rin ang mga tinging gusto niyang ipahiwatig. Tingin ng isang taong nandidiri, nangmamata at may malaking disgusto sa akin. "S-Saan ho kukunin yung food na inorder na—" "Kita mo naman. Wala pa. Iseserve na lang namin kapag meron na." Tumango na lamang ako dahil una niya na akong tinalikuran. Maghihintay na lang ako dito. Ayaw kong bumalik sa table na walang dalang pagkain, baka balatan na ako ng buhay ni Mr. Sullivan. Lumapit ang isa pang customer sa counter, "Excuse me. Saan na yung food na inorder namin?" katulad nang ginawa niya sa akin, hindi niya rin tinapunan ng tingin ang babae noong una. Nakatalikod siya at may inaannounce para sa kitchen staff mula sa maliit na microphone at noong bumalik siya upang harapin ang babaeng kakarating lang, hindi tulad sa akin, nginitian niya ito. Hindi patas na trato. Ano pa bang aasahan mo, Marie? "Ahh eh, Ma'am. S-Sorry pero makokompromiso po muna namin ang servings namin sa mga food ninyo. We have a VIP guest kasi na nasa cafe ngayon. " VIP guest? Makokompromiso? Ibig sabihin ba nun mahuhuli rin yung inorder na pagkain ni Mr. Sullivan? "Ano? Kami ang unang omorder pero yung VIP ang mauuna? Huwag naman kayong unfair? Customer rin naman kami ah?!" "Ma'am, sorry po pero mas prioritize po namin ang guest naming ito ngayon. You can leave nalang po and find another cafe if you want." Napanlakihan ako ng mata sa bulalas ng bibig niya. Inaasahan ko nang makarinig ng mga ganiyang salita ngunit ikinabigla ko na magiging ganun talaga siya sa mga customers niya. Hindi rin siguro nagustuhan ng customer na katabi ko ang pananalita niya dahil nagsalubong na ang dalawa niyang mga kilay, "Sinasabi mo bang kami pa ang kailangang umalis?! Ganun?" Sakto namang dumagsa ang mga customers sa counter at nagsabayan sa pagsasalita, "Saan na ba yung mga orders namin?! Kanina pa kami naghihintay oh!" May lumapit ring isa pang customer na umusisa rin ng order nila. At isa pang customer na lumapit at tumabi rin sa akin. Ngayon ko lang napagtanto na pinapagitnaan na ako ng mga customers na puro nagrereklamo. "Miss yung orders namin?! Ano ba!? Tatlumpong minuto na kaming naghihintay! Pinagmumukha niyo ba kaming tanga dun sa table!?" Aalis na lang siguro ako. Sasabihin ko na lang kay Mr. Sullivan na hindi pa luto ang pagkai— "BAKIT BA ANG KULIT MO!? SABI NGANG WALA PA DIBA!?" Napatingin ako sa babae na nasa counter dahil sa bigla nitong pagsisigaw at napahinto nang makitang namumutok na ang mukha nito sa pagkapula habang naiiritang nakatingin sa akin. A-Anong ginawa ko? Ba't siya ganiyan makatingin? "TANGA KA BA!? KITA MO BANG NASA HARAPAN MO NA ANG ORDERS MO, DIBA WALA!? KAYA MAGHINTAY KA!" Nagulat ako at napaatras ng ilang hakbang sa pagsigaw niya sa akin. Nagtinginan ang lahat ng tao sa cafe sa direksiyon ko. Bakit niya sakin binubuntong ang galit niya? Wala naman akong ginagawa? Bakit niya pa ako kailangang sigawan? Napayuko na lang ako sa hiya nang magbulong-bulongan na ang mga tao sa paligid. Naririnig ko na naman ang mga komentong sumasaksak sa likuran ko. Una, sa hospital kanina. Tapos ngayon na naman, ito? Bakit parati na lang ganito? Ano bang kasalanan ko? "S-Sir sorry sa disturbo, ang kulit ho kasi nitong isang customer namin. Pinagsabihan ko lang ho," napaangat ako ng tingin at nalaman kong nasa gilid ko na pala si Mr. Guzman. Masama ang tingin niya. Akala ko para sa akin ang mga tingin na iyon ngunit hindi. Lumampas papunta sa babaeng nasa counter ang matatalim niyang mga mata. "You just made the worse mistake in your life's history," nakagat ko ang labi ko sa banta ni Mr. Guzman sa babae. Napansin kong bumalik sa kaniya kaniyang mga table ang mga customers na dumagsa kanina. Hindi ako sigurado ngunit pakiramdam ko dahil iyon sa presensiya ni Mr. Guzman. Blag! Napapitlag ako sa kalabog mula sa hating nakabukas na pintuan na nasa likuran ng babaeng nasa counter. Noong pasimpleng sumilip ang mga tingin ko sa siwang nito, nakita ko ang pagkakagulo ng inaasahan kong mga staff ng cafe. "Mga bobo! Bilisan niyo nga ang kilos niyo! Kanina pa siya naghihintay!" "Bilisan niyo!" "Si Mania kasi eh! Natapon niya pa yung pagkain!" "Ayos ka lang, Miss Sarcuevas?" kusa akong nanginig sa pagtapik ni Mr. Guzman sa balikat ko at napaatras. Nasa harapan ko na pala siya nang hindi ko napapansin. Nabigla rin siya sa naging reaksiyon ko. Hindi ko gustong mamisunderstood niya ang pag-iwas ko at gustuhin ko mang magpaliwanag pero sa ngayon, sobrang bigat ng pakiramdam ko na 'di ko na kakayanin pang tumagal sa mga tingin nila. "O-Opo. . ." pagsisinungaling ko sa kahihiyang bumabalot pa rin sa akin hanggang ngayon. "K-Kakilala niyo po s-siya?" hindi makapaniwalang tanong ng babae na nasa counter. Hindi na maipinta sa mukha ang kulay ng kaniyang balat dahil sa pamumutla nito. Muli na naman akong napakunot ng noo sa inaasta ng mga staff dito sa cafe. Mula kanina sa nanginginig na waiter hanggang dito sa babaeng pumupusyaw na. Nagkakagulo pa sa kusina nila. Napahawak ako sa suot kong pantalon dahil hindi ko na kakayanin pang tumindig sa harap nila nang hindi natutumba sa sobrang bigat ng nadarama. Kailangan ko nang makaalis, "E-Excuse me po, Mr. Guzman. M-Magbabanyo lang ho muna ako." Hindi ko na hinintay pa ang sagot ni Mr. Guzman at patakbong tinungo ang silid-pahingaan dito sa cafe at agad na pumasok sa loob ng isang cubicle nang masiguro kong bakante ito. Umupo ako sa kubeta at doon na ako tuluyang napahagulgol nang patago.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD