Chapter 5: Early Heat Sa pagtalon ko sa tubig ilog, tumingala pa ako upang makita ang kalangitan. Tatlong segundo lang mahigit ang ginugol ko sa pagsulyap sa mga bituin bago ako tuluyang lamunin ng katubigan. Nadama ko pa ang pagbagsak ng katawan ko sa ilog at ang pwersahang pag-ikot nito sa akin papunta sa ilalim. Madilim ang paligid kaya pinili kong pumikit. Wala na akong takas sa mga sandaling ito. Hindi ko na alam kung saang parte ng kailaliman na ako tinatangay ng tubig, basta ba'y alam ko na lang, gusto ko nang tapusin ang lahat. Pagod na ako. Wala rin namang dahilan upang mabuhay pa ako. Pabigat lang rin naman ako, tama lang na maglaho na ako na parang bula. —Π— Masakit sa lalamunan nang umubo ako ng tubig. Kusang nangangapa ang katawan ko na makalanghap ng hangin. "Bakit k

