Chapter One
Disclaimer:
Hello ebribadi!!! sana ligtas po tayong lahat, positive lang po tayo sa mga nagyayari ngayon, malalampasan din natin itong si COVID. May positive effect din naman siya kahit papaano, tulad nalang po nitong kwento na ito, nagawa ko ito during ECQ period. At nga po pala, gusto ko lang igive credit itong kaibigan ko na ito (Ms. Zailyn C.), siya po ang dahilan kung bakit ko binigyang buhay ang kwentong ito, kasi naman crush daw niya si Mayor Vico. Mayor, sorry po, nadamay po kita, pero wag po kayong mag-alala, mabait po si Vico (yung character po ng story na ito), sana ho hindi kayo magalit sa ginawa ko. Sorry po talaga. By the way, ang haba na po ng intro ko. Ito na po. Enjoy reading!!!
"Tingnan mo nga laman ng newspaper Vico", iniabot ng kaibigan niyang si Francis ang newspaper na hawak nito sa kanya.
Kasalukuyan silang nakatambay sa condo niya ngayon matapos ang election, gusto na muna niyang magrelax. Mula pa sa araw ng pangangampanya ay hindi na niya magawa pang makapagpahinga. Pagkatingin niya sa newspaper, siya na naman ang laman ng headline. 'Vincent Kurt "Vico" Zapanta: The Handsome Mayor of Pasig'. Simula ng manalo siya sa election pagkamayor ay walang hupa na ang mga articles patungkol sa kanya, hindi lang sa newspaper, maging sa social media ay laman narin siya. Ang kanyang nananahimik na mundo ay biglaan nalang gumulo. Pati buhay pag-ibig niya ay hindi narin nakaligtas sa mga magaling na mga journalist, kaya naman nawalan na siya ng ganang manood ng tv, magbukas ng kahit na anong account sa social media.
"Mukhang hindi titigil ang madla sa pang-iintriga sa lovelife mo ah", kaya nga, mas interesado pa ata ang karamihan sa update sa status ng lovelife niya kumpara sa mga plataporma niya.
"Don't mind them, huhupa din ang isyung yan". Sana lang.
"Asa ka pang titigilan ka ng mga media para usisain ang tungkol diyan, titigilan ka lang nila hanggat may ipakikilala kang girlfriend", nakangising wika ni Francis.
"Women and being in a romantic relationship right now is not my top priority, I have to focus on the health programs para sa mga tao dito sa Pasig", hindi pa niya naisip na matali sa isang relasyon, isang malaking sagabal iyon sa kanyang mga plano.
"You're hopeless dude, hindi na talaga ako magtataka kung tatanda kang mag-isa, wag kang mag-alala dadalawin ka nalang namin sa home for the aged kung magkataon", wika nito sabay tawa ng malakas. Nginisihan niya lang ang kaibigan na aliw na aliw sa pang-iinis sa kanya.
Hindi naman sa wala siyang interes sa babae, sadyang hindi lang talaga niya priority ang maghanap ng magiging girlfriend niya. Tulad ng normal na tao, may ideal girl din siya, he wants a woman who has a sense of responsibility, smart, elegant in a way at pareha sila ng pananaw sa buhay, a woman who would have the same wavelength as he. Ganoon lang kasimple, and he believe that, that woman will come into his life in the right place and lastly he don't believe in love at first sight.
Nag-unat ng katawan si Zailyn matapos niyang basahin at pag-aralan ang bagong gagawin nilang programa. She's the head of the planning department, her father assigned her to that position, and every quarter ay may ginagawa silang extension program. Minsan livelihood, outreach program at itong ginagawa nila ngayon, environment conservation program. Mag-aalas otso na pala ng gabi, hindi niya namalayan ang oras, saka lang niya naramdaman na gutom na pala siya ng tumunog ang kanyang tiyan. Matapos niyang i-off ang computer ay lumabas na rin siya ng sariling opisina. Maaga pa naman siya sa opisina bukas.
"Pa, paalis na po ako ng opisina. Okay po, thank you", nasa elevator na siya ng matapos niyang kausapin ang ama sa cellphone. Pagkarating niya sa basement ay kaagad niyang nilapitan ang kanyang kotse. 'Hmm, kakain nalang ako bago umuwi sa bahay'
"Dams, nasa bahay ka? Dadaanan kita diyan ngayon", siguro siyang nakamukmong lang sa bahay itong kaibigan niya. May pagka anti-social din naman kasi ang isang ito. Pagkaganitong oras ng gabi, kung hindi ito nag-oovertime sa trabaho ay nasa kwarto lang ito at nagmumukmok.
"Bakit? Nakita mo na ang iyong poreber? O may nahanap ka ng jojowain?", kahit kailan, hindi talaga matinong kausap ang kaibigan.
"Sira, hindi pa ako naghapunan, samahan mo ako", pag-aaya niya dito.
"Nako!! Nakakasama yan sa braincells dams, kaya pala hindi ka pa nagkaboyfriend sa lagay na yan". Ano naman kaya ang connection ng hindi niya pagkain ng hapunan sa oras na ito sa status ng lovelife niya?
"Ang gulo mong kausap, dadaanan kita diyan", sa halip ay wika niya matapos magpaalam dito.
"Niminsan naisip mo na bang may mali sa iyo dams?", susubo na sana siya ng marinig niya ang katakot takot na tanong ni Dianne.
"Ou, nagkamali ata ako na naging kaibigan ko ang isang matabil at makulit na tulad mo, dams kakain na muna tayo at saka nalang natin pag-usapan yang problema mo ha? Pramis", pero siyempre, joke lang iyon. Alam na niya ang rason kung bakit nagtatanong na naman ito ng mga bagay bagay, baka sa susunod, itatanong na naman nito sa kanya kung nagsubscribe na ba siya ni Ivana. Nagkawriters' block na naman ata ang isang 'to.
"Sarrey, sige tapusin na muna natin ito", ginaya pa nito ang pagsasabi ng sorry nung si Stephi Cheon sa My Love From the Star na isang Korean drama series. Maka-oppa kasi itong kaibigan niya. Minsan nga gusto na niya itong oppakan sa kakulitan.
Pagkatapos nilang kumain ay niyaya na niya ang kaibigan paalis sa restaurant, sa kotse na sila habang pauwi mag-uusap.
"Okay, ituloy mo na ang gusto mong sabihin sa akin kanina", paalala niya dito. Busy sa kakaswipe sa cellphone ang kaibigan.
"Nawala na sa intensity ang topic, ayoko ng ituloy", 'magulong babae talaga'
"Akala ko ba'y importante yun?".
"Hindi na, may nakita ako na bagong pag-uusapan natin, makitrending tayo", nakita pa niya ang malapad na ngiti nito habang nakatingin sa cellphone.
"Mas lalo na bang lumaki ang butas ng ozone layer?"
"Ou, sa kakangatngat ni Kokey, lumaki ang butas", pamimilosopo nito sa kanyang sinabi, ng lingunin niya ito ay nakasimangot na ito. 'Aba, ako dapat ang nakasimangot'
"Umayos ka nga".
"Wala ka na bang ibang iisipin kundi ang problema ng kalikasan? Tatanda kang hindi mapag-ukulan ng pansin ang mga kalahi ni Adan".
"Bakit? Ikaw ba ay may pinag-uukulan ng kalahi ni Adan?"
"Wala".
"Ayan naman pala eh, quits lang pala tayo", hindi niya mapigilang matawa sa takbo ng usapan nilang dalawa.
"Sabi kasi nila, birds with the same feathers flock together", dagdag ni Dianne.
"May meeting pala tayo ngayong Sabado, may malaki tayong project, sa 'The Creations' lang ang venue", ang tinutukoy niyang The Creations ay ang events planning business nilang limang magkakaibigan. Bukod kasi sa kanya-kanyang trabaho ay napagkasunduan nilang magtayo ng isang events organizing business, magpipitong taon na ito at masasabing isa sila sa mga kilalang event organizer.
"Ay ou nga pala, sige, hapon pa naman iyon".
"Gwen, pakisabi kay Rio na kakausapin ko siya dito sa opisina ko", aniya sa kanyang secretary, si Rio ay siyang assign sa pagawa ng proposal para sa mga extension program nila.
"Sige po ma'am, tatawagan ko ho siya sa opisina nila".
"Thank you", aniya rito. Makalipas lang ang ilang minuto ay bumukas ang pinto ng kanyang opisina at iniluwa si Rio.
"Gusto mo raw akong kausapin Ma'am Zai", si Rio.
"Yes, thank you for coming Rio, maupo ka na muna", iminuwestra niya ang upuan sa harap ng kanyang executive chair. Inabot niya dito ang proposal.
"May problema po ba sa proposal ma'am?"
"Wala naman, I think everything is perfectly tailored, mukhang ang kailangan nalang natin ay ang lugar kung saan natin pwedeng gawin iyan, may naisip ka na bang lugar?", they were trying to propose a project for environment conservation, sila na ang magfifinance sa lahat ng kakailanganin para sa programa, pati sa taong gagawa ng conservation, ang tanging kailangan lang nila ay ang approval ng kung sino mang kinauukulan.
"Hindi nalang tayo lalayo pa ng lugar ma'am, kung okay po kayo sa lugar na pipiliin ko and my team, then agad-agad, iprepresent ko itong proposal natin", may kumpiyansang wika nito, talaga namang magaling si Rio. Kaya nga malaki ang tiwala niya dito.
"Okay, come on, tell me where's that place is".
"Dito po mismo sa Pasig ma'am, the Pasig river, as we all know, isa ho sana ang Pasig sa magandang lugar dito sa Kamaynilaan, especially when the twighlight and dawn comes, if we can bring back the beauty of the place then hindi malalayong dadayuhin uli ito ng mga turista, hindi narin magiging tambakan ng basura ang lugar", paliwanag nito. Tama nga naman si Rio, gusto nga rin niyang makitang muli ang sigla ng dagat sa Pasig River.
"That's a good suggestion, pero may ginawa ng project ang pangulo ng Pilipinas para sa Pasig River", aniya. Kasi kamakailan lang ay laman ng balita ang ginawang pagpapalinis ng pangulo ng Pilipinas sa lugar na iyon.
"Opo, pero ang layunin ho nitong proposal natin ay may involvement mismo ng mga tao na nakapaligid sa mismong lugar, the effective way of changing the place starts at the individuals living in the area and in the neighbouring place, kasi kung hindi nila maisapuso ang pagngangalaga ng lugar magiging useless lang po ang paglinis at pagpreserba natin sa Pasig River, because people will just continue doing what they had been used to do, which is polluting the area", tumpak. Psycologically, kung ano na ang nakagawiang gawin ng tao ay gagawin at gagawin parin yan without thinking, kasi nga nagiging habit na, at mahirap ng baguhin pa.
"Okay, I approved for the place. This one is a tough battle Rio", aaminin niya, mahirap ang gagawin nilang ito, pero kailangang magtagumpay sila dito. They are not only investing a large sum of money but the lives of the people living in the area and the creatures living in that river were being put at risk. Hindi lang talaga at risk, patay na nga ang iba.
"Thank you po ma'am, I will try to get an appointment to the mayor para maipresent ko sa kanya ang plano", mababanaag niya ang saya sa mukha nito.
"Sure thing Rio, and thank you also", aniya bago nagpaalam ang binata palabas ng kanyang opisina.
"Nakausap ko na ang secretary niya, at ang sabi daw ng boss niya, tayo na lang daw ang bahala sa lahat", ani Jhonna Aine, nasa The Creations sila ngayon at nagmeeting tungkol sa bago nilang event.
"Malaki nga ang event na ito guys, may-ari ba naman ng Airline company, bigtime, at siguradong mga bigating tao din ang bisita nito, engagement ba kamo ito?", si Dianne habang hawak hawak ang fountain pen nito.
"Ou", si Jhonna Aine ulit.
"Kayo, may naisip na ba kayong pwedeng gawing theme natin sa engagement na ito?", si Hanna Jade- isa sa mga nagmamay-ari ng The Creations.
"Curious tuloy ako sa lalaking ito, ito na nga at engagement party itong pinag-uusapan, para ito sa fiancée niya tapos wala man lang siyang maissuggest na gawin dito sa party niya?", si Marchalita, co-owner din ito.
"Busy siguro sa kanyang negosyo at hindi na niya magawang tutukan ang engagement nila, ano naman ang gagawin ng pera nila kung hindi niya gagastusan ng bongga itong party na'to", aniya, ganoon naman talaga, kaya nga nag-eexist ang negosyo na tulad ng sa kanila para tugunan ang ganitong pangangailangan ng mamamayan.
"Dreamy ang magiging theme natin sa party nato", ani Hanna Jade.
"Okay, pwede din iyan", sang-ayon naman ni Marchalita.
"Pastel colors ang gagamitin natin for the event", ani Jhonna.
"Wag, masyadong light para sa isang engagement na event, mawawala ang romantic air, hindi natin pwedeng iomit yun, remember that we will be using bloody red for events like this", si Dianne, may signature color na sila sa bawat events, iyon ang nagiging trademark nila. Hindi na kailangan pa nang kung anong palatandaan para makilala na ang The Creations ang gumagawa, the work itself tells that it was their creation.
"Yes, tama, pwede din naman natin siyang icombine, pero dapat mas prevailing ang romanticity", sang-ayun naman niya.
Matapos nilang mapagkasunduan mula sa venue, pagkain, them at kung ano-ano pang kinakailangan para sa event at napagkasunduan nilang sabay sabay na kumain sa Bueno Tapas and Wine Restaurant.
Habang kumakain ay napag-usapan nila ang kani-kanilang mga trabaho, parang bonding moment na kasi nila ang ganitong okasyon, kasi ni minsan lang sila magkita-kita sa sobrang busy nilang pareho sa mga trabaho.
"Medyo mahirap nga iyang extension program na iyan", si Marchalita na nilantakan ang leche plan.
"Parang buong Pilipinas din ang babaguhin niyan, unlike other programs na nakafocus lang sa isang aspeto, example, livelihood, pero iyang sa inyo, medyo kailangan niyong lakipan ng psychological aspects", ani Hanna Jade.
"Dinaig mo pa ang programa ni yorme dams, kasi ang focus niya health program para sa mga constituents niya, tapos ikaw pati ata kaluluwa ni nemo pinapakialaman mo na", ani Dianne pagkatapos ay sabay silang nagtawanan.
"Hindi kaya malulugi ka niyan dams?", si Jhonna Aine na.
"Hindi pa naman, saka ko na iisipin yan pag nagawa ng mapresent ni Rio kay mayor nag proposal ko", she's hoping that before this week ends eh may positive respond na makukuha si Rios mula sa tanggapan ng mayor.
"Mems, diba crush mo si Mayor Vico?", tukso ni Dianne kay Marchalita. Automatic na binitawan nito ang hawak ng tinidor na ginamit sa leche plan at humarap sa kanila
"Kamote, matagal na panahon na sinukuan ko ang pagsintang pururot sa lalaking iyon, college pa tayo noon, pero ngayon, hindi na, hindi ko na siya type," naalala pa niya na sa tuwing magkikita silang lima sa bawat vacant nila ay bukang bibig palagi nito si Vico, nasa 2nd college sila noon, at si Vico naman ay nasa 4th year na.
"Ganoon ba, sayang naman, available pa naman siya mems," dagdag pa ni Dianne.
"Ikaw dams, baka gusto mong iblind date ka namin sa kanya, kami na ang bahala sa venue, libre namin", binalingan siya ni Jhonna Aine. Nakatutok sa kanya nang buong atensyon ng apat. Ang sasarap lang pag-uuntugin ang mga ulo nito.
"Nasabi ko na ba sa inyo na marami akong trabaho?"
"At hindi kasali sa mga listahan ng priorities ang pagboboyprend", sabay sabay na sambit ng mga ito pagkatapos sabay na napabuntong hiningang nakatingin sa kanya.
"Abay tatandang dalaga ka niyan dams", si Dianne.
"Atleast hindi ako nag-iisa, kasi pare-pareho tayong lima", sabay sabay naman na nagkatawanan sila. Napatingin tuloy ang ibang kumakain na magcouple sa table nila. Saka lang nila napansin na ang loob ng kinakainang restaurant ay pawing mga nagdadate, sila lang ang grupo na nasa loob at ingay pa nila.
"Saan na kaya ang Thyago na ito, engagement party niya at hindi man lang natin mahagilap", si Francis, kanina lang sila nakaupo sa isang VIP table para sa engagement party ng kanyang kaibigan na si Thyago.
"Nasa opisina pa ata niya ang lalaking iyon, abay walang pakialam sa kaganapan nitong party niya", si Cloud isa sa mga kaibigan niya.
"Hindi ko rin naman kasi maintindihan ang isang iyon, ang sabi niya sa atin noong isang buwan, ayaw pa niyang pakasalan si Venus kasi may kontrata pa ito sa Paris", si Ricos.
"Engagement pa naman, they can still be engage for five years if they want".
Sabay sabay na napalingon sa kanya ang tatlong kaibigan, siya naman na iinom sana ng red wine ay nabitin sa ere ang glass wine. May sapi ba ang mga ito?
"Brod, may alam ka pala sa bagay na yan?" nakangiting turan ni Cloud.
"Baka napaso ang dila mo sa salitang engagement", dagdag naman ni Ricos.
"Ang gugulo niyo, bawal na ba akong gumamit ng salitang iyan?", umaandar na naman ang pang-iinis ng mga ito.
"Mga bata, tigilan niyo na si Vico, wag niyo yang kausapin sa mga ganyang bagay, hindi kayo papatulan niyan, buti sana kung governance ang ipakiusap niyo sa kanya, lilingunin pa kayo. At siguro pagkatapos nun, ang foundation na naman ng plano niyang buuin ang magiging topic niyo", si Francis na kumuha na naman ng wine sa waiter na dumaan.
Minsan na niyang nasabi sa mga ito ang plano niyang pagtayo ng foundation, may pera na siya para doon, bago paman siya pumasok sa pulitika ay ready na ang pera niya. Kailangan lang niyang iconvince ang apat na kaibigan na tulungan siya sa pagpapatayo at pamamahala nito, kasi magiging conflict of interes kung gagamitin niya ang pangalan niya bilang kabilang sa mga owner.
Makalipas ang ilang minuto ay dumating narin ang kaibigan nila. Ng matapos nitong magsalita kasama ang fiancée nito sa harap ay nagpunta ang huli sa mesa nila. Nagkayayaan pa ang mga ito na sumayaw sa dance floor ng magsimulang tumugtog ang musika. Niyaya siya ng mga ito na sumayaw, sa halip na sundan ang mga ito sa dancefloor ay naisipan niyang magpunta sa garden para magpahangin. Habang papalapit na siya sa harden ng venue, nakita niya sa may bench na may tao, pasandig pa itong nakaupo sa bench habang nakatingala sa langit. Dahil sa liwanag na hatid ng buwan ay nakita niyang nakahubad ito ng suot na high heels.
'What is she doing here in the middle of the party? and she's alone', aniya sa isip. Base sa suot nito, hindi ito kabilang sa party, the woman is wearing a jeans paired with long sleeve blouse. Baka tulad niya, guess lang din ito ng hotel at gusto lang magpahangin. Nagring ang cellphone nito, ng sagutin ng babae ang tawag nito at marinig ang boses, bigla siyang siyang may nakapa ng kakaibang damdamin na biglaan nalang sumulpot. She has the sweetest voice he has ever heard. Nakita niyang naglakad na ito palayo. Ng mawala sa kanyang paningin ang babae ay lumapit siya sa bench na kinauupan nito at nakita niyang may naiwan doon, pinulot niya. Using the light coming from his phone, he saw a moon shaped keychain. When he turns it back, nakita niya ang pangalan na nakaukit doon- Zailyn.
'Zailyn, you must love staring at the moon.'