Kanina pa nananakit ang kanyang mga paa sa kakalakad sa buong venue, present silang limang magkakaibigan sa tuwing may ganitong may event na malaki silang hinahawakan. Kahit na may mga tauhan pa sila na pwedeng gumawa, kailangan pa rin ang supervision nilang lima, they have their own areas to supervise. Siya ang nakatalaga sa pagkain. Ng makatiyempo ay nagpunta siya sa may garden ng hall at nagpahinga doon. She sat on the bench and wear off her sandals, the moon shines so bright, and as she looks at the sky, she got fascinated. It brings her comfort and happiness. The sky is so bright and there are plenty of stars. Matagal na panahon na rin nung huli niyang ginawa ito. Natigil lang siya sa kanyang ginagawa ng magring ang kanyang cellphone at nakita ang pangalan ni Dianne sa caller ID.
"Dams, asan ka na? Bigla ka lang nawala", anito sa kabilang linya. Saka lang niya naalala na hindi pala siya nakapagpaalam sa mga kaibigan.
"Sorry, nagdito ako sa may garden, nagpapahangin lang ako", isinuot niyang muli ang suot na sandals.
"Ah okay, nag-alala kaming bigla, akala namin nakidnap ka na", narinig pa niya ang tawa nito sa kabilang linya.
"Walang magkakamali, anyway pabalik na ako diyan", naglakad na siya paalis ng garden.
Nadatnan niya ang mga kaibigan sa isang sulok ng hall, aliw na aliw na nag-uusap. Lumingon ang mga ito ng makita siya ni Jhonna Aine at kalabitin ng huli ang mga ito ng makita siya.
"May problema ba?", pagbabasakali niya, pero wala naman siguro, basi narin sa mga mukha nito na aliw na aliw.
"Andiyan ka na pala, halika ka, aliwin natin ang mga mata natin", hinila pa siya ni Marchalita. Muntikan pa siyang mangudngod mula sa pagkakatahatak nito sa kanya. Mabuti nalang at mabilis ang reflexes niya.
"Ano bang meron dito at para kayong sinilihan sa puwet?", tanong niya sa mga ito.
"Nakita mo ba iyong grupo ng mga naggagandahang lalaki?", sinuyod ng mga mata niya ang itinuro ni Dianne. Nakita nga niya na may limang grupo ng mga binata, masayang nag-uusap ang mga ito.
"Nakita mo na?", si Hanna Jade.
"Ou, diba si Thyago yang isa diyan?", ito yung kliyenti nila. Nakita rin nila kanina ang fiancée nito. Walang sinabi ang mga kagandahan nila sa ganda nito. Hindi ka nga naman pasok na international model kung hindi ka biniyayaan ng ganoon kagandang mukha at pangangatawan. Pero pansin niya kanina, sa dinami-rami nilang nasaksihang engagement party ay pawang hindi masaya ang dalawa. Iba ang atmosphere nito, parang napilitan lang. 'Ay, paki ko naman sa buhay nilang dalawa'.
"At yung isa diyan ay si mayor Vico, magkaibigan pala sila?", si Marchalita. Sabay pa silang napalingon dito.
"Ba't ganyan kayo makatingin sa akin, dukutin ko kaya yang mga eyeballs niyo", biro nito.
"Teka lang, ano naman ang dapat kung tignan diyan? Wala namang bago sa kanila ah, yes, ang gagwapo nga nila, tapos? Ano ang gusto niyong palabasin?", sa hitsura nila ngayon na bahagyang nakatago at nakasilip sa grupo ng mga nagagwapohang oppa ay dinaig pa nila ang mga high schooler na nag-iistalk sa mga crush.
"According to what I have heard, single silang lahat, tapos biruin mo, lima sila sa grupo, tapos single, parang tayo lang", sinimangutan niya si Dianne.
"Hep! Break, engage na yung isa mareng", si Jhona naman. Lilinga linga pa ito sa paligid, baka nga naman may makakita sa katawa-tawa nilang posisyon. Masira pa ang iniingatan nilang image sa The Creations.
"Pustahan pa tayo, hindi matutuloy ang kasalan ng dalawang yan, I don't see any passion and love between the two", birit pa nito.
"Daming alam ah, close kayo nung groom to be?", si Marchalita.
"Oh my gass girls, 22nd century na po tayo, we had all the access to information, at isa pa hindi na kailangan pa ng maraming signal para hindi malaman na iyang dalawang iyan ay hindi nagmamahalan, from the start of the preparation for this party alam ko na ang totoong status nila. Kasi kung seryoso talaga sila sa event na ito, kahit konti ay magsasayang sila ng oras para icheck ang pinagagawa natin", napansin din niya iyon, pero hinayaan niya lang, baka kasi busy lang ang dalawa.
"May point ka diyan Dianne", si Hanna Jade na seryosong nakinig sa kaibigan habang nagsasalita ito.
"Iyan na ba ang nagagawa ng kapapanood mo ng mga koreanovela at pagbabasa ng mga lovestory ng ibang tao?", wika ni Marchalita.
"Grabe kayo, ang tawag diyan, keen observer, anyway going back to the topic, ayun nga, single silang lahat, lima sila, lima din tayo", nagniningning pa ang mga mata nito habang nakatingin sa grupo ng mga lalaki.
"So ang ibig sabihin?", si Hanna Jade.
"Tig-iisa tayo", walang prenong anunsyo nito at sinabayan pa ng pagtawa.
"Lokong ito, ayoko pang saktan ang puso ko dams, ikaw nalang", aniya. Kung anu-anong kalokohan nalang ang naisipan ng mga ito.
"Mukha palang ng mga iyan ay manloloko na, nako pag nagkataon, sabay sabay tayong lima na uuwing luhaan", si Jhonna.
"Tapos sabay sabay tayong kakanta ng wrecking ball", dugtong naman ni Marchalita. Tawanan na naman sila, para silang mga timang.
"Si mayor lang ata ang matino diyan sa grupo, tignan mo nga at parang santo sa kabaitan ang mukha, bagay kayo dams", baling sa kanya ni Dianne.
"Dahil santa din sa kabaitan ang mukha ko?", biktima na naman siya sa pagmamatch make nito.
"Hindi, kabaliktaran kasi ang ugali mo sa kanya, savage!", anito at nagtawanan naman ang mga kaibigan niya. Natawa naman siya. Loko talaga tong isang ito. Natahimik lang sila ng lapitan sila ng isa sa mga crew nila.
"Ma'am, may aberya po sa pagpiplay ng video", aberya? Sabay sabay silang lima na nilapitan ang crew nila.
"Asan ba si Victor, bakit hindi niya naayos?", si Victor ay ang technician na nakatalaga.
"Nagpunta ho saglit sa cr", hindi na sila nagpatumpik tumpik pa, kaagad nilang pinuntahan ito.
"Anong nangyari?", si Cloud, may video presentation pero mukhang hindi nagplay. Lumipas nalang kasi ang limang minuto at walang naiplay sa malaking LED tv, mukha ring tensyonado ang dalawang crew.
Mula sa kanyang kinauupuan ay nakita niya ang limang kababaihan na lumapit sa dalawang crew, the woman in her white long sleeve blouse is familiar to him, pati narin ang mahaba at alon-along buhok nito na nakalugay lang ay hindi niya maaring makalimutan.
Zailyn
May biglang nabago sa kanyang naramdaman, he cannot point it out in particular. Hindi niya magawang ilayo ang paningin niya dito.
"They must be the owner of The Creations", narinig niyang wika ni Ricos.
"They are beautiful, aren't they?", narinig niya pang usal ni Francis.
"You're right bro, may magandang naidulot pala itong pagmalfunction nitong pagpiplay ng video mo dude", ani Cloud at binalingan si Thyago na noon ay relax na relax sa kinauupuan nito. Hindi man lang ito nakialam na hindi katabi ang fiancée nito na nooy nasa table ng mga kakilala nito sa modelling agency.
"You look to relax dude, baka ikasira pa ito ng party mo", aniya dito sabay inom ng alak.
"Those women out there can fix it, maybe this is part of the plan", wika nito at kasabay niyon ay ang pagdilim ng buong paligid, kasabay ng pagplay ng malamyos na musika. Pumainlang ang magandang tinig ng bandang A1 ng kantang Like a Rose. Dim lights were on, nagplay din ang video nina Thyago at Venus. The two look so inlove in their video. The place, the music and the effect of lightning makes the place even look so romantic and dreamy.
"That was great!", bulalas ni Ricos.
"This women knows how to make a mans' heart melt", halos pabulong na wika ni Cloud. Hindi na nga nito alintana na baso niya ang hawak nito.
"I think you're drunk dude, baso ko na iyang hawak mo, alam mo bang indirect kiss ang tawag diyan sa ginagawa mo?", tinamaan ng lintik itong isa niyang kaibigan. Dagli nitong isinuuli ang glass wine niya.
"Damn!", pinagtatawanan nila ito.
"I told you, that women can fix it, and they did it well, you can rely on them dude", malaki ang kumpiyansa ni Thyago sa The Creations. Totoo nga naman na maganda talaga ang pagkakaorganize nitong party.
"Mukhang kailangan mong puntahan si Venus dude, heto at ang sweet sweet niyo sa video diyan sa malaking screen, tapos magkahiwalay kayo ng upuan. Mukhang may isa nga dito na biglang bumago ang pananaw sa buhay pag-ibig", nakangising hinarap nito si Cloud na asar na asar na dito. Tumalima naman si Thyago sa sinabi ni Francis.
"Bakit, ako lang ba? Kanina ko pa nga nakikita itong si Vico na titig na titig doon sa isang may-ari ng The Creations, yung nakawhite sleeve blouse na may alon-along buhok", obvious ba siyang masyado sa ginawa niya kanina?
"Sigurado ka diyan dude? Aba eh kung ganoon, malaking himala iyang nangyayari sa iyo", pang-aalaska ni Francis.
"Eh kung pagbubuhol buholin ko kaya kayong dalawa, kung anu-ano nalang ang napapansin niyo", tawang tawa lang ang mga ito sa kanya.
"Wag, nakakasama yan sa image mo mayor", ani Ricos at inulan na nga siya ng kantiyaw ng mga kaibigan niya.
"Muntikan na yun ah, mabuti nalang talaga at nagka plan B tayo", ani Dianne, nakabalik na sila sa pwesto nila kanina matapos nilang masiayos ang aberya sa pagpiplay ngvideo.
"Kinabahan ako doon, mantakin ba namang iyong pinakahighlight pa ang nagkaproblema", aniya, ayaw na ayaw nilang masira ang isang importanteng celebration na tulad nito ng dahil sa nag malfunction ang gamit nila.
"Anyway, that was just too close, atleast we had able to fix it on time dagdag naman ni Marchalita.
Matapos ang party at ng makita nilang nagsialisan na ang mga bisita ay nilapitan sila ni Thyago, kasaman na nito si Venus. Nagpasalamat ang mga ito sa kanila.
"Pasensiya na ho kanina", ang tinutukoy niya ay ang aberya nangyari.
"No, it's okay, actually, 'impress kami sa nagging kalalabasan niyon", nakangiting turan ni Venus.
"My friends like how it runs, I will recommend The Creation to them", dagdag naman ni Thyago.
"It's our pleasure sir and thank you so much", matapos silang magkamayan ay nagbilin sila sa mga tauhan nila na magligpit na sa lugar.
Lulan ng kanilang company service, napagpasyahan nilang lima na sa The Creations na sila matutulog, may isang room doon na sadya nilang pinagawa para kapag tulad nitong masyado na silang ginabi sa pag-uwi at pagod na para umuwi pa sa kanilang mga bahay ay pwede na silang doon na magpahinga. Kumpleto naman ito sa kagamitan, may dalawang queen size bed, sofa bed, CR at munting dirty kitchen.
"Ano yang hawak mo dude?", sumungaw mula sa pinto si Cloud, mabilis niyang naibaba ang keychain na nakita niya sa party ni Thyago sa may garden.
"Ah this, it's just some stuff I saw on my drawer", hindi niya alam kung bakit kailangan pa niyang ilihim sa kaibigan ang bagay na ito.
"What brought you here?", umayos siya mula sa pagkakaupo sa kanyang silya at hinarap ang kaibigan.
"I had a favour to ask you para sa processing ng sponsorship ko for this coming festival", malapit na pala ang festival sa kanilang lungsod. Sigurado na namang magiging busy sila sa paghahanda sa nalalapit na malaking selebrasyon.
Isa ang Bambino Festival sa malalaking celebration ng Pasig na dinarayo ng maraming tao.
"You're going to sponsor for the event? You can talk to the city tourism officer; they are the one who are incharge for the organization of the event", Isang malaki at kilalang car company ang Bernardo Cars' Incorporated na pag-aari at pinamamahalaan nitong kaibigan niya.
"Okay, I guess, other fellas are thinking of doing a sponsorship for this event, support narin namin sa iyo dude", napangiti siya ng marinig niya ang sinabi ng kaibigan.
"Pinapakunsensiya mo pa ako", aniya rito.
"Meron ka pala noon?"
"Ou naman, di naman ako tulad niyo na walang konsensiya".
"You heartless man", natatawang wika ni Cloud.
Araw ng linggo, napagkasunduan nilang magkakaibigan na magpunta sa isang resort sa Laguna para mag-unwind, matagal na rin nung huli nilang nagagawa ito.
"Girls, are we all set?", tanong ni Dianne, kotse nito ang gamit nila, at ito na rin ang official driver nila for the day.
"Ready!!", sabay nilang sagot at malakas na nagtawanan.
Pagkalipas ng dalawang oras ay narating din nila ang resort na kung saan sila mag-oovernight. Kaagad silang nagcheck in. Pagkatapos nilang maiwan ang mga gamit sa kanya-kanyang cottage ay sabay silang nagpunta sa restaurant para makapagbreakfast. They shared a happy meal.
"Pagkatapos natin dito, let's went out for a tour, tapos pagbalik natin magninight swimming tayo", anunsyo niya sa mga kaibigan.
"That would be great", excited na wika ni Hanna.
"We really have to spent this time luxuriously, dahil minsan lang natin ito nagagawa,"dagdag naman ni Marchalita.
"Mukhang kelangan nating dalasan ang paglabas labas, para naman magkaboyfriend tayo, lalagpas nalang tayo sa numero sa kalendaryo pero ito at wala man lang tayong mga syota", nakangising wika ni Jhonna Aine.
"Nandito narin tayo, simulan na natin, daig ng masipag ang malandi", palatak ni Dianne.
"Pak!!! Sige, magsilandian na tayo mga mareng", itinaas nila ang mga hawak nilang baso may lamang pineapple juice.
Pagkatapos na pagkatapos nilang kumain ay ginugol nilang lima ang oras sa paglilibot libot sa lugar. They took pictures. Kaya naman pagsapit ng hapon ng makaramdam ng pagod ay napagpasyahan nilang umuwi sa kani-kanilang cottage at nagpahinga saglit, dahil magdamag silang magbo-bonding sa tabing dagat.
"First time nating gagawin ito, let's be bold and wild", ani Dianne, nakapalibot silang lima sa bonfire, may iilan ding grupo sa may tabing dagat.
"Walang urungan na ito ah", dagdag naman ni Jhonna Aine na naihanda na nito ang bote na gagamitin nila para sa kanilang laro. Marami-rami narin ang nainom nilang alak, kaya naman medyo lasing narin sila. Kaya nga ang lakas lakas ng loob nilang gumawa ng bold and wild dare challenge. Gamit ang bote, tulad ng larong spin the bottle, kung sino man ang matatapatan ng dulo ng bote na may takip ay bibigyan ng isang dare. Nagawa ng paikotin ni Dianne ang bote at tumapat it okay Hanna. Hiyawan sila. Nagbulungan pa silang apat kung ano ang ipapagawa nila.
"Lapitan mo yung lalaki doon sa may gawing kanan, yung nag-iisa, and!!.. ask him for a date", sabay na wika nilang apat. Nakita nila na gusto pa sanang magreklamo si Hanna, pero pinagtutulungan pa nila itong tumayo at itinaboy.
"Wag mo kaming dayain", bilin ni Jhonna. Nakita nila na unti-unting lumapit ang kaibigan sa subject nila, nakita pa nila na muntikan na itong mabuwal, mabuti nalang at nakabalanse kaagad ito. Nilingon pa sila nito. Naghagikhikan pa sila ng bigla nalang itong nakatalungko sa may gilid ng subject nila, hindi na ito tuminag pa at nanatiling nakayuko, nakita din nila na nilingon ito ng binata. Niyugyog pa nito sa balikat si Hanna.
"Nakatulog na ata", aniya sa mga kaibigan. Kung malalaman lang ng mga magulang nila ang mga pinagagawa nila ay baka pinagbubuhol na silang lima.
"Nagdarasal pa ata to si Hanna", natatawang wika ni Dianne at inubos ang alak na laman ng baso.
Nakita nalang nila ang gulat na anyo ng binata matapos mag-angat ng tingin ang kaibigan nila, patay malisya na naglakad pabalik sa kanilang pwesto. Hindi na maipinta ang mukha nito, pulang pula narin ito.
"This is the craziest thing I ever did in my life", anito pagkarating at pasampalak na naupong muli sa buhanginan, para ring nahimasmasan ito.
"Iyan naman talaga ang goal natin ngayong gabi", si Marchalita, inikot na naman nito ang bote at tumapat sa kanya.
"Kiss the man na una mong makasalubong ngayon din", napailing siya sa iniutos nitong mga kaibigan niya.
"Hep! Hep!, walang urungan", ani Hanna.
Dala sa alak na kanyang nainom, biglang umikot ang kanyang mundo. Takte! Mukhang malakas ang hatak ng gravity, ramdam ko ang ikot ng mundo ah. Narinig niyang nagcheer pa sa kanya ang mga kaibigan, mga walang puso talaga ang mga ito, makakahalik pa siya ng stranger ngayon. Kung bakit ba naman kasi, sa dami ng laro sa Pilipinas, ito pa ang naisipan nilang gawin, pwede naman silang maglaro ng sleeper manequin, pinapahirapan pa nilang mga sarili nila nito. Kahit pagiwang giwang na siya sa kakalakad, wala parin siyang nakasalubong na lalaki para 'mahalikan' niya. Iniisip palang niya na siya ang hahalik dito ay kinikilabutan na siya. Sa nanlalabong paningin, nakita niyang may pigura ng isang lalaki ang papalapit, binilisan niya ang kanyang mga hakbang. Ng nasa tapat na siya nito ay tumigil siya, maging ang lalaki ay tumigil rin sa kanyang harap.
"Excuse me?", narinig niyang usal nito.
'Dios ko, ang ganda naman ng boses niya, wala sinabi ang boses ni Charlie Puth', hiyaw ng kanyang malanding side. Naipilig nalang niya ang kanyang ulo.
"I...I'm sorry, but I have to do this", ipinikit nalang niya ang kanyang mga mata, she tiptoed and kiss the man in front of her. When their lips touched, daig pa niya ang nakuryente ng 220 volts. The feeling is new to her, yes indeed; because this is her first kiss!!!!
Naramdaman niya ang pagkabigla ng binata sa kapangahasang ginawa niya. Hindi niya alam kung gaano sila katagal sa ganoong posisyon, naramdaman nalang niya na hinawakan siya ng lalaki sa magkabilang balikat at inilayo siya nito. When she bravely open her eyes and met it with the most beautiful pair of eyes she had ever seen, she saw anger on it. Humigpit pa nga ang hawak nito sa kanyang balikat.
"And what do you think you're doing, woman?", may diin sa bawat bigkas ng salita nito. Hindi lang pagkapahiya ang naramdaman niya sa puntong iyon, naidalangin niya na sana pagkurap niya ay isang panaginip lang ang lahat. Unti-unti ding luminaw ang kanyang paningin, the man in front of her na walang paalam na hinalikan niya ay walang iba kundi si Mayor Vico!!