Chapter Three

1710 Words
Naglalakad lakad siya sa may dalampasigan ng mapansin niya ang isang babae na pagiwang giwang at mag-isang naglalakad sa tabing dagat. May kung anong enerhiya na nag-udyok sa kanya na lapitan ito. The woman is surely drunk, and it will not be safe for her to walk alone on the beach at this late at night wearing those pair of two piece bikini na kahit pa may nakapatong na summer beach robe dito. Nasa tapat na siya ng babae. Nagulat siya ng tingalain siya ng dalaga at mahantad sa kanya ang magandang mukha nito, he knew her, hindi siya maaaring magkamali dahil ilang araw na rin na ginugulo ng babaeng ito ang kanyang nananahimik na mundo simula ng makita niya ito sa garden noong gabi ng engagement party ni Thyago. Kung may salita man na maaring maitapat ng kanyang pagkagulat ng maramdaman niya ang paglapat ng mga labi nito sa kanyang labi ay wala na siyang pakialam na alamin pa iyon. He was shocked after hearing her asking for sorry to him, the woman kissed her. What even shocked him more is that when she kisses him, he did not bother to end that kiss; he did not kiss her back though, which was the first thing he actually wants to do to her. He likes the feeling of having her soft and sweet lips touching his. Nademonyo na ata ang utak niya kaya hindi niya magawang pigilan ang dalaga. Makalipas ang ilang sandali, hinawakan niya ito sa magkabilang balikat, nakita niya pa na disoriented ito. 'Your too drunk that you don't know you're kissing a stranger', pinagalitan niya ito sa kanyang isip. "And what do you think you're doing, woman?", sa halip ay wika niya. Bigla na lamang na pumiksi ang dalaga at walang salita na nagmamadaling tinalikuran siya na gulat sa buong pangyayari. Muntikan pa nga itong matumba sa pagmamadali, he was about to rescue her pero nalapitan na ito ng apat na mga babae. They must be her friends. The Creations! Nakabalik na siya sa music bar ng resort na ito na pag-aari ni Cloud. Nagpaalam siya sa mga ito na may sasagutin siyang importanteng tawag, but the truth is that gusto niya munang lumayo sa ingay. He wants to organize his thoughts but it turns out that it's even more tangled after he met that woman and gave him an ambushed kiss. Gusto niyang pagsisihan kung bakit pa siya umalis sa music bar, dahil mas lalo lang gumulo ang kanyang isipan. A part of him felt relief, dahil kung hindi niya nagawa iyon, at kung hindi niya nakita ang dalaga, maybe she ambused another man for a kiss. Hindi ata siya pabor na sa iba ginawa ng babae iyon, baka napahamak pa itong tuluyan. "Dude, you're back, are you okay?", salubong sa kanya ni Francis. "Yes, I'm good, wala ata si Thyago", si Thyago ang may pakana ng pagpunta nila sa resort ni Cloud, dahil gusto daw nitong mag-enjoy. Na pinaunlakan naman nila, dahil alam nila na malaki ang problema ng binata ngayon. The problem? Women. "Lumabas saglit, pero mukhang mag-iisang oras na iyong nawala", si Francis na may nakaabresyeteng magandang babae. "Wala pa namang napabalita na may nalunod, kaya okay lang ang isa iyon", ngiti-ngiti pang wika ni Cloud. Namumula narin ang mukha nito, tanda na naparami ang nainom ng binata. "Loko mo, wala kang mercy and compassion para sa kaibigan natin dude, pag ikaw magkaloko loko dahil sa babae, iluloblob ka namin sa dagat nitong resort mo mismo", ani Francis. "Hindi iyan mangyayari dahil bago paman iyan mangyari, ipapaban ko na kayo sa pagpasok nitong resort ko", nakangising sagot nito. "Wala nga talagang puso", napailing na wika ni Ricos. "Kaya nga nagtaka ako kung bakit kabilang to sa grupo natin eh", aniya. Napuno na ng tawanan ang mesa nila. Kanina pa siya nakahiga sa kanyang kama, matapos niyang magawa ang iniutos ng mga kaibigan sa kanya kanina ay daig pa niya ang ipo-ipo na umalis sa tabing dagat. Hindi na siya nagpaalam sa mga kaibigan para mauna ng umuwi sa kanyang cottage. Sumunod naman kaagad ang mga loka at pinagtatawanan pa siya ng mga ito. Lasing nga talaga. Ilang ulit siyang kinulit ng mga kaibigan kung ano at sino ang lalaki na hinalikan niya na ganoon nalang ang kanyang naging reaksiyon. Matapos niyang masabi dito na walang iba kundi si Mayor Vico ay daig pa ng mga ito na nakarinig ng magandang balita. Sabihan ba naman siyang, "It's a celebration!!". May pasayaw sayaw pa itong nalalaman sa loob ng kanyang kwarto. Saang banda ba ang dapat niyang icelebrate sa ginawa niyang paghalik dito? "Bakit sa dinami rami pa ng tao sa tabing dagat ay si Vico pa ang naging biktima ko", hopeless na wika niya. Ano nalang ang mukhang maihaharap niya dito kung sakaling baling araw magtagpo ang landas nilang dalawa? Isinusumpa niya ang gabing ito. "Good morning!!!!", pagdating niya sa restaurant ng resort kung saan napagkasunduan nilang magbreakfast, nakita niya ang apat na kaibigan, ang saya saya pa ata ng mga ito. Samantalang siya ay gulong gulo na ang kanyang isipan sa nangyari kagabi. "Ang ganda siguro ng nagging tulog niyo ano?", aniya rito at naupo sa bakanteng upuan. "Ano naman ang drama ng suot mo Zai?", si Jhonna Aine, pinasadahan siya ng tingin ng kanyang mga kaibigan. Mula ulo hanggang paa. "Bakit? Masama na bang magsuot nitong oversize sunglasses at nitong bandana?", naiinis na wika niya sa mga ito. "Hindi, pero alas sais pa ng umaga at hindi pa masakit ang sikat ng araw eh", dagdag naman ni Dianne. "Wag niyo akong pinagloloko ha", irap niya sa mga ito. "May pinagtataguan ka ba?", pabulong na tanong sa kanya ni Marchalita. "Takot ka ba na magkita kayo ni Mayor Vico?", panunudyo sa kanya ni Hanna. Malakas siyang napabuntong hininga, kinuha niya ang kanyang sunglasses at hinarap ang mga kaibigan. Malaki ang naging ambag ng mga ito kung bakit siya nasuong sa problema ngayon. "Sa tingin niyo, may mukha pa akong maihaharap sa kanya pagkatapos ko iyong gawin?", she felt so frustrated. "Sure ka ba na nakita niya ang pagmumukha mo, madilim kaya ang bahaging iyon", bigla siyang nabuhayan ng loob ng marinig ang sinabi ni Dianne. 'Malaki ang posibilidad na hindi niya ako nakilala' , pagpapalakas niya sa sarili. "Imposible iyan mareng, kahit paano ay may mga nakatanglaw naman na ilaw, kahit na hindi gaano kalakas eh sapat na para makita mo ang mukha ng isang tao", from cloud nine to ground zero ang naging bagsak ng kanyang munting pag-asa. "Help me", mahinang usal niya at napasabunot siya sa kanyang ulo. "Ano gusto mo? Hahanapin na ba namin si mayor para makapag-explain ka sa kanya", mula sa pagkakayuko ay marahas ang napaayos siya ng upo at sabay iling. "No! Gagawin ko ba namang suman itong katawan ko kung kaya ko siyang harapin? ", pinagtatawanan siya ng mga kaibigan. Wala na siyang magawa, naging biktima siya ng mga ito eh. "Yun naman pala eh, wag mo nalang iyong isipin", si Dianne. "Kayo kasi eh, kung hindi ba naman kayo mga loko, sa dinami-rami ng laro na pwede nating laruin, bakit iyon pa?", paninisi niya sa mga ito. "Atleast hindi lang trabaho ang pinoproblema mo ngayon, may iba na, diba, may challenge", tuwang tuwang wika ni Dianne, mga walang hiya talaga. Kung papatulan niya pa ito, mas lalong sasakit ang kanyang ulo. Kaysa isipin niya ang kanyang problema ngayon, mas mabuti pang kumain nalang, baka sakaling makapag-isip siya ng tama kalaunan. "Pwedeng mag-order na tayo ng pagkain, I'm hungry, I don't want to bother myself with it." "That's the spirit", ani Hanna at tinawag nito ang isang waiter. "Ano? Uuwi ka na agad? Ang sabi eh saka na pagkatapos nating magbreakfast", mungkahi sa kanya ni Ricos. "Marami pa akong pipirmahang documents", marami din siya aasikasuhin. "Ano ka ba naman dude, you have to relax, wag masyadong devoted, bigyan mo naman ng panahon ang sarili mo, ayan at unti-unti ng namuti ang iyong buhok", natatawang wika ni Cloud. Kahit kailan, mahirap talagang pakiusapan itong mga kaibigan niyang ito. "Sigurado ka ba na hindi ka sasabay sa aming magbreakfast? Plano sana naming pag-usapan iyong tungkol sa foundation na inalok mo sa amin habang kumakain tayo", nabuhayan siya ng dugo ng marinig ang sinabi ni Francis. "Eh ano pa ang ginagawa niyo diyan? Let's have breakfast", nauna na siyang maglakad sa mga ito, baka magbago pa ang isip ng mga ito, mahirap na. "That brute", narinig niyang wika ni Francis, malakas na nagtawanan ang mga ito. "Dagdagan natin ang alalahanin mo Zai, you've mentioned last time na may proposal kayo for extension program kay mayor diba? Paano mo siya haharapin?", naibaba niya ang hawak ng kutsara at tinidor. "Oo nga naman Zai, mukhang malaki nga ang problema mo", nadagdagan pa ang inis niya sa sinabi ni Jhonna. "Urgh! Hindi ko na alam ang gagawin ko", out of frustration ay napasabunot siya sa kanyang buhok. "Sa tingin mo ikaw lang ang nahihirapan ngayon?", napatingin sila kay Hanna na lukot ang mukha. "Talking of which, ano nga pala ang nangyari doon sa lalaki na inaya mo ng date?", narinig nila ang malakas na pagbuntong hininga ng kaibigan ng tanongin ito ni Dianne. "I asked the wrong person", anito. "Then who's that person you're referring to?", tanong naman ni Hanna dito. "Si... Thyago, yung last client natin" "What?!!!!!", halos matanggal na ang mga tutuli nila sa lakas ng kanilang boses. Ibig sabihin, hindi lang pala siya ang may problema ngayon. "Sigurado ka ba?", aniya, kahit papaano ay gumaan ng konti ang kanyang naramdaman. "Ou, tipsy lang ako at hindi bulag." "Kung maglaro nga naman ang tadhana oh", palatak ni Dianne. Tama, kung maglaro nga naman ang tadhana, tulad nalang ngayon, eksaktong umangat ang kanyang tingin ng makita niya ang pagpasok ng taong pinag-uusapan nila, kasama ang mga kaibigan nito. Huli na, dahil hindi na niya nagawang bawiin ang kanyang tingin dahil nakita na siya ng binata, hindi na ito nagbawi ng tingin at nakapako ang titig sa kanya habang naglalakad. Multitasker. Automatically, her heart beats faster, kasabay noon ay ang pag-init ng kanyang mukha ng maalala niya ang halik kagabi. "Mukhang napaaga ang reunion niyo girls, sabi ko naman eh, it's a celebration", narinig niyang wika ni Dianne.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD