♛♕♛ Nanlambot ang mga tuhod ni Zeren habang pababa ng hagdan, napahawak siya sa kaniyang noo dahil pilit niyang kinakalma ang kaniyang sarili na muling bumalik sa kinatatayuan ni Adelle at humingi ng paumanhin sa mga sinabi niya rito. Pero alam niyang mas makakabuti ito kay Adelle, mas magiging ayos ang buhay ni Adelle kung babalik ito sa Goldton Empire at kalimutan na siya. Sa tanang buhay ni Zeren ay ngayon lang siya nag pasya ng hindi papabor sa kaniya, mas inuna niya ang kapakanan ni Adelle kesa sa kagustuhan niyang mapa sa kaniya ang dalaga. Nais niyang siya lamang ang mahalin ni Adelle, nais niyang hindi siya iwan ninto at manatili sa kaniyang tabi ngunit hindi naman siya mapapanatag kung alam niyang sa huli ay magiging miserable lang ang buhay ninto kung siya ang pipiliin ni Adel

