Chapter 31

1046 Words

ANG LAKAS NG HANGIN, NAKAKAANTOK. Ang sarap sanang sabayan ng tulog niyon kung hindi nga lang malansa ang amoy. Natutuyo na ang pakal-pakal na mantsa ng dugo sa backseat at tumitigas na rin ang bangkay na nakaupo roon. Ang bigat-bigat ng aking ulo. Tangina. Parang nabibiyak, ang sarap iuntog sa dashboard. “Inaantok ka na ba?” Hindi ako kumibo nang tanungin ako ng aking katabi. Ang hirap pa lang magsalita kapag paulit-ulit kong nakakagat ang aking dila sa panginginig. Kung sa bagay para ano pang sumagot ako? Hindi rin naman kumibo si Mang Delfin nang bigla nalang namin siyang isama sa pamamasyal namin ng gabi di ba? Pinagtulungan namin siyang ilabas bahay. Hindi ko maalala ang mga eksaktong nangyari kanina pero nang magkamalay ako, nakabulagta na siya sa sahig, nakakalat ang pumipintig

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD