NAMATAY DAW KAMI SA ILOG. Gago ba siya? O gaga na ako? Baka naman pareho na kami? . Namanhid ang utak ko mula nang marinig ko ang huling sinabi niya.. Hanggang makaliko ang sinasakyan namin papasok doon sa makipot na kalsada hindi pa rin gumagana ang sip ko at nanatili lang akong tulala.Papasikat pa lang ang araw. Hindi na malansa ang hangin pero puno pa rin ng matataas na talahib ang dalawang gilid ng daan. Napunasan niya na rin ang mamalgkit na marka sa backseat. Actually, wala siyang tinira ni-isang marka... “Handa ka ng umuwi?” ‘Hindi,’ ‘yon ang sagot kaso hindi nanulas sa bibig ko. He got a weird analogy about the word and it had been grinding in my head for a while. Hinatid namin pauwi si Mang Delfin... Pagod na raw siya, gusto na raw niyang umuwi... Uuwi na raw kami... Dap

