CHAPTER TEN - GONE

888 Words
Free Dance — ang hinihintay ng lahat. Kahit sino siguro, automatic na kinikilig kapag narinig ang salitang yan. Pero siyempre, bago ka kiligin, kailangan ka munang isayaw ng partner mo. Habang sumasayaw kami ni kuya, panay ang kwentuhan namin. Para lang kaming dalawang magkaibigan na nagtatago sa gitna ng ingay ng tugtugan at tawanan ng mga tao sa paligid. Nagbiro siya, “Sana maisayaw ko yung crush ko mamaya.” Napangiti ako. “Good luck, kuya,” sabi ko. Tapos bigla niya akong tinanong, “Ikaw, Asuna? Sinong gusto mong makasayaw?” “Kahit sino lang,” sagot ko, pilit na casual. “Pwede naman.” Napatawa siya. “Nakoo, wala ka bang crush? Tomboy ka talaga.” “Eh kasi naman,” sagot ko habang umiikot kami sa saliw ng musika, “kahit gusto ko, kung ayaw naman niya… may magagawa ba ako?” Tumango siya. “Sabagay, tama ka naman. Hayaan mo na nga.” Sa free dance, ganito dapat ang sistema—pagkatapos ka isayaw ng partner mo, ihahatid ka niya sa table niyo. Tapos doon ka maghihintay ng panibagong mag-aaya. Pero syempre, hindi nasusunod ang ganitong rules kapag masyadong masaya ang lahat. May umaawit, may nagbibiro, may nagpapalit ng partner sa gitna mismo ng sayawan. Kaya nang gusto na ni kuya makipagsayaw sa iba, at ganon din ako, nagpalitan na lang kami ng partner sa katabi naming sumasayaw. Paulit-ulit ang eksena. Ikot, palit, tawa. Hanggang sa hindi ko namalayang… siya na ang kaharap ko. Si Louen. “Hi, Asuna,” sabi niya agad, diretso ang tingin sa akin. “Ang ganda mo ngayon.” Bigla akong napatigil. “A—ano,” nauutal kong sagot sabay iwas ng tingin. “Luh, parang timang.” Tapos napabulong ako, halos sa sarili ko lang, “Ikaw din… ang gwapo mo.” Pero sa isip ko, mas malinaw ang totoo: Araw-araw ka namang gwapo sa paningin ko. “Sus,” natawa siya, “parati naman akong gwapo.” Tapos tanong niya, “Pang-ilang sayaw mo na?” “Pang-eight na,” natatawang sagot ko. “Medyo nahihilo na nga ako, palit-palit kasi.” “Minsan lang naman ’to,” sabi niya, parang walang iniindang kahit ano. “Ano ka ba.” “Kaya nga,” tugon ko, sabay ngiti. Pagkatapos noon, parang biglang tumahimik ang mundo. Kahit ang paligid namin puno ng ingay at tawanan, kaming dalawa parang may sariling espasyo. Wala na kaming masabi. Sapat na yung marahang pag-galaw ng katawan namin, yung init ng kamay niya sa palad ko. At saka tumugtog ang kanta. FALL FOR YOU — Secondhand Serenade “The best thing about tonight’s that we’re not fighting…” Napangiti ako sa isip ko. Paano kami mag-aaway? Hindi naman kami mag-jowa. Pero habang sinasayaw niya ako, doon ko naramdaman—ganito pala ang pakiramdam. Yung hinahawakan ka ng taong gusto mo, walang kailangan sabihin, walang kailangang ipangako. Parang hinihele ka ng musika at ng presensya niya. “Because tonight will be the night that I will fall for you…” Biglang humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Napatingin ako sa kanya. Nakangiti siya yung ngiting hindi pilit, hindi pang-asar. Totoong saya. Masaya ako. Totoo. Pero bakit parang may kulang? Bigla kong naalala si Kirito. Siguro masaya na siya ngayon. Baka naisayaw na niya yung ex niya yung taong mahal niya pa rin hanggang ngayon. “Because a girl like you is impossible to find…” Dati, nandun ako sa puntong head over heels na ako kay Louen. Yung tipong handa kang masaktan, basta makita mo lang siyang masaya. Pero ngayon parang okay na lang. Kahit may gusto siyang iba. “I may have failed, but I have loved you from the start…” Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Kung tinatanggap ko na ba o napapagod na lang akong umasa. O baka talagang nagiging tomboy na ako. Haha. “So breathe in so deep…” Sa saliw ng kanta, dahan-dahan kong inilapat ang ulo ko sa dibdib ni Louen. Matangkad siya kaya sakto lang ako roon—sakto sa lugar kung saan rinig ko ang t***k ng puso niya. Kailangan kong samantalahin ang sandaling ’to. Habang ganito pa kami ka-close. Baka wala na itong kasunod. Sandali akong nanahimik. Ramdam ko nung una na nagulat siya. Bahagyang nanigas ang katawan niya. Pero maya-maya, naramdaman ko ang paggalaw ng mga braso niya dahan dahan niya akong iniyakap. Mas mahigpit. Mas totoo. Ramdam ko ang t***k ng dibdib niya, mabilis pero steady. Parang kami lang ang tao sa buong venue. Parang huminto ang oras para sa amin. Hanggang sa matapos ang kanta, hindi kami gumalaw. Ayaw naming maunang bumitaw. Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko mula sa dibdib niya at tumingala sa kanya. Nagkatitigan kami. Walang salita, puro emosyon. Ngumiti ako yung ngiting puno ng pasasalamat at takot na baka ito na ang huli. “Salamat ngayong araw, Louen,” mahina kong sabi. At sa sandaling ’yon, kahit walang kasiguraduhan sa bukas, alam kong may isang gabi sa buhay ko na hinding-hindi ko malilimutan. Isang sayaw. Isang yakap. Isang damdaming muntik ko nang amining mahal kita. ——————————————— A.N : Grabeng antok ko kagabi, pasensya na subrang higsi ng update. Bawi ako sa mga next chapter ! Salamat ?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD