CHAPTER FOURTEEN - Hiding

935 Words
"Aside from being happy, what else can we learn from being in love with someone?" Bago ako makarating sa bahay ay inilagay ko ng maayos sa bag ang teddy bear. "Perks ng malaki ang bag hindi halata na may ibang laman." Napabungisngis ako sa naisip ko. Kahit medyo nahapunan ako ng pag uwi mas nauna pa din ako kila nanay. Pag tapos mag bihis ay agad na ako tumalima sa kusina para mag luto. Mamaya ko na ayusin mga gamit ko sa kwarto. Naexcite ako dun sa teddy bear hihi. Basta bago ang lahat mag sasaing muna ako. Pumunta muna ako sa kalan kasi wala kaming gasul, ayaw nila nanay. Linisan kalan, lagay uling, kuha ng pang palingas at sindihan. Hintay ng ilang minuto nung sa tingin ko didikit na ang apoy sa uling ay iniwanan ko na. Kuha kaldero, hinugasan ang kaldero, lagay ng bigas, hinugasan ang bigas sakto pag balik ko may baga na ang kalan pinaypayan ko muna ng ilang minuto bago ko isinalang ang kaldero. Nang maisalang ko na ay umalis ako sa kusina at hinanap ang walis tambo para mag walis at mag ayos ng mga nakakalat na bagay dito sa loob ng bahay. Walis doon, walis dito. Ayos dito, ayos dun. Lagay dito, lagay dun. Ilang minuto din na ganon ang ginagawa ko ng maamoy ko ang sinaing ko. Agad akong pumunta sa kalan para tingnan ito. Nang sa tingin ko ang malapit na itong maluto ay nilagyan ko ng sapin para hindi masunog ang ilalim. Halos ganito araw araw kung gawin umaga, tanghali or hapon man. Dapat walang mintis para walang sermon. Mahirap na. Anyway, patapos na ako sa mga ginagawa ko ng dumating sila. Pinag bukaan ko sila ng gate kasi yung topdown dala nila alam niyo yun? Same siya ng tricycle may side wheel pero walang bubong. Ginawa talaga siya para sa mga kahoy na ikakarga. Nang makapasok at nakababa na sila ay nag bless ako. Kasama na din nila si kapatid kaya siya muna inasikaso ko. Pumasok kami sa loob at pinatanggal ko ang bag niya , pinalagay ko sa tamang lagayan. Kumuha ako ng damit niya na pamalit habang tinatanggal niya ang damit pang eskwela niya. Nang makapalit na siya ng kanyang damit ay tinanong ko siya kung may assignment siya para magawa namin agad. Tumalima naman siya agad at inilabas niya ang notebook niya. Habang nakaupo kami ay lumapit si nanay samin at tinanong ako kung anong ulam ang niluto ko. “Monggo at isda na pinirito po nay.” Nakatingin ako sa kanya nung sumagot ako mahirap na. “Nakainit na din po ako ng tubig, mag kakape po ba kayo or diresto nalang po kain mamaya ?” “Mag kakape muna kami at matagal pa ata kayo jan ni dodoy. Ipagtimpla mo muna kami ng kape balik ka lang jan kay dodoy.” Mahinahong utos niya. “Sige po nay.” Sumunod na ako agad baka bigla nanaman mag iba ang ihip ng hangin at mag bago ang mood niya. Matapos kung ipagtimpla sila nanay at tatay ng kape ay bumalik ako kay kapatid para ituloy ang ginagawa namin kanina. Madali lang naman ang assignment niya this time, Pilipino Subject lang at kahit papaano natutulungan ko siya. Madali lang kami natapos after namin mag lioit ng mga gamit niya ay sinabihan ko na siya na mag pahinga muna at nag request siya na isaksak ko ang tv para maka nuod siya. Nag paalam na din ako kila nanay na aakyat na ako sa kwarto ko para mag asikaso tawagin nalang din nila ako kung may iuutos pa. Bago ako tuluyang pumasok sa kwarto ko ay inayos ko muna ang kurtina para hindi kita ang ginagawa ko sa loob at para kahit hindi nakasara ang pinto ay safe ako hehehe Inuna kung kumuha ng bagong damit para makaligo na. Dimeretso ako sa maliit naming cr sa likod ng bahay at ginawa na ang seremonyas para maging malinis. Mabilis lang naman ako kumilos kaya wala pa ilang minuto ay tapos na ako. Bumalik na ako sa kwarto ko at isa isa kong nilabas mga laman ng bag ko para madaling ayusin at sinupin. Pinahulinkung inilabas ang binigay ni Kirito para sure na walang makakakita. Inilagay ko muna sa higaan ko sa ilalim ng mga unan ko buti nalng din marami akong unan kaya hindi halata. Ilang oras din akong nag tagal sa kwarto ko bago ako tinawag nila nanay para mag hain na ng pagkain at kakain na kami. Agad naman akong sumunod para di mabadtrip sakin si nanay mahirap na. Punas ng lamesa, lagay ng plato baso kutsara, sandok ng kanin at ulam. Nung sa tingin ko wala na akong nakalimutan ay inaya ko na sila para mag simula na kaming kumain. Wala akong imik habang kumakain, nakikinig lang ako sa kwentuhan nilang tatlo. Gusto ko din sana maramdaman na kamustahin ako kung anong nanyarinsa mag hapon ko pero hanggang pangarap nalang yun. Baka isipin niyo ampon ako ah hahah hindi panganay na anak talaga nila ako. Ayaw kasi ni nanay na ako ang una niyang naging anak kaya ganito. Anyway highway balik tayo sa kwento at yun na nga after ng ilan minuto natapos na kami kumain at kanya kanya na silang alis sa hapagkainan. Dahan dahan kong niligpit ang mga pinag kainan para hindi mahulog mahirap na. FAST FORWARD Inaayos ko na ang higaan ko para makapag pahinga na ako at maaga pa ang pasok bukas bahagya kung nilabas ang teddy bear na bigay ni Kirito para itabi sa pag tulog. Hindi ko talaga makakalimutan tong araw na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD