As time passed, malapit ng matapos ang school year.
——————————
Nakatambay kami ngayon dito sa waiting shed nanunuod sa mga senior na nag practice ng marcha nila para sa Graduation day.
Habang nanunuod hinihiling ko din na sana mabilis nalang ang panahon para matapos ko na din ang highschool.
Gusto ko ng matapos lahat para maging malaya na ako pero sympre hindi yun ganon kadali. Ang maganda lang ay tuloy tuloy ang pag aaral ko. Hindi naman with honor hindi din bagsak.
Habang nanunuod sa kanila biglang na focus ang mata ko kay ate Claren. Ang ganda niya talaga. Minsan hinihiling ko na si tita nalng ang nanay ko para malaya din ako katulad nila pero sympre hanggang hiling nalang yun masaya din naman ako kila nanay at tatay madami akong natutunan sa kanila sa mga bagay bagay.
Balik tayo sa paginging maganda ate.
“Ang ganda ni ate Claren no?” Tanong ko kay Leifa.
“Hindi naman, maputi lang man siya.” Sabi niya “Mas madami mang totoong maganda jan kesa sa kanya kaya wag ka mainsecure.”
“Kaso sa pamilya namin siya ang standard” natatawang sagot ko.
“Ah basta maputi lang siya, tandaan mo yan.” Sabi niya ulit.
Hindi na ako sumagot at tumingin nalng ulit sa grupo nila ate.
“Uwi na ako Leifa medyo hapon na baka galitan ako. Ikaw ba ?” Paalam ko sa kanya
“Mamaya na siguro. Malapit lang naman bahay namin. Ingat ka sa pag uwi.” Pag bilin niya.
“Opo. Babay!” Nag simula na akong mag lakad palabas ng gate.
Habang inaayos ko ang earphone ko para mailagay sa tenga ko ay napansin ko na may nakatayo sa gate banda. Dire-diretso pang lakad ko hanggang makarating ng gate at napag tanto ko na si Kirito pala yun.
“Huy, sinong hinihintay mo jan ?” Hampas ko sa kanya.
“Makahampas parang walang bukas ah.” Natatawang saad niya “ikaw hinihintay ko may bibigay ako sayo.”
“Nako mamaya kung anong kalukuhan nanaman yan ah. Umayos ka susuntukin kita.” Banta ko sa kanya.
“Grabe naman sa susuntukin kahit alam kung hindi ka nag bibiro pero hindi to kalukuhan, swear.” Taas kamay niyang sabi.
“Okay okay. Ano ba yan ?”
“Ito oh!” Sabay abot sakin ng isang small sized teddy bear.
Hindi ako agad nakapag salita. Gulat na inabot ko ang teddy bear. Feeling ko maiiyak ako pero hindi ko hinayaan na lumabas yun baka sabihin niya ang OA ko pero kasi first time ko talaga makatanggap nito. Sabihin na natin na lahat ng kailangan ko sa pang araw nabibigay ng mga magulang ko pero yung mga simpleng bagay na ganito hindi nila naibibigay at sitriko sila sa bagay bagay.
“Asuna, Asuna! Ui ! Okay ka lang ? Hindi mo ba nagustuhan ?” Nag aalalang tanong niya. “Yan yung tinititigan mo nakaraan sa mall kaya akala yan ang gusto mo.” Frustrated na paliwanag niya.
“Asuna? Mag salita ka din. Haixt!”
Tinititigan ko ng husto ang binigay niya. Bigla nalang kumilos ang katawan ko at niyakap ko siya. Naramdaman ko na nagulat siya sa ginawa ko pero subrang saya ko lang talaga. Nang humiwalay ako sa kanya hindi ko alam kung paano mag pasalamat sa kanya.
“Kiritoo , hindi ko alam kung ano sasabihin pero subrang maraming maraming salamat para dito!” Bulalas na sabi ko. “Salamat ng madami!”
“Grabe pinakaba mo naman ako hindi ka na nag sasalita kanina.” Parang nabunutan siya ng tinig sa narinig niya sakin. “Buti naman nagustuhan mo.” Nakangiting sabi niya. Nag start na siya mag lakad at sumunod din ako pero hindi pa din ako makapaniwala na meron akong teddy bear ngayon.
“Paano po pala nalaman?” Tanong ko.
“Nasabi ko na din kanina hindi ko alam kung narining mo pero nakita ko kasi na hinawakan mo yan nakaraan at tinititigan mo after mo ibalik sa stante kaya sabi ko baka yan ang gusto mo kaha yqn ang binili ko. Sakto naman na pag balik ko ng mall tatlong araw simula ng pumunta tayo swerte at nandun pa yan. Hindi ko kasi siya nabili agad kasi wala pa akong pera.” Paliwanag niya.
“Kaso Kirito, anooo wala akong pang bayad dito sa ngayon. Naubos ko kasi nakaraan sa ibang bagay ang ipon ko.” Malungkot na sabi ko.
“Wala naman akong sinabing bayaran mo. Ingatan mo lang yan masaya na ako.” Sagot niya.
“Seryoso ? Pero bakit mo naman ako binilhan ng ganito ?” Nag tatakang tanong ko.
“W-wala, masama ka ba bilhan ? Maagang gift sayo para sa birthday mo nalang para hindi ka na mag tanong.”
“Yieeee! Salamat agad sa birthday gift. Subrang nagustuhan koo.” Masayang sagot ko sa kanya.
“Always welcome.”
——————————————-
Kirito’s POV
Woaaaah, akala ko hindi makakalusot ang sinabi ko. Buti nagustuhan niya din kasi kung hindi sayang naman yung pag trabaho ko ng ilang araw. Hahaha Yup ! Tama basa mo pinag trabahuan ko yun.
May subdivision kasi malapit sa bahay namin tapos nag hahanap ng part-timer yung mag kikiskis ng semento bago lagyan ng pintura. Sabado at Linggo ako nag part-time. Mura lang naman yun kasi maliit lang kaya may naiwan pa sa sweldo ko at binili ko ng sapatos ko at ilang pyesa para sa bike ko.
Sadyang hinintay ko siya dito sa gate at nag paiwan ako sa mga kasama ko kanina. Nakita ko kasi na nanunuod pa sila ng practice para graduation.
Sobrang kinabahan ako sa reksyon niya kanina tapos bigla na siyang hindi nag salita kaya akala ko hindi niya gusto.
Nung bigla niya akong niyakap nagulat talaga ako kaya hindi ko alam ang gagawin ko. Buti nalang hindi niya na pinatagal ng husto.
Subrang saya ng mukha niya. “Ito pala yun, makita lang kitang masaya okay na din ako.” Nakangiting sambit ko habang nakatingin sa kanya.
Nag lalakad kami pauwi at hindi niya talaga binitiwan ang teddy bear. Niyayakap niya ito.
“Salamat ulit para dito Kirito. Iingatan ko to promise.”
“Dapat lang, bigay ko yan kaya dapat ingatan.”
———————-
AN. Dapat matapos to ng mabilis ?
Seee you soonest !