Natapos ng matiwasay ang event. Nakauwi kaming lahat ng ligtas. Hindi na ako nakapag kwento kung anong nangayari kagabi sa subrang pagod at antok.
Sympre may event kahapon kaya walang pasok ngayon horaay! Pero need ibalik ang gown na hiniram. Kaya ito ako ngayon hinihintay si Sinon. Yup siya kasama ko ngayon. Hindi ata kinaya ni Leifa kaya hanggang ngayon tulog pa din.
First time kung umalis ng walang kasama na guardian buti pinayagaan ako. Habang nasa jeep kwentuhan lang ng mga nangyari kagabi. Inaasar nga ako nitong isa kasi nakita pala nila kami kagabi ni Louen sabi ko naman sa kanya wala yun.
"Ang landi mo kagabii! May tinagago ka pang ganyan ah? Yieeee ikaw ahhhhh." Tuya niya sakin. Sabay tusok tusok ng tagiliran ko
"Parang timang too ang ingay mo tinitingnan na tayo ng mga tao oh." Turo ko sa mga pasahero din ng jeep.
Bigla siyang nahiya pero panay pa din ang kurot sakin patago.
"Paano na si Kiritoo? Ang landeee." Pabulong na tanong niya.
"Friends lang man kami ni Kirito ano baaa." Pigil ko sa boses ko para hindi lumabas ng malakas.
"Landeeee." Bulong niya
Nakarating na kami sa pinag rentahan ng gown at sinauli ito.
Habang pababa kami ng boutique nila ay may natanggap ako na message.
"Saan na kayo?" -Kirito
Bakit kaya? Tinawagan ko nalng siya para di natumagal ang pag type wala naman ako sa bahay eh.
Ringggggggggggggg—-
"Oh? Bakit mo tinatanong kung saan kami? Teka? Teka? Wala pa naman tayong convo ngayong araw ah. Sinong kayo? "
"Sabi kasi ni Sinon mag sasauli kayo ngayon ng gown mo tapos niyaya niya ako na sumama sa inyo gumala saglit jan sa bayan."
Tiningnan ko ng masama si Sinon.
Bigla niyang nilihis ang tingin niya sabay sipol sipol ng mahina.
Napatampal nalang ako ng mahina sa noo ko.
"Ikaw nasaan ka ba?" Tanong ko.
"Dito na ako sa may junction 1. Malapit lang sa Kapitol, kayo ba ? " Sagot niya
"Dito palang kami banda sa Motolite. Wait tanong ko si Sinon kung ano gagawin."
"Sinon saan natin kikitain si Kirito? Baka nag hihintay yun."
"Yieeee, concern." Tuya niya sakin.
"Helllo, ikaw kaya nag yaya sa kanya nakakahiya naman sa tao, saan nga?"
"Sa plaza quartel nalang kaya? hindi ka pa nakapunta dun diba ?" Tanong niya
"Oo sige sige." Sagot ko sa kanya.
"Kirito sa plaza quartel ka nalang daw bumaba dun nalng tayo mag kita. Pasakay nadin kami ng jeep hindi na din ito matatagalan." Paliwanag ko sa kanya.
"Sige see you, baba ko na tawag. Babay." Paalam niya.
"Sige, see you!"
——————-
"Asuna, Sinon dito!" Pag tawag atensyon samin ni Kirito.
"Hi Kirito!" Bati ni Sinon.
"Yow, musta." Sagot ni Kitiro "Hi Asuna!"
"Hello, kanina ka pa?" Tanong ko
"Hindi naman, 5mins ago palang siguro." Sagot niya. "Tara na sa loob?"
"Suree" duet na sagot namin ni Sinon.
"Ganda pala dito? Daming bulaklak!" Bulalas ko habang ginagala ko ang aking paningin.
Plaza Quartel kasi dati siyang daungan nung time na may war dito sa Pilipinas, Cold War.
May mga ruins pa na naiwan dito katulad ng tunnel na nasa gilid ng gate dito sa loob.
Open siya pero hindi pwedeng pumasok hanggang tingin lang.
Ang ganda niya din tambayan kasi maraming puno at halaman may mga upuan din. May mga iilang information din na nakalagay sa tarpuline about sa cold war.
Panay ang kwentuhan namin habang nililibot namin ang lugar. Picture dito, Picture dun ang ganap saming tatlo .
Gamit namin ang touchscreen na Samsung phone ni Sinon siya palang kasi may ganong klase na phone samin. Rich kid dibaa?
May ilang picture na din kami ni Kirito sa kanya at kanina ko pa din napapansin ang pag sadya niyang iwan kaming dalawa.
"masasakal ko talaga tong babae na to pag kami nalang nakakahiyaaa." bulong ko sa sarili ko.
"Nah, Kirito jan naman kayo sa may upuan daliiiiann." utos niya samin sabay wagay way ng kamay niya samin naparang reyna.
"Sensya na Kirito napag tripan niya tayo gawing model." hinge ko ng pasensya.
"Okay lang ano ka ba minsan lang tayo dito sagarin na natin atleast may manigpicture at storage tayo sa kanya hahaha" tumatawang sambit niya.
"Jan sa may puno tabi kayo jan tapos yung ulo niya sa pagitan ng sanga."
"Jan naman sa may street lamp."
"Dito naman." "Yan ganyan." "Ayusin niyo upo niyooo" Feel na feel niya pagiging photographer niya.
"Dito pa. Dito din, ayos niyo ngaaaa. Smilee! Dikit unti." Si Sinon pa din yan.
"Sinon pwede timefreeze muna?" Sabi ni Kirito napagod na siguro kakalipat lipat halos naikot na din namin ang buong plaza. Napasalmpak na upo siya sa malapit na upuan.
"Okay kalang? Sorry ang hype ni Sinon." Hinge ko na paumanhin sa kanya.
"Ano ka ba kakasabi ko lang kanina na okay lng naman. Sulitin nalng natin." Nakangiting sagot niya habang pinupunasan ang butil butil niyan pawis sa pisnge.
"Okay sabi mo ei." Umupo na din ako sa tabi niya. Maya maya ay lumapit na din samin si Sinon.
"Tara sa Mall naman tayo." Sabay tingin niya sa relo niya. "Para makauwi tayo ng maaga." Pang aaya niya.
"Kaya pa?" Tanong ko.
"Oo naman maliit na bagay." Tumayo siya at nag pagpag ng pantalon niya. "Tara na." Lahad niya ng kamay niya sakin.
Tinanggap ko din ito at tumayo na.
"Sows, ang tamis naman niyan." Nakalimutan ko na nandito ito.
"Hindi ba pwedeng tinutulungan niya lang ako?"
"Sowws, may chemistry talaga kayo." Pag tutuya niya.
"Nakoo tara na nga." Nauna na ako mag lakad baka kung ano ano pang sabihin niya.
"Yieeee guilty ang best friend koo." Pahabol na sigaw niya
"Nakakahiya na itong ginawa niya." Pinagtitinginan kami ng mga tao sa loob ng plaza sa biglang pag sigaw niya.
Buti nalang nakalabas na ako sa gate bago pa siya may masabing bago. Hinintay ko nalng sila sa labas. Pag labas nilang dalawa ay nag tatawanan sila. Hindi ko alam pero nainis ako sa nakita ko.
Nang makalapit sila sakin ay tinanong ako ni Kirito bakit nauna akong lumabas.
"Nag kwekwento pa naman si Sinon ng mga kalukohan niyo." Tumatawang saad niya.
Tumango nalang ako kasi nawalan ako ng sasabihin. Pumara ng tricycle si Sinon para makapunta kami sa pinaka malapit na mall.
Nag maksakay na wala kaming imikan hanggang sa makarating sa destinasyon namin. After mag bayad ay nag pasalamat kami sa driver at pumasok na sa mall.
"Kain muna tayo? May Stall ang Mcdo dito yung para sa ice cream at sundae nila." Aya ni Sinon.
"Sige okay lang din." Sagot ni Kirito. "Ikaw, Asuna?" Tanong niya.
Tumango lang din ako. Nag order na sila tinanong din naman nila ako kung anon gusto ko. Sympre vanilla ang akin. I'm really fond of milk and cheese sarap kasi.
Naibigay na ang mga order namin at nag bayad na din kami. Pumasok na kami sa mall at nag libot libot.
Nakarating kami sa mga stuff toy section sa west wing ng mall. Matagal ko ng gusto mag karoon ng mga ganito kaso hindi kaya ng ipon ko. Hanggang tingin lang muna yakap yakap tapos balik sa stante nila.
"Gusto mo?" Tanong ni Kirito. Nasa likod ko na pala siya.
"Hindi hahaha wala akong pera na pambili niyan."
"Di ko naman sinasabi na bilhin mo. Ang tinatanong ko kung gusto mo."
"Bakit bibilhan mo ba ako?" Tanong ko
"Malay mo , depende sa sagot mo." Nakangiting tanong niya.
"Sus tumigil ka Kirito." Hinila ko nalang siya papunta kay Sinon.
"Tapos ka na pumili Sinon ?" Tanong ko.
"Oo mag babayad nalng din ako wait niyo lang ako ah, salamat." Turo niya sa upuan malapit sa exit nago siya lumakad papunta sa cashier.
Nakakainip pala mag hintay kaya nag lakad lakad muna kami ni Kirito dun sa madali lang kami makita ni Sinon. Wala kaming kibuan habang tumitingin tingin kami sa mga bagay bagay.
"Masaya ka din, Asuna?" Biglang tanong niya.
"Oo naman. Nakakapagod pala ang ganito. Lalo na dun sa Plaza Quartel kanina." Natatawang sabi ko.
"Kaya nga!. Grabe walang kapaguran si Sinon kanina. Grabee. Hahaha." Natatawa nalang siya habang inaalala niya mga nangyari kanina.
"Ewan ko nga kung anong nangyari dun bakit ang hype kumuha ng picture kanina." Napapakamot na sagot ko. "Gusto mo ipadevelop nalang din natin sa kanya diretso? Bayad lang tayo? Hindi niya din kasi maipasa satin kasi keypad pa mga phone natin."
"Kaya nga, pahinge nalng ako ng copy ah?"
"Sure——." Sasagot pa sana ako ng bigla namin marinig ang pag tawag ni Sinon.
"Asunaaa, Kiritooo tapos na ako mag bayad." Sabi niya habang nag lalakad palapit saamin.
"Tara? Uwi na?" Yaya ko. "Baka hindi na ako makaulit pag hindi ako umuwi ng maaga."
"Oo baka gabihin tayo pagalitan din ako." Pag sang ayon ni Kirito.
"Oh siya. Tara na lalakad pa tayo ng unti papaunta sa abangan ng jeep." Sabi ni Sinon.
Nakarating na kami sa abangan ng sasakyan, sakto naman ng may dumating na isang jeep na na papunta sa barangay namin na wala pa masyadong sakay. Sumakay na kami at nag bayad agad.
Wala nang kwentuhang nangyari habang nakasakay kami dahil na din siguro sa pagod. May mga sumakay at bumaba na pasahero. Ilang barangay nalng din at makakarating na sa amin.
Maya maya pa ay pumasok na sa kanto ng barangay namin ang jeep. Naunang bumaba si Sinon.
“Babay! Sa sunod ulit.” Paalam niya samin at bumaba na siya.
Mga ilang minuto ay bumaba na din kami ni Kirito.
“Salamat po!” Sabay na sabi namin dalawa sa driver.
“Nag enjoy ako ngayong araw Kirito. Salamat! Sana may susunod pa.” Nakangiting sabi ko.
“Naman, dapat talaga may susunod pa.” Nakipag apir siya sakin. “Malapit na bahay namin. Ingat sa pag uwi. Kita kits bukas sa school. Babay!” Paalam niya.
“See you!” Nakangiting sagot ko.
——————-
Sunod na araw ulit !
Instagram account @Jayern's Escapade
Seee you ! Mwu!