More practice have been done and many days have passed. Bukas na ang Promenade.
Ako lang ba or excited din ang iba? Nag papasalamat lang talaga ako sa mga pinsan ko, dahil sa kanila nakasama ako this time. Never naman kasi yan sila nawala sa mga school events kaya swerte pa din .
Kasama ko ngayon sila ate Claren at tita Sally (mama nila) dito kami sa isang boutique ng mga gown para pumili ng pwedeng rentahan.
Hindi ko alam kung ilan lang binigay ni nanay na pang renta ng gown ko pero sana kung ilan man makarenta na ng maganda ganda.
Pili dito, pili dun. Hindi ako makapili, napatampal nalang ako sa noo. Nawala atensyon ko sa pag hahanap ng marinig ko sila tita.
"Nak ito maganda sayo." Sabi ni tita habang inaabot ang dilaw na gown kay ate.
Subrang maasikaso talaga yan si tita sa mga anak niya kahit dati pa.
Panigurado babagay yan sa kanya. Maganda kasi siya. Maputi, Magandang hugis ng mukha, Medyo matangos din ang kanyang ilong, Mapupulang labi, Balingkinitang katawan.
Hahah, wag niyo na ako tanungin kung ano sakin. Baka magtaka kayo bakit ako ang centro ng kwento na ito. Normal lang ako na estudyante.
Balik tayo kila ate. Nung lumabas siya galing sa fitting room napapalatak si tita.
"Sabi na nga ba bagay sayo nak. Yan nalng kukunin natin." Pinaikot niya saglit si ate para makita ang kabuuhan nito. Halata namang masaya si tita sa nakikita niya at bago niya inutusan si ate para mag palit.
"Nak, nakapili ka na ba? May nakita ako dito kanina dilaw din gusto mung tingnan ?"
"Sige po." Hinila niya ako papunta sa pinaglalagyan ng sinasabi niya.
"Ito siya nah, itry mo ding isukat para makita natin." Sabay abot niya sakin at medyo patulak akong pinaalis para pumunta na sa fitting room.
"Bagay kaya sakin ang dilaw? Baka maslalo akong umitin tingnan? Yaan mo na nga."
"Huhu, ang kati naman nito, hirap pag hindi sanay sa mga ganitong okasyon."
Tiningnan ko sarili ko sa salamin.
Okay lang naman. Parang tanga unti hahaha. Charoot. Hindi ko naman alam kung bagay ba o hindi. Lumabas nalang ako fitting room para makita ni tita.
"Tita, Okay na po siguro ito." Kuha ko ng atensyon niya.
"Bagay naman nak, pwede nayan. Bumalik ka na dun para magpalit para mabayaran na natin yan." Marahang sabi niya. Minsan nga iniisip ko kung siya naging nanay ko masaya siguro ako ngayon.
"Sige po."
Nang makapag palit ay inabot ko agad kay tita ang gown para mabayaran niya sa cashier.
After tingnan ng sales lady ang mga nirentahang mga gown ay nag bangit na siya ng presyo. Agad naman inabot ni tita ang bayad.
Iniabot na kay tita ang dalawang gown na naka plastic. Nag pasalamat at umalis na kami.
Habang nag aabang ng masasakyan pauwi ay nag kukwetuhan sila tita at ate halatang excited para bukas.
Nakikinig nalang din ako sa kanila maski din naman kasi ako ay excited din naman para bukas.
Ano kayang mangyayari bukas?
—————————————
Promenade day.
Sympre walang pasok ngayon. Nandito ako kila tita makikita sawsaw din ako sa pag prepare nila dito kasi hindi naman ako aasikasuhin ni nanay.
Nakakatuwa lang kasi medyo palanga ako nila tita dito kaya dito takbuhan ko parati.
Naligo na ako, nag suot na ako ng mga panloob na damit at pinatungan ko muna ng sando at shorts. Inaayusan na din si ate at si Troy.
Nakatingin lang ako kay ate. Ang ganda ganda niya kasi. Bagay na bagay sa kanya yung nirentahang gown.
"Nak, nak, kunin mo na ang gown mo at isuot mo na ikaw na sunod aayusan ni Tita Elisa mo." Tawag sakin ni tita.
"Opo tita, saglit lang po."
Pumasok ako sa isa sa mga kwarto ng bahay nila at hinubad ang suot kung sando tinira ko lang ang bra at shorts. Dahan dahan kong sinuot ang gown baka masira at dagdag pa ng bayad.
Nang matapos kung isuot ang gown ay tingnan ko ulit ang kabuuan ko sa salamin.
Feeling ko naging tao ako ulit kahit papaano. Lumabas na ako ng kwarto para maayusan ako ni Tita Elisa.
Pulbo dito, foundation dun, lipstick at kung ano ano pa hanggang sa matapos.
Pinakita sakin ni tita Elisa kung okay na ba sakin ang ginawa niya.
Okay na din naman siya nag mukha na akong babae haha.
Dahil tapos na kaming tatlo ayusan ay nag bless na kami kila tita at tito at nag paalam na aalis. Sa school kasi ang meet up ng lahat ng estudyante. 3pm ang call time at 2:30 palang naman kaya sakto nasa school na siguro kami by 3pm. Nasa school din ang mga gagamiting sasakyan papunta sa hotel na nirentahan para sa event.
Habang nag lalakad ay medyo kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit. Tahimik lang din si ate at Troy malamang hindi lang ako ang kinakabahan. Nang makarating kami sa school marami na ding mga classmate ko ang nakapila para makasakay na. May mga ilan- ilan pa na hinintay. Pilipino nga naman. Hahahaha
Hindi na rin naman nag tagal ay nakumpleto na lahat ng estudyante. Sinenyasan na ng mga guro ang mga driver na pwede ng umalis. Habang nasa biyahe may ibang nag kukwentuhan, ang iba naman tahimik lang. Kasama na ako dun sa tahimik lang.
Iniisip ko talaga kung anong mangyayari mamaya. Medyo malayo kami sa city proper ng bayan namin kaya aabutin ng isang oras ang biyahe.
Nakatingin lang ako sa labas ng sasakyan habang nag mumuni muni. Hindi ko namalayan nasa labas na pala kami ng hotel.
Isa isa kaming tinawag para luminya na at tumabi na sa aming mga partner. Maya maya pa ay may tumabi na sakin at nakita ko si kuya pakner. Yup kuya, tawag ko sa kanya atleast hindi kami awkward.
"Pogi naman ng kuya pakner ko." Bati ko sa kanya.
"Maganda ka din, mukha ka din mg babae kahit papaano." Natatawang sabi niya.
"Hahaha ang kati nga, sana matapos na to para makauwi tayo ng maaga."
"Kakarating lang natin gusto mo na umuwi?"
"Hahahah hinga malalim kuya at malapit na tayo pumasok." Hila ko sa kanya at kinawit ko na ang braso ko sa braso niya.
Tuluyan kaming nakapasok sa entrance at huminto kami sa arko na maliit na may bulaklaking desenyo na kasya ang dalawang tao. Habang nakahinto ay binabangit ang pangalan namin at saglit kaming kinunan ng litrato.
Matapos ang ilang segundo na pag hinto ay muli na kaming lumakad papunta sa assigned seat naming mag partner.
Bago kami makaupo ni kuyang pakner napalingon ako sa gawing kanan namin at saktong nag salubong mata namin ni Kirito.
Ngumiti ako at sabay kaway sa kanya. Ngumiti din naman siya pero agad din siyang tumalikod.
"Anyari sa lalaking yun? May regla?" Natatawang saad ko sa isip. "Yaan mo na nga."
Nang makarating kami sa upuan namin ay nag paalam din si kuyang pakner na pupunta sa mga tropa niya.
"Sure, balik ka lang din kuya pag tapos na kayo. Mamaya hindi mo na ako balikan hihilain talaga kita hahah"
"Loko, saglit lang naman ako dun haha babalikan kita wag ka mag alala."
"Sene ell binabalikan hahaha."
"Nako haha dami mo talagang alam, sige na." At umalis na siya.
Naiwan akong nag mumuni-muna sa upuan namin. Hindi ko din kasi close ang mga kasama namin sa table pero pag nag tatanong sila sumasagot naman ako.
Inilabas ko ang keypad kong cellphone (yes, keypad pa gamit nila dito haha sorry na nga)
Tinignan ko lang kung may text.
Nanay:
"Uwi agad pag tapos jan at wag na mag pagabi. Maya maya kung saan saan ka pa pupunta."
Maliban jan wala ng ibang text. Ewan ko siguro nasanay na ako at hinahanap ko ang text niya.
"Yaan mo nga busy busy din naman kasi ngayon." Sagot ko sa isip ko ulit .
Maya maya pa ay bumalik na si kuyang parkner at nag start na ang program para sa event ngayong gabi.
————————-
Excited na ba ang lahat sa promanade ? Kayo anong pinakanakakakilig na memories niyo sa event na yan ? Comment na !
Mwu ?