"I've never seen a love that blooms so fast or maybe it was God's plan all along. It's answered prayer and it's finest."
Kirito's POV
"Okay , okay from the start." Sabi ng Dance Instructor namin para sa Promenade.
Hawak ko ngayon ang kamay ni Lis. Kanina ko pa inob-obserbahan ang sarili ko hindi ko alam kung bakit pero kahit ilang ulit ko na hawak ang kamay niya ay wala akong maramdaman. Hindi ko din alam kung bakit dapat may maramdaman ako sa pag hawak kamay namin.
Sinabihan ko din siya na ayusin na namin para matapos agad. Simula ng mag start ang practice na ito kanina pa hinahanap ng mata ko si Asuna.
"Saan kaya yung babae nayon?"
"Sinong hinahanap mo ?" Nagulat ako sa tanong ni Lis.
"Huh? Nasabi ko ba ng malakas akala ko nasa utak ko lang hahah."
"May gf ka na pala baka mag selos yun." Sabi niya. Hindi ko alam kung tama yung nakita ko sa mukha niya. She seems not happy about it.
"Hindi pa naman kami." Nakangiting sagot ko.
"Ah , nililigawan mo ?" Biglang nag bago ang expression ng mukha niya.
"Hindi pa din hahah. Basta malabo." Sagot ko.
Ngumiti nalang siya ng nakakaloko at hindi na sumagot.
————————
Patuloy ang pag practice ng mga nasa special introduction dance para sa Promenade.
Nandito lang ako sa gilid ng second floor habang nanunuod.
Wala naman kasing ipractice ang mga hindi kasali dun maliban sa pag pasok ng venue kasama ang partner so yung mga special dances ang pinag lalaanan nila mas matagal na oras.
Kanina ko pa din kinakastigo ang sarili ko dahil sa hindi ko naman gusto tong nararamdaman ko pero sa tuwing napapatingin ako sa kanilang dalawa parang gusto sila puntahan at pag hiwalayin.
Kaya din siguro nandito ako sa gilid para hindi halata na nanunuod ako.
"Bagay naman sila ah." Kombinsi ko sa utak ko.
"Yah, and Cows can fly." Kung may mata lang siguro ang utak ko nag roll eye na siya sakin haha.
Saan ba kasi sila Leifa at Sinon ? Ay oo nga pala kasama sila , napahampas nalng ako sa noo ko. Asahan niyo ako kahit papaano sa pag kanta pero wala akong tatamaan talaga sa pag sayaw.
Isasalpak ko sana ang mahiwagang earphones ko ng biglang may tumabi sakin.
Ng tingnan ko kung sino ito ay nagulat ako.
"Ex ni Kirito to ah, bakit kaya ?" Tanong ko sa sarili ko.
"Kayo na ba ni Kirito ?" Ura-urada niyan Tanong na ikinagulat ko.
"Hindi ." Diretsong sagot ko . "Mag kaibigan lang kami."
"Oh? Talaga lang huh? Hindi ka din sinungaling no?" Taas kilay niyang sagot sakin na nanunumbat.
"Bakit ba kasi ako tinatanong mo? Makapag tanong ka akala mo naman kayo pa. Desperada."
Pag sasawalang bahalang sagot ko. "Jan lang naman siya sa baba bakit hindi mo puntahan para hindi ako ang guluhin mo. Wala ka ding mapapala sakin kasi isa lang sagot ko jan hindi kami." Dire-diretsong sagot ko sa kanya sabay roll eye.
Halatang hindi niya nagustuhan ang sagot ko sa kanya at padabog siyang umalis sa tabi ko.
Napabuntong hininga nalang ako ng tuluyan na siyang nawala sa paningin ko.
"Hay bakit pati ako nadadamay sa mga kalandian niya."
Saktong natapos nadin ang practice nila kaya bumaba na din ako para umuwi.
Habang palapit na ako kila Sinon at Leifa hindi ko maiwan na hindi mapatingin sa kanila ulit.
"Tsk , hindi pa ba sila tapos mag usap. Hindi ba sila nag kakasawaan ? Never mind. Let them be."
Diretso ko nalang na pinuntahan ang dalawa.
"Tara na Asuna, tapos na kami." Sinon.
May usapan kasi kami ngayon na manlilibre sila.
Dumiretso kami sa paborito naming tambayan Soft drinks at biscuits ang binili nila nakasya saming tatlo.
"Kakaloka partner ko kanina ang lagkit ng kamay, kaibaaa." Reklamo ni Sinon.
"Buti pa partner ko malinis head to toe at at bango pa hahha." Pang aasar ni Leifa.
"Tsk. Ikaw Asuna anong ginawa mo ?." Tanong ni Sinon.
"Pinapanuod kayo habang nag hihintay."
"Kami o si Kirito ? Hahaha ikaw huh ." Panunuksong sagot ni Leifa.
Bigla kung naalala ang nagyari kanina kay diretso ko na ding kiniwento sa kanila.
"Alam niyo ba nilapitan ako ng ex kanina ni Kirito habang nandun ako sa taas." Sabi ko sabay inom ng softdrinks
"Seryoso? Anong ganap ?" Biglang nag iba tono ng boses ni Leifa.
"Wala naman pero tinanong niya kung kami ni Kitito . Sympre hindi ang sagot ko kasi hindi naman talaga kami. Nairita ata sa sagot ko nag walk out hahah."
"Gagang yun, hiwalay na sila ni Kirito nakikisali pa din. Kapal ng mukha." Sabi ni Leifa.
"Kumikering-keng padin hahah." Natatawang sabi ni Sinon.
"Yaan niyo na hindi niya naman ako sinaktan kaya goods lang. Ubusin nalang natin tong mga binili niyo para makauwi na tayo."
Nang matapos namin ang meryenda ay umalis na din kami sa tindahan. Nag paalam na ako sa kanilang dalawa ibang routa kasi ang papunta sa bahay namin.
Habang nag lalakad pauwi ay may narecieve akong text.
"Nakauwi ka na ba ? Hinahanap kita kanina hindi na kita makita sa school. Sasabay sana ako sayo umuwi."
Bakit kailangang hanapin ako pwede naman siya umuwi ng kanya. Pag tataray kung pasagot sa isip ko "Bakit daw pero kinikilig?" "Wag kang papansin utak, utak ka lang. shupeeee."
Anyway, nag reply ako na kasama ko sila Sinon at Leifa, bonding saglit.
"Ganon ba kaya pala. Ang pagod ng practice kanina. Minamadali na kasi sila haixt. Musta araw mo ?" Tanong niya.
"Okay lang. Nakakainip mag hintay." There was part of me na gusto ko mag tampo pero di pwede.
"Hahaha buti ka nga nakatambay lang eh, ayaw mo non pwede ka matulog ? Baka hindi na pala muna ako makareply after nito may pinapagawa si tita. Ingat sa pag uwi. Pahinga ka din muna. Babay." Paalam niya.
Hindi na ako nag reply at patuloy nalang ako sa pag lalakad para makauwi ng maaga .
Kirito POV
Gusto ko sana ikwento sa kanya ang kung ano nangyari sa practice kaso parang walang siya sa mood or baka pagod.
Habang nag practice kanina nag kukwetuhan pang kami ni Lis about sa mga bagay bagay.
Nakwento niya din nakakahiwalay lang nila ng Boyfriend niya before mag start ang practice sa Prom.
And she jokingly said na dapat siya daw last dance ko parehas naman daw kaming walang jowa.
Natawa nalang ako dun pero sympre hindi pwede .
Hanggang sa natapos ang practice ay kwentuhan lang kami ng kwentuhan. Pauwi na siya at niyaya niya ako para sabay kami pero nag paiwan muna ako.
Kanina ko pa nililibot ang school na possible na tambayan niya pero wala na siya.
"Umuwi na siguro yun. Text ko nalng baka hinahanap na din ako ni tita."
Mag hapon kaming hindi nakapag usap kasi may practice. Namiss siya ng systema ko haha, yup namiss ko siya.
——————-
"Being in-love is dangerous. Dangerous to the point that you can't see anybody else besides to that person you're in loved with. Even though they did wrong things you will just act that you don't see it. You will do everything even if can hurt you just to make them happy. That why they call it LOVE IS BLIND. "